webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Book&Literature
Not enough ratings
48 Chs

chapter 25

Malapit na ako sa nagbebenta ng mga makukulay na kagamitan ng may narinig ako sa di kalayuan.

"Hoy Josefa, dumaan na ba si Susan sa stall mo?"

"Hindi pa... Bakit Karen?"

"Aba'y balita ko, andiyan raw yung alaga niyang napakayaman at gwapong bata. Ano nga ba pangalan nun Josefa?" Si Keanne kaya yun?

"Ah si Keanne... Talaga? Dumating na siya? Aba'y ang swerte na naman natin…" Sabay napalakpak yung si Aling Josefa at napangiti-ngiti dun sa kausap niya. Sandali nga, uso ba ang ngitian ngayon?

"Aba'y sinabi mo pa... Napakaswerte talaga natin diyan kay Keanne dahil mabait, matulungin at napakaalalahanin ng batang yan..." Hindi ko alam kung nagkamali ako ng rinig o hindi lang masyadong nalinisan yung tenga ko kaya kung anu-ano na lang bigla yung narinig ko. Hindi ba sila nanloloko? Anong sabi nila… Mabait, matulungin at napakaalalahanin ni Keanne? Parang hindi naman ata totoo yun… Yung monster na yun? At napailing-iling ako sa sarili ko.

"Kaso mare narinig ko dun kay Karyo kahapon na naaksidente daw ang bata at ngayo'y baldado."

"Talaga? Aba'y kawawa naman… Sandali, ano nga bang araw ngayon? Hindi ba ngayon ang pista natin?"

Napatango-tango si Aling Josefa kay Aling Karen na nakangiti na rin. "Kung gayun…" Parehas na nanlaki ang mata nila at napalakpak sabay na malakas na sumigaw ng hindi ko inaasahan na maririnig ko.

IMPOSIBLE!!!

Ngayon?

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at lalo pa akong nagkaroon ng interes sa sumunod na pinag-usapan nila kaya sinundan ko sila hanggang sa may isang plano na nabuo sa utak ko.

KEANNE'S POV

"Anong oras pa ho siya nagpaalam sa inyo Yaya Susan?"

"Mga alas-diyes pa hijo..." Alas-diyes pa eh alas-diyes na ng gabi at wala pa si Thiam dito! Napatingin ako kay Yaya, kanina pa siya tensiyonada at tiyak dahil sa pag-aalala kay Thiam. Nasaan na ba kasi lupalop ng Tagaytay yung babaeng yun at hindi pa siya umuuwi!

"Ano hong sabi ni Mang Karyo?"

"Hinanap na nga niya sa mga posibleng lugar na mapuntahan niya na malapit lang sa atin pero wala siya at tinanong na nga niya ang mga kabaryo natin pero wala daw silang napansin ni nakita na anino man lang ni Thiara. Hijo, paano kung may nangyari sa kanya? Anong gagawin natin?"

Sakit talaga sa ulo yung babaeng yun… Ayoko pa naman mainis ngayon lalo na't hindi ko inaasahan ang mga hinanda ni Yaya at ni Mang Karyo at inaasahan ko nga na sana kahit kaunti may naging partisipasyon si Thiam lalo na't wala kaming session ngayon pero tignan mo nga yun, naglakwatsa! Sandali nga ano ba akala niya Manila eto? I admit this is a safer place but she even didn't know people around here! Paano nga kung may nangyari sa kanya? Wait a minute, why should I care if something happen to here? Admit it Keanne, your starting to care for her.

Napailing-iling ako at napatingin sa akin si Yaya. "May problema ba hijo?"

"Nothing Yaya..." Napabuntung-hininga ako at hinawakan ko yung gulong ng wheel chair. "Kung darating ho si Thiam pakipuntahan ako sa kwarto ko. Aakyat ho muna ako dahil bahagyang sumakit ho kasi yung ulo ko."

Napatango-tango si Yaya Susan at tinulungan ako sa wheel chair ko. Napatingin ako sa kwarto ni Thiam. Where are you Thiam? At pinihit ko yung doorknob sabay pasok sa kwarto ko.

END OF KEANNE'S POV

"Keanne…"

Bahagyang gumalaw si Keanne at unti-unti niyang minulat yung mata niya at napangiti ako sa kanya.

"Thiam?" Tumango-tango ako pero kumunot yung noo niya sa akin. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Kadarating mo lang ba? Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka man-"

Nilagay ko yung kamay ko sa bibig niya para magtigil na siya. Ang dami naman niyang tanong! Pero hindi ko inaasahan yun ha… Nag-alala pala siya sa akin…

"Ano ka ba reporter, ang dami mong tanong... Mister kaya po andito ako sa kwarto nyo para gisingin ka at may kailangan tayong puntahan."

"What are you talking about?"

Nakakainis naman tong lalaking eto oh ang hirap kumbinsihin. "Mamaya na yung interogasyon, bilisan mo ng magbihis at aantayin kita sa garden at pag hindi ka bumaba dun, sasama ang loob ko at magagalit ako sa iyo." At naglakad na ako papunta sa pintuan at napatingin muna sa kanya. "Aasahan kita Keanne…" Napangiti ako bago ako lumabas ng kwarto niya…

KEANNE'S POV

I should be angry to her and not follow her 'orders' but here I am helplessly with my wheel chair going to the garden.

As I reached the garden, I saw her and she is smiling happily to me.

I couldn't stop myself from paying her my own smile.

Thiam walk to my way and came closer to my spot.

My hands freeze from the handle of my wheel chair just as she touches my hand.

"I have a surprise for you." She smiles. "Pero kailangan muna, ipikit mo yung mga mata mo at walang dayaan tapos makes a very impossible wish."

Impossible wish? Is she kidding? "If I wish can you make it come true?"

"Oo kung parehas ang iniisip natin..." And she blinked her right eye. She is really Thiam…

I closed my eyes. I just want one thing…

"Open your eyes now Keanne…"

I opened my eyes. "I think I know your wish… Will you please look at the sky?"

Confused of what she said, I obey her and look at the sky.

I felt Thiam walked away from me and just as I want to glance to her a loud explosion happen.

No it can't be!

I looked at the skies…