webnovel

Shitsuren

This is a story is not just your ordinary love story, the story revolves on Raye and Cindy both female, but has a very strong feelings about each other.

Lexibelhime · LGBT+
Not enough ratings
17 Chs

Chapter Seven

After nung araw na yun di na ako ulit bumalik sa FA building o nakipagkita pa kay Cindy, hanggang ngayon. Masakit parin di narin ako nagpakita sa kanila, sa mga kaklase ko nung school festival, at dalawang linggo na akong di pumapasok. Tinatawagan ako nila Myles pero kahit isa sa mga tawag nila hindi ko sinasagot, parang gusto ko na atang tanggapin yung offer nila mama... OA na kung OA pero masakit talaga eh, ngayon lang ako nakaramdam ng gantong sakit hindi mali, ngayon lang ako ng mahal ng ganto tapos ganto pa mararamdaman ko, sheeeyyyyyytttt talaga...

After two weeks na tambay sa bahay at pagmumukmok, napagdesisyunan kong pumasok na. Baka kasi madrop na ako sa lahat ng subjects ko pag di pa ako pumasok. Medyo maaga pa nung dumating ako, 9am pa ang first class ko pero dumating ako ng 8am di na ako nagpunta kung saan-saan nagpunta na ako kaagad sa room, naglalakad palang ako sa hallway nagtitinginan na sakin mga tao, di ko alam kung bakit pero hinayaan ko nalang sila, mga chismosang tao to ah. Maingay yung classroom namin, malamang wala pang prof eh. Pagbukas ko ng pinto tumahimik silang lahat at nakatingin sakin, parang mga nakakita ng multo to mga to ahh nawala lang ako ng dalawang linggo pnagtinginan na kagad ako? Artista lang ang peg? o.O at pati naman talaga sila Myles, Karen, Migs at Ram nakatingin din sakin parang gulat na gulat.

"Raye! Bakit ngayon ka lang? Anong nangyari sayo?" tanung ni Myles sakin.

Tumayo sa kinauupuan niya tapos lumapit siya sakin ganun din ang ginawa ni Karen at Ram pero si Migs nasa upuan lang niya. Yung mga kaklase naman namin ganun din nagtanung sila kung bakit tapos balik na sila ulit sa pinagkwekwentuhan nila.

"Ah eh, nagkasakit ako eh, kaya di ako nakapasok sa bahay lang ako the whole time" sagot ko kay Myles habang nakahawak ako sa may batok ko tapos nakatingin sa sahig

Normal naman ang lahat exempt di na napagusapan yung nangyari nung school festival at etong si Migs talagang walang pansinan, deadma na kung deadma problema ng lokong to?!

Pagkatapos ng Klase namin nagkayayaan tumambay sa school grounds at dun pa kami nakapwesto malapit sa FA building talaga naman, iniiwasan ko nga eh kailangan talaga pinapaalala? Tsk... wala akong choice kailangan ko sumama sa kanila eh, matagal tagal din nila akong hindi nakasama eh. Tsk...

At kung talaga nga naman, hindi ko alam kung malas lang or swerte o baka naman tadhana to? Ah basta.... EWAAAANNN! si Cindy naglalakad sa field di ko alam kung saan siya papunta pero nakasunod lang yung tingin ko sa kanya, biglang tumahimik yung mga barkada ko, alam ko naman na napansin nila kung saan at kanino ako nakatigin. Si Myles hinawakan ako sa balikat, pagtingin ko sa kanya tumango lang siya sakin at nakangiti.

Anung gagawin ko? Susundan ko ba siya? Eh diba basted na ako? Panu paghinabol ko siya tapos di niya naman ako pinansin? HAAAAAAYYYYY.... bahala na nga, gagawin ko nalang kung anung nararamdaman kong gawin atleast wala akong pagsisisihan. Tumayo na ako, patakbo na sana ako nung biglang may humawak sa kamay ko, paglingon ko si Migs yung nakahawak sa kamay ko pilit kong tinatangal yung kamay niya pero mahigpit yung pagkakahawak niya

"ANO BA?! BITAWAN MO NGA AKO MIGS!!" wala atang epekto ang pagtaas ko ng boses sa kanya, nakatingin lang siya sakin at nakahawak padin sa kamay ko

"MIGS!! ANO BA?!!" sinusubukan kong hilahin kamay ko pero ayaw niya talagang bitawan

"Raye, please, wag ka ng umalis, dito ka nalang.... sa... tabi ko..." sabi niya, malungkot yung mga mata niya habang sinasabi niya sakin yun. Hindi ko na kayang palampasin pa ang pagkakataon na to, nakita ko si Cindy malayo na kung hindi ko pa siya hahabulin ngayon kelan pa? Kaya naman...

"Migs, I'm sorry... pero mahal ko siya, mahal na mahal ko si Cindy... wala akong pakealam kung ilang beses pa akong masaktan pero siya ang gusto ko.. siya ang gusto kong makasama... so please... Migs... let me go..." nakita kong may tumulong luha sa mata niya, unti unti na niyang binitiwan kamay ko. Pagkabitaw na pagkabitaw niya, tumakbo kagad ako para habulin si Cindy.