webnovel

She Leaves (Tagalog)

MJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Visitor

Nagku-kuwentuhan sila ng kung anu-ano nang bigla silang tumigil sa pag-uusap at napalingon sa aming bandang likuran. Nag-angat na rin ako ng tingin at agad napatayo nang makitang palabas na ng building ang mga in-laws ko. Wala sa sarili kong nilingon si Steve at Breth at isang tango lang ang isinagot nila sa akin.

Nilapitan ko ang mga in-laws ko kasama ang iilan sa mga anak nila. Kasama na roon si Sonny at Darry.

"See you tomorrow, hija! Rest well." huling habilin ni Mommy Felicity sa akin bago niya ako niyakap, pati na rin si Dad. Magalang akong nagpaalam sa kanila, still ignoring Darry.

Nagsunod-sunod na nagsi-alisan ang mga bisitang nandoon sa eulogy kanina. Lumalalim na rin ang gabi. Sinamahan na rin ako ni Steve at Breth na magpaalam sa iilang bisita.

Nang malamang wala ng bisitang paalis ay binalikan ko ang puwesto ng mga kaibigan ko. Sumunod din sa akin si Steve. Si Breth ay kinausap pa si Darry.

Patuloy sa pag-uusap ang mga kaibigan ko habang ako ay tulala pa rin sa isang tabi habang nakasandal ang ulo sa balikat ni Ressie.

Kung may mga pa-uwing bisita, mayroon ding padating. Kahit hindi ako masiyadong attentive sa paligid ko, alam ko na naman kahit papaano kung ano na ang nangyayari sa paligid ko.

May dumating nga na bagong sasakyan sa premises ng admin building pero masiyado akong pagod para pagmasdan man lang ito. Naririnig ko lang ang makina ng kakarating lang na sasakyan.

"MJ, si Engineer Valmayor..."

Ha?

Automatic akong napaayos ng pagkaka-upo nang sabihin iyon ni Steve sa akin. Sinundan ko ng tingin kung saan silang nakatingin lahat at laking gulat ko nang makita nga siya... at hindi siya nag-iisa.

Nakatingala siya sa pangalawang palapag ng admin building, kung saan ang wake ni Lolo, kasama ang hindi inaasahang bisita.

I immediately march towards them with raging anger inside me.

Bakit siya nandito?

I keep my distance to them, enough lang para maagaw ko ang atensiyon nilang dalawa.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nandito?" itinuro ko siya at ang panibagong galit sa kalooblooban ko ay bigla na namang sumibol.

Sabay silang napatingin sa akin pero wala kay Tibor ang atensiyon ko, nasa kasama niya.

"Anong ginagawa mo rito?" pag-uulit ko, almost hysterical.

Naramdaman ko ang presensiya ng mga kasamahan ko kanina pero wala akong pakialam! Ang gusto kong malaman ay kung bakit siya nandito?

"C-Cony..." wika ni Tibor. Panandalian ko siyang tiningnan.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita rito! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin!" sigaw ko sa kaniya, hindi na napigilan ang takot at histeryong nararamdaman sa sarili.

Lahat ng takot at trauma na naramdaman ko noong araw na iyon ay tila nagbalik sa akin dahil lang sa nakita ko na naman ang presensiya niya.

"MJ, calm down... mga bisita sila." pagpapakalma sa akin ni Steve pero wala akong pakialam.

Halos sugurin ko siya kung hindi lang ako napigilan nina Breth.

"Anong nangyayari rito?" may narinig akong mga bagong dating pero WALA. AKONG. PAKIALAM!

"Ang kapal ng mukha mong magpakita rito!" sigaw ko ulit.

Yumuko siya at umiwas ng tingin sa akin. Matalim ko siyang tiningnan na animo'y mapapatay ko siya sa pamamagitan ng aking mga titig. Galit na galit ako. Sobra!

Tibor blocked my view kaya sa kaniya ko naibaling ang galit ko. Nanggagailiti kong tiningnan si Tibor. "Anong ginagawa ng demonyong iyan dito, Tibor? Anong ginagawa niya rito?"

"Cony... nandito kami para magbigay-galang kay Senyor Mado." sagot naman ni Tibor na lalong ikinabagsak ng luha ko.

"Magbigay-galang?" hindi makapaniwalang tanong ko, lalong sumasakit ang puso ko neto. "Magbibigay-galang kang demonyo ka sa Lolo ko? Ang kapal din naman ng mukha mo!" sigaw ko at halos lapitan na siya para suntokim at saktan. Nakakapunyeta!

"MJ, ano ba!" kung wala lang may pumigil sa akin, baka nasugod ko na nga siya at nasaktan ulit. Nakaka-inis ka!

"MJ, ano bang nangyayari rito?"

I ignored again the side voices and focused on this man na bagong dating.

"Saan mo nakuha ang kapal ng mukha mo para magpakita sa akin matapos ang nangyari? Eliseo, baka nakakalimutan mo, galit na galit ako sa'yo!"

"S-Sorry, Cony."

Punyemas!

Buong lakas akong kumawala sa mahigpit na hawak ng kung sino man at dinuro si Eliseo.

"Naaalala mo ba? Naaalala mo ba ang kawalang-hiyang ginawa mo sa akin? Naaalala mo pa ba ang pagsisinungaling sa harap ng Lolo at Lola ko? Kasi kung naaalala mo, hindi ka magpapakita sa akin ngayon." mas lalong yumuko si Eliseo sa sinabi ko kaya si Tibor ang pinagtoonan ko ng pansin. "Tibor! Alam mo! Alam na alam mo ang kababoyang ginawa niya sa akin! Sinabi ko sa'yo 'di ba? Sinabi ko sa'yo! Pero bakit? Bakit siya nandito? Bakit mo siya dinala rito?" I punched Tibor's chest out of frustration. Hinayaan niya ako pero hindi 'yon naibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Sunod-sunod ang naging patak ng luha ko at ang paghinga ko habang nagmamakaawa kay Tibor na sagutin ang mga katanungan ko.

Bakit nandito ang demonyong ito?

"Alam mo, Tibor, kung anong nangyari sa akin."

"C-Cony, please calm down..." aniya. "N-Nandito siya para humingi ng tawad sa'yo."

Shit?

Nag-angat ako ng tingin kay Tibor bago inilipat ang tingin sa nakayuko pa ring si Eliseo.

"Hihingi ng tawad? Bakit ngayon pa kung kailan patay na ang Lolo ko? Bakit ngayon pa na malaki na ako? Bakit ngayon pa na isang dekada na ang nakaraan? Bakit ngayon pa?" lumapit ako kay Eliseo at marahas kong hinawakan ang kuwelyo ng damit niya. Napigilan ako ni Tibor pero hindi man lang nanlaban si Eliseo. Nandoon lang siya, nakayuko habang humihikbi. Narinig ko ang iyak niya dahil sa distansiya naming dalawa.

"What is happening here? Could someone explain to me?"

Unti-unting humina ang kamay kong marahas na kinuwelyuhan si Eliseo hanggang sa mabitawan ko siya. Nanghihina akong umatras at lumayo sa kanilang dalawa.

"If you really are sorry to what had happen, you should have done it a long time ago. Hindi ka na rin sana nagsinungaling sa harapan ng Lolo at Lola ko." mahina pero may diing sabi ko sa kaniya.

"S-Sorry Cony..." wala siyang ibang sinasabi kundi 'yon lang.

"M-Muntik mo na akong gahasain, ginawa mo pa akong kontrabida sa harapan ng Lolo at Lola ko. Sinong hindi magagalit no'n, Eliseo?" sunod-sunod kong pinalis ang mga luha ko. "Muntik nang masira ang buhay ko nang dahil do'n sa ginawa mo, Eliseo." mahina pero may hinanakit kong sabi sa kaniya.

"Anong sinabi mo, MJ?"

"Ano ba 'to? What's this commotion all about?"

"Gahasa?"

"What the fuck?"

"Engineer Valmayor?"

Sari-saring boses at reaksyin ang narinig ko mula sa likuran ko at wala na akong panahon para alamin kung sinu-sino ang nagsabi no'n.

"Dad, si Lola hinimatay!"

Pero ang nagpatigil ng aking mundo ay ang sigaw ng nakababatang pinsan ko. Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita nga'ng nakahandusay na si Lola sa sahig. Akay-akay siya ni Jest na agad ding sinaklolohan ng iba.

Parang nag-slow motion ang paligid ko... hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nataranta ang lahat ng nasa paligid ko pero heto ako't nakatayo lang at hindi malaman ang kung anong gagawin. Sunod-sunod na pag-iyak lang ginawa ko.

Isinakay nila si Lola sa kotse at dinala sa hospital.

"You've caused too much commotion this day, MJ. Ano bang nangyayari sa'yo?" asik sa akin ni Kuya Clee bago sila nawala sa paningin ko.

Halos matumba ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Gusto kong sundan si Lola pero hindi ko alam kung may lakas pa ba ako.

May umalalay sa akin dahilan para hindi ako tuluyang matumba sa kinatatayuan ko. Nawala na sina Tibor sa harapan ko at hindi ko alam kung paanong nangyari 'yon. Matapos mahimatay ni Lola ay natulala na lang ako sa isang tabi.

"Pa, I'm sorry. I'm sorry..." tuloy-tuloy na sabi ko habang nilalapitan si Papa at niyakap. "I'm sorry..."

He gently carress me pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

So much chaos in one night.

Matagal bago ako kumalma, matagal bago ako nagkaroon ng balita na okay lang si Lola at walang masamang nangyari sa kaniya. Nahimatay lang talaga siya dahil sa exhaustion na naramdaman niya. Pero pinag-stay muna ng mga Tito ko sa hospital si Lola para makapag-pahinga at mamayang umaga na siya lalabas ng hospital para maka-attend siya sa paglilibing kay Lolo.

Madaling araw na pero hindi ko pa rin gustong matulog. Nandito ako, naka-upo sa tapat ng kabaong ni Lolo, mag-isa.

Malaking kaginhawaan ang naramdaman ko nang malamang walang masamang nangyari kay Lola. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko 'pag mayroon.

Tahimik akong nanalangin. Gustong-gusto kong puntahan si Lola sa hospital pero pinagbawalan ako ni Papa kaya nandito lang ako sa adming building, binabantayan si Lolo.

"Matulog ka muna..." anang baritonong boses sa likuran ko. "Kailangan mo ng pahinga para mamaya." dagdag niya.

Hindi ko siya nilingon at hindi ko na rin siya sinagot. Nanatili akong naka-upo. Not moving an inch.

"Please, wife." he said in his pleading voice.

"Puwede ba Darry... magpapahinga ako kung kailan ko gusto." mahina pero may diin kong sabi.

Nanahimik siya sa sinabi ko.

Nilapitan pa ako nina Steve and Breth para sabihin sa akin na magpahinga na pero walang nakapigil sa akin na bantayan ang lamay ng Lolo ko.

Isang oras akong umidlip at agad nagising para harapin ang umaga.

Ang panibagong araw na huli naming makakasama si Lolo Mado.

Nasa bahay na ako ngayon, nakatingin sa aking sarili sa malaking salamin ng aking kuwarto. Nakasuot ako ng puting dress. Malalim ang eyebags ko, at namamaga pa ang mga mata ko dahil sa magdamagang pag-iyak. I did not even dare to put some make up on my face. Hinayaan ko lang maging bare ito, walang lakas para maglagay ng kolorete sa mukha at ayusan ang sarili.

Matinding paglunok ang nagawa ko habang dahan-dahang nilalagay sa may bandang kaliwang dibdib ko ang itim na pin na ibinigay ni Mama sa akin kanina. Palatandaan na immediate family kami ng yumao.

Mamayang ala-una ng hapon, may misa na magaganap sa parish church ng ciudad. Inaasahan na marami ang makikiramay. Mula sa personal na kakilala, mga kakilala sa negosyo, mga ordinaryong tao, kilalang tao, mga trabahante ng kompanya namin, at iba pang hindi ko akam.

Sinabi sa akin ni Mama kanina na nakalabas na raw ng hospital si Lola at nasa maayos na raw na situwasiyon pero hindi ko magawang isipin na baka ako na naman ang sisihin ng mga pinsan ko sa nangyari.

Bumuntong-hininga ako at nilingon ang bandang pintuan nang marinig na mayroong kumatok dito.

"Pasok..."

Bumukas nga ang pinto at pumasok si Alice.

"Aalis na raw sina Madam, sumunod ka na lang raw sa simbahan." I sighed again.

Even my parents...

Tumango ako sa sinabi ni Alice. "Sa akin ba kayo sasabay?" tanong ko sa kaniya habang inaayos ang chain bag na dadalhin ko.

"Depende sa'yo... puwede namang sumabay na lang kami kina Mely sa kotse na gagamitin ni Kuya Bong." sagot naman niya.

"Sumabay na lang kayo sa akin, kayo ni Erna at Manay Daisy. Wala rin naman akong kasama sa kotse, e."

"Hindi ka ba sasabay kay Sir Darry?"

Pahapyaw na ngumiti lang ako kay Alice at ipinagpatuloy ang pag-aayos na ginagawa.

Narinig ko ang marahas niyang paghinga. "Sige, sasabihin ko kay Manay Daisy." at umalis na nga siya sa kuwarto ko.

Unti-unti akong umupo sa kama ko at napatulala sa isang tabi.

Hindi ko na alam kung maibabalik ko pa ba sa dati ang takbo ng buhay ko.

Mabilis ang takbo ng oras, nakarating kami kaagad sa simbahan. Gaya ng inaasahan, marami nga ang dumalo. Umupo ako katabi sina Mama. Kahit ang mga kapatid ko, hindi aki masiyadong pinapansin. Tanging si Steve at Breth lang ang lumalapit sa akin sa hanay ng mga pinsan ko. But that's the last thing I will mind right now: my cousins sentiments about me and all of my dramas.

Ihahatid na namin sa huling hantungan si Lolo. Sa ilang araw na pag-iyak ko, akala ko magiging immune ako sa sakit, pero hanggang ngayon, masakit pa rin pala talaga. Kahit anong pigil ko sa luha ko, kusa itong bumabagsak sa paraang hindi ko inaasahan.

Natapos ang misa nang lutang ako, hindi malaman kung kailan matitigil ang pag-iyak ko. Hanggang sa makarating kami sa sementeryo, doon ako nagkaroon ng pagkakataong lapitan si Lola.

"L-La... I'm sorry po." sabi ko habang abala pa ang lahat.

She touch my face and wipe away the tears.

"Hush apo, wala kang kasalanan. You don't need to ask sorry. Nagulat lang ako sa pag-amin na ginawa mo kagabi, at hindi mo intensyong gawin sa akin 'yon kaya wala kang kasalanan." malumanay na sabi niya na mas lalong nagpa-luha sa akin.

"Lola, sorry hindi ko po sinabi sa inyo ang nangyari dati."

"Tahan na apo, nagawan na ng legal actions ni Tito Ramon mo ang nangyari sa'yo."

Ha?

Agad akong nag-angat ng tingin kay Lola, gulat sa kaniyang ibinalita.

"P-Po?"

"Gusto mo bang kasuhan si Eliseo sa ginawa niya sa'yo dati?" seryosong tanong ni Lola sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na kahit hindi ko sinabi sa kanila ang buong istorya, nagawan na agad ng aksiyon.

"L-La, he said his sorry and all I want to hear is for him to say sorry to me. It's kind of late pero matagal na panahon na po ang nangyari. Naging ganoon lang po ang reaksyon ko dahil nagulat lang po ako sa presensiya niya po. Wala na po akong intensiyong ipakulong siya o kasuhan siya dahil matagal na po, isang dekada na po ang nangyari."

"Sigurado ka ba, apo?"

Tumango ako sa tanong ni Lola kaya agad siyang lumingon sa direksiyon ni Tito Ramon atsaka umiling.

Sumulyap si Tito Ramon sa akin at tumango bago kami nilapitan ni Lola. "Sigurado ka, anak?" paninigurado ni Tito Ramon.

"Opo Tito, ang gusto ko lang po ay ang hindi na siya makita ulit." Tito Ramon tap my head and smiled at me.

"I assure you that, anak."

Natapos ang usapan namin nang unti-unting nagsidatingan ang mga taong makikilamay. Na-una kasi kami kaya nagkaroon ako ng pagkakataong maka-usap si Lola. Si Tito Ramon at Tito Joven naman ang nangasiwa sa libingan ni Lolo kaya sila nandito agad.

I keep my distance away from my older cousins. Their silent treatment to me is a proof that something is off. Ako na lang ang iiwas, total ako naman talaga sa simula pa lang ang pinagtutulongan nila.

I wore my sunglass and hide away my eyes. Matinding pagpipigil na ngumawa ang ginawa ko habang dahan-dahang ibinababa ang kabaong ni Lolo sa ilalim ng lupa. Mariin akong pumikit at dinama ang sakit at pighating hatid ng halinghing ng iyak ng mga mahal ko sa buhay.

Lolo, bakit naman ganito? Oo, alam ko pong matanda ka na pero bakit biglaan naman yata? Nagawa mo pang maglihim sa totoong sakit mo, tapos iiwan mo kami nang biglaan? Lo, paano na si Lola? Paano na ang mga anak mo? Paano na kaming mga apo mo? Lo, bakit naman kay aga mong nawala?

Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko habang hawak ang puting rosas na siyang ipapadala ko sa kaniya sa huling hantungan niya.

Lo, paalam. Kahit masakit, kailan naming magpaalam sa'yo. Kung nasaan ka man, patuloy mo sana kaming bantayan, patuloy mo sana kaming gabayan. Pangako Lo, babantayan ko si Lola gaya ng ginawang pagbabantay niyo sa amin noong nabubuhay ka pa. Mananatili ka sa puso ko, Lolo Mado.

Ibinagsak ko ang nag-iisang rosas na hawak ko at kasabay no'n ang pagbagsak ng aking mga luha.

Paalam, Amado Osmeña. Hanggang sa muli nating pagkikita.

"Are you sure you won't take a shot?" paniniguradong tanong ni Steve sa akin habang sinasalinan ng panibagong shot ng tequila ang shot glass sa harapan ko. Umiling ako sa kaniya and amusement plaster on his face.

"Not the first time that an MJ Osmeña decline a shot of tequila but it's still amusing to know that." komento naman ni Breth at siya na mismo ang kumuha ng shot na sinalinan ni Steve.

Umismid ako sa mga pinagsasabi nila at sumandal na lang sa bakal na upuan dito sa gazebo ng mansion.

Matapos ang libing ay pumunta kaming lahat dito sa mansion para magtipon-tipon. It seems like everybody are back to their normal selves but here I am, still mourning to Lolo's death. I don't know how they did it, hindi ko kasi talaga kayang ibalik ang dating sarili ko. I can't even celebrate for my own success.

Nasa loob silang lahat ng mansion, habang kaming tatlo naman ay piniling sa gazebo na muna magpalipas-oras.

Dinama ko ang pang-hapong hangin ng aming probinsya.

"I'm just not in the mood to drink liquors right now." sagot ko sa kanilang dalawa at inabala na lang ang sarili sa sari-saring pagkaing nakahain sa aming harapan.

"Hindi lang yata right now, MJ, e. You've been declining the drinks since you went home." ani Breth.

Umiling ako at umirap sa sinabi niya. It's true, hindi ako nakikipag-inuman sa kanila nang minsang mag-inuman ang mga pinsan ko para patayin ang oras sa pagpupuyat during the burol. I don't know. I just don't want to engage with any alcohols right now. Alam n'yo naman na downers ang mga alcohols. Down na nga ako ngayon, eda-down ko pa ba ang sarili ko nang mas matindi? Huwag na.

Isang nakakabinging katahimikan na naman ang namutawi sa aming tatlo. Tahimik lang silang nag-iinuman na dalawa habang ako ay tahimik din na nakatanaw lang sa mga bulaklak na nasa paligid ng gazebo. Nagkukulay-kahel na ang kalangitan, isang hudyat na malapit nang matapos ang araw na ito.

Isang buntong-hininga ulit ang ginawa ko then I shifted in my seat.

"Si Lolo pa rin ba ang iniisip mo?" pagbabasag ulit ni Steve sa katahimikan kaya wala sa sarili ko siyang nilingon.

"O may iba pang bumabagabag sa'yo?" seconded by Breth.

Napasinghap ako bago nilingon silang dalawa. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila at inayos ang sarili para masabi ang bumabagabag sa akin.

"Nakaramdam ba kayo ng pagod sa relasyon niyo sa mga girlfriends niyo?"

Matinding pagngiwi ang natanggap ko galing kay Steve. Si Breth naman ay napataas ang isang kilay habang nagsasalin ng inumin sa shot glass, hindi rin makapaniwala sa naging tanong ko. Maski ako, nagulat din kung bakit ko naitanong iyon.

"What kind of question is that, MJ?" tanong ni Breth.

"'Yan ba bumabagabag sa'yo?" ani Steve.

Bumuntong-hininga ulit ako at umayos sa pagkaka-upo.

"Gusto ko lang itanong kung normal lang ba itong nararamdaman ko ngayon, kung normal lang ba sa isang kasadong tao ang mapagod amidst the relationship." dahan-dahan akong sumandal ulit sa kina-uupuan ko at hinintay ang response ng dalawa.

Amusement is on Steve's face pa rin while Breth, he just shrug his shoulder and sip on his drink.

"Pagod ka na kay Darry?" tanong ni Breth.

Napa-iwas ako ng tingin at seryosong nagbuntong-hininga.

"Do you have an idea kung ano nang nangyayari sa negosyo ng mga Lizares?" pag-iiba ko ulit sa usapan sabay pabalik sa kanila ng aking atensyon.

Nagkatinginan ang dalawa matapos ang tanong ko. Si Breth ay napa-ayos ng upo at matinding tikhim naman ang ginawa ni Steve. At pareho silang hindi makatingin sa akin.

"Tumatambay kayo sa OBE 'di ba? So I assume, kahit papaano ay may nasasagap kayong balita?" dagdag na sabi ko. Tahimik pa rin silang dalawa.

Hanggang sa naglakas-loob na magsalita si Breth.

"Wala bang naku-kuwento si Darry sa'yo?" umiling ako sa naging tanong niya.

"Sina Tito Rest ba? Walang sinasabi sa'yo tungkol doon? Hindi ba nila sinabi sa'yo?" ani Steve na nagpakuha ng buong atensyon ko.

Ano ang ibig niyang sabihin?

"Steve!" saway ni Breth sa kaniya kaya napataas ang isang kilay ko sa inaakto ng dalawa sa harapan ko.

"Bakit? May hindi ba sinasabi ang mga magulang ko sa akin na alam n'yong dalawa?" kalmadong tanong ko. I don't want to threaten them or something.

Nagkatinginan ulit sila. Para silang nag-uusap sa pamamagitan ng tingin.

"Breth, she has the right to know..." ani Steve kay Breth. As much as I want to butt in but I don't want to. Gusto kong marinig kung ano man itong pag-uusapan nila.

"Pero wala tayo sa lugar para sabihin sa kaniya 'yon. Dapat si Tito, Tita, at si Darry ang nagsasabi sa kaniya nito." depensa naman ni Breth na mas lalong ipinagtaka ko.

"E bakit hindi niya alam? Dapat niyang malaman! Labas na tayo sa rason kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi sa kaniya ang tungkol doon."

"Labas na rin tayo sa pagsasabi sa kaniya, Steve."

Nagpalipat-lipat sa kanila ang nagugulohan kong atensyon.

"Cousins!" butt in ko sa kanila with a little humor in me. "I've been caught up with lies and secrets these past few days, if it's another secret that needed to be kept away from me, please spill it out." sinabi ko sa kalmadong paraan. Kung ano man itong marinig ko mula sa kanila, wala na akong pakialam.

One last look with each other, Steve sighed first then transferred his attention to me.

"The Lizares Sugar Corporation are back on track. Actually, isang buwan after niyong ikasal ni Darry, nakabangon agad ang Lizares Sugar Corp."

Wow.

I click my tongue and look away.

Wow. They're back on track, and it's been months since it happened. May pa lang, nakabangon na sila sa pagkakalugmok. Anong petsa na ngayon? November na at ngayon ko pa lang nalaman na balik na sila sa dating estado nila sa buhay.

"Hindi mo nga yata alam." narinig kong sabi ni Steve pero hindi ko siya pinansin kasi para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Gusto kong mag-reak pero masiyado akong mahina para gawin iyon.

Mariin akong pumikit ng ilang segundo.

Punyemas! Napagkaitan na naman ako ng katotohanan.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at ngumiti sa kanilang dalawa. "Do you think it's the right time to have an annulment?"

Napatulala ang dalawa sa naging tanong ko. Alam ko, hindi nila inaasahan 'yon.

"I mean... pagod na ako sa relasyong ito and sabi niyo nga na okay na ang kompanya nila and there's no reason for us to stay na in this kind of arrangement, 'di ba? Ano sa tingin niyo?"

Mas lalo silang natahimik sa naging tanong ko. Salitan sila sa pagkurap ng mata at kalaunan ay napa-buntong hininga na.

"Bakit mo hihiwalayan ang asawa mo? 'Di ba nagkakamabutihan na kayo?" tanong ni Breth. Hindi yata makapaniwala sa naging tanong ko. Kaya tanong din ang isinagot sa akin.

"Importante pa ba kung--"

"Sir Steve!" napatigil ang sasabihin ko sana nang biglang may pumasok na kasambahay ng mansion sa gazebo. She's almost panicking kaya naibigay namin sa kaniya ang atensyon. "Sir Steve, Sir Breth, Ma'am MJ" isa-isa niya kaming tiningnan. Mukhang hindi siya mapakali, maya't-maya ang pisil niya sa mga daliri niya habang nakatayo lang sa may bukana ng gazebo. Tumayo pa nga ako para lapitan siya at pakalmahin.

"Calm down, Neneng... anong nangyari?" tanong ko sa kaniya. Ang dalawa naman ay naghihintay lang ng sagot galing sa dalawa.

"I-I-Isinugod po sa ospital si Senyora..."

Ha?

"Ano'ng sabi mo Neng?" para akong nabingi sa sinabi ng kasambahay.

Ano?

"S-Si Senyora po--"

Shit!

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad tumakbo na paalis sa gazebo. Nasa likuran ng mansion ang gazebo kaya hindi makikita ang harapan ng mansion. Sa gilid ng mansion na ako dumaan, hindi alintana ang basang damuhan na aking tinatapakan. Nakasunod sa akin ang dalawa na halos takbuhin na rin ang harap ng mansion.

Kumakabog na naman ang dibdib ko at namumuo na naman ang mga luba sa aking mata.

Mas naunang nakarating sa mansion ang dalawa. Nahuli ako kaya ang naabutan ko ay ang ibang miyembro ng pamilya namin na nakatayo sa may hagdanan ng mansion habang nakatanaw sa papalayo na SUV nina Lola at iilang mga sasakyang nakasunod doon.

"Ano'ng nangyari kay Lola?" tanong ko sa kanila. Iilan sa pinsan ko ang nandito at pati na rin ang mga Tito at Tita ko.

Naagaw ko ang atensyon nila. 'Yung iba, hindi ako pinansin, bagkus ay pumasok sila sa loob ng mansion.

"'Wag kang sumunod ng hospital, MJ." mariing sabi ni Ate Teagan sa akin na ikinagulat ko.

Bakit ganito ang tono ng kaniyang boses? Bakit ganito siya makatingin? Na animo'y nandidiri siya sa akin?

"B-Bakit? Ano ba kasi ang nangyari kay Lola!" pagmamakaawa ko.

Oo, alam kong bad shot ako sa mga older cousins ko sa hindi malamang dahilan pero bakit ba kasi ganito ang trato nila sa akin hanggang ngayon?

"Kasalanan mo ang lahat ng ito kaya 'wag ka munang magpapakita kay Lola!" sagot naman ni Ate Chain sa ganoon pa rin na paraan.

Mas lalo na akong nagtaka sa mga inaasta nila.

"Anak, pinapasabi ng Mama at Papa mo na umuwi ka na muna sa inyo. Magpahinga ka muna anak, saka mo na lang bisitahin ang Lola mo kapag kalmado na ang lahat." sumingit sa usapan namin si Tita Ene kaya halos magmakaawa akong lumapit sa kanila.

"A-Ano po bang nangyari kay Lola, Tita?"

"Severe headache ang umatake kay Mama. Hindi naman masiyadong malubha kaya 'wag ka nang mag-aalala. You should take our advice, magpahinga ka muna sa inyo." lumingon siya sa puwesto kung nasaan ang mga pinsan ko. "Steve, Breth, ihatid niyo na muna si MJ sa kanila." hinaplos ni Tita Ene ang mukha ko bago pumasok sa loob.

Napasinghap ako sa mga nangyayari kaya imbes na mag-protesta, wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi nila.

Umuwi nga ako sa bahay nang walang kasiguradohan sa nangyayari kay Lola. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ang pamilya ko.

Pasugod na sana ako ng hospital, mabuti nalaman at na-kumpirma ko kay Steve na nasa maayos na lagay na si Lola. Sakit ng ulo lang ang kaniyang naramdaman at hindi naman daw masiyadong malubha, pero bakit hanggang ngayon, wala pa rin ang pamilya ko sa bahay?

Isang buntong-hininga ulit ang pinakawalan ko habang mahigpit na nakahawak sa phone ko. Sumandal ako sa counter. I saw in my peripheral vision na nilingon ako ni Alice habang abala siya sa gawain. Nandito kasi ako sa kusina, nakatayo lang at hindi nagsasalita. Hindi rin naman nila ako kinaka-usap kaya mas pinili kong manahimik na lang. Ang gusto ko lang naman ay ang malamang may kasama ako at hindi ako nag-iisa.

"Okay ka lang?" at mukhang hindi na nga napigilan ni Alice ang kaniyang bibig kaya nagtanong na nga sa akin. Nilingon ko siya at nagkibit-balikat. "Si Senyora, kumusta na raw?" tumigil siya panandalian sa ginagawa para maibigay sa akin ang atensyon niya.

"Ayos na raw. Nagpapahinga na lang si Lola sa hospital." sinabi ko sa kaniya ang kung ano mismo ang sinabi ni Breth sa akin.

"Napagod lang siguro si Senyora Auring sa nangyari. Masakit naman talaga mawalan ng asawa." komento ni Alice na hindi ko pinagtoonan ng pansin. Nagbabalik na naman ako sa pagkakatulala.

Hinayaan niya ako. Ilang minuto ang lumipas nang mapagpasyahan kong umalis sa kusina para pumanhik na sa aking kuwarto. Imbes na hintayin ang pagdating ng pamilya ko, mas mabuti siguro kung magpapahinga na lang ako.

Ang daming-daming tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Lola's hospitalization. Lolo's death. My cousins' treatment towards me. My family's treatment towards me. Darry's family business. Me and Darry's relationship.

Masakit sa ulo at nakakapagod na.

Saktong palabas ako ng kusina ay siyang pagpasok niya sa loob ng bahay. Nakayuko pa siya habang nilalaro ang susi ng kaniyang kotse. Tumigil siya nang makita ako, ganoon din ang ginawa ko.

"Darry, puwede ba tayong mag-usap?"

I saw how he got taken aback to what I said. But I stood firm and humakbang ng dalawang beses, nanatiling sa sala ang setting naming dalawa.

Tingin na naninimbang ang ipinukol niya sa akin.

"Dito na tayo mag-usap..." dagdag na sabi ko. Tinatagan ko ang sarili ko at taas-noo siyang nilingon. "Darry... let's have an annulment."

"W-Wife..."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at kinalma ang sarili. Gusto ko na lang matapos ang lahat ng ito.

"I won't take seriously how you kept the truth from me, about your company... I just want an annulment, a peaceful annulment." ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya at nang makitang nagkasalubong na nga ang kilay niya ay doon ako napasinghap. "I already knew the truth and I won't nag about it, of how you kept it all. I already did my part na pala so please do your part, sundin natin ang kung anong nandoon sa prenuptial agreement."

Masiyado akong pagod para isigaw sa kaniya kung bakit siya nagsinungaling sa akin, kung bakit niya itinago sa akin ang katotohanan. Nakakapagod na, wala na akong enerhiya pa.

"Wife... this is a serious matter... H-How did you..." his words left midair, even his hands na nakahawak sa susi ng kotse niya ay parang natigil sa ere.

"Pagod na ako, Darry. Pagod na pagod na ako para intindihin pa ang relasyong ito. Marami nang nangyari sa pamilya namin, ayokong dumagdag sa iniisip ko ang relasyon nating ito. Gusto kong mag-focus sa pag-aalaga kay Lola, gusto kong pamilya ko naman ang iisipin ko." and I would like to congratulate myself for not crying out loud with that kind of speech. Damn.

Pero seryoso ako, gusto ko na munang isipin ang pamilya ko.

"Ang usapan ay usapan... maghihiwalay tayo kapag nasa pedestal na ulit ang kompanya niyo. Sana naman marunong sumunod sa usapan ang isang Lizares kasi ang Osmeña'ng katulad ko, hindi nagmimintis sa kaniyang mga salita. We are true to our words." seryoso ko siyang tiningnan at saka napagpasiyahang tapusin na ang usapang ito. Mukhang wala kaming mararating. Maybe it's better to talk about this with our parents and legal counsels. I'll do it first thing in the morning.

I walk past by him and start taking up the stairs. Napahawak ako sa railings para mabigyan ng suporta ang sarili ko. Kasi sa tingin ko, ang sarili ko lang ngayon ang masasandalan ko.

"True to your words?" napatigil ako sa pag-akyat nang makaramdam ako ng sarkasmo sa tono ng kaniyang boses. "Akala ko ba mahal mo ako? Ngayon mo patunayan sa akin 'yon. Why do you want an annulment out of nowhere, wife." seryosong dagdag niya.

Napapikit ako ng mariin at mahigpit na hinawakan ang railings ng hagdan habang nakatalikod pa rin sa kaniya.

Oo, mahal nga kita, pero masiyado akong nasasaktan sa mga nangyayari sa pamilya ko ngayon. I have no time to face you, I have no time to take care of my feelings for you. My damn feelings.

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at pagod ko siyang nginitian, na halos hindi naman umabot sa aking mga mata. "Akala ko nga rin."

Shit.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at nagpatuloy sa pag-akyat para hindi niya makita ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

This is a tough decision pero masiyado na kasi akong nasasaktan. Hindi ko kayang hawakan sila nang sabay-sabay. So I need to let go one and I choose Darry.

"Si Kuya Sonny pa rin ba?"

What the shit?

Napatigil ulit ako sa paghakbang at halos matawa sa sarili nang tumulo na nga ang mga luhang kanina ay nagbabadya lang na bumagsak.

Sana nga, Darry, 'yon lang.

Hindi ako sumagot sa kaniya at tuluyan na akong pumanhik sa kuwarto ko.

The moment I closed my door, tears became unconquerable. Shit.

I cried the whole night. I cried remembering how broke Darry's voice that night. I cried to sleep. I cried everything.

Pero buo na ang loob ko, fixed na ang desisyon ko.

I barely sleep kaya ang ginawa ko na lang ay kontakin si Aira. I requested her na puntahan ako rito with the legal counsel ng mga Osmeña na naka-assign sa kasal namin that time. Mamaya, pagkalabas ko ng kuwartong ito, sasabihin ko na kina Mama at Papa ang desisyon kong ito.

With an adamant face, I went out of my room and face my family.

Naabutan ko sina Mama at Papa na kaka-upo lang sa dining table namin. Darry is also there, even Kuya Yosef and his family. Ate Tonette's family are nowhere to be seen, baka nasa Don Salvador. I don't know.

Nang makita kong nandito si Darry, agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. I don't know where he slept last night. Hindi naman siya pumasok sa kuwarto ko. Baka sa isa sa mga guest room. I don't punyemas know! Darn it!

"Good morning, Ma, Pa." hinalikan ko sa pisnge ang mga magulang ko para sa paggalang. Hindi rin nakawala sa pagbati ko si Kuya at Ate Isabel at ang anak nilang si Falcon. Tinanguan ko lang si Darry at walang choice na umupo sa tabi niya.

"May problema ba kayong dalawa?" seryosong tanong ni Mama kaya matinding paglunok ang nagawa ko at napatitig sa mga pagkaing nakahain sa aming harapan.

"Mija, totoo ba 'yung sinasabi ng secretary mo na pinapapunta mo siya rito kasama ang legal counsel mo?"

Dahan-dahan akong tumango habang nakatingin pa rin sa pagkain. Gutom na ako.

Sinadya ko talaga na hindi sila tingnan para hindi ko makita ang mga reaksyon nila.

"Ma, Pa, let's just have breakfast. Mamaya n'yo na po pag-usapan 'to." ani Kuya kaya panandalian ko siyang tiningnan at bahagyang ngumiti. Nagpapasalamat sa kaniyang sinabi.

Ako na mismo ang unang kumuha ng pagkain, not minding them.

The level of unbotheredness I'm giving them is as higher as our house. Abot hanggang third floor ang pagiging walang pakialam ko. Siguro naisama sa libing ni Lolo ang pake ko. Nawala na parang bula.

Nasa office na kami ngayon ng bahay. Nandito na ang legal counsels ng both families. Even my secretary is here na rin, she took the first flight this morning.

Papa's not around. He said, may kailangan daw siyang asikasuhin, same as Kuya. But Mama and Ate are here, almost hysterical to what my sentiments are habang ako, wala na nga'ng pake.

Ate's been nagging since he came here. Napa-uwi raw siya ng wala sa oras dahil sa nalamang balita. She's been talking some stuffs na hindi ko na pinapakinggan. Basta ang naintindihan ko lang sa mga pinagsasabi niya ay kung bakit daw ako makikipaghiwalay, kesyo ano raw ang problema, at kung anu-ano pa.

I heavily sighed and look up to the ceiling.

Ang bigat na Lolo. Ang bigat-bigat ng espasyong iniwan mo sa amin.

~