webnovel

Laikan

    Princess Rianna pov

               Ilang araw narin ako dito sa mundong ito.Kung di ko pa nasasabi sa inyo kung saan ako nakatira , Narito lang naman ako sa likurang bahagi ng palasyo medyo malayo sa pinakapalasyo mismo .Nandito ako nakatira sa maliit na parang bahay-kubo kasama si Laikan.Sya lang ang tanging katulong na naging tapat kay Rianna simula pa ng dumating ito sa palasyo.

      

           Sya din ang nagtatanim ng mga gulay sa paligid para ulamin namin pagkat matagal na kaming inabanduna ng palasyo .Kahit na wala syang sahod ay kuntinto na raw syang naaalagaan ako ng maayos .I am very glad that she's still loyal to Rianna despite of all the things happen..Kahit na nabubogbog at napagtritripan din sya ng ibang katulong sa palasyo.

             Maganda at maaliwas ang tirahan naming dalawa ni Laikan kahit pa maliit ito dahil alagang-alaga nya ito..Dahil din dito ay malayang nakakapag ensayo si Rianna ng kanyang kapangyarihan dahil walang nagagawi dito banda ngunit kahit ganun ay wala pading nagawa ang lakas ng kanyang kapangyarihan dahil binawian naman sya ng buhay ng di ito nagagamit na talaga namang taliwas sa nobelang nabasa ko dahil doon,  ang mama nya ang makakapatay sa kanya ngunit ngayon ay ang kapatid nya na.

         Kung nagtataka kayo kung bakit naitulak si Rianna ng bruha nyang kapatid sa hagdanan ganong hindi naman sya nakatira sa palasyo ay ayun kay Laikan nung time na yun ay pinatawag daw si Rianna ng hari gawa nga ng nagsumbong ang kapatid  nito na nakikipagsagutan daw ito gayong wala naman talagang ginawa si Rianna .Ng nasa may hagdanan na ito ay bigla nalang syang tinulak nito.Sinabi pa nitong nagalit daw c Rianna sa kanya dahil sinumbong daw sya sa hari kaya habang ng aaway sila ay aksidente daw nyang naitulak si Rianna.

    See ! kung gano kasama yung bruhang yun..And what makes me furious is that wala man lang pakialam ang hari kay Rianna at nagalit pa ito..Agad itong nag utos na alisin sa harapan nito .Kaya ayun nanga, Laikan brought me back.Inutusan ko rin sya na wag na wag ipaalam sa palasyo na gising na ako para mas madali kong magawa ang plano ko..

            Dahil nga sa hindi naman talaga ako si Rianna ay Kailangan ko nanaman mag-ensayo kung pano gamitin ang kapangyarihan ni Rianna .Tanging kaalaman nya lang tungkol dito ang naalala ko na hindi  ko batid pano nangyari yun.

          

------------++++++++----

           Nandito ako ngayon kung saan madalas mag-ensayo si Rianna. Isang tahimik at payapang lugar na gawa sa ilusyon na kapangyarihan ni Laikan. Kasama ko syang nag eensayo dahil nais ko din syang lumakas para sa mga plano ko.

       Ito ang unang beses kung mag-ensayo kaya excited ako kung ano nga ba ang magagawa ng kapangyarihan ni Rianna. Creation and Destruction by the word itself ay halata naman siguro pero excited padin ako. At Hindi lang yun dahil ayon sa natatandaan ko ay madami pang kapangyarihan na hindi pa nadidiscover si Rianna.

     Dala-dala ko ang librong ibinigay ng matanda nung isang araw. Basta nya nalang ito binigay dahil malaki daw ang maitutulong nito sa akin.And true to his word ng buksan ko ang libro ay nabasa ko lahat ng tungkol sa kapangyarihan ko .Everything that i need is in there hindi lang tungkol sa Creation and distruction ang nakapaloob sa libro kungdi madami pang iba kaya  labis ang tuwa ko kaya ng magpapasalamat na sana ako ay wala  na ito sa kinatatayuan nito .

       Everythings going well everyday .One week na akong nageensayo kasama si Laikan at madami narin kaming natututunan at nadidiskubre. Im very happy thanks to Rianna knowlege na para bang sinadyang iwan ng sa ganun ay maging madali para sa akin ang mag adjust.

           Nandito na kami sa loob ng bahay namin at kasalukuyang kumakain. Magana akong kumain ng mga gulay na luto ni Laikan.

     " Prinsesa Rianna-----I mean Rianna pala '! ayy ano bayan nakakailang masyadong tawagin ka sa sariling pangalan mo prinsesa ". nakangusong sambit ni Laikan , kaya napangiti nalang ako dito.I told here kasi na wag na nya akong tawagin ng prinsesa because in my current status ay wala namang tumuturing sa akin na prinsesa.

    "Just be used to it Laikan, anyway may sasabihin kaba?" i asked her.

    " opo , bakit parang napakapursigido mo atang magsanay this days hondi ka naman ganyan dati. ? pansin kung nagpapalakas ka na para bang may pinaghahandaan ka.Meron ba?" Nagdududa nitong tanong.

      Napangiti na lamang ako dahil matalino talaga si Laikan at ito ang isang bagay na nagustuhan ko sakanya.

    " Mayroon nga ! . Kaya ihanda mo rin yang sarili mo.Dont worry i will tell you everything when the right time comes.Okay ! ? " Marahan kung paliwanag dito.Mabilis na naming tinapos ang pagkain dahil pareho naman kaming pagod para maagang makapagpahinga. Sa araw na ito nalaman kung si Laikan pala ay nagmula sa fallen kingdom na pinabagsak ng iba pang mga kingdom dahil sa inggit. Kasama na roon ang inggiterong hari ng kahariang ito what a king. Dahil lamang sa walang kwentang dahilan he suggest na pabagsakin ang kingdom na iyon? huh i really don't know kung pano naging ama ni Rianna ang haring iyon. Nalaman ko ding may kapangyarihan syang Eartha na labis na ipinagbabawal gamitin dahil tanging mga tao lamang sa Fallen kingdom ang nakakagamit non. Nagtataka din ako kung bakit taglay ko din ang ganong klaseng kapangyarihan bilang isa sa mga sub-kruton ko ang Earta kruton gaya ng kay Laikan. Anyway bukas ko nalang ulit yun iisipin im tired.

        As i close my eyes para bang hinugot ako sa kung saan at bigla nalang akong napunta sa tila paraisong lugar na ito maraming bulak-lak at nagkikinangang mga puno. Napakamagical naman ng lugar na ito.

" Rianna '...Rianna ".

Mahihinang tawag ng boses sa aking likuran.

     Napalingon ako dito at nagulat ng nasa harapan ko ay ang kamukhang-kamukha ko ' i mean ni Rianna."Prinsesa Rianna ikaw ba yan? " tanong ko dito . Napangiti ito at marahang tumango .       

Marahan itong lumapit sa akin na para bang nakalutang sa hangin. Inililipad ang malambot nitong buhok at tila ba isang diwata kung iyong pagmamasdan. Nakasuot ito ng mahabang puting damit at nakasuot din ito ng koronang bulak-lak.