webnovel

BAKIT IKAW PA

Mapaglaro ba ang pag-ibig? Bakit kahit magmahal ng totoo ay may nabibigo pa rin? Bakit ng dahil sa pag-ibig ay kasawian ang idinudulot nito? Mga katanungan na kung minsan ay walang nakababatid kung hindi maiisip na lang na sana ito ay isang panaginip lamang at magigising din sa katotohanan.

Ang kasaysayan ng kwentong ito ay nagsimula sa isang bookstore.

"Lanie andyan na iyong may crush sa iyong ngetpa" ang sabi ng kasamahan niyang si Rose. Si Rose ang kaibigan ni Lanie na kasamahan niya sa bookstore.

Pagpasok ni ngetpa "Hi Lanie! kumusta ka na?" ang magiliw na bati ni ngetpa na ang tunay na pangalan ay Herardo (ngetpa ang kabaligtaran ng salitang pangit).

"Ikaw pala, ano ang hanap mong libro?" ang tanong ni Lanie na nakangiti.

"Ikaw ang libro na gusto kong bilhin" ang pabirong sabi ni Herardo.

"Ikaw talaga Herardo mula ng makilala kita dito sa bookstore lagi mo na lang akong niloloko" ang nakatawang tugon ni Lanie.

"Basta hindi ako titigil hanggat wala ka pang boyfriend" ang nakatawang sagot ni Herardo kay Lanie na umaasa na magugustuhan siya nito kahit hindi siya guwapo.

Si Lanie ay isang magandang kawani sa tindahan ng mga libro at pihikan sa pagpili ng boyfriend. Marami sa kanya ang nangliligaw subalit wala pa rin siyang napupusuan. At masasabi na suwerte talaga ang lalaking magugustuhan niya.

Isang araw may isang student ang pumasok sa bookstore at may hinahanap na libro. Siya ay si Jerry isang graduating student sa kursong Engineering. Nagpapalakad lakad siya na may hinahanap na kailangang libro ng lapitan siya ni Lanie.

"Sir, ano po ang hinahanap ninyo?" tanong ni Lanie.

"Mayroon ba kayong ganitong libro?" at ipinakita ang kapirasong papel na doon nakasulat ang descrption ng hinahanap niyang libro.

"Ah! mayroon po sir" at nagpunta si Lanie sa kabilang shelve at sumunod naman si Jerry.

"Eto po sir" at ibinigay ang hinahanap na libro ni Jerry.

"Ito nga thank you miss...?" ibinitin ni Jerry ang pagsasalita na naghihintay na sabihin ni Lanie ang pangalan niya.

"Lanie po sir" ang nakangiting tugon ni Lanie.

"Thank you, Lanie, you've got a beautiful name it goes with your beauty" ang Sabi ni Jerry na may paghanga sa kagandahan ni Lanie at nagpaalam na ito.

Nakaalis na si Jerry subalit iniisip pa rin siya ni Lanie.

"Gusto ko siya" sabi sa sarili "hindi siya mukhang mayabang at palangiti pa".

"Hoy! Lanie bakit para kang namatanda dyan? Dahil ba sa nakilala mong customer" ang biro ni Rose na nakatawa.

"Ikaw talaga hindi naman may iniisip lang ako"

"Kilala kita Lanie wag ka na ngang magkaila sa akin" ang patuloy na pang aasar ni Rose.

Si Jerry ay hindi naman kaguwapuhan subalit kapag tiningnan mo siya at uuriin ay may isang bagay sa kanya na magugustuhan kaagad ng isang babae.

Lumipas ang isang buwan at muling nagbalik si Jerry sa bookstore at mayroon uling hinahanap na libro.

"Hello Lanie" ang bati niya kay Lanie na hindi siya napansing pumasok dahil may hinahanap siyang libro.

"Ikaw pala sir" at nakitang muli ni Lanie ang lalaking sa isip niya ay puwedeng mahalin ng sinomang babae "ano po ang hanap ninyo?"

"Hellooo! Lanie pwede ba huwag mo na akong tawaging 'sir' kasi naiilang ako? At sa tingin ko ay magkasing edad lang tayo, hindi ba?" ang nakangiting sabi ni Jerry.

"Pasensya na kasi iyon ang patakaran dito sa aming bookstore na maging magalang sa lahat ng customer" ang nakangiting tugon ni Lanie kay Jerry.

"Ok, pero kapag tayong dalawa lang ang magkausap, puwede ba walang 'sir' at 'opo'?" ang nakatawang sabi ni Jerry.

Ganoon ang naging pag-uusap ni Lanie at Jerry na hindi nila alam ay magiging simula ng pagiging malapit nila sa isa't isa.

Mula ng makilala ni Lanie si Jerry ay naging madalas ng iniisip ni Lanie si Jerry. Maging hanggang sa kanila ay laman ng isip niya si Jerry.

"Ano ba itong nararamdaman ko kahit sa pagtulog siya ang iniisip ko?" ang bulong ni Lanie sa sarili.

Hindi malaman ni Lanie sa sarili niya kung ano ang nararamdaman sa sarili, Kahit sa panaginip si Jerry pa rin ang gumugulo sa kanya.

"Hayyy ano ba ito?" ang parang naiinis na sabi sa sarili niya.

Kinabukasan.

"Lanie kumain ka na lalamig ang pagkain mo. Sabi mo papasok ka ng maaga ngayon" ang bati ng ina ni Lanie.

Habang kumakain si Lanie.

"Siya na kaya ang lalaking gusto ko para sa puso ko?" ang tanong sa sarili niya "siya na kaya ang puwede kong pagtiwalaan ng aking pagmamahal?"

Sa bookstore, pagpasok niya sa pinto.

"O Lanie tinanghali ka yata ngayon?" ang bati ng kaibigang si Rose.

"Oo nga medyo napuyat ako kagabi" tugon niya.

"Alam ko naman kung bakit ka napuyat eh" ang nakatawang sabi ni Rose "dahil kay Jerry, ano?"

"Ikaw Rose ha? Sige ka sasabihin ko kay ngetpa may gusto ka sa kanya" ang nakatawang tugon niya kay Rose.

Isang araw na day off si Lanie ay naisipan niyang mamasyal sa mall upang bilhin ang damit na gusto niya noon pa at habang papunta siya sa ladies section ay nakasalubong niya si Jerry.

"Hi! Jerry kumusta ka na bakit hindi ka na napapasyal sa bookstore namin?" ang nakangiting bati ni Lanie.

"Wow! Bakit sobra yata ang ganda mo ngayon?" ang pabirong sabi ni Jerry.

"Huwag mo nga akong bolahin akala mo maniniwala ako sa iyo" ang nakatawang sagot ni Lanie.

"Malapit na kasi ang board exam namin kaya medyo busy ako sa pagre-review".

"Ganoon ba? Sige good luck na lang" ang sabi ni Lanie at umalis na ito.

Hinabol siya ni Jerry.

"Lanie kung hindi ka nagmamadali pwede ba kitang maanyayahan kahit coffee lang o kahit anong gusto mong kainin...please?" ang anyaya ni Jerry.

"Pwede kaya lang may bibilhin pa ako sa ladies section" ang paiwas na tugon ni Lanie.

"E di samahan kita muna..ok?" ang nakangiting pakiusap ni Jerry.

"Ikaw ha mamaya mo makita tayo ng girlfriend mo na magkasama masabunutan pa ako" ang sabi ni Lanie na parang nanghuhuli kung may gf na si Jerry.

Medyo hindi nakakibo si Jerry kasi sa totoo lang may gf na siya subalit hindi niya gusto, pinagbibigyan lang niya ang ina na may taglay na sakit at ito ang may gusto sa babae para sa kanya.

"O ano? E di hindi ka nakasagot dyan" ang sabi ni Lanie.

"Hindi ha!" ang biglang bawi ni Jerry "tayo na samahan kita".

Pagkatapos mamili ni Lanie ay nagtuloy sila sa isang coffee shop. At ng nakaupo na sila at kumakain ay nagtapat ng pag-ibig si Jerry.

"Lanie may gusto ako sa iyo" ang parang wala sa sariling nasabi ni Jerry.

Nabigla si Lanie dahil hindi niya inaasahan na sasabihin kaagad sa kanya iyon ni Jerry gayung bago bago pa lang silang magkakilala. Kaya ang pakiramdam niya kay Jerry ngayon ay isang presko na isang bagay na ayaw niya sa lalake. Kaya nagsawalang kibo na lamang siya at walang itinugon sa ipinagtapat ni Jerry. Napansin ni Jerry ang pagiging walang kibo ni Lanie at nag sorry siya.

Hanggang maghiwalay na sila ay parang nawalan ng gana si Lanie kay Jerry subalit hindi niya madaya ang sarili..may pagtingin din siya kay Jerry kaya siya naguguluhan.

Sa totoo lang kasi sa unang pagkikilala nila ni Jerry ay nagustuhan na niya ito dahil hindi ito mukhang mayabang at palangiti pa.

Nang sabihin ni Jerry sa kanya na mahal siya nito ay pagkakataon na sana subalit pinigilan niya ang sarili. Ang pagkakataon sanang iyon ay pwede ng lumigaya ang puso niya subalit binale wala niya.

Lumipas ang tatlong buwan na hindi na sila nagkita ni Jerry. Hindi na rin ito nagpupunta sa bookstore.

Nang isang araw ay bigla nakita niya si jerry sa loob ng bookstore at nakatingin sa kanya. Siyempre hindi niya ito pinansin (pakipot pa siya). Lumapit si Jerry sa kanya.

"Lanie pwede ba tayong mag-usap?" ang pakiusap ni Jerry na tinatantya niya si Lanie kung hindi ito galit sa kanya.

Ningitian naman siya ni Lanie kaya nagpatuloy si Jerry sa pagsasalita.

"Lanie pasensya ka na sa nasabi ko sa iyo noon sa coffee shop. Alam ko hindi pa iyon ang tamang panahon pero hindi ko napigilan ang aking sarili. Mag so-sorry ako sa iyo kahit iyon ang totoong nasa loob ko" at tinitigan ni Jerry ang mga mata ni Lanie na ipinahihiwatig na totoo ang kanyang sinasabi.

Wala ring nagawa si Lanie. Si Jerry ang nararamdaman niya na itinitibok ng puso niya kaya muling naging masaya sila sa isa't isa.

Ang masaya nilang pagtitinginan ay nauwi sa pag-ibig. Pagmamahalan na mauuwi lang pala sa wala.

Isang araw ay kinausap ni Jerry si Lanie at humihingi ng tawad dahil nakikipag break na ito sa kanya.

"Bakit Jerry?" ito na lang ang nabigkas ni Lanie dahil sa kabila ng labis niyang pagmamahal kay Jerry ay bigla niyang maririnig ito sa kanya.

"Lanie ikakasal na ako sa babaing hindi ko gusto at hindi ko masuway ang kagustuhan ng aking ina na may sakit na canser at bilang na ang araw nito" ang paliwanag ni Jerry na sa pagsasalita niya ay dama ang lungkot sa sarili.

Sa narinig na iyon ni Lanie kay Jerry ay namanhid ang buo niyang katawan at paiyak itong tumalikod kay Jerry.

Ganoon lang ang naging pag-uusap nilang dalawa. At mula noon wala ng balita si Lanie kay Jerry.

"Lanie!" ang tawag ni Rose "magmiryenda na tayo".

Nagpunta sila sa katapat na coffee shop. At habang kumakain sila ay napapakinggan nila ang iba't ibang kanta. At ng matapos na silang kumain at paalis na ay biglang sunod na kanta ay ang kay Imelda Papin na "BAKIT IKAW PA" kaya hindi napigilan ni Lanie ang lumuha.

Napansin ito ni Rose at nagtanong.

"Lanie bakit?"

"Wala Rose tayo na" ang naging tugon na lamang ni Lanie habang pinapahid ang kanyang mga luha.

Habang sila ay papalayo ay dinig na dinig pa ni Lanie ang kantang iyon hanggang maglaho na ito sa kanyang pandinig.

"BAKIT IKAW PA ANG HINAHANAP KO..BAKIT IKAW PA ANG HINIHINTAY KO

BAKIT IKAW PA ANG INIISIP KO..BAKIT IKAW PA ANG MINAHAL KO

BAKIT SA 'YO KO NADAMA ITO,,LIGAYANG HINDI MAPAPARISAN

BAKIT ANG PINTIG N'YARING AKING PUSO..AY TUMITIGIL 'PAG 'DI KA NATATANAW

BAKIT IKAW PA ANG LAHAT..BAKIT IKAW ANG KAILANGAN NG AKING BUHAY

BAKIT IKAW MAHAL"

Totoo na kapag nagmahal ka at nasawi ang dulot nito ay ibayong kalungkutan.

More short stories are coming..so enjoy reading. Thanks.

Rio Alma

Almario_Aguirre_7837creators' thoughts