************Author's Note************
There supposed to be a Background music on this chapter. However, since the music keeps on stoping whenever I scroll down the page, I just have to remove it from this chapter.
If ever the readers wan't to hear the supposedly Background music in order to feel the drama of this chapter, the song is entitled "Christmas Past" by Jose Mari Chan and I recommend to play the song at the Flashback part until the end of this chapter.
You can search the song on Youtube and Spotify, if you feel that you need to hear it while reading.
Yet, the song is Optional and you can still read the chapter without playing the song.
Thank you and Good day
**************************************
Matapos ang Fishing season sa lugar kung saan nakatira ngayon si Emily, nang mga sumunod na araw, ipinansyal naman ni Kit si Emily sa mga lugar kung saan siya madalas tumatambay. Kabilang na ang Sari-Sari Store ni Saroy kung saan nakatambay din ang tatlong lasenggo at si Selmo.
Pero sa tuwing iniimbitahan ni Kit si Emily na tumambay kasama ang mga ito, nagpapalusot at agad din siyang umuuwi sa kanyang bahay, sa takot na baka mapagtripan siya ng mga ito. Kaya madalas si Kit ang naiiwan sa labas at nakikinig ng mga Kwentong-Barbero nung mga laseng.
Sa pagkakataong ito, apat na araw, makalipas ang pangingisda nila Kit at Emily sa dagat, dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Kung saan nagkakasama ang mga magkakapamilya at mga magkakamag-anak. At yun ay ang mismong araw ng Pasko.
Sa araw na ito, naging abala ang lahat sa pagluluto ng handang pagkain para sa Noche Buena at bawat magkakapit-bahay ay may mga kanya-kanyang handa. Kaliwa't kanan din ang mga nagpapa-Christmas party sa bawat kanto, panay naman ang pagdagsa ng mga nangangaruling at naghahanda naman para sa huling araw ng simbang gabi ang ilan sa mga tao.
Gabi na nang matapos sa pagluluto ng handang pagkain sina Emily at Lucile, at naghahanda na rin ang magkapatid para dumalo sa huling misa ng Simbang gabi. Maya't maya, may kumatok sa pinto ng kanilang bahay at inakala ni Emily na si Kit ang kumakatok, ngunit nagulat ito nang buksan ang pinto at makitang ibang tao ang kumakatok.
Mark: "Merry Christmas! Andito ba si Lucile?"
Emily: "Merry Christmas din po. Andito po si Ate. Pero sino po kayo?"
Kit: "Tito ko siya, Emily. Nandito siya para sumama din sa Simbang gabi."
Bigla na namang sumulpot si Kit sa tabi ng pinto para ipakilala ang kanyang Tiyuhin. Sakto namang katatapos lang magsuot ng damit si Lucile at tinanong si Emily kung sino ang kausap nito sa pinto.
Lucile: "Bunso? Sinong kausap mo dyan sa labas?"
Emily: "Ate, si Kit po at yung Tito niya."
Lucile: "Tito? Sinong Tito niya?"
Agad pumunta si Lucile sa pinto para tignan kung sino ang sinasabing Tito ni Kit. Nagulat na lang si Lucile nang makita si Mark sa harap ng kanilang pintuan.
Lucile: "Si-Sir! Kayo po pala? Pagpasensyahan niyo na po yung kapatid ko kung hindi po niya kayo pinatuloy dito sa loob."
Mark: "Kung makapagsabi ka ng "Sir" parang akala mo naman kung nasa opisina tayo. Mark na lang ang itawag mo sa akin kapag wala tayo sa opisina."
Lucile: "Sige, po. Sir Mark."
Mark: "Sabing Mark na lang."
Lucile: "Opo, Ma-Mark."
Sandaling hindi nagkibuan sina Lucile at Mark. Ngunit nagtataka si Lucile sa kung ano ang ipinunta ni Mark sa pagpunta sa kanilang bahay. Hanggang sa sabihin ni Kit ang kanilang pakay.
Kit: "Tito, hindi niyo po ba iimbitahan sila Ate Lucile at Emily na sumakay sa kotse para magsimbang gabi?"
Nabigla ang magkapatid sa sinabi ni Kit matapos niyang tanungin ang kanyang Tito. Nailang naman si Mark kay Lucile matapos sabihin ng kanyang pamangkin ang kanyang pakay.
Lucile: "Sumakay sa kotse?"
Emily: "Kit, ihahatid niyo kami ni Ate sa Simbahan?"
Mark: "Well...."
Kit: "Tito, wala pong balon dito."
Mark: "Kit, hindi balon ang tinutukoy ko, okay?! Hayaan mo nga muna akong magpaliwanag sa kanila."
Kit: "Okay."
Mark: "So....uhm.. Gaya ng sinabi ni Kit kanina, ehh..... naparito kami para imbitahan kayo na sumabay sa amin sa kotse para magsimba."
Nang marinig ng magkapatid ang sinabi ni Mark, natuwa ang mga ito at hindi na tumanggi sa inaalok na libreng sakay papunta sa simbahan.
Lucile: "Mark, ang bait mo naman. Inimbitahan mo pa talaga kami ni Bunso na sumabay sa inyo."
Mark: "Eh...total, pupunta lang naman kayo sa Simbahan para makimisa, mabuti pang sumabay na kayo sa amin."
Lucile: "Mark, salamat po talaga sa paghatid sa amin ni Bunso."
Mark: "Okay lang, Lucile. Walang problema. Tsaka halina kayo! Baka mawalan pa tayo ng mauupuan sa Simbahan."
Matapos tanggapin ng magkapatid ang alok ni Mark, sandali muna nilang siniyasat ang buong bahay kung may naiwan ba silang gamit na nakasaksak sa plug ng kuryente na maaring pagmulan ng sunog at siniguro na wala silang nakaligtaan sa mga ito. Nang masigurong maayos na ang lahat, agad lumabas ng bahay ang magkapatid, tsaka nila ikinandado ang pinto at sabay na naglakad, kasama si Kit at Mark papunta sa kotse nito na naka-park sa harap ng kanilang bahay.
Pagdating sa kotse, agad pumasok ang mga ito at pinaandar ni Mark ang kanyang kotse. Habang papaalis ang sasakyan, may napansing kakaiba si Emily nang dumungaw ito sa bintana.
Emily: "Kit? Matanong ko lang."
Kit: "Ano yun?"
Emily: "Ba't nag-iisa lang si Mang Temyong na umiinom ng alak sa harap ng Store?"
Sandaling hindi kumibo si Kit sa tanong ni Emily. Kalauna'y sinagot niya rin ito.
Kit: "Hindi ko alam."
Emily: "Hindi mo alam?"
Kit: "Oo."
Emily: "Sigurado ka?"
Muli na namang hindi kumibo si Kit at saktong umandar na paalis ang sinasakyan nilang kotse. Ngunit hindi naging kumbinsido si Emily sa isinagot nito dahil napaka-imposible na walang nalalaman si Kit sa pagiging mapag-isa ni Temyong, sa kabila na sila ay magkapit-bahay. Kaya muli na naman tinanong si Emily si Kit.
Emily: "Kit, yung totoo? May alam ka ba sa pagiging mag-isa ni Mang Temyong sa Store?"
Kit: "Kung ganun, interisado ka na kay Mang Temyong."
Emily: "So, may alam ka talaga kung bakit siya nag-iisa?"
Kit: "Oo."
Emily: "Eh bakit hindi mo sinabi ang totoo sa una pa lang?! Tsaka ano bang mahirap sa pagpapaliwanag kung bakit siya nag-iisa?"
Kit: "Mahirap sagutin ang tanong mo, Emily. Lalo na't ako at si Lola lang ang tanging tao sa buong Barangay na nakaka-alam kung bakit siya nag-iisa."
Mula sa sinabi ni Kit, naguluhan si Emily at hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin matapos ipagsabi na tanging siya at ang kanyang lola na si Lola Delia ang nakaka-alam kung bakit nag-iisa si Mang Temyong. Hanggang sa nagsalita na naman si Kit kay Emily.
Kit: "Kung gusto mong malinawan, tanungin mo siya mamaya pagkatapos ng Misa."
Emily: "Ha?! Tatanungin ko siya?! Eh baka sobra na siyang lasing kapag kinausap ko siya pagkatapos ng Misa!"
Kit: "Huwag kang mag-alala. Matutuwa pa si Mang Temyong kapag mayroon siyang makakausap at makakakuwentuhan."
Emily: "Eh panay lang naman kalokohan ang lagi niyang ikinikuwento kapag nakikinig ka sa kanya, hindi ba?"
Kit: "Oo. Pero kung itatanong mo sa kanya kung bakit siya nag-iisa, ikukuwento niya na rin kung bakit."
Emily: "Eh...paano kung bigla siyang nagalit sa akin kapag itinanong ko sa kanya?"
Kit: "Magtiwala ka sa akin. Hindi siya magagalit. Kung gusto mo, sasamahan pa kita na umupo sa harap niya, pagkatapos natin magsimba."
Emily: "Pe-Pero...."
Kit: "Wala ng pero-pero. Sasamahan kita mamaya."
Tila hindi naging maganda ang naisip na ideya ni Emily na alamin kung bakit nag-iisa si Mang Temyong na umiinom ng kanyang alak sa harap ng Store at pakiramdam niya, nagpahamak pa sa kanyang sarili ang kayang pagiging mausisa. Hindi din nakatulong ang pagtatanong ni Emily kay Kit dahil hindi din nito sinagot ang kanyang tanong. Bagkus, sinabihan pa si Emily ni Kit na itanong mismo kay Mang Temyong ang kanyang tanong.
Kaya naman, pagdating sa Parking Area ng Simbahan at habang naglalakad papasok sa loob, nakiusap si Emily kay Kit na ibulong na lang ang sagot sa kanyang tanong. Ngunit hindi natinag si Kit at ipinilit pa rin nito na samahan si Emily na umupo sa harap ni Mang Temyong, pagkatapos nilang magmisa.
Wala namang nagawa si Emily sa gustong mangyari ni Kit, ngunit kinakabahan siya sa maaring gawin ni Mang Temyong, sakaling tanungin niya ito at dahil na rin sa sobrang kalasingan.
Gayun pa man, ipinagdasal na lang ni Emily sa Misa na sana maging maayos ang kanyang pagtatanong kay Mang Temyong.
Pagkatapos ng Misa, pauwi na sila Lucile, Mark, Kit at Emily, sakay ng sasakyan. Ngunit tumatagaktak ang pawis sa mukha ni Emily at kinakabahan siya na baka magwala si Mang Temyong kapag kinausap niya ito. Napansin naman ni Lucile ang kakaibang reaksyon ng kanyang kapatid.
Lucile: "Emily, okay ka lang? Naiinitan ka ba dito sa loob ng kotse?"
Emily: "Hi-Hindi po, Ate. Okay lang po ako."
Lucile: "Sigurado ka?"
Emily: "O-Opo."
Kit: "Naparami po siguro si Emily sa pag-inom ng kape."
Emily: "Kit! Hindi ako umiinom ng kape! Okay?!"
Kit: "Kung hindi ka umiinom ng kape, anong iniinom mo sa umaga?"
Emily: "Siyempre! Eh di gatas!"
Napatingin ng nakasimangot si Kit sa binti ni Lucile at kay Emily na tila mayroon itong ikinukumpara. Hanggang sa nagsalita na naman ito.
Kit: "Ba't ang bansot mo pa rin?"
Emily: "Anong gusto mong palabasin sa sinabi mo ha?!!"
Lucile: "Bunso, huminahon ka lang. Wala naman sigurong ibig ipahiwatig si Kit sa kanyang sinabi."
Emily: "Ate! Tinawag niya akong bansot!"
Lucile: "Oo, narinig ko bunso. Pero halos nag-aabutan lang naman kayo ni Kit ng Height."
Kit: "Oo nga. Bansot din naman ako. Ba't ka ba nagagalit?"
Emily: "Eh parang may gusto kang palabasin sa itinanong mo kanina!" (Parang pinapalabas mo na hindi ako tumatangkad!)
Mark: "Guyz! Andito na tayo sa lugar niyo. Maari na kayong bumaba."
Natigil lang ang maliit na bangayan nina Kit at Emily nang ihinto ni Mark sa tapat ng bahay ni Kit ang kotseng kanilang sinasakyan. Pagbaba nila sa kotse, naging masama ang tingin ni Emily kay Kit dahil sa itinanong nito kanina sa loob ng kotse. Tinanong naman ni Mark ang tatlo kung ano ang susunod nilang gagawin.
Mark: "Guys, anong sunod niyong plano?"
Lucile: "Siyempre! I-cecelebrate ang Christmas."
Mark: "Na kayong dalawa lang nang kapatid mo sa loob inyong bahay?"
Lucile: "Oo, Mark. Bakit? May problema po ba?"
Mark: "Hindi naman sa sinisira ko ang moment ninyo ng kapatid mo. Pero ba't di na lang tayo mag-Celebrate lahat sa bahay ni Nanay?"
Lucile: "Ha? Sa bahay ni Madam?"
Kit: "Ate Lucile, huwag na po kayo mahiya. Dun na po kayo mag-Christmas ni Emily sa bahay."
Emily: "Ano na naman pinaplano mo, Kit?"
Kit: "Wala."
Mark: "Oh? Kahit yung pamangkin ko, iniimbitahan kayo sa bahay ni Nanay. Pumayag ka na, Lucile. Para makilala mo naman yung dalawang pinsan ni Kit at yung asawa ni Kuya, galing sa abroad."
Lucile: "Mark, may mga bisita pala kayo. Hindi na siguro kailangan."
Nahihiya si Lucile sa alok ni Mark na sabay nilang i-Celebrate ang Chrismas sa bahay ni Kit. Ngunit agad hinawakan ni Mark ang kanang kamay ni Lucile, tsaka niya ito pinilit na hinila papasok sa bahay ni Kit.
Mark: "Lucile, huwag ka nang mahiya. Halika! Ipapakilala kita sa asawa ni Kuya."
Hanggang sa tuluyan nang nahila ni Mark papasok sa bahay ni Kit si Lucile at ipinakilala sa asawa at anak ng kanyang Kuya Ansyong na abala naman sa pakikipag-usap kay Lola Delia. Naiwan naman sina Emily at Kit sa labas ng gate.
Emily: "Kit? May mga pinsan ka?"
Kit: "Oo. Mga anak ni Uncle Ansyong."
Emily: "Hindi mo din ba sila ipapakilala sa akin? Tulad ng pagpapakilala ni Tito Mark mo kay Ate?"
Kit: "Hindi."
Emily: "Bakit hindi?"
Kit: "Dudugo ilong mo sa kaka-english nila. Kaya huwag na lang."
Emily: "Pero ka-close mo ba ang mga pinsan mo?"
Kit: "Hindi."
Emily: "Bakit na naman hindi?"
Kit: "Matanda na sila. Yung panganay na lalaki ni Uncle Ansyong nasa edad 19 at yung babae naman nasa edad 18. Age gap ang dahilan kaya hindi kami close at idagdag mo pa ang pagiging englisero nila dahil galing sila sa U.S.."
Emily: "Kaya ibig sabihin, ayaw mo sa kanila?"
Kit: "Oo."
Matapos sumagot ng Oo si Kit, naisip ni Emily na malabo ngang magka-usap ang mga magpipinsan dahil sa taglay na kakaibang ugali ni Kit at nakatira din sa ibang bansa ang kanyang mga pinsan, kung saan iba ang kultura na kanilang nakagisnan. Kaya napangiwe na lang si Emily matapos malaman na hindi gustong makasama ni Kit ang sarili nitong mga pinsan
Ngunit naiba na lang ang kanilang pinag-uusapan nang maalala ni Kit ang gustong itanong ni Emily kay Mang Temyong.
Kit: "Emily, gusto mo bang tanungin si Mang Temyong kung bakit siya nag-iisa?"
Emily: "Huh?! Ahh...Ehh...wa-wag na lang."
Napasimangot na naman si Kit sa sinagot nito dahil napansin niyang takot kausapin ni Emily si Mang Temyong. Kaya hinila niya ito, tsaka sila pumunta sa harap ng Store kung saan nakaupo sa upuan at umiinom ng alak sa mesa si Mang Temyong.
Pagdating sa mesa, agad kinausap ni Mang Temyong sina Kit at Emily.
Mang Temyong: "Oy! Kayong dalawa! <hic! > Ba't naprito ako?!"
Kit: "Mang Temyong, "naparito" po kami. Hindi po naprito."
Mang Temyong: "The same na rin yun! Don't talk back me correction. Or you will be Gangshtah! You know Gangshtah is?! Becaushe she'sh dating with the dead!"
Tila gustong bawiin ni Emily ang kanyang naisip na ideya na tanunging ito, nang makita niyang sobra na ang kalasingan ni Mang Temyong at kung ano-ano na rin ang pinagsasasabi nito. Ngunit pinilit pa rin siya ni Kit na umupo sa mesa, kaharap si Mang Temyong para ito'y tanungin
Emily: ("Kit, sobrang lasing na ni Mang Temyong. Huwag ko na kaya siyang tanungin?")
Kit: ("Hindi ka pwedeng umalis. Gusto mong malaman kung bakit siya nag-iisa, hindi ba? Eto na ang pagkakataon mo.")
Emily: ("Pero Kit! Sobra nang lasing si-!)
Mang Temyong: "SHHHH! HUY! What careless whisper you there?! Shabihin niyo nga kung ano pina-uushapan niyo?!"
Natigilan si Emily nang biglang sumingit sa pagbubulungan nila si Mang Temyong, ngunit itinuloy pa rin ang kanilang pag-uusap.
Emily: ("Kit! Pa-Pano kung saktan niya ako?")
Kit: ("Hindi niya gagawin yun.")
Emily: ("Pero Kit?!")
Kit: ("Magtiwala ka sa akin. Kaya tanungin mo na siya.")
Kinakabahan man sa maaring gawin ni Mang Temyong, itinanong na lang ni Emily ang tanong na kanina pa niya gustong sabihin.
Emily: "Uhmm....Mang Temyong, may gusto po sana akong itanong sa inyo."
Mang Temyong: "Why ish that, Where, How, What, Werewolf?!"
Emily: "Uhm..Ano ho.. Gusto ko lang pong malaman kung bakit nag-iisa po kayong umiinom dito sa Store?"
Nang marinig ni Mang Temyong ang tanong ni Emily, biglang nagbago ang reaksyon nito at ibinaba ng malumanay ang bote ng alak sa lupa. Maya't maya, naging seryoso ang mukha nito at inayos ang kayang pananalita, pati na rin ang kanyang pagkakaupo sa upuan. Kinakabahan pa rin si Emily, ngunit bahagya siyang nahimasmasan ng makita ang tila maamong pagkilos ni Mang Temyong.
Mang Temyong: "Iha, gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako nag-iisa sa araw na ito?"
Emily: "O-Opo."
Napabuntong-hininga si Mang Temyong, ngunit natutuwa naman siya nang marinig ang sagot ni Emily. Hanggang sa sandaling sumingit si Kit.
Kit: "Emily. Mang Temyong. Maiwan ko muna kayo.."
Emily: "Ba-Bakit, Kit? Sa-Saan ka pupunta?"
Kit: "Uuwi lang ako sa bahay. Kukuha lang ng makakain. Tsaka huwag kang sobrang nerbyosin, Emily."
Emily: "Babalik ka pa ba dito mamaya?"
Kit: "Oo. Makinig ka muna kay Mang Temyong habang wala ako."
Emily: "Sigurado k-?"
Walang sabi-sabi, basta na lang naglakad si Kit papunta sa kanilang bahay at iniwan si Emily sa harap ng Store kasama si Mang Temyong. Napansin naman ni Mang Temyong ang kaba sa mukha si Emily, kaya nagsimula na siyang magsalita.
Mang Temyong: "Ganun talaga ang batang iyon. Basta ka na lang niya iiwan kapag ayaw niyang makarinig ng paulit-ulit na mga tanong."
Emily: "Ga-Ganon po ba si Kit?"
Mang Temyong: "Oo. Pero mabait siyang bata. Masasanay ka din sa kanya."
Emily: "Opo. Siguro nga po."
Mang Temyong: "Mabalik tayo, bakit mo pala gustong malaman kung nag-iisa ako?"
Emily: "Uhm...Ano po kasi... Napansin ko po na hindi niyo kasama ang mga kainuman po ninyo."
Mang Temyong: "Oo. Natural na hindi ko sila makasama dahil may mga pamilya din sila na dapat nilang makasalo sa pasko."
Emily: "Kung kasama ng mga kainuman po ninyo ang kanilang mga pamilya, ba't di na lang po kayo bumalik sa bahay po ninyo at i-celebrate ang pasko, kasama ang inyo pong pamilya?"
Sa hindi inaasahan, biglang nalungkot si Mang Temyong sa itinanong ni Emily at tila may naalala ito. Ngunit sinagot pa rin ni Mang Temyong ang kanyang tanong.
Mang Temyong: "Iha, wala na akong pamilya. Nag-iisa na lang ako."
Emily: "Ha?! Wala na po kayong pamilya?! A-Ano pong ibig ninyong sabihin?!"
Mang Temyong: "Kung gusto mong malaman, ikukuwento ko sayo. Pero ang tanong ko lang ay handa ka bang makinig?"
Emily: "Opo. Gusto ko pong malaman."
Sandaling napangisi si Mang Temyong nang marinig niya na gustong malaman ni Emily kung bakit wala na siyang pamilya. Tila naisip nito na may mga tao pa rin na may pakialam sa kanya.
Mang Temyong: "Natutuwa ako at may isa pang tao na may pakialam sa buhay ko. Akala ko, si Delia at si Kit lang ang tao na may pakialam sa akin dito sa lugar na ito."
Emily: "Ba-Bakit niyo po nasabi na kami lang po ni Lola Delia at ni Kit ang may pakialam po sa inyo?"
Mang Temyong: "Iha, karamihan kasi ng mga tao dito, perwisyo at loko-loko ang tingin nila sa akin dahil sa sobra kong pag-inom ng alak. Kaya madalas walang naniniwala sa akin."
Emily: "Pero ba't po kasi, lagi po kayong umiinom ng alak? Kaya po tuloy, kinakabahan po ako sa inyo na baka...."
Mang Temyong: "Manakit ako ng tao? Hahaha! Sobra nga siguro akong lasing pero ni minsan hindi ko naisip na manakit ng tao. Pero pagpasensyahan mo na, Iha. Kung natatakot ka sa akin nang dahil sa sobra kong kalasingan."
Matapos sabihin ni Mang Temyong na hindi ito nananakit, tila gumaan ang pakiramdan ni Emily at ipinagpatuloy ang kanilang pag-uusap.
Emily: "W-Wala po yun, Mang Temyong. Atleast, alam ko na po na hindi kayo tulad ng ibang mga lasing."
Mang Temyong: "Iha, nasa utak lang iyan kung marunong kang magkontrol sa sarili. Yung ginagawa ko kanina, nakikipagbiruan lang ako sa inyo."
Emily: "O-Opo. Mukha nga. Mabalik lang po tayo sa tanung ko po kanina. Bakit po kayo naglalasing? May kinalaman po ba ito sa pagkawala inyong pamilya?"
Muli na namang napabuntong hininga si Mang Temyong sa tanong ni Emily at halata sa mga mata nito ang isang malalim na kalungkutan na pinakatatago nito sa kanyang sarili. Maya't maya, nagsalita na si Mang Temyong.
Mang Temyong: "Oo, Emily. Kaya makinig ka sa akin dahil eto ang nangyari....."
FLASHBACK:
Sampung taon na ang nakakaraan, nasa edad 46 palang si Mang Temyong at abala sa pagluluto ng kakanin bilang handa sa kanilang hapag. Noong mga panahong iyon ay biperas din ng Pasko at bumisita din ang dalawang kapatid ni Temyong sa kaniyang bahay kasama ang kanilang mga magulang.
Sakto namang kagagaling din mula sa Simbang gabi ang asawa ni Temyong, kasama ang dalawa nilang anak. Nasa edad 16 ang panganay nitong anak na lalaki at ang babae na kanyang bunso ay nasa edad na sampu at tinatawag sa palayaw na Tina.
Pagdating sa bahay, agad nagmano sa kamay ni Temyong ang dalawa niyang anak at umalis ang kanyang panganay, papunta sa Sala para magmano din sa kanyang mga Tito, Lolo at Lola. Ngunit naiwan naman ang anak nitong babae sa kusina at panakaw na sinimot ang gilid ng naunang nalutong Ube sa bilao, gamit ang kanyang Hintuturo. Nainis naman si Mang Temyong sa ginawa ng kanyang anak na babae.
Mang Temyong: "Tina! Mapapanis yan kapag hinawakan mo! Gumamit ka naman ng kutsara!"
Tina: "Tay, naghugas naman po ako ng kamay."
Mang Temyong: "Hay! Kahit na! Dapat gumamit ka pa rin ng kutsara sa pagkuha ng Ube halaya. Paano kung napanis yan bukas? Dadalhin pa naman natin yan sa Ilog para magpicnic."
Tina: "Sorry po, Tay. Pangako, hindi na po mauulit."
Dahil sa inis, tahimik lang na ipinagpatuloy ni Temyong ang pagluluto sa kakanin.
Hanggang sa bigla siyang niyakap ng kanyang anak na babae mula sa likod, sa hindi malaman na dahilan.
Tina: "Tay, Merry Christmas po. I love you po."
Mang Temyong: "I love you din, anak. Pasensya na kung napagalitan kita."
Tina: "Okay lang po. Tsaka alagaan niyo po ang sarili po ninyo. Baka magkasakit po kayo."
Mang Temyong: "Ang lambing naman ng bunso ko. Tsaka hindi naman ako basta magkakasakit sa sobrang pagpapawis dahil lang sa pagluluto ng pagkain."
Tina: "Oo nga po. Hindi po talaga kayo magkakasakit sa pagluluto lang. Maliban na na lang kung iinom po kayo ng maraming alak mamaya. Kasama sila Tito."
Mang Temyong: "Huwag kang mag-alala, anak. Hindi magkakasakit si Tatay. Mabubuhay pa ako ng matagal para sa inyo."
Tina: "Kung ganon po, lagi ko po kayong babantayan para mabuhay pa po kayo ng matagal. Ako ang magiging Guardian Angel ninyo para hindi po kayo magkasakit."
Mang Temyong: "Baka maging Nurse ang tinutukoy mo na gusto mong maging, para hindi magkasakit si Tatay, tama ba?"
Tina: "Hindi po. Gusto ko pong maging Guardian Angel ninyo para mapagaling ko po kayo agad."
Mang Temyong: "Hay....Ang galing din magbiro ng bunso ko. Mana sa Tatay."
Tsaka hinarap ni Mang Temyong ang kanyang bunsong anak at kanya itong niyakap. Niyakap din siya ng kanyang bunsong anak na babae. Maya't maya, may bigla itong naalala.
Tina: "Tay, may ibibigay po pala ako sa inyo."
Mang Temyong: "Ano yun?"
Binunot ng anak ni Mang Temyong mula sa kanyang bulsa ang isang pigurin na Key chain na hugis Anghel at ibinigay sa kanyang tatay.
Tina: "Tay, regalo ko po sa inyo. Para lagi niyo pong maalala na lagi po akong nasa tabi niyo at binabantayan ko po kayo."
Mang Temyong: "Ang bait naman ng bunso ko. Nag-abala ka pang maghanap ng regalo para sa Tatay. Sige, itatago ko to ng mabuti."
Tina: "Opo, Itay. I love you po."
Mang Temyong: "I love you din, Anak."
At muli na naman siyang niyakap ng kanyang anak.
Nang mga oras na iyon, sobrang nagtaka si Mang Temyong sa kakaibang ikinikilos ng kanyang anak na babae. Ngunit, hindi niya na ito binigyan ng pansin at sinabihan ang kanyang anak na magmano sa kanyang mga Tito, Lolo at Lola. Sinunod naman siya ng kanyang anak, tsaka ito pumunta sa Sala.
Matapos makapagluto, nagsalo-salo ang buong pamilya ni Mang Temyong sa ihinanda nitong mga pagkain at dumalo din naman sa kanyang bahay ang ilan sa malalapit niyang mga kapit-bahay. Sila'y nag-inuman, nagtawanan, nagkantahan sa Videoke, at nang malasing, sila'y nagsayawan.
Noong mga panahong ito, naramdaman at naranasan ni Mang Temyong ang sobrang galak sa kanyang sarili, kasama ang kanyang buong pamilya na tila wala nang darating na bukas.
Matapos ang masayang gabi ng bisperas ng Pasko, maagang nagising ang buong mag-anak ni Mang Temyong para pumunta at idaos ang kanilang Picnic sa ilog. Pagdating nila, nakita ng mag-anak na nasa maayos ang kundisyon ang ilog, mababaw at malinis ang daloy ng tubig. Kaya naman, agad naghanap ng magandang pwesto ang mag-anak kung saan gumawa sila ng maliit na masisilungan sa mabuhangin at gitnang parte ng ilog.
Agad namang lumusong at naligo sa mababaw na tubig ng ilog ang mga anak ni Mang Temyong, kasama ang kanyang mga kapatid. Abala naman sila Mang Temyong, ang kanyang asawa, at kanyang mga magulang sa paghahanda ng makakaing pananghalian, nang biglang tumunog ang Cellphone nitong Nokia 1100 at may tumatawag rito.
Mang Temyong: "Hello? Sino ba to?"
Kapit-bahay1: ["Temyong! Si Insyong ito! Pautang ako ulit ng limang daan! Babayaran ko kapag nakapagsweldo na ako."]
Mang Temyong: "Hay....Insyong! Kauutang mo lang sa akin ng limang daan noong nakaraang linggo! Ba't ka na naman ba uutang?!"
Kapit-bahay1: ["Temyong! Please naman, Pare! Ikaw lang ang taong malalapitan ko. Alam mo namang nasa ospital ang anak ko. Pangako, Pare! Babayaran kita kapag nakapagsahod na ako."]
Mang Temyong: "Oo na, Sige. Magkita tayo dyan sa harap ng bahay ko. Papunta na ako dyan."
Tsaka pinatay ni Mang Temyong ang kanyang Cellphone. Nag-paalam naman siya sa kanyang asawa't mga magulang at umalis para pautangin ng pera ang kanyang kaibigan.
Sampung minuto pagka-alis ni Mang Temyong mula sa ilog, nakita niya sa harap ng kanyang bahay ang kanyang kaibigan na naghihintay sa kanyang pagdating at agad naman niyang inabot ang perang kanyang ipapautang. Pero bago pa man maka-alis ang kanyang kaibigan, biglang may mga napadaang Fire Rescue Truck, mobile ng mga pulis at Ambulansya na mabilis na humaharurot papunta sa ilog. Kasabay ng padagdaan ng mga matutulin na sasakyan, ang pagtakbo ng ilang mga usisero papunta sa ilog. Bagamat naguguluhan sa mga nangyayari, pinatigil ni Mang Temyong ang isang lalaki para tanungin kung ano ang nangyayari.
Mang Temyong: "Pre! Anong nangyari?"
Lalaki1: "Boss! Biglang rumagasa ang tubig sa ilog!! Ang sabi sa balita, nagpakawala daw ng tubig ang Dam!"
Mang Temyong: "A-ANO?!"
Biglang nanindig ang balahibo ni Mang Temyong nang marinig ang sinabi ng lalaki. Dali-dali siyang tumakbo pabalik sa ilog at ipinagdarasal na nasa maayos na kalagayan ang kaniyang buong pamilya.
Ngunit pagdating sa ilog, nakita ni Mang Temyong ang ilang mga Rescuer na nakatayo lang sa gilid. Pinapanood na lang ng mga Rescuer ang malakas at rumagasang tubig sa ilog, kasama ang tatlong tao na sinasabing nakaligtas sa rumaragasang tubig ng ilog at balot din ng makapal na tuwalya. Sa sobrang kaba at paninindig ng balahibo ni Mang Temyong, agad siyang pumunta at lumapit sa mga nakatayong Rescuer.
Mang Temyong: "Si-Sir! May nakita po ba kayong isang pamilya na nakatakbo sa gilid ng ilog?!"
Rescuer1: "Sir, paumanhin po, pero ito pong dalawang babae at isang batang lalaki lang po ang aming naabutan na nakakapit dito sa ugat ng puno."
Mang Temyong: "A-ANONG IBIG NIYONG SABIHIN?! WALA KAYONG NAKITANG ISANG PAMILYA NA NAKATAKBO PALAYO SA ILOG?!"
Nang marinig ng isa sa nakaligtas ang galit na pagtatanong ni Mang Temyong, ipinaliwanag nito ang mga nangyari.
Babaeng Nakaligtas1: "Manong, paumanhin po. Pero kung isa po kayo sa kaanak nung pamilya na nakapwesto sa gitna nang tuyong parte ng ilog kanina..... I-Ikinalulungkot ko po ang nagyari."
Mang Temyong: "Ikinalulungkot?! IKINALULUNGKOT MO ANG ALIN?!"
Babaeng Nakaligtas1: "Napakabilis po ng pangyayari. Bigla na lang pong may rumagasang tubig mula sa bundok at nahagip po ang lahat ng mga nasa gitna. Maswerte po kaming tatlo at papunta palang kami sa gitna para maligo. Kaya nung makita ng Tatay ko ang rumaragasang tubig, sinigawan niya kami na magmadali po kaming tumakbo papunta sa gilid ng ilog. Pero.... hi-hindi po din nakaligtas ang tatay ko."
Mang Temyong: "Hi...HINDI!! HINDI MAARI! HINDI MAARING NASAMA ANG PAMILYA KO SA RUMARAGASANG TUBIG!!!"
Hindi makapaniwala si Mang Temyong sa kanyang mga narinig mula sa babaeng nakaligtas at hindi niya rin matanggap sa kanyang sarili na nauwi sa isang malagim na trahedya ang dapat sanang masayang picnic ng kanyang pamilya. Kaya muli na naman siyang lumapit sa mga Rescuer at pilit na kinukumbinsi na hanapin ang kanyang pamilya.
Mang Temyong: "SIR! HANAPIN NIYO PO ANG PAMILYA KO! BAKA NAKALIGTAS PO SILA! BAKA NASA GILID SILA NG ILOG AT NAKAKAPIT SA UGAT NG PUNO!"
Rescuer1: "Ma-Manong... Paumahin po. Pero rumaragasa pa po ang agos ng ilog. Imposible na pong may makaligtas po jan.
Mang Temyong: "SIR!! PAKIUSAP PO! HANAPIN NIYO PO SILA!! BAKA NAKAKAPIT PA SILA AT NAGHIHINTAY NG TULONG!"
Rescuer1: "Manong, patawarin niyo kami. Pero wala na po kaming magagawa."
Mang Temyong: "ANONG WALA NG MAGAGAWA?! MAYROON KAYONG MAGAGAWA PERO NAKATAYO LANG KAYO AT TINATAMAD MAGTRABAHO!! KUNG AYAW NIYONG MAGHANAP, AKO NA ANG MAGHAHANAP!!"
Tatalon na sana sa ilog si Mang Temyong para hanapin ang kanyang pamilya sa kabilang parte ng ilog dahil umaasa siya na nakaligtas ang mga ito, ngunit pinigilan siya ng mga Rescuer at Pulis hanggang sa nag-amok na ito sa sobrang galit. Napilitan na lang din ang mga Pulis na posasan si Mang Temyong at ipinasok sa loob ng Police mobile, para na rin sa kanyang ikabubuti.
Nang mga oras na iyon, habang siya ay nakaposas, naalala ni Mang Temyong ang kakaibang ikinikilos ng kanyang bunsong anak na babae at pati na rin ang sobrang pagsasaya ng kanyang mga kapatid, magulang, asawa at ang anak niyang lalaki, noong bisperas ng Pasko. Naisip niya, tila sinyales ito ng pamamaalam ng kaniyang pamilya, ngunit ayaw pa rin niyang tanggapin ang posibilidad na patay na ang mga ito.
Paghupa ng rumagasang tubig sa ilog, agad nagsawa ng paghahanap ang mga Rescuer at mga Pulis sa mga biktima. Dinala naman sa Police Station si Mang Temyong dahil sa posibilidad na muli na naman itong mag-amok. Ngunit kinagabihan, pinakawalan ng mga Pulis si Mang Temyong, hindi dahil sa nahimasmasan na ito, kundi dahil sa nahanap nila ang katawan ng mga biktima, kasama na ang pitong katawan ng tao sa dagat na posibleng pamilya ni Mang Temyong. Kaya dinala ng mga Pulis si Mang Temyong sa Morge para tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Hanggang sa nangyari na nga ang bagay na kinatatakutang mangyari ni Mang Temyong. Pagpasok sa Morge, nanlumo at nanghina ito nang makumpirma niyang, ang kanyang dalawang anak, asawa, dalawang kapatid na lalaki, at kanyang mga magulang, ang nakaratay sa Morge. Napahagulgol na lang sa sobrang pag-iyak si Mang Temyong at halos mapaluhod ito sa sahig. Malungkot na pinagmamasdan ng mga Pulis at Rescuer si Mang Temyong, at nangako din sila na tutulungan ito sa pagpapalibing ng kanyang buong pamilya.
Isang linggo matapos maipalibing at mangyari ang trahedya sa pamilya ni Mang Temyong, doon na nagdesisyong umalis mula sa dati nitong tinitirahan at lumipat sa lugar kung saan siya ngayon nakatira upang kalimutan ang malagim na trahedya na nangyari sa kanyang pamilya.
Ngunit madalas hindi makatulog ng mahimbing si Mang Temyong sa bago niyang tinitirahan at kung minsan, siya din ay nababangungot. Kaya noong una'y lagi itong puyat at naisip niyang maghanap ng paraan kung paano siya makakatulog ng mahimbing, para makalimutan na rin ang masamang ala-ala na kanyang naranasan.
Kaya lumabas muna siya sa bago niyang maliit na bahay at pumunta sa isang malapit na Store. Hanggang sa nakita niya ang isang Brand ng alak na may tatak ng isang Anghel.
Mang Temyong: (Heh.....Guardian Angel.... Tina, Anak. Talagang tinupad mo ang gusto mong mangyari na maging isang Guardian Angel para pagalingin ako. Ngayon, subukan natin kung mapapagaling mo nga ako mula sa pagkabangungot.)
Kaya naman, binili ni Mang Temyong ang alak na kanyang nakita. Kung saan lagi na siyang nakakatulog ng mahimbing, sa tuwing iniinom niya ito at nalalasing. Simula sa araw na iyon, lagi nang binibili at iniinom ni Mang Temyong ang alak, sa inaakalang mapapagaling siya nito mula sa dinaranas niyang kalungkutan. Kung kaya't ito din ang naging dahilan para makilala siya na isang lasenggo sa bago niyang tinitirahan.
End of flashback
KASALUKUYAN:
Matapos maikwento ni Mang Temyong ang kanyang malungkot na kuwento, hindi naman mapigilang umiyak ni Emily dahil sa naunawaan niyang mas mahirap ang dinanas nitong pangungulila sa mga mahal niya sa buhay at maiwan ng nag-iisa. At naunawaan na din ni Emily kung bakit lagi itong umiinom ng alak.
Emily: "Mang Temyong...<sniff > hindi ko po alam na mas mahirap pala ang dinaranas niyong pangungulila sa inyong pamilya.<sniff > Paumanhin po kung nagtanong pa ako sa inyo. <sniff >."
Mang Temyong: "Alam mo, Iha. May topak ka din. Dapat ako ang umiiyak sa sarili kong kuwento. Hindi ikaw."
Emily: "So-Sorry po talaga! Hindi ko po mapigilan. <Sniff > Tsaka hindi na lang po sana ako nagtanong. <sniff >"
Mang Temyong: "Hindi. Huwag kang humingi ng paumanhin sa akin. Natutuwa pa nga ako dahil naniniwala ka sa aking kwento. Pero, ganyan talaga. Kailangan pa rin magpatuloy sa buhay kahit na wala na ang mga mahal ko sa buhay."
Tsaka inilabas ni Mang Temyong mula sa kanyang bulsa ang isang maliit na pigurin ng Anghel at inilagay sa mesa.
Emily: "Mang Temyong? Yan po ba yung?"
Mang Temyong: "Oo. Ang huli kong natanggap na regalo mula sa anak kong babae."
Malungkot na pinagmasdan ni Emily ang naturang bagay at naisip niyang ito ang dahilan kung bakit positibo pa rin ang pananaw ni Mang Temyong sa kanyang buhay, sa kabila ng mga dagok na kanyang naranasan. Hanggang sa nagsimulang humanga si Emily kay Mang Temyong.
Emily: "Mang Temyong, nakakahanga po kayo. Sana magaya ko din po ang pagiging positive niyo sa buhay."
Mang Temyong: "Iha, huwag kang humanga sa akin. Isa akong lasenggong tao."
Emily: "Alam ko po. Pero gusto ko pong magaya ang pagiging matatag at positive po ninyo."
Mang Temyong: "Alak ang nagpapatatag sa akin, Iha. Kaya huwag mo akong gayahin."
Emily: "Hindi po. Nagkakamali po kayo."
Mang Temyong: "Paano mo naman nasabi?"
Emily: "Ang simbolismo ng anak niyo pong babae ang nagpatatag po sa inyo. Dahil kung wala po ang regalong Anghel na pigurin nang inyong anak, baka matagal na po kayong nabaliw at nawalan ng pag-asa sa buhay. Kaya nga po, hanga po ako sa inyo."
Bigla na lang tumawa ng pagkalakas-lakas si Mang Temyong matapos marinig ang sinabi ni Emily. Naguluhan naman si Emily kung may nasabi ba siyang mali.
Mang Temyong: "HAHAHA! Oo. Marahil tama ka. Pero matagal na akong baliw sa mga kalokohan, Iha. Gayun pa man, nagpalasalamat ako at nakinig ka sa akin."
Emily: "Wala po yun. Pero patawarin niyo po ako kung may naungkat po akong isang ala-ala na makakasama po pala sa inyo."
Mang Temyong: "Okay lang, Iha. Matagal na iyon na lumipas. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Tsaka dapat, nagpapakasaya ka ngayon dahil bisperas na ng Pasko at hindi ka dapat nalulungkot dyan!"
Kit: "Buti nasabi nyo po yan, Mang Temyong. Dala ko na itong mga pamasko ko sa inyo."
Bigla na namang sumulpot si Kit, dala ang tatlong naglalakihang Tupper ware na may mga lamang Spaghetti, Lumpia at Fried chicken, tsaka niya ito inilagay sa mesa. Hindi naman nagulat si Mang Temyong sa biglaang pagsulpot ni Kit.
Emily: "Kit? Kanina ka pa ba dyan?"
Kit: "Siguro. Pero, napansin ko, hindi lang pala ako ang magbibigay ng pagkain."
Biglang napatingin sina Emily at Mang Temyong sa pintuan ng Store, matapos nitong magbukas at lumabas sa pinto si Mang Saroy dala ang isang malaking kaserola na may lamang Sopas, tsaka niya ito inilagay sa mesa.
Mang Saroy: "Maligayang pasko, Temyong. Akala mo siguro, hindi ako nakikinig sa masalimuot mong kuwento? Pwes, dyan ka nagkakamali."
Mang Temyong: "Saroy?! Teka?! Kailan mo pa nalaman ang tungkol sa Personal kong buhay?!"
Mang Saroy: "Mula noong una kang nagkuwento ng malungkot mong buhay kay Delia! Nakikinig ako dito sa Loob ng Store! Pero ngayon lang kita patatawarin dahil ngayon ka lang naging matino sa iyong pananalita! At hindi lang ako ang nakaunawa sa kuwento mo, pati na rin yung tatlong kaibigan mong mga kumag na may tinutulak na Videoke machine!"
Napatatingin ang lahat sa kanang parte ng Kalye nang humarap sila sa kanan at nakita nila, sila Selmo, Impong at Eliasar na itinutulak ang isang mabigat na Videoke machine. Pagdating sa harap ng Store, agad ipinasaksak nang tatlo ang Videoke machine sa outlet ng Store ni Saroy.
Mang Eliasar: "Hoy! Temyong! Pasko na! Tumigil ka na sa pagsimangot dyan!!"
Mang Impong: "Oo nga! Magkantahan na lang tayo! Nang makalimutan mo yan pagiging malungkutin mo!"
Mang Temyong: "Teka! Paano niyo-!"
Mang Selmo: "Matagal na naming alam ang tungkol sa Trahedyang nangyari sa pamilya mo. Ikwinento mo na yan sa amin. Pero akala mo, hindi kami nakikinig at wala kaming pakialam sayo dahil busy kami sa pagsusugal. Pasensya na pare. Pero nakikinig talaga kami ng mga oras na iyon. Tsaka-"
Lola Delia: "Nag-iipon lang ng pera ang mga kaibigan mo para pasayahin ka at magdaos ng Christmas party para sayo. Ayaw din nilang nakikita kang malungkot.
Nagulat si Mang Temyong nang biglang sumulpot mula sa kanyang tabi si Lola Delia. Ngunit naguguluhan naman si Mang Temyong nang makita din niyang nagsidagsaan ang ilan sa kanyang mga kapit-bahay na may mga dalang pagkain at kanilang inilalagay sa mesa, sabay bati sa kanya ng "Merry Christmas" o "Maligayang Pasko". Akala ni Mang Temyong, walang pakialam ang mga ito sa kanya. Kaya tinanong niya si Lola Delia.
Mang Temyong: "A-Aling Delia?! A-Anong ibig sabihin nito?"
Lola Delia: "Nagtaka ka pa? Magdadaos ng Christmas party para sayo. Ayaw naman namin na makita kang nag-iisa at laging malungkot tuwing pasko. Tsaka kahit na lagi kang lasing, may pakialam sayo ang mga tao."
Mang Temyong: "Kung ganon, hinihintay niyo lang akong kumalma mula sa sobra kong kalasingan?"
Mang Saroy: "Oo Temyong. Tsaka sa sampung taon na pananatili mo dito sa amin, pamilya na agad ang turing namin sa mga taong dayo na tumitira dito. Lalo na sayo, Temyong. Tsaka taon-taon ka din iniimbita ng mga kaibigan mo sa kanilang mga bahay, pero madalas kang tumatanggi kapag ika'y lasing at pinipili mo na lang na uminom ng alak sa harap ng bahay ko."
Mang Selmo: "Naisip na lang namin na dalhin ang selebrasyon ng Pasko dito sa harap ng Store. Para maranasan mo ulit kung gaano kasaya ang Pasko! Kaya naman-"
Nang mapagana ang Videoke, kinuha ni Mang Saroy ang mic, tsaka tinawag ang lahat ng kanilang kapit-bahay.
Mang Saroy: "Oh! Mga kapit-bahay! Simulan na natin ang party!"
Tsaka pinatugtog ang isang nakakaindak na tugtugin mula sa Videoke. Nagsayawan sa gitna ng kalye ang ilang mga dumagsang mga kapit-bahay. Ilang minuto pa ang lumipas, nagsidagsaan din ang iba pa nilang mga kapit-bahay.
Hindi naman mawari ang reaksyon sa mukha ni Mang Temyong kung siya ba ay natutuwa o naiiyak dahil nakikita niya sa kanyang mga kapit-bahay ang kahalintulad din na pagsasaya ng kanyang pamilya bago siya iwan ng mga ito. Lumapit naman si Emily para siya'y kausapin.
Emily: "Mang Temyong, huwag na po kayong umiyak. Sigurado po akong natutuwa para sa inyo ang yumao niyo pong pamilya."
Mang Temyong: "Iha. <Sniff > Hindi ako umiiyak. <Sniff > Napuwing lang ako dahil sa <Sniff > pagkakalat ng alikabok ni Eliasar."
Kit: "Mang Temyong, may regalo po ako sa inyo. Pati na rin sayo, Emily."
Ibinigay ni Kit ang isang maliit na kahon kay Mang Temyong at isa din para kay Emily. Agad naman binuksan ni Mang Temyong ang laman ng regalo.
Emily: "Kit? Ano to? Alahas na naman ba ito?"
Kit: "Hindi."
Nagulat si Mang Temyong ng makita ang isang Arch angel na piguring Key chain sa loob ng regalo ni Kit. Pagbukas din ni Emily, kahalintulad sa regalo ni Mang Temyong ang kanyang nakita.
Emily: "Wow! Ang ganda naman nito, Kit. Salamat ulit sa regalo mo."
Mang Temyong: (Raphael? The Arch angel of travels..?..Kit, Sira ka din. Gayahin pa talaga ang binigay na regalo ng aking anak...)
Matapos makita at matanggap ni Mang Temyong ang regalo ni Kit, tumingin siya rito at nakipagtitigan naman si Kit. Bahagyang tumango si Mang Temyong habang nakatitig kay Kit at tila may nauunawaan na isang bagay.
Maya't maya lumapit ang mga kaibigan ni Mang Temyong para imbitahan siyang sumayaw na kanya naman pinaunlakan.
Emily: "Kit, Iniwan na tayo ni Mang Temyong. "
Kit: "Okay lang. Eto naman talaga ang diwa ng Pasko. Nagsasaya, nagmamahalan at nagbibigayan."
Emily: "So, ano na ang plano mo?"
Kit: "Kakain lang. Tapos matutulog na."
Emily: "Ay.... Ang boring. Ayaw mo bang sumayaw?"
Kit: "Sa JS Prom na lang. Gusto mo isayaw kita pagdating ng Prom?"
Emily: "Sorry, Kit. Pero gusto kong makasayaw yung taong mahal ko."
Sandaling hindi kumibo si Kit at tumitig ng nakasimangot kay Emily.
Emily: "Kit? Bakit? May nasabi ba akong masama?"
Kit: "Wala. Matutulog na ako. Bahala na kayo dito."
Tsaka tumayo si Kit at umalis mula sa mga nagsasayawang tao at mga lasing. Naiwan naman na nagtataka si Emily dahil sa ipinakitang reaksyon ni Kit.
Gayun pa man, inimbitahan si Emily ni Lola Delia na sumayaw kasama ang mga nag-Zuzumbang mga matatanda. Pinaunlakan naman niya ito at matapos ang masayang gabi, nagsiuwian na rin ang mga magkakapit-bahay sa kani-kanilang mga tahanan.
Pag-uwi ni Mang Temyong sa maliit niyang bahay, nakabahid pa rin sa kanyang mukha ang ngiti dahil muli na naman niyang naranasan ang maging masaya sa bisperas ng Pasko at sa pagkakataong ito, nakatulog ng mahimbing si Mang Temyong nang hindi na kinakailangan pang uminom ng alak.
Sa kabilang banda, pagpasok ni Emily sa kanyang kuwarto, naalala niya na iniimbitahan pala siya ni Lola Delia sa kanilang Outing, dalawang araw pagkatapos ng pasko. Kaya muli niyang chinat sa kanyang Android phone ang kanyang mga kaibigan at tinanong kung sino sa kanila ang mga siguradong makakasama.