On Monday afternoon, magkasama kami ni angelo umuwi galing school at tahimik lang kami habang naglalakad pauwi.
"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" napatingin ako kay Angelo at ngumiti.
"Oo naman." sabi ko at humawak na sa kamay niya. Yung hawak na salitan ang mga daliri namin. Hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko at napatingin lang kami sa isa't-isa dahil meron kaming nakikitang apat na lalaki na naka black tapos nakashade pa. Makakasalubong namin sila ngayon. Ang yayabang maglakad. Parang mga gagngster. Parang nagsoslow motion ang tingin ko sa kanila. Hindi ko alam kung dadaan lang sila o sadyang kaming dalawa ang inaabangan ng mga to'.
"Wag kang matakot. Nasa tabi mo ako." bulong ni angelo.
Humarang silang apat sa dadaanan namin and one of the four men touched my face na nakasuot ng black bonnet at siya lang ang nabubukod sa apat na may suot nito.
"Sino ka para hawakan ang pisngi ko?" sigaw ko at tinapik ko yung kamay niya sa mukha ko.
"I am your husband." Sabi niya na hindi man lang nauutal.
"Huh? Nakawala ka ba sa mental hospital? Magpagamot!" sagot ko.
"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo miss Mesaiyah or should I say misis, you don't know me." bulong sakin nung naka bonnet na lalaki.
"Let's go, saiyah. They didn't know what they're doing. Mga walang magawa sa buhay." sabi ni Angelo at hinigit na ako papalayo sa kanila.
"Bye. Til' we meet again my fiancé." sabi nung lalaki at ngumiti ng napakalaki silang lahat.
"Sino ba yung lalaki mga na yun especially yung humawak sa pisngi mo?"Angelo asked at umupo kami sa isang wooden bench style na malapit sa may puno ng manga na sa tabi lang ng kalsada.
"Ewan. Ikaw? Baka kilala mo sila?" Tanong ko.
"Weh? Pilosopohan tayo bestfriend? O baka naman boyfriend mo yun?"sagot ni Angelo.
"Boyfriend? Ha-ha-ha. Hindi no!"sagot ko. Gusto kong ikaw ang maging boyfriend ko. Sabi ko sa isip ko.
"Bakit sabi niya I am your husband. Fiancé na nga eh."
"Psh! Ewan nga dun. Takas nga yata talaga sa mental yun. Hayaan mo na."sagot ko. He just pinched my cheeks at niyakap ko naman siya.
"Wag kang mag-alala. Hindi ko sila kilala. Ikaw lang ang kilala ko sa buong mundo." I said running my hand through his back.
"Talaga ha. Best friend forever tayo. Walang iwanan." Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at pinagdikit ang aming palad.
"Promise. Best friend forever. Walang iwanan." sagot ko.
Kung sino man kayong mga lalaki kayo, nakakatakot kayo. Feeling ko aatakihin ako sa puso kapag naaalala ko yung sinabi nung lalaki kanina. Nakakapagtaka lang. Hindi na tuloy ako makatulog ngayong gabi.
Terra's Point of View
I took a deep breath. Really deep. Good morning readers. I am Terra Kumiko, twenty-two years old. Ako ang ate ni Saiyah, tumigil ako sa pagpasok sa school kasi kinapos kami sa pera. Hindi kayang pag-aralin ng magulang ko ang dalawa kaya instead na ako ang mag-aral, si saiyah nalang pinag-aral ko kasi mahal ko yan eh. Mas maaasahan pati ang utak niya kesa sakin. Meron akong sasabihin sa inyo, si mesaiyah ay hindi ko tunay na kapatid. Ampon lang siya. Ako lang ang nakakaalam ng katotohanan at ang magulang ko.
FLASHBACK
Thirteen years ago, I was only six years old that time.
Isang araw, nung naglalaro ako sa likod-bahay namin merong babae na kahina-hinala. Lakad siya ng lakad sa may harap ng bahay namin. Meron siyang dalang bata, 2 years na yata ang gulang nito. Tiningnan ko siya at nung makita niya ako iniwan niya yung bata mag-isa sa bahay namin at tumitig siya sakin saying "TAKE CARE OF THIS CHILD, PLEASE." at umalis na. Siguro yung babae na yun ang ina ni saiyah. We are one of the richest family in our community that time kaya iniwan nung babae yung bata samin dahil alam niya may kaya kami sa buhay. Tinawag ko si mama na noon ay nagluluto ng hapunan namin.Tinuro ko sa kanya yung bata at kinuha ni mama ito.
My parents believed that "KAPAG MAY ANGHEL NA INIWAN SAYO, ITO'Y MAGDUDULOT NG MALAKING SWERTE." kaya noong araw na iyon, my parents started going to casino dala-dala ang kasabihan na yun at hindi nila alam ang pera namin ay unti-unti ng nauubos hanggang sa maghirap kami. I'm not blaming Mesaiyah sa nangyari sa buhay namin, I know it's not her fault. She is just a child. An innocent child. Hindi naman niya kasalanang iiwan siya ng ina niya sa amin at hindi din naman niya kasalanan na maniwala ang magulang ko sa kasabihan na yun, sa totoo nga si mesaiyah ang minalas samin na ine-expect ng totoong ina niya na maganda at maayos ang kinabukasan niya sa piling namin but that woman was wrong.
And until now, wala pa rin akong nakikitang babae na bumibisita para tingnan o kamustahin si Mesaiyah. That name, mesaiyah may nakita si mama ng maliit na papel kasama niya "MESAIYAH ang pangalan niya." and that, Mesaiyah nalang pinangalan ni mama at ako naman ang nag nick name sa kanya na saiyah.
At yun, kaya laging si saiyah ang nababalingan ng galit ni mama at papa.
Siya ang sinisisi nila sa pagkakamaling nagawa nila, siya ang sinisisi kung bakit kami naghihirap, siya lahat ang masama kaya nga ako nalang natitira niyang kakampi sa bahay na'to. What happen, happened, ang nagawa mo ay nagawa mo na at hindi mo na ito mababago kailanman.
END OF FLASHBACK
Alam ko may isa pang kakampi si saiyah dito sa mundo at yun ay ang bestfriend niya, si Mark angelo. Crush niya daw yan kaso sakin nagconfess hindi sa bestfriend niya. Ayaw niya daw kasi masira ang pagkakaibigan nila at kapag magconfess siya ng nararamdaman baka magkailangan na silang dalawa. Minsan nga nakausap ko si Mark angelo, sinabi ko na kapag wala ako sa tabi ni lil' sis, ikaw ng bahala sa kanya.
Ang swerte nga ni saiyah kay Mark Angelo no? Siguro, kapag nagkatuluyan yang dalawa na yan perfect. Sabi nga ng teacher namin dati "mas magandang maging asawa ay yung taong kilala mo na para lagi kayong magkaunawaan dahil nga kilala niyo na ang isa't-isa kung ano mang bagay ang hindi maintindihan ay madaling maaayos dahil alam na kung ano ang dapat gawin." kilalang-kilala ni Mark angelo at Mesaiyah ang isa't-isa kaya for me, they are perfect for each other pero lahat ng dream ko para sa kanila na sila'y magkatuluyang ay masisira.
It was a tuesday morning and I'm here inside my room busy reading a book nang marinig ko ang sunod-sunod na pagdating ng maiingay na mga motor 3-4 times kong narinig ang mga yun. Lumabas ako ng kwarto ko para tingnan kung sino ang mga yun nang may makita akong apat na lalaki na naka black shirt sa loob ng bahay namin. Nasa school si Mesaiyah noong mga oras na iyon. Nagtago muna ako sa kung saan pwedeng magtago. Kitang-kita ng dalawang mata ko na sinalubong ni papa at mama ang apat na lalaki.
Sino ba sila? Mga lost and found na kamag-anak namin? Mga pinsan? Pero wala akong naaalala na may kamag-anak kami na nabanggit sakin si mama at papa. In short they are all strangers in my eyes. Inaasikaso ng mabuti ng magulang ko ang apat na lalaki, madumihan lang ang damit nila ay pinupunasan agad ni mama at papa, may lalagpak lang na alikabok galing sa kisame kung mapunasan ng magulang ko wagas at kung matrato sila ng magulang ko parang mga mayayaman. Kung sa bagay, sa damit palang nila magagara na kaya malamang mayayaman yang mga yan.
"Good morning Mr. and Mrs. Kumiko. We are from the great known clan family from Japan." one of the men said.
"Opo, alam namin. Ang magulang niyo po ay nakakalaban namin ng asawa ko sa casino." sagot ni papa.
"Good. Did you know who I am?" one of the four men wearing a bonnet said.
"Opo, alam namin. Ikaw po ang grand son and prince of yakuza." my father replied. At napatabon ang kamay ko sa aking bibig. YAKUZA? And my heart beats fast on that thought.
"Alam niyo ba kung bakit kami andito?" tanong nung prince ng yakuza daw.
"Ano pong mapaglilingkod namin sayo, mahal na prinsipe?" sabi ni mama at papa habang nakayuko.
"I WANT TO MARRY YOUR DAUGHTER." he said. Nagulat si mama at papa pero kalaunan ay ngumiti din sila pagkatapos.
"I have two daughter. Mesaiyah and Terra, which one do you prefer to marry mahal na prinsipe." my mother replied.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Namamali ba ako ng naririnig? G-gusto niyang magpakasal sa isa sa a-amin?
"Mesaiyah, I want Mesaiyah." he said.
Haaah? 0___________________0
Kagat-kagat ko ang aking labi upang hindi makagawa ng ingay.
S-si me-mesaiyah ang gusto niyang pakasalan?
S-si m-mesaiyah?
"You can have her anytime you want in one condition."my father smile widely at nababasa ko kung ano ang iniisip nila.
Pera.
"What?"tanong nung isang stranger.
"You can have my daughter but of course you have to pay us back." my father replied. Tumango yung prince ng yakuza at alam na kung ano ang ibibigay nila sa aking mga magulang.
//////////
Please I hope you can subscribe to my youtube channel: Sesshi1997