Terra's Point of View
At nang makauwi na si Mesaiyah sa aming bahay ipinaliwanag ni papa ang lahat ng mga nangyari sa mga araw na wala siya. Nagmakaawa ang aking kapatid, hinawakan niya ang tuhod ni papa para mabago ang kanyang isip subalit wala lang itong kibo kundi itinuloy ang pagbenta niya kay Saiyah sa mga gustong bumili sa kanya. Iyak ng iyak ang aking kapatid noon subalit wala pa ring kibo ang aking ama.
Patuloy na sumasagi sa isip ko kung paano sila ngumiti nang mabigyan sila ng pera habang ang aking kapatid naman ay labis na nagmamakaawa sa kanila. At nang malaman na niya ang buong katotohanan na siya ay ampon lang. Humingi ako ng sorry subalit hindi niya ito tinanggap. I told her that I will explain everything but she's pushing me away. Hindi nalang ako nakipagmatigasan sa kanya dahil alam ko namang may mali din ako kaya hinayaan ko muna siya para makapagisip-isip.
Umuwi siya sa bahay kagabi ng basang-basa at patuloy pa rin sa pag-iyak. Sabi niya umalis na ang kanyang bestfriend papunta sa Italy. Oo, mahirap ang mga nangyayari sa kanya ngayon lalo na at iniwan na siya ng kaisa-isa niyang bestfriend at wala na siyang ibang masasandalan ngayon kundi ako nalang kaya naman napatawad na niya din ako.
"I love you ate."
"I Love you too Saiyah. So, ano na ang gagawin mo ngayon? Ngayong araw kana kukunin ng mga bumili sayo." sagot ko habang hinihipo ang buhok niya.
"Ewan. Hindi ko na alam ang gagawin ko ate."
"Wala kang gagawin? Hindi ka tatakas? Hindi ka lalayo? Paano na ang pag- aaral mo?" tanong ko sa kanya.
"Ito yata ang nakatadhana sa akin. Tumigil sa pag- aaral at magpakasal sa isang lalaki na ni ugali, mata, buhok, kamay, paa, braso, ilong, binti, ang lahat-lahat sa kanya eh hindi ko kilala at siguro nakasulat na sa palad ko na ang kaisa-isa kong bestfriend ay iiwan ako." awang-awa na ako sa kanya. Kung pwede lang ako ang magpakasal sa lalaki na yan pero hindi eh.
May mga tao talagang manhid, walang puso katulad ng mga magulang ko. Sobra na ang ginagawa nila kay Mesaiyah. Nagkatinginan kami at naririnig ko na ang sunod-sunod na pagdating ng mga motor, andito na sila para kunin nila ang kapatid ko.
"SAIYAH! TERRA! LUMABAS NA KAYO DIYAN!" Tawag ni papa sa amin.
"Buo na talaga desisyon mo? Hindi kana uurong?" tanong ko habang nakahawak sa magkabila niyang kamay. Tumango siya.
"Sigurado ka?" tumango lang ulit siya at nakikita ko ang pagtulo ng kanyang luha.
"Gusto kong tumakas. Gustong-gusto kong makaalis dito pero hindi ko magawa. Wala akong ibang choice ate." patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Kung may magagawa lang talaga sana ako. Napakairesponsable kong ate. Wala man lang ako magawa para sa kapatid ko. Tanging nagawa ko nalang ay ang yakapin siya.
"Andito si Lord para gabayan ka. This fate is yours. Lahat ng mga ito ay may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na'to. Wag kang mag- alala." Sabi ko habang hinahaplos ang likod niya atsaka siya ay niyakap. At nang dumating na ang pamilya ng mapapangasawa ni Mesaiyah, napilitan akong sumama sa kanila. Kailangan kong magtahan sa bahay nila sa loob ng dalawang linggo para matulungan ko ang aking kapatid na mag-adjust sa bago niyang buhay.
Tinitingnan ko si Mesaiyah habang naglalakad kami papasok sa gate nila. She looked so pale at napakalalim ng kanyang iniisip. Hanga lang ako kasi sobrang laki ng bahay ng mga stranger family. Nagtataka lang ako kasi puro painted black ang bahay nila. Napapalibutan ito ng maraming puno at napansin kong wala silang kapit-bahay. Marami din silang halaman pero ang pinagtataka ko lang. Bakit full blacked ang bahay nila?
At nang makapasok na kami sa malaking itim na pintuan ng bahay nila, sobrang nakakahanga kasi makikita mong black ang harapan ng bahay nila pero dito sa loob. Nakakaiba. Ang unique ng style. Sa lahat ng mga magagandang bahay na nakita at napasukan ko, eto na ang pinakamaganda. Halatang mayaman sila. Oo, mayaman sila. Nabayaran nga nila ang kapatid ko sa mga magulang ko eh. Atsaka, ang mga yakuza ay mayayaman talaga. Wala pa akong nababalitaan na may yakuza na mahirap. Maraming paintings and antiques ang nakadisplay dito na mukhang mamahalin at nanggaling pa ito sa ibang bansa. Even their chairs, tables and blankets, kahit na yung sahig nila parang mga royal blood ang nakatira dito, mga king and queen, prince and princess.
Nang papunta na kami sa sunod na palapag ng kanilang bahay, doon nakadisplay ang mga pictures nila. Ang taas naman nito. I think seventy five steps ito papunta sa second floor, made of ano kaya ang hagdan nila. Made of gold? Made of diamond? I think so.
Nang makita ko ang kanilang family picture "SHATSUNE FAMILY" shatsune family pala sila. I said to myself. Ang mag-asawa na magulang ni Anhiro, si Anhiro at may isa pang babae na napakaganda. Hindi ko kilala. Sino kaya siya? Baka kapatid niya pero parang nakikita ko ang mukha ni Mesaiyah sa kanya. Magkahawig sila.
"Kayo na muna ang bahala sa kanila." sabi nung mommy ni anhiro sa mga katulong na nasa likod namin atsaka umalis na sila.
May nadaanan kaming kwarto na puro pink and violet. Anthea Shatsune kapatid nga siguro ito ni anhiro. Maganda siya, matangos ang ilong, medyo singkit ang mata katulad ng mata ni Saiyah. Paano ko nadiscribe sa inyo? May painting kasi siya sa pintuan ng kwarto niya tapos may nakalagay din na pangalan niya.
Yung isa naman puro black and white ang kulay. Parang pangpatay. Anhiro Shatsune sa kanya na pala ito, yan na yung kwarto nung husband ni Saiyah.
"Madam Mesaiyah dito na po kayo. Sabi po sakin ni Sir Anhiro, sa kwarto niya daw po ikaw tutuloy."wika ng katulong. Hindi na namin kasama si Anhiro. Humiwalay na siya samin at may ibang pinuntahan.
Tumingin sa akin si Mesaiyah. Nararamdaman ko ang takot, lungkot at pangamba ni Saiyah sa kanyang sarili, tingin ko palang sa kanyang mga mata.
"It's okay Mesaiyah. Nasa kabilang kwarto lang ako." kinuha ko na yung gamit niya at ipapasok ko na sa kanyang kwarto nang biglang magsalita yung katulong.
"Hindi ka po pwedeng pumasok, kabilin-bilinan po sakin ni master na si Madam mesaiyah lang ang pwedeng pumasok sa kwarto niya." sabi nung katulong.
"Okay." Sagot ko nalang.
"Pero ate?" reklamo ni Mesaiyah.
"It's okay Saiyah." sabi ko at niyakap siya para lumakas ang kanyang loob.
Gwapo, medyo singkit din ang mata niya at matangos din ang ilong ni Anhiro but I hate his looks. Ang yabang ng mukha, ang angas niya pero yung mga magulang niya. Mukhang mabait naman, mukha lang, malay ko na may tinatago pang baho ang mga yan. Ang shatsune family ay nasa living room nila samantalang papunta palang ako sa magiging kwarto ko.
"Dito na po 'yung kwarto mo." sabi nung katulong at nagpasalamat ako sa kanya.
"Huwag po kayong mag-alala, mababait ang mga amo namin. Hawak lang po nila ang title ng Yakuza pero mababait po sila." dagdag nung katulong at umalis na. Sana nga totoo yang sinasabi mo at dinala ko na sa loob ang gamit ko.
Mesaiyah Point of View
Hindi pinayagan si ate na pumasok sa kwarto ng not to mention demon kong asawa. Anhiro Shatsune, anhiro pangalan niya. Kung hindi dahil sayo, hindi masisira ang pangarap ko. Wika ko sa aking sarili.
I'm lying on his white and black bed thinking what will happen next as a wife of anhiro, wala akong alam sa mga bagay na ito kaya kung ano man ang susunod na mangyayari ay natatakot ako.
May malaking bintana ang kwarto niya na kapag binuksan mo ang itim na kurtina na nakalagay dito ay makikita mo ang mga malalaking puno na nakapaligid sa kanilang bahay, makikita mo din ang kulay asul na ulap sa itaas kung saan ang mga ibon ay lumilipad ng malaya.
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng malaki niyang kwarto. Meron din siyang malaking picture na may hawak na gitara. Kinuha ko yung unan na nasa tabi ko at inihagis sa poster niya. Kapansin ko pa din na puro itim at puti ang mga gamit niya. Nakakatakot naman magstay dito, parang feeling ko may biglang lalawit sa harap ko na putol na kamay. Ang lungkot ng ambiance ng kwarto niya.
Ibinaling ko ulit ang aking paningin sa malaki niyang picture na nakadisplay. I hate his hair, his eyes, his lips, his nose, i hate the way he looked, i hate everything about him. Ano kaya ang magiging kapalaran ko sa piling niya. Kung sa bahay walang nag aaruga o nagmamahal sa akin maliban sa ate ko, sana naman ang pagmamahal na hinahanap ko makita ko dito. Sana naman lahat ng pagmamahal na ibinibigay ko ay maibalik na sa akin.
Later that evening, it's eight o'clock in the clock when Anhiro my stranger husband went in his room. Nakatayo ako sa may gilid ng bintana, tinitingnan ang mga maliliwanag na stars sa itaas at ang buwan na kung babaligtarin ay nakangiti sakin. Tahimik ang paligid kaya wala akong ibang naiisip ngayon kundi ang bestfriend ko na iniwan ako sa kalagitnaan ng pangangailangan ko sa kanya.
Sana siya ang kasama ko ngayon. Sana siya nalang bumili sakin, sana ikaw nalang Mark Angelo. Nararamdaman ko ang pag tulo ng aking luha sa aking pisngi. Paano ko magagawang mahalin ang isang taong hindi ko kilala? Ang lahat sa kanya ay hindi ko kilala kaya paano ko siya pagsisilbihan bilang asawa niya? that word asawa. Hindi ko alam ang definition ng asawa? How would I know that?
Alam niyo yun, ang gulo ng buhay ko. Wala pa akong nagiging boyfriend pero meron na akong asawa. Huminga ako ng malalim at napatingin sa kanya. Pinunasan ko ang aking luha at humarap sa kanya. Ah? Anong sasabihin ko? Mumurahin siya, bubugbugin dahil ito na ang pagkakataon ko o magmakaawa sa kanya pero..hindi eh, huli na nga ang lahat. Mag-asawa na kami ngayon (mag-asawa kahit walang nagaganap na kasalan,yun daw ang culture nila. Na kapag binili ng lalaki ang babae sa magulang niya, mag-asawa na ang tawag sa kanila).
Diretso siyang pumunta sa closet niya at hinubad ang itim niyang shirt na suot. Napatabon ako ng kamay sa aking mukha at tumalikod sa kanya. Bastos.
"Paano tayo maghohoneymoon niyan, kung ayaw mong tumingin sa katawan ko?" ha?Ano daw?Honeymoon?As if naman may balak akong gawin 'yun sa kanya.
"Feeling mo naman may balak ako." bulong ko lang na sabi at nakatalikod pa rin ako sa kanya.
"Hubad na." What the?!
"Pakipot talaga ang mga babae, gusto din naman."
"Wag mo akong ibilang sa kanila dahil hindi ako ganun."
"Talaga?" Nakakakilabot ang boses niya. Hinawakan niya ang aking likod sabay pinaharap niya ako sa kanya. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko at ramdam ko ang hininga niya.
"Natatakot ka ba?" Tanong niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"O-oo. Natatakot ako sayo." sagot ko at medyo nakahinga-hinga na ako ng maluwag nang bitawan na niya ako. Ngumiti siya sakin na parang may ibig sabihin..
"Dapat lang, kasi kung hindi ka sumunod sa gusto ko..boogshh!!"
What's that mean boogsh? Tiningnan ko siya na nagtatanong.
"Anyways, kumain kana ba?" dagdag niya.Tumango lang ako at bigla niyang pinatay yung ilaw. WHAT THE? Ano na naman bang balak nito?
"Halika kana dito sa kama..alam mo na..oras na para sa atin."
"Baliw." galit na sabi ko at binuksan yung ilaw na pinatay niya
"Alam mo..ang cute mo kapag nagagalit ka."
"Hindi mo ako madadala sa pambobola mo stranger kaya pwede ba, tumigil-tigil ka." galit pa din na sabi ko samantalang nakangiti lang siya sakin na nakakaloko habang nakahiga sa kama niya na nakadikwatro, na ang dalawa niyang kamay ang kanyang inuunan.
"Hindi mo ba alam..asawa na kita ngayon."
"Alam ko at hindi mo na kailangan paulit-ulitin. Akala mo ba masaya akong maging asawa mo. Never."
"Magugustuhan mo din ako."
"IN YOUR DREAMS." sagot ko.
"Dito ka na nga sa tabi ko."
"Mas gusto ko pang tumira sa gabundok na basura kasama ang mga daga, ipis at kung ano-ano pa basta wag lang ikaw!" naiinis na sabi ko.
"Okay. Sabi mo yan mahal na prinsesa. Goodnight." pinatay na niya ang ilaw at naiwan ako dun na nakatayo.
"Teka? Pano ako? San ako matutulog?"
"Sa basurahan. Hindi kita pipigilan. Di hamak na mabango pa naman ako sa daga at ipis na gusto mong makasama." aba't pilosopo din itong lalaki nato? naniwala siyang dun nga ako tutulog?
"Kung ayaw mo sa basurahan, dito ka sa tabi ko."
"No thanks, iyong-iyo na yang kama mo. Sa living room nalang ako tutulog." lalakad na sana ako para lumabas sa kwarto niya ng magsalita siya kaya napatigil ako.
"May matandang puno pa naman na makikita ka dun sa tapat ng living room namin. Hindi mo ba alam, yung isa naming katulong nagbitay sa puno na yun dahil pinalayas siya ni mommy." may gana pa itong manakot. Akala mo ba matatakot ako? Psh!
"Whatever." sagot ko at lumabas na ng tuluyan sa kwarto niya. Hindi ako natatakot sa mga multo, sabi ni ate, matakot kana sa buhay wag lang sa patay at dahil sa sinabi ni ate na yun, hindi na ako natatakot sa mga multo kailanman (hindi pa nga ako nakakakita ng multo kaya ganun nalang ang lakas ng loob ko pero siguro kapag nakakita na ako. Let's see nalang kung matatakot ako)
The silence ate the entire house tonight and it's so creepy. I can feel the cold wind passing through their open window. Nakahiga ako sa faded blue couch nila while hindi ko maiwasang tumingin sa sinasabi niyang matandang puno. Katapat lang siya ng hinihigaan ko kaya nakaharap ako sa puno na yun. Tumagilid ako sa kanan para hindi ko yun makita subalit hindi ako mapakali. Paulit-ulit lang ginagawa ko pero hindi pa din ako makatulog.
Pumasok na naman sa isip ko ang aking bestfriend. He let me go ,he does let me go. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Kamusta na kaya siya? Sa tuwing naiisip ko siya ang bigat-bigat lagi ng pakiramdam ko. Sana pwede ko pang ibalik ang oras. Haays! Totoo nga ang kasabihan na wala sa una ang pagsisisi kundi nasa huli.
Kung hindi dahil sa lalaki na yan, hindi sana magkakaganito ang buhay ko. Alam ko sa sarili ko na kahit milyon-milyong beses ko pa siyang sisihin, alam kong hindi na maibabalik ang mga nangyari.
Ang mga magulang ko, bakit kelangan ipagbenta ako sa iba para lang sa kayamanan? Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa nila sakin? Ang tunay ko kaya na magulang, asan na?
Nakaagaw ng pansin ko ang painting na nakadisplay sa living room nila. Sino kaya ang nagpainting niyan? Ang ganda naman. Babae at lalaki na magkahawak ang kamay na nakatingin sila sa isa't-isa tapos yung kulay brown at orange na dahon nalalaglag sa paligid nila ay parang sumasabay sa pagiging malambing nila. Siguro panahon ng taglagas yan o autumn.
Bigla akong napatingin sa matandang puno kasi, uhh..ano..hindi ko alam kung namamalik mata lang ako o totoo yung nakita ko parang kasi..uhh..ano..parang may matanda na nakaputi na nakasilip sakin tapos uhh..nanlalamig na ang buong katawan ko at namamawis ang aking kamay. Ganito pala ang feeling kapag ikaw na ang maka experience na makakita ng multo, akala ko hindi nakakatakot pero hindi pala, kinurot-kurot ko yung pisngi ko at tinapik-tapik yung mukha ko, nilibot ko din ang paningin ko sa loob ng living room nila at tumingin ulit sa puno na nagbabasakaling wala na pero andun pa din yung matanda tapos..I can't take it anymore.
Nagtatakbo ako papunta sa kwarto ni stranger husband..uh, Teka? No, hindi ako papasok dito..kay ate terra na kwarto ako pupunta.Tama, kay ate ako pupunta.
Kinatok ko yung pinto ng kwarto ni ate..tsss..walanghiya talaga yung lalaki na yan.
"hmmmm?-.....O" inaantok pa na sabi ni ate.
"Ikaw pala saiyah. Anong problema?"
"Ahh. Ano kasi ate..pwede bang diyan matulog?" tumayo siya sa kanyang kama at lumapit sakin.
"Ha? Yung asawa mo?"
"Tss. Wag mo nga ate tawaging asawa ko yun. Basta. Gusto ko katabi kita kaya dito muna ako matutulog."
"Hindi ba magagalit yung asaw---...I mean siya? Hindi ba yun magagalit?"
"Hindi yun magagalit. Wala akong pakialam kung magalit siya, basta ate dito ako matutulog."
"Siya sige, dito kana matulog. Just make sure alam ito ng asaw--..I mean ni anhiro."
Humiga na ako sa kama ni ate, nagshare kami sa isang kama, buti nalang good for two itong kama. Malaki-laki lang ito ng doble sa kwarto namin dati ni ate. Sa bahay, magkasiping lang din kami sa isang kama kaya sanay naman na ako na masikip.
Nakakainis yung lalaki na yun. Kahit paliguan niya ako ng maraming-maraming pera, hinding-hindi ako tatabi sa kanya, maguho man ang mundo. Never ever akong tatabi sa kanya.
"Ate..sa tingin mo. Bakit hinayaan ng mga magulang natin na bilhin ako ng shatsune family?" tanong ko at humarap kay ate Huminga siya ng malalim bago sagutin ang tanong ko.
"Kasi alam nilang, maraming pera ang bibili sayo."
"Bakit kelangan nila akong ipagbenta? Kung pwede namang magtrabaho ako para bigyan sila ng pera." Bakit ba tinatanong ko pa ang mga ito kahit na alam ko sa aking sarili na masasaktan lang ako.
"Sa panahon natin ngayon, marami ng tao ang nasisilaw sa pera..kabilang na ang magulang natin."
"Minsan ba minahal nila ako bilang anak?" tanong ko.
"Sa totoo lang Mesaiyah..hindi." Hindi ko alam pero parang binagsakan ako ng langit at lupa ng marinig ko yun.
"Ako lang pala ang tanga. Naghahanap ng pagmamahal nila pero wala silang maibigay. Ang tanga ko kasi mahal ko sila pero kahit pigain mo ng maigi sila na parang damit..wala silang maibibigay dahil hindi nga nila ako anak, hindi mo ako tunay na kapatid ate Terra." mangiyak-ngiyak na sagot ko.
"Mahal na mahal ko ang mga magulang ko subalit ngayon, kinamumuhian ko na sila..mabulunan sana sila sa tinatamasa nilang pera." sabi ni ate at niyakap namin ang isa't-isa. Sa panahon ng problema, walang ibang magdadamayan kundi ang magkapatid.
//////////////