Nagsimula na ang LDR ng dalawa or Long Distance Relationship, mahirap tanggapin na magkalayo sila Ngunit pilit nilang inuunawa ang isa't isa, sa bawat oras o araw na nakakalipas
Lei POV
Napapagalitan ako ngayon dahil sa pagsuway ko Kay daddy umalis ako ng walang paalam para lamang sa project namin
"Bakit ka lumabas ng walang paalam?" Galit na tanong ni daddy na bumungad sa akin
"Daddy, may group project po kami at kailangan po na nandoon ako at alam ko rin naman po na hindi niyo ako papayagan eh kaya po Di po ako nagpaalam" sabi ko
"Kung ganun simula ngayon, hindi kana pwedeng lumabas ng bahay o magbakasyon naiintindihan mo na!" Sigaw ni daddy
"Pero daddy?"
"Walang pero-pero pumunta kana sa room mo"
Tumakbo ako sa room ko at umiyak ng umiyak, ngayon sa tingin ko wala Nang kakampi sa akin, nagulat ako ng tumunog yung cellphone ko at agad ko itong sinagot
📞On calling;
Ern: Luv kamusta ka?
Lei: Eto umiiyak
Ern: Ha?, Bakit?
Lei: Simula daw ngayon hindi na ako pinapayagan ni daddy na lumabas ng bahay at magbakasyon lamang
Ern: Bakit may kasalanan ka kay tito?
Lei: Meron, sinuway ko kasi siya, umalis ako ng bahay ng walang paalam sa kanya, hindi ako nagpaalam kasi alam ko naman na hindi niya ako papayagan eh, Pero kailangan ako sa group project namin, ginagawa ko na ang lahat pero strikto parin si daddy
Ern: Next time wag mo na Siyang susuwayin, lilipas din yan tama na andito na ako, wala ka Nang dapat ipagaalala
Lei: Salamat mahal ko
Ern: O sige na matulog kana Gabi na
Lei: Salamat
End of calling
Sinarado ko ang pinto at nag shower ako, after ko maligo ay natulog na ako, sana nga hindi na galit si daddy bukas
Kinabukasan
Papasok na ako sa school ng naalala ko ulit ang nangyari kahapon, pagpasok ko palang ay malungkot na ako, lahat ng kaklase ko nagtataka Pero Hindi ako masyadong nagpapahalata
"Sis ok ka lang?" Tanong ni Trixie
"Oo ok lang ako" sabi ko
"Mukha namang hindi?" Sabi ni Bella.
"Tama ka Bella"sabi ko
"Ok lang yan ang mas mabuti pa pumunta tayo ng cafeteria at gutom na ako" sabi ni Cheska
"Sige" sabi naming lahat
Lahat kami ay tumungo sa Cafeteria kung nasaan nandoon sina Felix at Steve kong saan ang dalawa kong manliligaw, naka tingin sila sa akin ngunit tinarayan ko sila
"O Lei ok ka lang?" Tanong ni Felix
"Oo" sabi ko
"Mukhang hindi" sabi ni Steve
"Sige order muna ako ng pagkain gutom na ako"
"Wait lang" sabi ni Felix
Ngunit biglang nagring yung phone ko at agad ko itong sinagot
📞On calling
Lei: Hello Luv
Ern: Hi Luv, busy ka?
Lei: Kunti bakit?
Ern: wala lang na miss lang kita
Lei: ha?, Seryoso?
Ern: oo naman sobra
Lei: miss you too, o sige na luv kakain pa ako at mamaya may klase na ako, ibibigay ko nalang yung schedule ko mamaya sayo ok
Ern: sige luv love you
Lei: love you too
End of calling
"Ba't ang sweet?" Tanong ni Bella
"Basta 😊"
"Sino iyon?" Tanong ni Felix
"Ah si Ern, Boyfriend ko siya"
"Since?"
"4th year college ko ng nursing"
"Sige na pupunta na ako"
Alam kong nagulat sila sa sinabi ko at halos wala silang alam tungkol doon ngayon ko lamang ito nasabi sa kanila, sinabi ko iyon sa kanila para tantanan na nila ako sa mga kalokohan nila