webnovel

She Leaves (Tagalog)

MJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Exhibit

Tinitigan ko ang gawa ko. Not so perfect in appearance pero pasang awa na! Wait till you taste it! Mapapasinghap ka sa sarap!

Bahagya ko pang inamoy ang niluto ko at saka dahan-dahang pumihit patalikod para mailapag ito sa dining table. Partida nakapikit pa ako n'yan nang inamoy ko kaya noong paglingon ko na ay saktong dumilat ako.

Punyemas.

"Punyemas naman, Darry! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Singhal ko sa kaniya. Gulat na gulat ako sa prensensiya niya kasi nang magdilat ako ng mata, mukha niya agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa bukana ng kitchen at naka-crossed arms pa ang demunyu. Habang ako naman ay halos tahipin na ang dibdib ko dahil sa gulat at sa kabang naramdaman ko.

Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang bitbit kong pinggan ng speciality ko: Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares.

"You're cursing again." Umayos siya sa pagkakatayo at naglakad papalapit sa akin. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "What did you cook?"

Kumalma lang ang kaluluwa ko nang marinig ang huling tanong niya. Malawak akong ngumiti sa kaniya at proud na ipinakita ang aking gawa.

"Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña..." Lizares.

Charot.

"You forgot the Lizares," komento niya pero babalewalain ko na sana kaso hindi ko mapigilan ang ngumiti. Total hindi naman niya alam na dahil doon, mas lalo akong napangiti, kaya hayaan na. "Tss, anak mayaman ka talaga. That's unhealthy. You cooked a processed food and by the looks of it, it doesn't look delicious plus it's not good for the body."

What... the... shit?

"Excuse me?" eksaheradang tanong ko sa kaniya dahil sa naging komento niya sa luto ko. "Speciality ko 'to and I don't care if it's good or not for the body. Kung ayaw mo ng ulam, edi 'wag kang kumain. Maghanap ka ng uulamin mo!"

Mataray ko siyang nilampasan at agad pumunta ng dining area para ilapag ang ulam. Bumalik ako sa kusina para magsandok ng kanin, na para sa akin lang talaga. Hindi ko na siya papansinin. Minsan talaga, nakaka-imbiyerna siya! Ang sarap niyang ibaon sa lupa tapos sementuhin nang hindi na makaahon pa! Naknampucha naman, Lizares, e!

Puwede namang sabihin niyang hindi siya kumakain ng mga processed foods, puwede naman niyang sabihin sa akin na ayaw niya sa mga pang-mahirap na luto. Hindi 'yong sasabihan niyang masama ang lasa. Hindi niya pa nga natitikman, lalaitin na niya? Punyemas! Judgmental! Masiyado kang judgmental, Darry Lizares! Oo, alam kong hindi ako maalam sa kusina pero matagal na akong nagluluto nang ganitong klaseng ulam and achievement na sa akin na ma-perfect ang lasa nitong scrambled egg with corned beef ko! Punyemas naman! Hindi naman puwedeng i-judge agad, e, hindi pa naman natitikman. Nakakabanas!

Masama ang tingin ko sa kaniya nang lumabas siya ng dining area. Wala na akong pakialam kung saan siya pupunta. Basta nababanas talaga ako. Nag-effort pa naman ako.

Nagsimula akong kumain nang nababanas. Pipinigilan ang sariling balibagin pabaliktad ang lamesang ito.

Punyemas! Masarap naman, a! Hindi naman masiyadong maalat. Sakto lang ang timpla ng Magic Sarap! Nag-match naman ang itlog at ang corned beef.

Nagpatuloy ako sa pagkain na may sama ng loob. Nasa kalagitnaan din ako ng pagkain nang bigla siyang bumalik sa dining area. Akala ko uupo siya sa harapan ko pero dumiretso siya papuntang kusina. Halos deliryohin naman ako sa kaka-roll eyes ko. Naiinis pa rin ako. Feeling ko naapakan ang side ng self ko na chef, e. Punyemas.

Mula sa kusina, may bitbit na siyang plato. Akala ko ulam niya pero nang ilapag niya ito sa espasyo na para sa kaniya ay doon ko nakita na kanin pala ang dala niya. At saka pa-simple lang ang bawat tingin ko sa galaw niya. Nababanas pa rin ako sa kaniya.

"Oh? Akala ko ba ayaw mo sa ulam na niluto ko? Oh, bakit nandito ka ngayon?" Singhal ko sa kaniya nang nakitang kukuha na sana siya ng ulam. Agad kong inilapit sa akin ang ulam at inilayo sa kaniya.

Kalmado niya akong tiningnan, pero ako, halos sunogin na siya sa impiyerno!

"I'm hungry wife, let me eat it."

Punyemas, MJ, 'wag kang bibigay! Hindi por que tinawag ka niyang wife bibigay ka na! Punyemas, 'wag!

"Edi maghanap ka ng ulam mo o kaya magluto ka! Ayaw mo sa mga ganitong klaseng ulam 'di ba? Kaya ikaw 'yong legit na anak mayaman, hindi ako," rebuttal ko sa kaniya. Manigas ka r'yan! Maypa-wife-wife ka pa, akala mo naman bibigay ako! No way!

"Who told you I don't like that? And you said you will cook for me, right wife? Kaya please, let me eat? I'm really hungry."

Oh! Tinawag ka na namang wife, oh. 'Wag kang bibigay talagang bruha ka. Ikahihiya ka ng angkan mo kapag bibigay ka.

"E, 'di ba nilait mo ang luto ko? Hindi mo pa nga natitikman, nilait mo na! Kaya anong karapatan ang meron ka para ulamin ito?" Tinaasan ko siya ng isang kilay para maramdaman niya ang katarayan ko.

He scowled lazily while holding his utensils. Naudlot ang plano niyang pag-kain nang dahil sa akin. Bahala ka sa buhay mong Lizares ka.

"Please wife, gutom na talaga ako."

Punyemas, huwag ka talagang bibigay!

Punyemas.

Paano ako hindi bibigay, e, halos mabiluakan ako sa sarili kong laway habang nakatingin sa maamo niyang mukha. Nagpapaawa. Punyemas!

Sige na nga.

"Oh!" Padarag pero may kaonting ingat kong inilapit sa kaniya ang ulam at mas lalong tinarayan. "Subukan mong laitin ulit sa harapan ko ang niluto kong ulam, ipapakita ko talaga sa 'yo si San Pedro!"

Nagsimula siyang kumuha sa ulam. Isang malaking bilog kasi ang nagawa ko tapos nabawasan ko na ito kasi nga mas nauna akong kumain sa kaniya.

"Oh, so ipapatikim mo sa akin ang langit?"

Punyemas?

"Hoy! Anong langit? Nasa purgatoryo si San Pedro, baka nakakalimutan mo? Anong langit ang pinagsasabi mo r'yan? Punyemas ka talaga kahit kailan, Darry, wala ka nang nasabing matino," komento ko tapos nagpatuloy ako sa pagkain... ng pananghalian siyempre.

"Stop cursing wife, nasa harap tayo ng pagkain."

Nang sabihin niya 'yon, may isang maliit na alaala akong naalala kaya imbes na pakinggan siya at manahimik na lang ay inilapag ko ang kubyertos na bitbit at mataman siyang tiningnan. It's my chance! Kung hindi ko siya bibiruin ngayon, it's now or never na talaga.

"Bakit? Mahal mo na ba ako ulit kapag nagmura pa ako?" Maangas na tanong ko sa kaniya dahilan para matigilan siya sa pagkain at nagtatakang napatingin sa akin.

"What?" Confuse na tanong niya.

"'Di ba sabi mo, isang mura ko na lang mamahalin mo na ako? Pang-ilang mura ko na 'yon, so mahal mo na ako ulit?" Sumilay ang maliit na ngisi sa aking labi habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kaniyang mukha.

Kinikilig ako sa sariling kong banat. Punyemas!

Isang iling ang sinagot niya sa akin. Iling na parang disappointed sa sinabi ko kaya napaayos ako ng upo at wala sa sariling kinuha ulit ang mga kubyertos para makapagpatuloy sa pagkain.

"Just continue eating wife, I'll show you something after."

Punyemas. Tunog impiyerno 'yon ah? Don't tell me ipapatapon niya ako sa depths of hell dahil sa mga pinagsasabi ko?

Nanahimik na ako at nagpatuloy na sa pag-kain kahit na kinakabahan na ako ng very, very light.

Nang mapansin kong malapit nang maubos ang pagkain ko, mas lalo kong binagalan ang pag-kain dahil nga medyo kinakabahan ako sa kung anong ipapakita niya sa akin? Ano ba? Latigo ba 'yon? Baril? Palakol? Mga gamit para mapatay ako? Ano ba!!!!!

Nang nasa huling subo na talaga, mas lalong binagalan ko by drinking water bitch.

Oo na, heto na, seryoso na. Matinding tikhim ang ginawa ko nang tuluyan na akong matapos sa pagkain. Panandalian ko siyang sinulyapan at nakitang tapos na rin siya.

"A-Ako na magliligpit," presenta ko habang tumatayo. Bigla rin siyang tumayo and in one swift move, nakuha na niya ang pinagkainan ko.

"Ako na ang bahala rito, just wait for me sa sala."

"O-Okay."

Punyemas, bakit ka ba nauutal, MJ?

Wala na talaga akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Wala na akong maitutulong kasi nasalansan na niya sa dalawang kamay ang lahat ng pinggan na ginamit namin sa pag-kain. Pati nga ang ulam namin, ngayon ko lang napansin na naubos pala? Punyemas. O, ano, baby? Masarap 'di ba?

Nasa sala na ako at naghihintay sa kaniya. Hindi naman siya nagtagal at bigla na siyang sumulpot sa tabi ko.

Tumikhim ulit ako at kinalma ang sarili.

"Anong ipapakita mo sa akin?" Sinubukan ko ang sarili kong titigan siya sa mga mata. Pero lintik kasi hanggang ngayon, hindi ko pa rin kaya! Sigurado akong mas klaro ang paningin niya dahil suot na naman niya ngayon ang rimless specs niya.

"Follow me," wika niya sa baritono at seryosong boses.

Wala akong nagawa kundi ang sundan siya sa paglalakad. Nasa first floor lang kami at noong napagtantong papunta kami ngayon sa pintong hindi ko nabuksan kanina, nawala ang kabang naramdaman ko. Napalitan ito ng excitement! Kasi sigurado ako, doon kami papasok! At makikita ko na ang loob nito! Yaaaaay!

Mariin kong itinikom ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay. Masiyado kasing seryoso si baby, baka kung mag-ingay ako, magalit siya kaya mananahimik na lang ako.

Gamit ang isang susi, mabilis na nabuksan niya ang pintong iyon. Bukas na ang pinto pero nanatili pa rin siyang nakatayo roon at tila hinaharangan kung ano mang meron sa loob. Nakahawak sa doorknob, nilingon niya ako.

"This is my wedding gift for you."

"H-Ha?" Naguguluhan at hindi agad na-gets ang sinabi niya.

"Dapat ipapakita ko sa 'yo 'to right after the wedding but I didn't 'cause I changed my mind."

Ha?

"Nagbago ang isip mo sa ano?" Kung confuse na ako kanina, mas lalo na ngayon. Anong ikinabago ng isip niya pagkatapos ng kasal?

Nagbago ang isip niya para sa akin? E, ano bang iniisip niya sa akin noon at ngayon? Parang gusto kong malaman, a?

"Nevermind that. Maybe it's time for you to see it."

"Ang ano nga?" Atat na tanong ko kasi ang dami niyang pasubali, hindi na lang buksan ang pinto at papasukin ako.

Oo na! Naaalala ko na! 'Yong sinabi niyang may ibibigay at ipapakita raw siya sa akin pero wala naman akong natanggap at nakita pagkatapos ng kasal! Mas lalo tuloy akong na-excite!

"This..." At dahan-dahan ay binuksan niya nang malaki ang pinto ng kuwartong iyon. I step forward and find my way inside that room.

And one look of it, my jaw literally dropped to the floor in awe. Punyemas! Nakakakilabot.

Hindi ko alam kung anong una kong titingnan sa sari-saring mukha ko na nasa pader ng kuwartong ito. Punyemas! Ako ba lahat ng ito?

Gusto kong magsalita pero parang nawalan ako ng boses sa sobrang pagkamangha! Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng kuwarto at puro mukha ko ang nasa dingding. It's like an office room kasi may office table, computer set, bookshelves, couches. It's like a normal office setting pero ang kakaiba lang sa opisinang ito ay ang disenyong nasa dingding, kasi nga pagmumukha ko lahat ang nandito!

"Pa-Paanong..." Hindi ko matapos ang sarili kong salita dahil sa gulat. My heart also literally jumped in happiness!

It's as if I see my younger selves again through these picture.

Nilakasan ko ang loob ko para lapitan ang isang portrait. Pinagmasdan ko ang mukha ko, it's my childhood self. Isa akong flower girl at may hawak na basket ng bulaklak habang tinatapon sa ere ang petals na nasa basket na hawak ko. Nakangiti, masaya, at parang walang problema. Hindi ko na maalala kung anong taon ito at kung kaninong kasal ang in-attendan namin n'yan pero mukhang masasagot na ang tanong ko, nasa ilalim ito ng portrait.

MJC L. Osmeña, two thousand five, Tito Fidel and Tita Jane's wedding.

"Tito Fidel and Tita Jane?" Lakas loob na tanong ko kay Darry na nasa gitna lang ng kuwarto at tahimik na nakamasid sa akin.

"Tito Fidel is my Mom's cousin. Fidel Lumayno and Jane Lumayno."

"Ah! Oo, naalala ko na," patango-tango kong sabi habang nakaturo pa sa kaniya. "Ang dami kong tanong! Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula!" Pagmamaktol ko habang nakatingin na sa portrait.

"Reserve your questions later, I'll answer it all," kalmadong sabi niya kaya napa-buntunghininga ako nang nakangiti habang nakatingin pa rin sa bata kong sarili.

It's so good to see my younger self again. Sa sobrang daming ganap sa buhay ko ngayon, nakalimutan ko nang magbalik tanaw sa dati kong sarili.

Hinarap ko naman ngayon ang susunod na portrait.

MJC L. Osmeña. Two thousand seven. Mayor's soccer cup, junior edition.

The second photo is still me playing soccer under the scorching heat of the sun. I was about to kick the soccer ball when that shot happened. It's me, my nine year old self.

MJC L. Osmeña, two thousand twelve. School uniform.

It's me again wearing my brown high school uniform. Nakatayo ako sa ilalim ng puno, mag-isa, kumakain ng lollipop habang nakangiti. Ewan ko kung ano ang tinitingnan ko r'yan at kung bakit nakangiti ako tapos mag-isa pa. Hindi ako mahilig mag-isa noong nasa high school pa lang ako. Palagi akong may kasama, kung hindi mga kaibigan ko, mga pinsan ko naman.

Ang cute kong tingnan. Naalala ko tuloy ang high school days ko. Punyemas. I'm so cute talaga!

Marami pang mga pictures ang nandoon. Iba't-ibang taon, iba't-ibang senaryo. Lahat magaganda ang kuha kasi maganda ang kinukuhanan. Lahat nakangiti. Lahat candid shots. As if someone is looking at me from afar and took a shot of me. No, hindi pala as if, talagang someone is photographing me from afar! Punyemas! How?

Sa bawat picture na nakikita ko, para akong maiiyak. Lahat 'yon nagpapaalala sa akin sa masaya kong childhood years and teenage years. Pero ang mas lalong nagpaantig ng aking puso ay ang litrato ko noong college graduation ko.

MJC L. Osmeña. Two thousand twenty-two. College Graduation Day.

I was in the stage, raising my diploma upward, with full-blown smile. Punyemas! I look so happy and how could I forget that smile? It's the smile when my total system is in havoc. Total chaos. That's when I realized I have a crush on him. I was happy despite of the side emotions I felt that time. I look so happy, genuinely happy. Posible pala sa isang tao na maging masaya ng totoo kahit na maraming pinagdadaanan? Lumaki ako sa paniniwalang hindi kailanman magiging totoong masaya ang isang tao. They can press a smile but kailanman ay hindi magiging totoo 'yon. Pero look at it, nabago ang tingin ko sa happiness nang dahil sa kaniya.

Kaya bago pa man bumagsak ang luha ko, nilapitan ko siya at mahigpit na niyakap. Wala na akong pakialam sa lahat, wala na akong pakialam sa mangyayari. Pangako ko sa sarili ko, hindi ko na siya bibitiwan. Kung hindi man pareho ang nararamdaman namin, gagawin ko ang lahat masuklian lang niya ang nararamdaman ko. Susugal na ako. Susugal na ako sa 'yo, baby. Matalo o manalo, susugal ako.

Mahal na kita, Darry Lizares.

"T-Thank you..." Habang nakayakap sa kaniya nang mahigpit ay pinilit ko ang sarili kong magsalita kahit papaano. I am literally shaking, I'm smiling pero naluluha ako. It's true, maiiyak ka sa sobrang tuwa and that's happening to me right now. Punyemas, baby, how could you do this to me? "Hindi ko alam kung bakit meron ka ng mga luma kong photos pero thank you for keeping it. Sobrang saya makita ang dati kong sarili, sobrang saya. Thank you, baby!" Naramdaman ko ang palad niya sa likuran ko at mahigpit din akong niyakap. Mas lalong sumaya ang puso ko. Sobrang saya!

Hindi siya nagsalita. Nanatili kaming magkayakap na dalawa hanggang sa mahimasmasan ako. Unti-unti akong kumalas sa yakap pero magkaharapan pa rin kaming dalawa. He gently caress my cheeks and carefully wipe away the tears I made.

"Then why are you crying if you're happy, wife?"

Nakipagtitigan ako sa kaniya. Nilalabanan ang maalab at kalmadong titig niya sa akin. Wala na akong pakialam kung maduling man ako sa kakatingin sa kaniya at sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Basta ang importante, nandito siya sa harapan ko.

"Tears of happiness..." Simpleng sagot ko. He sighed and languidly smiled at me.

"It's my way of showing you that ever since, I am devoted to you and will always be devoted to you. I have love you since we were little, wife. That's why marrying you was my dream come true-"

I shut his mouth by taking a peck to his lips, softly, with utmost care, like butterfly wings. It was long, not moving, kiss.

Mahal din kita, Darry. Pero bakit hindi ko masabi sa 'yo?

Humiwalay ako sa kaniya. Slightly afraid if I move my lips for a deeper kiss, he might reject me again. I'm afraid.

Kaya nang humilaway ako, bahagya akong yumuko at iiwas na sana ako ng tingin nang bigla niyang hawakan ang mukha ko at halikan ako ulit.

He kiss me like he wanted to be kissed, like no boy had ever kissed me. He kissed me like he's up for more. Soft, moist, hot, and breathy, not trying to win a battle but seeking union and closeness and the sharing of one breath. Gamit ang dila niya, he parted my lips for more. I gave in. I sensually gave in.

Nag-init ang buong katawan ko nang mapahawak ako sa batok niya at mas lalong idiniin ang katawan niya sa aking katawan. Para akong sinisilaban sa init ng kaniyang halik. Lalo na nang magtama ang dila naming dalawa. Quick, electric, and delicious, then firmer, determined, more curious about the heat that lay within, seeking to chase down that elusive liquid lightning that reached through between me.

Malikot ang kaniyang kamay, na mas lalong nagpapasilab sa init ng aking nararamdaman. He moved and gently carried me until I feel a soft cushion behind my back. Nasa sofa na ako, and he's on top of me. And still, nothing could stop this. Bumaba ang kaniyang kamay sa aking baywang hanggang sa maramdaman na ng katawan ko ang mainit niyang palad. Nakakapanindig balahibo, nakakapanabik.

"D-Darry..." Punyemas. I sound like a hypocrite animal wanting for more. It doesn't sound like me but I don't care.

Napaliyad ako at napatingala nang biglang bumaba ang halik niya sa aking leeg, giving me a teasing kiss and it's so nakakakiliti. Punyemas, para na akong mababaliw. I've kissed guys before, kasing sensual nito but I never felt this kind of energy. This is different because I want more and I don't want to stop this.

"Ah!" Mas lalo akong napaungol nang maramdaman ang maiinit na palad niya sa ibabaw ng aking dibdib. Punyemas, he just effortlessly unclasp my bra.

"I'll erase the traces made by your boys in the past, wife, I'll let you never forget this kiss," he said it before coming back to my mouth and kiss me again. "I love you, wife."

Punyemas!

Sinunggaban ko siya. Like a lioness aiming for her prey. Punyemas! You just said it and it's no turning back! I am so inlove with you, Darwin Charles!

The kisses went depeer and I can feel a gushing falls between my thighs. I think I'm turned on? But like what I said, susugal ako. He's my husband... after all. Akin siya. Akin na siya.

Pero anong kasiguraduhan na magiging akin nga siya? His I love you? Ang isuko ang sarili ko? Ang malamang kasal kaming dalawa? I don't know. They are blurry signs.

He was about to go below my stomach when the doorbell bombarded the whole penthouse. Napatigil ako sa paghalik sa kaniya at tiningnan siya.

"Buksan mo," sabi ko sa kaniya.

He silently groaned and look at me in the eyes gamit ang mapupungay na mga mata. He wants to protest on what I said pero pinilit ko siya.

"Buksan mo na, baka sina Alice na 'yon."

The doorbell keeps on while we're here lying on the sofa. He groaned again and lazily stand up. Napa-ayos na rin ako ng upo habang sinusundan siya ng tingin palabas ng opisinang ito.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti at hawakan ang labi ko. Punyemas! Ang tamis ng labi niya!!!!! Punyemas naman! I've tasted other boys' mouths before but his is one of a kind. It's like chocolate mixed with sweetmeat. Ang sarap day! Ang sarap laspagin!

Napapangiti ako sa kawalan habang inaayos ang bra ko sa ilalim ng damit. Punyemas. Muntik nang may mangyari sa amin. But kalma mga kaibigan, hindi ko pa nabibigay sa kaniya si muningning. Gusto ko pa ring mamatay na virgin. Maaaring susugal ako pero pag-iisipan ko pa ang parteng iyan. Kaso kinakabahan na ako sa susunod. Baka hindi na ako makapagpigil, and punyemas kasi baka hindi ko nga talaga mako-control ang sarili ko. Kung hindi lang talaga dahil sa nag-doorbell, baka nga nagpatuloy kami at naibigay ko na sa kaniya. I won't mind, though.

Nakangiti akong lumabas ng opisina para salubungin kung sina Alice nga ba ang dumating.

Punyemas?

"Isang buwan pa lang itong pamangkin ko pero binabiyahe n'yo na?"

Nang lumabas ako ng opisina, nawala ang ngiti ko nang makita kung sinu-sino ang nandoon. Parang lobo ang kasiyahan ko, nagpadala sa halinghing ng hangin, nagpalipad-lipad, kaso may nadaanang matalim na bagay, pumutok at biglang nawala.

Hindi ko alam kung anong iri-reak ko, masiyado akong nagulat sa nakikita ko ngayon.

"Hindi kasi bumibisita si Tito Darry sa kaniya kaya siya na ang bumisita sa 'yo, ayaw mo no'n, Darry?"

Hindi ko alam kung napansin na ba nila ang presensiya ko, nanatili kasi ako sa hamba ng pintuan habang nakamasid lang sa kanila na nakatayo lang sa gitna ng salas. Nakatalikod si Darry sa akin na nakapamaywang na hinarap ang modelong babae at ang isang simpleng babae na merong bitbit na bata.

"Alam ba ni Kuya 'to, Ayla? Alam ba niyang inilabas n'yo ang bata?" Ngayon ay ang simpleng babae na may bitbit na bata naman ang nilingon ni Darry. Bahagyang napayuko si Ayla habang tinitingnan siya ni Darry.

"H-Hindi. Nasa ibang bansa kasi siya para sa conference na ibinigay mo sa kaniya. At saka pinuntahan kasi kami ni Miss Callie kaya naisipan niyang ipabisita sa 'yo ang pamangkin mo," malumanay na sagot ni Ayla.

Yes. Ayla. As in Aylana Encarquez.

Napahilot si Darry sa kaniyang sentido. Lumapit si Callie Dela Rama sa kaniya at hinawakan ang braso niya.

"Don't get mad at Ayla. Ako ang nag-aya sa kaniya. Nalaman ko rin kasing hindi mo pa pala nabibisita ang pamangkin mo kaya naisipan kong dalhin sa 'yo. Ang sabi rin kasi ng secretary mo na nandito ka pa sa penthouse kaya rito na kami dumiretso," full of elegance na sabi ni Callie.

Parang may kumirot naman sa puso ko. Matapos kong aminin sa sarili ko lahat. Matapos kong makipagpustahan sa sarili kong damdamin, ito ang bubungad sa akin pagkatapos? Deserve ko ba talagang maging masaya nang tuloy-tuloy? 'Yong walang i-epal? O habang buhay akong bibisitahin ng karma?

Napasinghap dahil sa naisip at napabaling sa may entrance ng pintuan nang bigla itong nagbukas. Pumasok ang dalawang kasama namin sa bahay. Kitang-kita ko kung paano silang magulat habang nakatingin sa mga bisita ni Darry.

"M-Magandang hapon po, Sir Darry," agad na bati ng dalawa nang maka-recover sa gulat. "Magandang hapon po," bati naman nilang dalawa sa mga bisita. Buwisita to be exact. Ewan, naiinis na naman ako.

"Who are they, Darry? Your maids? Do you have maids in your penthouse na pala? Bakit hindi ko sila nakita rito last week?"

Last week?

Punyemas! Sinasabi ko na nga ba.

Pumikit ako nang mariin at pinigilan ang sariling magsabi ng mga masasamang words. Pigilan mo ang sarili mo, MJ, kung gusto mo pang may matirang dignidad sa buhay mo.

"They are working students," simpleng sagot ni Darry.

Punyemas! Ano 'yong last week? Pumunta rito si Callie last week?

"Why are they studying if they are your maids? Are they supposed to study? They're maids right?" May pagngiwing tanong ni Callie.

Suminghap ulit ako at dahan-dahang naglakad palapit sa kanila. Ayoko sa tono ng boses ni Callie. Parang nandidiri at hindi matanggap na nag-aaral nga sina Erna at Alice.

Lumingon ang lahat nang makita ako pero si Erna at Alice lang ang tiningnan ko. Ngumiti ako sa kanila pero tango lang ang naging sagot nila. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ni Callie.

"Magandang hapon, Ma'am MJ," bati nila na mas lalo kong nginitian.

"Magandang hapon din. Umakyat na muna kayo sa kuwarto niyo at ilagay ang mga gamit n'yo roon. After that, ipaghanda n'yo ng makakain ang mga bisita."

Tinanguan nila ang sinabi ko at agad pumanhik sa itaas. Sinundan ko pa ng tingin ang pag-akyat nila bago bumaling ng tingin sa mga bisita.

"And don't tell me they're sleeping on your guest room, Darry?" Hindi makapaniwalang tanong ni Callie.

"Hi Callie. Hi Ayla," bati ko sa kanila, ignoring Callie's sentiments.

Pilit na ngumiti si Ayla sa akin habang inaalu ang anak niya. Tapos si Callie naman ay ngumiti sa akin, but I can sense double-dealing in her smile so I did the same.

"Hi, MJ. You're here!" And act as if she's really surprised by my presence.

"Yes, Callie, I'm here," I replied in a stern manner.

I'm just keeping my cool. Keeping my punyemas cool. Don't make me burst it, Callie. One wrong move.

"We're here to visit Darry, MJ, if you don't mind. Dinala na rin namin ang anak ni Kuya Sonny at ni Ayla para makita naman ni Darry. Hindi kasi siya bumibisita kay Ayla para makita ang pamangkin niyam" sagot naman ni Callie. Tumango-tango ako, as if I can understand all her wordings but no, my mind is flying to the child.

Ang batang binigyan ko ng pamilya. Ang batang naging dahilan nang aking pagsasakripisyo. Ang anak ni Sonny kay Ayla. It's all worth it, I guess. The kid is healthy and he's so cute. Kung wala lang ako sa ganitong klaseng situwasyon, baka nakarga ko na ang bata.

"Entertain your guests, Darry, aakyat lang ako sa kuwarto. Kailangan ko nang mag-ayos, aalis na ako mamaya." Ngumiti ako kay Darry para ipakita sa kaniyang okay lang ang lahat.

"Oh? Where are you going, MJ?" Interrupt naman ni Callie kaya napalingon ako sa kaniya.

"I'm going back to Negros, Callie," simpleng sagot ko atsaka ibinalik ang tingin kay Darry na nag-aalangan na ngayon. "Saglit lang ako," assurance ko sa kaniya at hindi na siya hinintay na magsalita pa.

I went up stairs with a heavy heart.

What assurance can you get na sa'yong-sa'yo nga ang isang tao? Is saying I love you enough? Is kissing you passionately enough?

Bakit ba napakahirap magtiwala? Sabi ko susugal na ako pero sa tuwing nakikita ko si Callie, kinakabahan ako. I feel like my love for Darry is not enough to surpass what they've been through. Sa tuwing nakikita ko si Callie, sumusulpot sa isipan ko na minsan sa buhay nila ay nagmahalan sila. Mas bagay sila. Mas matagal silang nagkasama. Walang-wala ako. Wala akong panama kay Callie kaya anong karapatan kong mag-selos? Anong karapatan kong taliin palapit sa akin si Darry? Kahit asawa niya ako, wala pa rin. Nagpakasal lang kami dahil sa negosyo ng pamilya namin. Kahit bali-baligtarin natin ang mundo, nagpakasal lang kami nang dahil doon. We're not even on a relationship. Wala kaming malalim na pinagsamahan kaya anong panama ko? Wala.

Kaya ang hirap palang paniwalaan ang mga sinabi ni Darry. Paano kung pareho lang pala siya ng ibang lalaki na magaling sa salita? Magaling maglaro gamit ang salita? Ano ba ang gagawin? Hindi ko alam kasi unang beses kong magmahal nang ganito. Magpapatianod ba ako? Hahayaan ang sariling masaktan o sasalbahin ang sarili sa namumuong papalapit na sakit? Ano ba dapat?

Nakapag-ayos na ako at handa na akong umalis. Bitbit ang medium sized luggage ko, lumabas ako ng kuwarto nang magulo pa rin ang isipan. Ang hirap palang maging masaya kasi may kaakibat na sakit.

Bumaba ako, nandoon pa rin sila. Nilalaro ni Darry ang bata, katabi niya si Callie. Si Ayla naman ay tahimik na nagmi-merienda, si Alice at Erna ay hindi ko makita, baka nasa kusina.

"Darry, aalis na akom" paalam ko sa kaniya dahilan para lingunin niya ako at matigil sa ginagawa. Agad din siyang lumayo kay Callie at lumapit sa akin.

"Ihahatid na kita." Marahan niyang pinigilan ang siko ko at ang kaniyang titig ay parang naninimbang. Ngumiti ako sa kaniya para hindi niya maramdaman na marami akong iniisip.

"Hindi na, kaya ko na ang sarili ko, Darry. Nakapagpa-book na ako ng grab for my ride. And besides, may bisita ka, o." Iminuwestra ko pa ang direksyon ng salas. Nakatingin si Callie sa amin, si Ayla naman ay abala sa kaniyang anak na pinapanood niya ng pambatang palabas sa plasma TV ng penthouse.

Marahas siyang nagbuntunghininga, kaya bago pa man siya makapag-salita, pumunta na akong kusina para makapagpaalam sa dalawa. Madaliang paalam lang ang sinabi ko sa dalawa. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

"Ihahatid na kita sa baba, Ma'am MJ. Ako na ang magdadala ng maleta mo," presenta ni Alice bago ako makalabas sa kusina. Kinuha niya ang maleta ko at nauna nang lumabas ng kusina. Sumunod naman ako.

Pumasok ako sa kusina na dalawa pa lang ang bisita ni Darry, lumabas ako ng kusina na nadagdagan ito ng dalawa. Ang doctor na kaibigan ni Darry na si Yaspher Maravillas at ang chinito na si Amox.

Wala na ako sa mood para makipag-usap pa, isang madaliang pagpaalam lang at agad akong lumabas ng penthouse.

Nang nasa elevator na kami ni Alice, doon ko hindi napigilan ang sariling humugot ng isang malalim na hininga.

"Okay ka lang?" At nahalata na nga ni Alice.

"Pumupunta pala si Callie sa penthouse noong wala ako?"

"Hindi namin alam. Kapag nand'yan kami sa penthouse, wala namang bumibisita kay Sir Darry. Maski nga ang mga kaibigan niya, hindi naman pumupunta," sagot ni Alice na tinanguan ko naman. "Hindi sa nanghihimasok ako, Ma'am MJ, ha? Pero 'di ba dating syota ni Sir Darry 'yong si Miss Callie Dela Rama? At 'yong si Miss Ayla naman ay 'yong babaeng nabuntis ni Sir Sonny, okay lang sa 'yo 'yon, Ma'am MJ?"

Matinding tikhim ang nagawa ko sa sinabi ni Alice.

"Bakit naman hindi? Sino ba ako para hindi maging okay na bumisita sila sa penthouse?" I said like it's a matter of fact.

"Asawa. Asawa ka ni Sir Darry kaya may karapatan kang paalisin ang mga bisita n'yo sa penthouse lalo na kung dating syota naman pala 'yon at 'yong isa naman ay dahilan kung bakit naudlot ang dapat pag-iisang dibdib n'yo ni Sir Sonny."

Wala sa sarili akong napangisi sa sinabi ni Alice.

Siguro ngayon, ang pinaka-dabest na gawin ay ang itago ang totoong nararamdaman. Too much exposure na ang ginawa ko sa puso ko. I let you rule this day, heart, and this is the result now. It's time to keep you again and let the brain rule again. Wala ka na naman kasing nagawang tama, heart. Hindi pa ako handang masaktan ulit. I just realized, Tibor's ghost still hunts me up to now.

"Wala namang namamagitan sa amin ni Darry, a? Oo, asawa ko nga siya. Asawa ko lang siya sa papel. Kaya dapat hindi kami nangingialam sa business ng bawat isa, lalo na kung tungkol sa personal na buhay namin 'yon," pagtatapos ko sa usapan namin.

Hindi na ulit nagsalita si Alice. Tahimik niya lang akong tinulungan na isakay ang bagahe ko sa grab na b-in-ook ko.

Nang bumiyahe na ang grab ay kinuha ko ang phone ko to contact a cousin.

I choose Steve.

"Yes, MJ? Napatawag ka?"

Tumingin ako sa tanawin sa labas bago sinagot ang pagbati ni Steve.

"Nasaan ka?"

"Nasa BCD, bakit?"

"Puwede mo ba akong sunduin sa airport mamayang seven?"

"Airport? Bakit? Nasa Manila ka ba ngayon?" Nagulat nga siya sa sinabi ko.

Punyemas, ganoon na talaga siguro ka busy kaming magpi-pinsan, hindi na namin alam ang mga galawan namin, e.

"Yep, I'm here for like three days yata. Ngayon 'yong uwi ko. Ayoko munang umuwi sa bahay kaya hindi ko na tatawagan si Manong Bong para sunduin ako. Ikaw na lang sumundo sa akin," sagot ko naman.

"Bakit naman? Gusto mong magliwaliw? 'Di ba bawal kasi nagri-review ka pa?"

"Panandalian lang naman. Gusto ko lang aliwin ang sarili ko," depensa ko naman.

Kaya siguro hindi ako inaaya ng mga pinsan ko kasi bawal akong istorbohin.

"Sigurado ka? Kaso hindi kami magba-bar tonight, baka 'yon ang gusto mo. Aalis kasi kami."

Dahil sa sinabi niya, napaayos ako ng upo.

"Saan naman kayo pupunta? Sama ako!"

"Sa resthouse sa Palawan."

"Sama ako!" Halos pasigaw ko nang sabi. Napalingon pa nga si manong driver sa akin, e.

"Sigurado ka? Wala ka bang review?"

"Ilang araw ba kayo roon?"

"Just this weekend lang naman. Anniversary kasi ni Breth atsaka no'ng chicks niya kaya ganoon, nakisabay lang naman kami ni Cia kasi libre raw ni Breth."

Napangiwi ako sa sinabi ni Steve. May mga jowa pala ang mga gago'ng ito?

"Libre tapos sa resthouse ng mga Osmeña? Edi lugi tayo, gago ka!"

Tumawa ng malakas si Steve bago sumagot.

"Libre eroplano at saka marami namang pupuntahan, hindi lang naman sa resthouse."

"Sama ako! Wala akong pakialam kung maging fifth wheel ako, basta sasama ako!"

"Oo na, sasabihan ko lang si Brethren, baka magawan niya ng paraan."

"Good! Alas-siete ha? Bye!" Agad ko nang ibinaba ang tawag at pinagmasdan ang medyo ma-traffic na daan.

Biyernes ngayon at malapit na ang rush hour. Mabuti na lang talaga at maaga akong umalis. Alas sais pa naman talaga ang alis ng eroplano at alas kuwatro pa lang ngayon. Tama lang naman ang alis ko kaso parang ang aga lang. Gusto ko na kasi talagang makaalis doon. Wala na rin naman akong gagawin, ayokong makipag-plastikan.

Ilang oras pa ang hinintay ko bago nakalapag ang eroplano sa Bacolod-Silay Airport. Nang makuha ang bagahe at makalabas, agad kong nakita ang dalawa kong pinsan na matiyagang naghintay sa akin. Si Breth, nakasandal sa Ford Raptor niyang kulay itim at si Steve naman ay naka-crossed arms na nakatayo at mataman akong pinagmamasdan.

I widely smile at them para hindi nila ma-sense na there's something going wrong between me and my alternative universe.

"Bakit bigla kang sasama? May problema ba?" Tanong ni Breth nang makalapit ako sa kanila at matapos makipag-beso. Kinuha ni Steve ang maleta ko at nilagay sa back seat.

"Ulul! 'Pag sasama, may problema agad? Hindi ba puwedeng kailangan ko lang ng destressing? Nakaka-stress kaya ang pagri-review."

Mabuti na lang talaga at nagagamit ko ang pagri-review bilang alibi sa mga ganitong klaseng problema ko.

"Arat na nga! Libre mo dinner, ni-libre ka ni Breth sa plane ticket," wika ni Steve sabay akbay sa akin pero nanatili akong nakatayo habang confuse na nakatingin sa kaniya.

"Arat? Ano 'yon? Maalat?"

"Pfft, arat! Tara! Arat na! Tara na! Hay naku, MJ, hindi ka kasi nagso-social media kaya wala kang alam sa mga latest trends ngayon," explain ni Steve kaya nagpatianod na ako sa kaniya sa pagkakaladkad sa akin.

"Baduy! Ano 'yon? Parang yorme, dehins, werpa, petmalu? Ang baduy ng arat," komento ko naman habang pasakay na sa back seat. Si Breth ang magda-drive at si Steve ang sa front seat. "Kung si Breth ang nagbayad ng plane ticket, e, ano namang ambag mo?" Taas kilay na tanong ko nang paalis na kami sa airport.

"Ako nang bahala sa tawa mo pinsan. 'Wag kang mag-alala," wika ni Steve na nginiwian ko. Si Breth naman ay bahagyang natawa.

"Sa mga jokes mong baduy? 'Wag na oy! Ang babaduy ng jokes mo at ang luma pa kaya nakakapagtaka talaga kung bakit ka nagka-girlfriend, e. Pati ikaw Brethren Renaldo. Nakakapagtaka talaga." Nasa pagitan ako ng dalawa. Nakatukod ang dalawa kong braso sa upuan ng dalawa.

"Ikaw nga, e, nakakapagtaka ring nagka-asawa ka," rebuttal naman ni Steve kaya sa sobrang inis ay napingot ko ang tenga niya. Natatawa naman siyang umilag sa akin.

"Speaking of asawa, bakit hindi mo sinama si Darry? Sana pinasama mo, magiging dakilang alalay ka talaga namin pagdating doon."

Pabagsak akong sumandal sa upuan at napatingin sa daan.

"He's busy and he got no time for lakwatsa like this. At saka this trip is spontaneous to me kaya paano ko masasabihan 'yon?" Rason ko naman.

"You can call him right away and tell him that we're going to Palawan tonight. Simple as that, MJ. 'Pag gusto may paraan, 'pag hindi palaging merong dahilan," makahulugang wika ni Breth.

"Busy nga siya. Hindi siya katulad n'yo na pasarap sa buhay lang ang alam. He's handling his family's business and you can't just grab his hand and tell him you're going to have a vacation," I said like a matter of factly.

"Ewan ko sa 'yo, MJ. Hindi pa ba nahuhulog ang loob no'n sa 'yo?" Tanong ni Steve.

"No cous... the question is, hindi pa ba nahuhulog ang loob ni MJ kay Darry?"

Punyemas.

Matinding paglunok ang nagawa ko dahil sa sinabi ni Breth.

"No..."

Sorry. Hindi ko na talaga aaminin.

"'Tang inang puso naman 'yan, MJ. Sobrang tigas naman! Hindi ka talaga nagkagusto sa kaniya?" gulat na tanong ni Steve.

"Maybe it's right that she's hailed as the true heiress of Osmeña Steel Works because her heart is made of steel. Damn, Maria Josephina Constancia." Pailing-iling na sabi naman ni Breth.

My heart is made of steel and we all know that at some point, steels can be melted. My heart can be melted and it is now melting.

~