webnovel

SSTGB 11 : ANG SAGOT NI MARCUS

Ara's POV

Nakakadismaya at nakakalungkot na binawi ni Marcus ang alok niya sa akin na sabay kaming mag lunch. Pero, baka importante iyong sinabi niyang 'may gagawin pa pala ako, Ara, next time na lang.'

Buntong-hininga ulit. Mga pang-siyam na ito. Wala tuloy akong kasama ngayon. Sobrang busy na kasi ng tatlo. Ngayong hapon na iyong drawing contest na sinalihan ni Chandra at quiz bee na sinalihan naman ni Anika, tapos si Clara naman ay mamayang gabi na ang pageant niya. So, loner na naman ako.

"Thank, God, I found you," naupo siya agad sa harapan ko na talagang ang laki ng ngiti. Saka ko lang napagtanto na sinabi ko nga pala sa kaniya na mag-uusap kami ngayon. "Ba't ikaw lang? Where's Marcus?" tanong niya at agad akong nagkibit-balikat. Hindi naman ako tsismosa para itsismis sa kaniya kung bakit wala si Marcus. "Hmm. . .should I say sorry?" seryoso ko siyang tiningnan at saka ako umiling. Sigurado akong ang ibig niyang sabihin ay iyong biglaan niyang pag confess kuno sa akin.

"Just tell me how, when and why do you like me," sa totoo lang, habang sinasabi ko iyon ay tumayo talaga ang balahibo ko sa katawan. Hindi ko alam kung nandidiri ba ako o ano, eh. Basta nawiwirdohan talaga ako.

"Ara, I just like you because. . .you're very interesting," pakiramdam ko may multong dumaan. Nakaramdam ako ng lamig at mas lalong nagsitayuan ang mga balahibo ko. Kasi naman Alex is my number 1 basher, hater and ranter tapos bigla niyang sasabihin iyan. Ay, Diyos ko! Hindi nakakatuwa.

"Sabihin mo na lang sa'kin agad-agad kung pinatitripan mo lang ako, Alex, sasabayan naman kita, promise," sabi ko, pero umiling siya agad. Hindi ko tuloy alam kung anong ekspresyon na ba ang ipinapakita ng mukha ko.

"Alam kong mahirap paniwalaan. You've known me as your hater, but as time passed by. . .bigla akong nakaramdam ng kakaiba," napalunok ako sa sinabi niyang iyan. Diyos ko! Hindi talaga kapani-paniwala at ang hirap paniwalaan, sa totoo lang! "It happened when I confronted you and told you na ikaw ang reason kung bakit naghiwalay kami ni Marcus. I-I was so amazed of your personality, Ara," sabi na nga ba, eh! Kaya todo sorry siya sa akin matapos mangyari iyon! She likes me-hindi! Hindi pa rin ako naniniwala. "And telling you that I like you doesn't mean I want us to become a couple. I just want us to become friends," first time ko yata siyang nakitaan ng sinseridad habang sinasabi iyon. Ang kanina kong pandidiri na nararamdaman dahil gusto niya ako ay nawala na lamang bigla. Nakahinga na rin ako nang maluwag. Ngayon ko lang napagtanto na hindi niya naman sinabi na gusto niya akong jowain, gusto niya lang ako because of the personality I have at gusto niya akong maging kaibigan.

Ara kasi OA na judgemental pa! Minsan talaga ayoko na lang maging si Ara. Tsk!

"Sige. Let's be friends," nakangiti kong sabi na siyang ikinatuwa niya talaga. Napahiyaw pa nga siya kaya napatingin tuloy sa kaniya ang mga taong nandito sa cafeteria.

"Ara, you really are so kind. I'm sorry kung ang maldita ko sa'yo dati," aniya habang hawak ang kamay ko. Nakaramdam ako ng awkwardness, pero slight lang naman.

"Okay lang 'yon. Let's no longer think about it. Mas mahalaga na 'yong ngayon," nakangiti kong sabi at napatango naman siya agad. Hindi ako nagpapakaplastik kay Alex ngayon, ayoko na talaga na may kaaway ako sa school, okay na ako sa mga taong wagas kung makatingin sa akin dahil akala nila isa akong spoiled brat dahil anak ako ng isa sa mga mayayaman dito sa amin, pero sa totoo lang, spoiled brat ako, pero slight lang naman, eh. Mabait naman ako kapag feel ko, charot. Mabait ako, promise! Pero, isa lang ang pinakakalaban ko-iyon ay ang may trumaydor sa akin. Magkakalimutan na talaga, Ara version 10.0 ang makikita niya. Humanda!

Buong lunch ay nakasama ko si Alex. Nag-usap lang kami ng kung anu-ano, para bang nag 'getting to know each other' kami. Mabait din naman pala siya kaya lang mahahalata mo talaga minsan na mayabang siya. Mayaman din kasi si Alex, pero sa naririnig ko ay hindi siya masyadong sinusportahan ng mga magulang niya? Ewan, hindi nga kasi ako tsismosa kaya hindi ko na inalam iyong buong kwento kung bakit hindi full support ang mga magulang niya sa kaniya.

Basta, in conclusion sa nangyari kanina ay super okay na kami ni Alex at friends na talaga kami, wala ng bawian. Wala naman akong pinagsisihan. Mabuti nga ngayon hindi na kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Actually, medyo gumagaan na iyong loob ko. Achievement na rin iyon.

***

"Arabells, baka plano mong sagutin 'yang cellphone mong parang si Mommy kung makapagsermon, ang ingay!" inis pang sabi ni Chandra. Hindi ko man lang napansin na tumutunog iyong cellphone ko. Tsk.

"Hoy, anong maingay? Naiingayan ka sa boses ko? Eh, ang ganda kaya!" usal ko naman at kumunot iyong noo ni Chandra. "Palibhasa ang panget ng boses mo," dagdag ko pa at sinagot ang tawag ni Marcus.

"Akala mo naman hindi sa akin nagmana," bulong ni Chandra. Kaya nga nagsisi na ako na nabuhay siya, edi sana kung wala siya, walang pagmamanahan ang boses kong parang strings ng guitar na sabay-sabay pinatugtog-sintunado! Tsk, kasalanan talaga ito ni Chandra, eh. Pero, at least proud ako sa boses ko kaya nga ringtone ko siya. Ganiyan lang, sino pa bang susuporta sa akin, edi ako rin.

"Ara, sa'n ka?" sh*t, napangiti naman ako agad! Naloloka na talaga ako. Iyan lang naman ang tanong ni Marcus, pero bakit kilig na kilig ako? Red horse ba si Marcus? Lakas ng tama ko sa kaniya! Boom harot!

"Nandito na ako sa auditorium, Marcus, bakit?" kunot-noo akong nilingon ni Chandra dahil binago ko iyong boses ko. HAHAHA! Feel ko lang magpa-cute, ano ba?! Panira ng moment, eh.

"Saang side ka? I wanna watch the pageant with you," sh*t!!! Ito ang unang beses na may event sa school at kasama ko si Marcus! OMG!! Wala na, kilig na kilig na talaga si Ara!

"Right side, second row. Bilisan mo, gusto na kitang makita-" natakpan ko agad iyong bibig ko. Bakit ang harot ko?! Buti na lang natawa lang si Marcus. Nakaramdam din naman ako ng kahihiyan, pero napagtanto ko lang. . .kailan ba ako hindi naging maharot pagdating kay Marcus? Hehehe.

"End the call now. Nakikita na kita," aniya at ginawa ko naman agad. Nakita ko na rin siyang papalapit dito kasama ang Juding. Tsk. Mukhang mag best friend na talaga sila. Sana ako na lang si Charmagne para lagi ko siyang kasama!

CHARMAGNE'S POV

Kanina ko pa talaga hindi makeri ang kaharutan ni Marcus!! Alam ko kasing hindi naman siya nagpapakatotoo! Ipasok ko kaya siya sa PBB nang matuto siyang ilabas iyong totoo niyang ugali!!

Alam ko namang totoo iyong mga compliments na sinasabi niya kay Ara ngayon, maganda naman talaga siya, matalino rin, slight, sexy-na lang, mabait-kapag bagong kain, pero tanga pa rin siya, eh! Matagal niya na namang nakasama si Marcus, pero bakit hindi niya mapagtantong pinaglalaruan lang siya nito? God! Puro puso na lang kasi! Siguro pati utak nito naging puso na.

"Kapag. . . liligawan mo ko, seryosohin mo, ha?" pabiro man nang sabihin iyan ng Kilatra, pero alam kong sa kailaliman ng pusod niya ay umaasa siya.

"Oo naman," napairap naman ako agad. Ang sarap tanggalan ng werlog-ay, wala pala siya noon! Simula nang paglaruan niya si Ara nawalan na siya ng balls!! "Kaya lang ay natatakot ako sa mga Kuya mo," bakla nga ito. Tss.

"Don't worry, alam nilang sasaya ako sa gagawin mo kaya go na go sila," oh, ayan naman itong masyadong napapakatanga, naniniwala agad. Bagay nga sila! Mapanlinlang at isang tanga.

"Shhh na kayo, mag-uumpisa na ang event," sumingit na ako para matapos na sila sa chikahan nila at para matapos na rin ang kasinungalingan ni Marcus at katangahan ni Ara.

At. . .chance ko na para umpisahan ang laro ko!!

"Ano ba?!" inis na bulong sa akin ni Marcus nang hawakan ko iyong kamay niya na agad niyang inilayo. Ngumisi lang ako sa kaniya at mas lalo kong inilapit sa kaniya ang sarili ko. Bahagya siyang umusog kaya nasagi niya si Ara na agad kaming nilingon.

"A-Anong ginawa mo, J-Juding?" gulat niyang tanong nang halikan ko sa pisngi si Marcus. Natutuwa ako sa ginagawa ko! HAHAHA! Ang mukha ni Marcus ay parang gusto niya akong sapakin. Pero sige, gawin niya nang matapos itong laro niya.

"Ganiyan ako maglambing, Kilatra," nakangiti kong sabi, pero mas lalo lang siyang nataka. "Kung gusto mong lambingin kita, halika rito at hahalikan din kita," nagbago naman ang ekspresyon sa mukha niya. Mukhang nandidiri si Ara. Tss! Ang sarap kaya humalik ng beki. Baka kapag siya hinalikan ko, araw-araw niya nang hihilingin sa akin ang labi ko. Kaya lang ay naalalala ko hindi ako humahalik ng babae. Ang sagwa, Mama!

Natapos kaming magtitigan ni Ara nang nagsilabasan ang mga kandidata, pero kami naman ni Marcus ang nagsukatan ng tingin. "Enjoying the game, Marcus?" ang laki talaga ng ngisi sa mukha ko nang sabihin iyan.

"Don't do it again, Charles," aniya at gusto ko na lang talagang humalakhak. Halatang asar na asar siya.

"Bakit? Natatakot ka ba?" tanong ko, pero hindi sya sumagot at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Nakaisip tuloy ako ng panibagong pang-aasar. "Natatakot ka ba na makita ni Ara ang ginagawa ko? Na baka isipin niyang bakla ka pa rin?" ikinuwento niya kasi sa akin na sinabi niya kay Ara na handa siyang magpakalalaki para sa kaniya. Shuta! What a great liar! "O baka sa ginagawa ko natatakot kang. . .mahulog sa'kin?"

"Oo," nanlaki ang mga mata ko dahil agad-agad sumagot ang bakla!! Mama, cheka-cheka lang naman iyon, sumagot naman siya agad! Ayoko na ng larong itey!! Nakakatakot!