webnovel

Chapter Two

SINALUBONG si Carmina ng dilim at katahimikan ng buong paligid nang magsimula siyang lumakad sa ibabaw ng stage. Tinungo niya ang gitnang bahagi nito kung nasaan ang pole at tumalikod sa mga tao. Nirinig pa niya ang ilang bulong-bulungan at mahihinang tawanan sa kaniyang paligid. May ilan ding sumisipol sa kaniya na waring sinasabi, 'sexy'!

Nagbuga siya ng malalim na hininga bago pumikit nang mariin.

'Para kay nanay, Carmina, para ito kay nanay', paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.

Maya-maya lamang ay may bilog na ilaw na ang nakatutok sa kaniya. Kasabay nito ang pagsalang ng isang maharot na tugtog na maririnig sa buong paligid. Hudyat iyon para magsimula siya.

Nag-umpisa siyang sumayaw sa musikang nakasalang. Nag-umpisa na rin ang hiyawan ng mga kalalakihan. Sumasabay sa saliw ng tugtugin ang indayog ng kaniyang katawan. Dahan-dahan pa siyang gumiling na naging dahilan upang lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa loob ng Dos Per Dos Nightclub.

Tila hindi isang ordinaryong babae ang nasa itaas ng stage at nagsasayaw, iyon ang iniisip ng ilan sa mga lalaking nakatitig sa magandang babae. Napakaganda nito kung ikukumpara sa ibang dancer at bayarang babae sa club na iyon, kahit pa sabihing nakatalikod pa ito mula sa kanila at hindi pa rin nakikita ang mukha.

Nasisigurado nilang mala-diyosa ang ganda nito.

Ang ilan nga sa kanila'y parang mga asong-ulol na halos maglaway na habang nakatitig sa babaeng nasa entablado. Malamlam man ang ilaw ng paligid, mausok at maingay, ngunit hindi niyon nabawasan ang kagandahang taglay ng babaeng nagsasayaw.

Humarap at marahang naglakad si Carmina sa kahabaan ng stage at nang marating ang dulo'y muli siyang tumalikod sa mga tao. Unti-unting niyang hinubad ang suot na malaki at kulay puting kamiseta. Tumambad sa lahat ang maganda niyang kurba, ang makinis at mapuputi niyang kutis.

Hanggang sa dahan-dahan siyang muling humarap sa lahat. Pinilit niyang ibaling sa kawalan ang tingin dahil naaasiwa siya sa ginagawang pagsasayaw sa harap ng mga lalaking iyon habang nakasuot lang ng kulay pulang lace bra at pulang thong. Napapalunok siya sa kahihiyan sa sarili. Pasalamat na lang niya dahil pinayagan siya ng manager nilang magsuot ng pulang maskara. Pinagbigyan nito ang hiling ng kaniyang Ninang Betla sa dahilang masiyado pa raw siyang bata para ipakita sa lahat ang kaniyang mukha.

Lumunok naman siya bago humugot ng malalim na paghinga, at pagkatapos ay dahan-dahang hinagod ang sariling dibdib, pababa sa kaniyang bilugang balakang, hanggang sa pagitan ng kaniyang mga binti. Lalo pang lumakas ang palakpakan ng lahat at ganoon na lang ang kaniyang gulat nang magsimulang umulan ng pera sa entablado. Sandali pa siyang natigilan dahil sa nangyari, pero agad ring nakabawi at nagpatuloy sa pagsasayaw.

LUMUNOK si Carmina bago muling tinitigan ang sarili sa malaking salamin ng dressing room kung nasaan siya. Nayakap niya ang sarili nang maramdaman ang lamig ng hanging nanunuot sa kaniyang balat. Nakasuot siya ng playboy bunny uniform, ang uniporme ng mga babaeng waitress sa club na iyon.

Dahil sa pagsasayaw, nakalikom siya ng halos sampung libong piso. Ngunit hindi naman sasapat iyon sa halagang kailangan niya para sa pagpapa-ospital sa kaniyang ina. Ngunit para makuha ang sampung libo na iyon, kailangan pa niyang mag-serve ng drinks sa mga lalaking nasa labas.

Balak na rin niyang gawin ang kaniyang plano. Palihim siyang maghahanap ng lalaking makapagbibigay sa kaniya ng malaking pera. At dapat hindi iyon malaman ng kaniyang Ninang Betla, paniguradong magagalit ito sa kaniya at baka isumbong pa siya sa kaniyang ina.

"Ano pang hinihintay mo diyan? Pasko? Walang mangyayari sa 'yo kung tutunganga ka lang. Tandaan mo, kung hindi ka magpapa-table, pagsilbihan mo ang mga customer nang maayos!" mariing utos ni Miss Teresse, ang manager nila sa Dos Per Dos Nightclub.

Naniningkit ang mga mata at magkasalubong ang kilay nito habang nakatitig sa kaniya mula sa bungad ng pintuan.

Mabilis naman siyang tumango sa babae na sa tantiya niya ay nasa tatlumpu ang edad. Agad rin siyang lumabas ng dressing room upang makaiwas sa matatalim nitong mga titig.

Dali-daling siyang nagdiretso sa bar counter upang kunin ang mga inumin na kailangan i-serve. Pagdating doon ay mabilis siyang binigyan ng drinks ng bartender.

Huminga siya nang malalim bago kinuha ang black tray na pinaglalagyan ng mga alak. Maagap niya itong kinuha at may pag-iingat na dinala malapit sa kaniyang dibdib.

Ayon pa sa kanilang manager, kukulangin ang buong gabing suweldo nila sa presiyo ng alak na sini-serve ng club sa mga customer. Ganoon ito kamahal, kaya naman ingat na ingat siya sa paghahawak pa lang sa mga ito.

Muli siyang lumunok bago binaling ang atensiyon sa buong club. Iba't ibang mga lalaki ang nakikita niya sa paligid. May mga nakasuot ng business attires and suits, may ilan naman na naka-pants at leather jacket lang, ngunit mahahalata mo sa kilos at pananalita ng mga ito na mayayaman sila. Karamihan sa mga lalaking naroon ay matatanda na, habang ang iilan naman ay parang mga goon sa palabas na nakikita lang niya sa mga pelikula.

"Ano ba, Carmina? Hindi ito ang oras para dagain 'yang dibdib mo! Umayos ka!" bulong niya sa sarili.

Nagbuga siya ng malalim na hininga upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng kaniyang dibdib. Luminga muna siya sa paligid upang hanapin ang kaniyang Ninang Betla, nang masiguradong wala ito ay pilit siyang ngumiti sa mga lalaking nakatingin sa kaniya. Pagkatapos niyon ay nagsimula na siyang lumakad.

Hindi kalayuan mula sa kung nasaan siya ay nakita niya ang isang lalaking mariin kung tumitig sa kaniya. Nagtagpo ang kanilang mga mata nang titigan niya ito at bahagyang sumilay ang mapaglarong ngiti mula sa mga labi ng lalaki.

Sa palagay niya ay napakayaman ng lalaking ito, base na rin sa suot nitong dark green suit. Marami ring babae ang nakapaligid rito. Kaya naman, napagdesisiyonan niyang lapitan ito upang alukin ng maiinom at para obserbahan na rin.

Hahakbang na sana siya upang lapitan ang lalaki nang bigla siyang mapatid mula sa isang bagay at nawalan ng balanse, dahilan upang matapon ang mga alak na dala niya at mapasubsob siya sa dibdib ng lalaking nakaupo sa mesang malapit sa kaniyang kinatatayuan.