webnovel

Ssshhh.. Sshheyya is sshhyyy..

Busy as usual ang simula ng araw. Waffles at pancakes talaga ang kadalasang hinahanap sa breakfast kaya naman bumili na din si Sheya ng maliliit na waffle maker na nakita niya sa online shop.

" Galing, bilis lang nito gamitin pero pareho din ng lasa" Natutuwa nyang sambit sa kanyang sarili. "Bibili din siguro ako ng mga maliliit na cupcakes, doughnut at lollipops maker. Kung totoong 10 minutes lang matatapos na ang mga ito, mas mabilis nga at mas marami akong magagawa habang may mga nakasalang pa sa mga oven" dagdag pa niya.

Kumuha siya ng mga saging at hiniwa ang mga ito upang gumawa ng choco banana pudding. Kumuha din siya ng walnuts at inihalo dito. Sunod naman ay kumuha siya ng mga fresh peach at sinimulan gumawa ng peach and honey pie.

Pagkatapos niya sa kanyang mga gawain, lumabas muna siya ng cafeteria upang magpahangin. Sa labas ay may napansin siyang gwapo, matangkad at matipunong lalaki. Napansin ng lalaki na nakatingin siya sa kanya, ngumiti ito. Bigla naman nahiya si Sheya at tumalikod sabay naglakad palayo.

Pagkatapos niya kumain ng tanghalian, bumalik na siya sa cafe ng makita niya sa loob yung gwapong lalaking ngumiti sa kanya. Maya- maya pa ay lumapit ito sa kanya at nagpakilala bilang kapatid ng kanyang kaibigan na papasok bilang barista.

Sheya: Hala naman! Ikaw ba talaga ba yan Henson? Binata ka na at ang gwapo mo pa! Akala ko kung sinong hunk na yung nakatayo sa labas kanina.

Henson: Hahaha ako nga ate Shey! Huli tayong nagkita bata pa ko, mataba, laging madungis. Lagi ako busted sa mga nililigawan ko dati kaya naman naisipan ko mag gym at alagaan na ang aking sarili.

Sheya: Buti naman kung ganon. Teka lang, ang sabi sa akin ng kapatid mo ay sa isang linggo ka pa magsisimula?

Henson: Oo sa isang linggo pa nga. May pinuntahan kasi ako at naisip ko na malapit na lang pala ang shop mo kaya dumaan na ako para makita. Asan na pala si kuya Toby? Kinasal na ba kayo? Hindi ako updated kasi bihira lang ako mag facebook at instagram.

Natahimik si Sheya at napatingin sa malayo. Si Toby ay ang dati niyang kasintahan. Marami na silang napagdaanan, akala niya'y siya na ang magiging kasama niya ng pang habambuhay.

Sheya: Naghiwalay na kami. Nagpakasal na siya sa iba.

Henson: Ay ganun ba? Sorry hindi ko alam.

Sheya: Halika ipapakilala kita kila Mark at Karen. Ituturo ko din sayo ang mga gagamitin mo. Pagpasensyahan mo muna ang lugar natin, maliit pa, medyo marami pang kulang, sakto lang kasi ang budget ko pero pag nakaipon mas aayusin natin.