webnovel

She's The Wife

Melody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything messed up.Melody knew he cheated and worse is his mistress carrying his baby. Melody decided to leave her husband. She studied again because she's just 18 when she married her husband.She became a journalist, and the unexpected thing happened is they've meet again. Would the destiny let it happened?or it's just a coincidence yet planned?

Scarlet_Purple · Urban
Not enough ratings
21 Chs

Your Lesson

Maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok ko ng trabaho. Hindi ko nga alam kung bakit patuloy pa rin ako sa pag-pasok ng trabaho, hinahanap ko na lang ang sarili ko. Napailing ako sa naisip ko. Hindi ko kasi talaga kayang sabihin kay boss na ang asawa ni Andro ay ako.

Nang makababa ako sa kusina ay bumungad sa 'kin ang isang tupperware na nakapatong sa mesa.

Sa pagkaka-alala ko hindi ako nagluto kagabi pagkahatid sakin ni Andro, at sigurado din akong hindi 'to sakin.

Lumapit pa ako, at napansin ko ang isang stickey note. Mukang alam ko na kung kanino 'to galing.

I cooked adobo last night when I got home. I still bring Andrea and she's asking for you, but I told h that you're busy. I left for you so you can taste it. If it's taste bad you can throw it away.

Goodmorning and have a nice day:)

Matapos kong mabasa ang sulat agad kong kinuha ang tupperware at binuksan 'to. Medyo mainit pa, siguro ininit nya bago pumunta dito?

Kumuha ako ng tinidor bago 'to tinikman. Nanlaki ang mata ko ng matikman ko 'to. Grabe!

Sobrang pangit ng lasa!

Napaka-alat, at mas nalalasahan ko ang toyo. Ibang klase!hindi man lang ba sya marunong tumikim?

Napailing na lang ako bago 'to nilagay sa kawali, kaya ko pa naman 'tong gawan ng paraan. Sayang naman kung itatapon ko, sayang naman effort nong tao.

Matapos kong dagdagan ng tubig ang adobo at lagyan ng konting asukal nag-saing na din ako.

Napatingin ako sa phone ko nang may mag pop ditong message. Galing kay boss Gino.

Go look for Andro, kumuha ka ng scope tungkol sa asawa nya. Naisip kong hanggang bukas ka na lang sakin kaya baka hindi mo na mahanap ang asawa ni Andro Chavez, kaya sya mismo ang tatanungin natin.

Napanganga ako sa nabasa ko. Alam ni boss na hindi pumapayag si Andro sa mga interview tungkol sa asawa nito, which is ako. So pa'no ko yun gagawin?

Agad akong tumipa para replyan si boss.

To Boss Gino:

Boss diba po nabanggit nyo sakin noon na hindi pa pumayag na magpa-interview si Mr.Andro tungkol sa pagka-tao ng asawa nya?

From Boss Gino:

Don't worry, sumagot sya sa email ko kanina lang sya mismo ang nagbigay ng approval.

To Boss Gino:

Hindi ba pwedeng iba na lang mag-interview sa kanya boss?

From Boss Gino:

Hindi e, sabi nya kasi papayag lang sya kung ikaw ang mag-i-interview. Naku bruha haba ng hair mo, mukang type ka ni Mr.Chavez.

Hindi ko na lang ni-replyan si boss. Ano na naman ang gustong mangyare ni Andro?nababaliw na ba talaga sya?kakatapos pa lang ng issue ko tungkol kay Ethan, ngayon gusto nya na namang sumunod?dahil ba 'to sa kagabi?

Napatingin ako sa inaayos kong luto ni Andro, nang tikman ko 'to ay maayos na naman ang lasa, kaya pinatay ko na ang stove, kanin na lang ang hihintayin kong maluto.

Kinuha ko ulit ang phone ko para

ma-contact si Andro.

"Hello?"bungad nito sakin.

Napa-buntong hininga na lang ako, relax self don't shout on this crazy bastard.

"How's the adobo?"

"Ang pangit ng lasa"

Natahimik sa kabilang linya.

"Sorry"

Sa tono ng boses nya mababakas ang lungkot. He cooked it so why he's sad?talaga bang hindi nya tinikman ang niluto nya?

"Hindi mo ba tinikman ang niluluto mo?"

"No"

"Sobra sa soy sauce, don't worry hindi ko tinapon, niluto ko na lang ulit"

"Really?"

"Yes"

"Thank God, it didn't waste my effort"

"But you waste food hahaha"hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa.

"How about Andrea?did she eat it?"

"Tinikman nya sabi nya masarap daw, pero hindi sya kumain dahil kumain na raw sya bago umalis"

Mukang sinabi lang yun ni Andrea para hindi ito malungkot.

"By the way why did you call?miss me?"

Crap!muntik ko ng makalimutan.

"Yes!oo nga pala, nag-text si boss at pinapa-punta nya ako jan sa company mo, ang sabi sakin ni boss pumayag ka na raw na mag-salita pa tungkol sa asawa nya?baliw ka na ba?gusto mo ba talaga akong ilaglag?magsisimula pa lang akong pumasok sa bagong papasukan ko Andro"

"Chill honey, relax ka lang jan"

Baliw talaga ang isang 'to!

"Wag ka ng pumunta dito, sunduin kita jan I'm just helping you. Alam ko namang ayaw mong malaman ng boss mo na ikaw ang asawa ko. Don't worry, sasabihin ko na lang na naging busy ako ngayon kaya naman hindi natuloy, at bilang kabayaran tuturuan mo akong magluto mamayang gabi ok ba?"

Well not bad.

"Sige deal"

HABANG nagma-maneho ako namataan ko ang isang 11 years old na papasok sa isang cafe kasama ang mommy nya.

Pero ang mas naka-kuha ng atensyon ko si Andro, he's wearing a brown cap but I'm not sure if it's him?and he's starring at them from afar.

Gusto ko sanang makita pa ang muka ni Andro pero mas ibinaba nya pa ang cap nya para matakpan ang bandang mata nya bago pumasok rin sa loob ng cafe.

O nagkamali lang ako sa nakita ko?napa-buntong hininga ako bago napag-disesyonang mag-park muna ng sasakyan. Hindi masasagot ang tanong ko kung hindi ako papasok sa loob ng cafe.

Matapos kong mag-park ng kotse agad akong pumasok sa loob ng cafe at hinanap si Andro, pero bago ko pa yun magawa may tumawag na sa pangalan ko.

"Tita Melody!"

Agad tumama ang mata ko sa isang eleven years old na lalake. Ngumiti muna ako bago lumapit dito.

"Hello Jessie, how are you?"bati ko dito.

Tumingin ako sa mommy nya at nginitian ito, pero ang kina-gulat ko ay umiwas ito ng tingin.

Bumuntong hininga muna sya bago tumayo.

"Hanggang kailan?"

I frowned about her question. Ako ba ang tinatanong nya?

"Mrs.Chavez hanggang kailan mo ba gustong makita ang anak ko?bakit?dahil ba sa kamuka nya ang anak mo?!"

Nagulat ako sa tanong nya, bakit?saan?at pa'no nya nalaman?sinabi ba ni Jessie?magka-kilala ba sila ni Andro?

"S—sinabi ba sayo ni Jessie?"

Parang nagulat sya sa tanong ko at naupo ulit.

"Oo g—ganon na nga"

"Nag-kita na ba tayo dati?"

Tama!dapat tinanong ko na sya nong unang kita pa lang namin. She called me and Andro Mr. And Mrs. Chavez, kahit na yun pa lang ang unang pagkikita namin.

"Oo naman"bumuntong hininga muna 'to bago mag-offer na maupo ako.

So did I

"Una tayong nagkita sa park, kasama mo non ang asawa mo"

Umangat ang kanan kong kilay.

"Pa'no mo nalaman na Chavez ang apilyedo namin ng asawa ko?"

"Sinabi ni Jessie"

Tumingin ako kay Jessie na walang imik, kumakain lang ito ng cake.

"Hindi ko nabanggit kay Jessie na Chavez ang apilyedo namin"

Napasamid ang mommy ni Jessie, uminom muna 'to ng tubig bago tumingin ulit sakin at ngumiti.

"Hindi lang naman ikaw ang n—nakakasama ng anak ko. Nakakasama nya rin ang asawa mo. Palagi kayong bukang bibig ni Jessie, kaya alam kong ikaw ang tinutukoy nya dahil ikaw lang naman ang nakikita kong nakakasama ng anak ko. Mrs.Chavez 'wag mo sanang masamain pero ayaw kong nakikitang lumalapit ka sa anak ko"

Napasinghap ako bago tumingin ulit kay Jessie at sa kanya. Kung wala lang si Jessie dito malamang sinigawan ko na sya.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ngumiti ulit ng matamis.

"Hindi ko sinasadyang makita ang anak mo, nagkakataon lang palagi na nakikita ko sya"

"Talaga?kaya pala sinundan mo kami dito?akala mo ba 'di ko napapansin na kanina ka pa naka-titig samin mula pa nong paalis pa lang kami sa bahay?"

Mas lalong naging masama ang timpla ko. Ngayon naman binibintangan ako ng babaeng 'to?

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, ibang klase. Bakit ko naman gagawin 'yon?sino ka ba?una sa lahat hindi ako pumunta dito para sayo o para kay Jessie. Hindi ako lalapit dito kung 'di ako tinawag ng anak mo, at pa—

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang isang lalake ang biglang humablot sakanya. Bago pa ako makapag-react ay nawala na sila sa paningin ko. Kami na lang ni Jessie ang naiwan sa isang mesa.

"Don't worry po, kilala sya ng mommy ko. Palagi ko silang nakikitang nag-uusap ng palihim, iniisip ko na baka sya ang daddy ko"

Bigla akong kinutuban, yung lalake—hindi kaya si Andro yun?hindi lang ba si Betina ang naging babae nya?sigurado akong sya ang nakita ko kaninang nakamasid sakanila. Matagal  nya na kaya akong niluluko?

"J—Jessie nakita mo n—na ba ang muka ng lalakeng yun?"

Umiling ito.

"Kahit kailan po 'di ko pa nakita ang muka nya"

Tumango-tango ako.

Nang mag-ring ang phone ko agad ko itong sinagot.

"Where are you?"

Tumingin ako sa screen kung sino ang tumatawag, at nang mapag-tantong si Andro 'to agad kong nilagay 'to sa tainga ko.

"Andro?"

"mmhh"

"Asan ka?"tinambol ng sobra ang dibdib ko. Anong sasabihin mo ngayon Andro?

"Bahay mo"

Nang masagot nya ang tanong ko biglang nawala ang kaba ko.

"Anong ginagawa mo jan?"

"Susunduin sana kita, pero wala ka naman dito"

Agad akong napatayo.

"Papunta na ako jan hintayin mo lang ako, galing ako sa grocery. Pero dumaan muna ako dito sa isang cafe"

"Ok I'll wait"

Aalis na sana ako nang maalala ko si Jessie.

"Jessie magiging ok ka lang ba if iwan muna kita dito?kailangan ko na kasing umuwi dahil nasa bahay ko si Tito Andro mo"

Tumango ito at ngumiti dahilan para makita ang biloy nya sa pisngi.

"Sige po, don't worry babalik na rin naman po si mommy"

Pinisil ko muna ang pisngi nito bago umalis.

NANG makarating ako sa bahay narinig ko ang isang matinis na boses palapit sakin.

"Tita Melody!"

"Andrea!you're here!"

Tumango-tango ito bago yumakap sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Sinama po ako ni Daddy ngayon dahil hindi tayo natuloy kagabi.

"Sorry huh, naging busy kasi ako that time"

"You're here"

Napatingin ako kay Andro at tinanguan lang ito.

"Ang sabi po ni Daddy pinatikim nya po ang luto nya sayo?how's the taste po?"

"Maalat"

Napabungisngis naman si Andrea ng makuha ang sagot ko, sa gilid ng mata ko napansin ko naman ang pagsimangot nito.

Ding dong...

Lalabas na sana ako para pagbuksan ang nag-door bell pero nauna na si Andro kaya hinayaan ko na lang.

"Ako na"

Tumango ako sakanya, bago hinila si Andrea. Gusto ko talagang palaging nakikita ang batang 'to. Napaka-bibo nya.

"Tita Melody, sorry po kung kailangan nyo pang tikman ang luto ni Daddy, dapat po siguro sinabi ko na sakanya una pa lang ang lasa ng luto nya. Kaya lang natatakot ako na baka magalit sya sakin o kaya naman malungkot sya"

Napatango naman ako at pinaupo sya sa sofa. Ihinagis ko sa kabilang sofa ang ang shoulder bag ko bago sya tinabihan.

"Don't worry, I cooked it again. Sayang naman ang effort ng daddy mo kung itatapon ko lang"

Nanlaki ang mata nito na para bang hindi maka-paniwala.

"Talaga po?wow!napasarap nyo pa po ang luto ni Daddy?kung iisipin parang wala ng magagawa sa luto ni Daddy e"

"Narinig ko yun"

Parehong nagulat kami kay Andro nang bigla itong magsalita. Pero natawa na lang kami ni Andrea sa huli.

Minasdan ko ang muka ni Andro at napansing naka-simangot 'to.

"Anong nangyare sa muka mo?sino yun?"

"Wala"

"Melody!"

Nanlaki ang mata ni Andro nang may tumawag sakin sa labas. Boses ng lalake?

"Sino yun?"ulit ko

Umiling-iling lang sya sabay hinarangan ang dadaanan ko.

"Melody!"ulit ng tumatawag sakin.

"Sino ba kasi yun?ano ba?umalis ka nga sa daraanan ko"

"Melody naman, 'wag na"

Tiningnan ko sya ng masama, sa huli pinadaan nya rin ako.

Nang makalabas na ako, nagulat ako sa nadatnan ko. What the heck?bakit sya nandito?what he want?

"Ethan?"

"Melody"abot tainga ang ngiti nito, bago pinakita sakin ang hawak nyang bouquet.

"Papapasukin mo ba ako o ano?"

Napabuntong hininga na lang ako. Kaya pala ganon na lang ang itsura ng lalakeng yun.

"Ethan nasa loob ang asawa ko, nakita mo naman diba?"

"Alam ko"

Tinitigan ko sya kaya naman bagsak ang balikat nitong tumalikod pero humarap ulit.

"Hindi naman ako magtatagal, sige na please?"

"Melody?"

"Hindi"

"Diba friends naman tayo?"

"Still no"

"Kapag hindi mo ako pinapasok, ipagkakalat ko na boyfriend mo ako"

"Ano?"

Sabay kaming napatingin kay Andro. Kinabahan ako sa pwedeng mangyare. Nag-away kami kagabi ng dahil kay Ethan, at sigurado akong mainit pa ang mata ni Andro sakanya.

"Ano bang kailangan mo sa asawa ko?"

Ngumiti ng nakaka-luko si Ethan.

"Hiwalay na kayo diba?mag-asawa na lang kayo sa papel, pero sa mga mata nya—hindi na"

Binuksan ni Andro ang gate at sinunggaban ng suntok si Ethan.

"Andro!"

Sinasabi ko na nga ba at mangyayare 'to e. Kung bakit ba naman kasi pumunta pa ang artistang ito dito.

Nagpalitan sila ng suntok.

"Daddy!"

"Andrea!"agad kong tinakpan ang mga mata ni Andrea at hinila sya sa loob.

Agad akong pumunta sa kusina at nilagyan ng tubig ang isang planggana.

Nang mapuno ito agad ko itong kinuha.

"Andrea stay here ok?"

She obey me without saying and just nodded.

Nang makalabas ako hindi pa rin sila tapos mag-buno. Let's see kung hindi pa kayo titigil pagkatapos nito.

Splash...

"The fvck!"

"Shit!"

Sabay silang napatingin sakin at sabay ding sinigaw ang pangalan ko.

"Melody!"

Ngumiti naman ako ng nakakaluko.

"Ano?masarap bang maligo?mas masarap diba?ayaw nyo kasing magpa-awat kaya ayan, dapat lang yan sa inyo"

"Melody binasa mo ako!look what you've done may shoot pa ako mamaya"

Napa-tsk na lang ako kay Ethan bago tumalikod.

"Kasalanan mo yan, kung bakit ba naman kasi naisipan mong pumunta dito. Yan tuloy ang napala mo, tsk nevermind just get inside, andito ka rin lang"

"Melody!"

Narinig kong maktol ni Andro, pero hindi ko na lang ito pinansin at nauna sa loob, para ibalik ang planggana sa pinagkunan ko nito.

"Tita Melody what happened?"

Nakasunod na pala sakin si Andrea, naka-tingala ito sakin at hinihintay ang sagot ko. Nginitian ko ito bago humarap sa dalawang kakapasok pa lang. Uupo sana si Ethan sa sofa pero agad ko itong naagapan.

"Ethan don't!mababasa ang sofa ko!"

Ethan rolled his eyes. While Andro go upstairs.

"Binasa mo ako, saan na lang ako kukuha ng damit?"Anya Ethan.

Tumingin ulit ako kay Andrea at hinila ito sa sofa at naupo kami.

"Pinaliguan sila ni Tita Melody"anya ko sabay tawa.

"Pero naligo na po si Daddy?"

Natawa na lang ako kay Andrea at piniling 'wag itong sagutin. Kung 'di ba naman isa't kalahating sira ulo ang Daddy nya 'di sana hindi sya basa ngayon. Dapat kasi hindi nya na lang pinatulan si Ethan.

"Bakit ba naman kasi pumunta ka dito?sinabi ko bang puntahan mo ako?"

"We're friends"

"Ethan, hindi ibig sabihin na pumayag akong makipag-kaibigan sayo pwede mo na akong puntahan sa kahit anong oras mo gusto. Look at you now—soaked—that's not my fault. You came here, hence it's  your fault"

Napatingin ako sa bouquet na hawak nito. It's a tulip flower, yayamanin talaga ang isang 'to. Siguro sobrang sikat nga sya.

Tumayo ako sa pagkaka-upo at inagaw dito ang bouquet.

"Salamat dito"

Inalis ko ang bulaklak sa lagayan nito at nilagay sa isang vase.

"Hindi ka dapat pa nag-abala, may kailangan ka ba bukod sa pag-punta dito?"

"Wala gusto lang kitang makita"

Umarko ang kanan kong kilay at madaling tinapos ang ginagawa ko. Ipinatong ko ang bulaklak sa may gilid ng TV dahil may mababang cabinet sa tabi nito at wala namang nakapatong so ok lang.

"Kakakilala lang natin Ethan, hindi tayo close para sabihin yan"

"Because I like you"

"And she love me"

Sabay kaming napatingin sa bumababa sa hagdan. Nanlaki ang mata ko sa itsura nito. He's wearing my robe!pink robe at may print na bunny.

We know that he's so manly, the typical Andro always wear polo but wearing pink robe?dude that's not manly!

"Hahahahahaha"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napahalakhak na ako ng tuluyan.

Kapansin-pansin din ang pag-agos mg tubig mula sa buhok nya papunta sa kanyang leeg.

Miski si Ethan ay sobrang tawang-tawa din sa nakikita naming pareho. In fact mas malakas pa nga ang tawa nya sakin.

"You're not allowed to laugh!"bulalas nito kay Ethan.

Si Ethan naman ay hindi pa rin tumitigil at halos maglupagi pa ito.

"You look gay!"

"He's right!"gatong ko na mas kinainis ni Andro.

"Who look gay?"

"You!"

Sabay naming wika ni Ethan.

"Daddy look cute!"

Sabay kaming napahinto sa kakatawa ni Ethan at tumingin kay Andrea. Pero maya-maya pa ay natawa na naman kami.

"This is your fault Melody!you soaked me and I didn't bring my extra shirt, so don't laugh!"

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa kakatawa, dahil ito ang unang beses na makita ko syang naka-suot ng cute sakanya, yes Andrea's right, he look cute at hindi ako sanay don, mas sanay kasi akong sobrang manly sya.

"I'm sorry it's just you really look sexy cute gay!"

He frowned and give me a death glare.

Lumapit sya sakin at tumigil ng ilang pulgada.

"What did you say?"

"You look sexy cute ga—

Before I could finish my words he kiss me rapidly. Hindi ako nakapag-react sa ginawa nya.

Is he giving them a show?anong ginagawa nya?!

Pilit ko syang tinutulak pero hindi tumatalab, imbis na mapalayo kami ay mas idinikit nya pa ako sakanya.

"I can't b—breath"anya ko sa bibig nito

Nang sabihin ko yun ay saka lang sya humiwalay, he smirk.

"That's what you get"

Bago pa man ako makapag-react ay isang malakas na thud galing sa pintuan ang narinig namin and he said...

"Now you learned your lesson"