Ito ang unang beses ko sa ITN company, ngayon kasama ko si Zeke. Hindi na ako nakapag-paalam sa mga kasamahan namin sa trabaho, mamaya ko na lang siguro yun gagawin.
Ihinatid kami ng isang assistant papunta sa contract signing room.
Ngayon pa lang kami pipirma sa kontrata dahil ngayon lang din nagkaron ng oras ang mga top bosses.
"Ms.Sotto and Mr.Guttierez tama?"
Napakurap ako ng tatlong beses sa nagsalita, kung hindi ako nagkakamali sya ang anak ng top boss at kasali din sya sa mga top boss, lima kasi silang lahat. Sya si Kenzo Mawari, matangkad, kulot na buhok, matangos na ilong, makinis, gwapo, at—
"Ms.Sotto?"
Naramdaman ko ang pagsiko ni Zeke kaya napa-pitlag ako, napayuko ako sa sobrang kahihiyan.
"Sorry po!"
Narinig ko naman ang pagtawa ng ama ni Kenzo na si Sir David. Maliit ito at may pagka-mataba, puting-puti na rin ang buhok nito.
"Ayus lang, hindi na naman bago ang mga babaeng napapatitig sa anak ko, saan pa ba 'to magmamana?"
Napatingin ako dito, at halos mamula ata ang muka ko.
"Po?"
Napuno ng halakhak sa buong silid, samantalang si Kenzo naman ngumiti lang bago lumapit sakin.
"I'm Kenzo Mawari"anya sabay lahad ng palad sa 'kin.
Agad naman ako ditong nakipag-shake hands, ayuko ng madagdagan pa ang kahihiyan ko.
"So let's sit down, Mr.Chavez is on his way siguro naman makakahabol sy—"
"Sorry I'm late!"
Agad tinambol ang puso ko nang marinig ang boses na yun, akala ko ibang Chavez ang tinutukoy. Anong ginagawa nya dito?
Nanlaki ang mata ko nang may na-realized. Apat lang ang nanditong top bosses, at ang bagong dating pa lang ay sya?don't tell me isa sya sa mga top bosses?
"Nice to see you"anya nito nang mapansing nakatingin ako sakanya.
Pa'no nangyare yun?alam kong malaki na ang sakop ng kompanya nya, pero ang sabihing isa sya sa mga boss ng isang media company parang imposible?
"Isa po sya sa mga boss?"
Hindi ko na napigilan ang ang sarili kong magtanong. Kailangan kong malaman dahil hindi ako nito papatahimikan.
"No he's not"
Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Actually proxy lang sya ni Mr.Sintallan sila ay magka-bussiness partner. Nagulat nga ako at tumawag si Mr.Sintallan sakin kaninang umaga at sinabing si Mr.Chavez nga ang dadalo sakanya. Ms.Sotto alam mong kaya isa kayo sa napili namin makapasok sa aming kompanya ay dahil kayo ng partner mo na si Mr.Gutierrez ang unang napa-unlakan ni Mr.Chavez na ma-interview, at ngayon pa nga nandito sya sa contract signing nyo, isa itong magandang pangyayari"anya ng Mawaring matanda.
He's talking so deep, sa sobrang lalim, gusto ng dumugo ng ilong ko.
"Nice to see you again Ms.Sotto"
Nginisihan ko si Andro, pero patago rin itong tiningnan ng masama sa mata.
Nang mapansin kong napatingin samin si Zeke ay umiwas na ako dito ng tingin. Isa pa namang magaling na paparazzi ang isang 'to.
"Let's sit down"
Nang maka-upo kami agad na nilang pinaliwanag samin ang mga nakasulat sa kontrata at kaunting briefing na din.
Naging maayos naman ang permahan namin ni Zeke.
"Ms.Sotto are you free?"
Lahat napatingin sa batang Mawari. He's smiling so brightly, napaka-puti ng ngipin nito.
Sa katabi naman nito narinig ko naman ang pagtikhim ni Andro. Alam ko na ang ibig sabihin nya, ayaw nya akong sumama. Kahit kailan talaga napaka-seloso ng isang ito.
"Yes I'm free"
Bakas ang gulat sa muka ni Andro samantalang ang iba naman nakangiti lang gaya ni Kenzo.
"Great!let's eat?"
Nang tingnan ko si Andro, napaka-sama ng tingin sakin nito kaya napaiwas na lang ako ng tingin. Why would I feel guilty?wala akong ginagawang masama.
"Sure"
"Don't worry it's just near restaurant from here, but it's famous. Mr.Gutierrez can come with us if he want",
Oo nga pala kasama ko si Zeke, kung bakit ba naman kasi nakalimutan ko.
"Don't mind me sir, may kailangan pa po kasi akong puntahan"
"Mukang ayus na naman, so pa'no mauuna na kami sa inyo?enjoy. How about you Mr.Chavez?do you mind if I can get some few words with you?"
"I'm sorry Mr.David but I think I'll talk with your son, I am thinking about his proposal"
Nanlaki naman ang mata ni Kenzo at bakas din ang kasiyahan sa mga mata nito.
"Oh?then that's great!so pa'no ba yan mauuna na kami sa inyo"
Umalis na si Sir David kasama ang mga malapit sa edad nyang iba pang boss.
Nang makaalis na ang mga ito'y siniko naman ako ni Zeke.
"Ms.Melody alis na po ako"
Hindi na ako nakasagot kay Zeke nang biglang magsalita si Kenzo.
"Ms.Sotto ok lang naman siguro kung kasama natin si Mr.Chavez?"
Tumango naman ako dito bilang pagsang-ayon.
"Melody na lang sir Kenzo"
"Sure!basta Kenzo lang tatawag mo sakin wala ng sir!masyado tayong pormal e mukang 'di naman nalalayo ang edad nating dalawa"
Mahina akong tumawa at sinang-ayunan na lang din ang sinabi nito.
"Tara na?"
Naunang maglakad si Andro, mabibigat ang bawat paghakbang nito. Kulang na lang ipadyak nya ng sobrang lakas ang mga paa nya.
Pinauna ako ni Kenzong lumabas ng pinto. Mmhh gwapo na gentleman pa!actually crush ko si Kenzo, dati kasi syang may sariling show sa Tv at sikat na sikat yun dati. Kinababaliwan sya ng kababaehan noon, at palaging inaabangan ang show nya. Kapag nga naabutan ako ni Andro na nanunuod ng show ni Kenzo dati pinapatay nya na agad ang Tv dahil nagseselos daw sya. No wonder kung bakit sya nandito ngayon.
"Melody!"
Sabay kaming napatingin sa sumigaw. Walang iba kundi si Ethan.
"Ethan"
"Magkakilala kayo?"anya Kenzo.
Ngumiti naman ng malaki si Ethan at inakbayan ako.
"Oo pinsan syempre girlfriend ko"
What?!pinsan nya ang ungas na 'to?kung mamalasin ka nga naman oh!kawawa naman si Kenzo, nagkapinsan ng baliw.
"Girlfriend?!"gulat na wika ni Kenzo.
Napayuko na lang ako sa sobrang kahihiyan. Nababaliw na ba sya?bakit nya namang sinabing girlfriend nya ako?at sa harap pa talaga ni Kenzo?
"Babaeng kaibigan, girl friend"
Hindi ko maiwasang kabahan sa pinanggalingan ng salitang 'yon dahil sobrang lamig. Parang papatay.
"Ha ha ha oo babaeng kaibigan"sang-ayon ko naman, sabay tanggal ng pagkaka-akbay nya sakin. I'm sure pinapatay na ni Andro sa isip nya si Ethan.
Nagpapalit-palit naman ng tingin samin si Kenzo, kay Andro at samin ni Ethan.
"Sa'n ba kayo pupunta?"
"We will eat at the restaurant"sagot dito ni Kenzo.
Nanlaki naman ang mga mata ni Ethan at nang lumaon ay ngumisi.
"Sakto gutom na ako, pwedeng sumama?"
Napailing naman ang pinsan nya dito. Siguro sanay na sya dito?close ba sila?
"Sige na, baka ma-bored don si Melody, mas mabuting sumama ka para may makausap sya don"
Hindi ko naman kailangan kausapin ang isang 'to. Tsaka hindi naman talaga kami close, feeling close lang ang artistang 'to.
"O tara na!"
"Melody sakin ka na sumabay"
"Sakin sya sasabay dahil ako ang nagyaya sakanya"
Ako naman ang asawa nya
Napatingin kami ni Ethan kay Andro, at mukang 'di naman narinig ni Kenzo ang mahinang sinabi nito.
Si Ethan ay mas lumaki pa ang ngisi, nang-aasar ba sya o ano?
"Sige pinsan mabuti ngang sayo na lang sumabay si Melody"
Naku!talagang binibigyan ako ng sakit sa ulo. Kapag sinuntok ulit sya ni Andro, hindi ko na talaga sila papatigilin, tutal parehas naman silang may sapak.
TAMA si Kenzo nang sinabi nyang mabo-bored lang ako dito sa restaurant.
Puro business ang pinag-uusapan nila ni Andro. Mukang makikipag-bussiness partner sya dito kay Kenzo sa isang project.
"Ayus ka lang ba?"
Tumango na lang ako sa tanong ni Ethan. Ayaw ko naman kausapin ang baliw na 'to dahil sigurado namang puro kalukohan lang ang lalabas sa bibig nya.
"Kamusta pala ang lovelife mo Melody?"
Nabagsak ko naman ang kutsilyong hinihiwa ko sa steak. Sinasabi ko na nga ba at puro kalukohan lang ang sasabihin nito e. Bakit ba naman kasi pinasama pa sya ni Kenzo. Hindi ko alam kung talaga bang magpinsan sila dahil mukang tahimik naman sa personal si Kenzo, tulad na lang kanina sa kotse nito. Hindi man lang ako kinausap, napanisan lang ako ng laway.
Sa gitna nang pag-iisip ko napansin kong tahimik na pala ang mga kasama ko. Ganon na rin si Andro at Kenzo na nag-uusap tungkol sa project proposal daw.
"Huh?"untag ko
Mahinang natawa naman si Ethan kaya sa sobrang inis ko sakanya'y pasimple kong inapakan ang paa nya sa ilalim. Napa-igik naman 'to ng mahina. Nakatakong ako kaya siguradong nasaktan sya kahit papano. Bukod pa don ay mukang mamahalin ang black shoes nya. Serve him right!
"Oo nga Melody?I wonder if you already have a boyfriend?"
Nagulat naman ako dahil imbes na si Ethan ulit ang kuma-usap sakin ay si Kenzo na. He's smiling genuinely.
Napansin ko naman ang pag-kuyom ng kamao ni Andro, kaya naman napabuntong hininga na lang ako.
"May asawa na ako"
Ting...
Sabay na nagbaksakan sa pinggan ang hawak nilang mga fork at knife. Ang iba pa nga'y napatingin samin. Ako na lang ang nag-sorry.
Si Ethan ang unang nakabawi at tinuloy ang kanyang pagkain. Bakit nagulat pa sya e alam nya naman kung sino ang asawa ko?kasama pa nga naming kumakain ngayon e. Magugulat pa ba sya don?
Awkward naman na natawa si Kenzo at tinuloy ang pagkain.
"Kamusta naman ang relasyon mo sa asawa mo?"
Ito talagang si Ethan hindi tumitigil ang bibig. Ano bang gusto nya?looking for war?
"Ok naman ang relasyon ko sa asawa ko"
"Mahal mo ba?"
Napaubo naman si Andro sa sunod na tanong ni Ethan. Napa-inom pa nga ito ng wine nya.
"Oo naman"
Cough...cough...cough
Lahat kami ay napatingin kay Andro. Mabuti na lang hindi nya ako nabugahan ng wine nya. Katapat ko lang kasi sya ng upuan. Katabi ko si Ethan, ang katabi nya naman ay si Kenzo.
"Ang swerte naman pala ng asawa mo, sa pagkaka-alala ko gago ang asawa mo, diba sinabi mo yun sakin nong isang araw?"
Nanlaki ang mata ko, baliw nga talaga!wala naman akong sinasabing ganon!
"Hahaha Ethan namali ka lang ng dinig"
"Sotto ibig sabihin isang Sotto ang napangasawa mo?"tanong ni Kenzo.
Bakit biglang naging matanong 'to gaya ng pinsan nya?
"Oo asawa nya si Vic Sotto"
Hinampas ko naman sa balikat si Ethan. Wala na akong pake kahit nasa harap pa kami ni Kenzo.
"Aray naman!biro lang!mas maganda ka kaya kay Pauline Luna!"
Umirap na lang ako at sumubo mg steak.
"Isang business man din ba ang asawa mo?"
Umiling ako bago nginuya ng mabuti ang karne ng baka. Nang manguya ito ng maigi'y saka ko nilunok.
"Actually simple lang ang asawa ko. Simple lang ang buhay namin, nagta-trabaho sya sa maliit na kompanya ng papa nya, at sa gabi naman ay umuuwi sya. Palagi syang may pasalubong na hot dog para sa anak namin. Kapag umaga na sya nakakauwi ako na lang ang nagluluto ng hotdog para sa kanila, dahil paborito nila ang hotdog"
Pagkatapos kong magsalita wala ni isa ang umimik. Miski si Andro ay tahimik lang, kahit alam nyang sya ang tinutukoy ko. Sya nga ang tinutukoy ko, nong panahong maayus pa kami.
"Pffttt...hahahahaha hotdog pala"bulalas ni Ethan.
"Pagpasensyahan mo na ang pinsan kong yan, may saltik yan kaya ganyan"
"Ayus lang Kenzo alam ko naman yun"sabay tawa ng mahina.
"Ilang taon na pala ang anak nyo?"
"11 years old na sya...sana"parang may bumara sa lalamunan ko. Melody 'wag kang iiyak. Ilang taon na kaya dapat maging malakas ka. Wag kang maging mahina.
"Sana?"
Kung kanina si Ethan ang matanong ngayon naman si Kenzo. Si Ethan biglang natahimik.
"Mmhh namatay sya sa isang c—car accident nong 3 years old sya"
"Sorry to hear that"
Ngumiti na lang ako sabay inom ng wine.
"It's ok"
NANG matapos kaming kumain nauna na si Kenzo, dahil may meeting pa raw sya, humingi pa nga ito ng pasensya sakin dahil hindi na daw nya ako maihahatid, at pinaki-usapan na lang ang pinsan nya. Kami na lang ni Ethan at Andro ang naiwan. Hindi makaalis si Ethan at imposibleng maihatid nya ako dahil ang daming mga fans nya sa labas ng restaurant ang naghihintay sakanya. Well hindi ko rin naman gustong sumabay sa kanya.
"Andro tara na"
"Mmhh"
"Wait!iiwan nyo ako dito?"
Ngumiti naman ako ng nakakaluko at tinap ang balikat nya.
"Kaya mo na yan, bye Ethan"
Lumingon ako kay Andro at tiningnan sya.
"Let's go?"
Tumango-tango naman sya.
Anong nangyare sa kanya bakit hindi yata sya umiimik?
"Ok ka lang b—"
Nagulat ako dahil bigla nyang nilagyan ng sombrero ang ulo ko at pinasuot nya ako ng cap at mask. Saan galing 'to?meron syang maliit na parang attache case bag. Don't tell me don nya kinuha?
"Para saan 'to?"
"Baka ma-issue ka. Magsisimula ka pa lang ng trabaho"
"Ah"
"Pwede bang hiramin ko muna lahat ng yan?ako ang artista dito oh?"
"Nope"sabay naming wika ni Andro.
"Even you're wearing all of this, they will still chase you because they know your clothes"anya Andro.
Pagkatapos nyang sabihin yun hinila nya na ako.
Sabay kaming lumabas at dumiretso sa parking lot. Nang makapasok kami sa loob ng kotse nya'y saka ko lang inalis ang disguised na pinasuot nya sakin.
"Hatid mo na ako sa bahay k—
Nagulat ako nang bigla nya akong yakapin.
"Andro"
"Mmhh"
"Andro"
"Yes"
"A—andro"may bumara sa lalamunan ko at para akong kinakain ng lungkot.
Napansin ko ang pag-yugyog ng balikat ni Andro. Una ay narinig ko ang mahina nyang paghikbi hanggang sa naging hagulhol na ito.
"Andro"
"Melody"
Mas lalong humigpit ang mga yakap nya sakin at mas lalong lumakas ang iyak nya. Kaya yung luhang gusto kong pakawalan kanina pa sa restaurant ay mabilis na naglabasan.
"I hate my self"
Nakagat ko ang ibabang labi ko at mahinang humikbi.
"Patawarin mo ako, I'm sorry my wife. I'm sorry. I'm sorry kay Andy at sayo. I'm sorry nabulag ako. I'm so sorry"ilang beses ko na yata yan narinig sakanya, pero ngayon parang mas naging bukas akong pakinggan sya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulhol na rin ng napakalakas.
Hindi ko sya sinagot at yumakap din pabalik sakanya.
"Andro si Andy!miss na miss ko na ang anak natin. Yung i—iyak nya mga tawa nya. Yung panahong bagong anak ko pa lang sya. Miss ko na ang anak natin. Gusto ko ulit syang makita, gusto ko ulit syang mayakap, yung pagtawag nya sakin ng mommy kahit utal. Ahhh!ayuko na ng ganitong s—sakit"
Andro kiss my tearful eyes.
"I'm sorry"
Para kaming tangang nag-iyakan sa loob ng kotse nya. Nang matapos kaming umiyak at nagpupunas ng mga uhog ay sabay kaming napatawa.
Buti na lang may tissue sa kotse nya.
"Para tayong tangang nag-iiyakan dito"sabi nya.
Binato ko naman sya ng nalukot na tissue na may mga sipon ko. Nakailag naman sya dito.
"Sino kaya yung una sa ating umiyak?ikaw nga itong malakas na umiyak jan"
May lumabas na namang mga luha sa mga mata nya kaya naiyak na naman ako. Ano ba naman yan!nahahawa ako sa iyak nya e!
"Wag ka na ngang umiyak jan!pati ako umiiyak!bakit ka ba kasi jan umiiyak huh?"
Tumawa naman sya kaya napa-kunot ang noo ko.
"Ngayon naman tumatawa ka!are you crazy?"
Umiling-iling si Andro at hinila ako para yakapin ulit.
"Ang cute mo kasing umiyak, para ka pa ring bata. Humahaba ang nguso!"
Lumayo ako ng konti sakanya pero nakayakap pa rin sya sakin.
"Ano?!"sabay hampas ko sa dibdib nya.
"Joke lang haha ganda mo nga e!"
Nahiya naman ako sa sinabi nya kaya naitago ko na lang ang muka ko sa dibdib nya para 'di nya makita ang muka ko.
"Nahihiya ka ba sakin?"
Hindi ako umimik at niyakap na lang sya pabalik.
"Melody"
"Ano na naman?"
He chuckled
"Ang cute mo"
Kinurot ko sya sa may tagiliran nya kaya napaigik naman sya.
"Melody"
"Ano!"
Umalingawngaw ang halakhak nya sa loob ng kotse. Humiwalay sya ng yakap sakin at tiningnan ako sa mata.
"Melody sorry talaga"seryuso nyang wika.
Napabuntong hininga na lang ako. Sa totoo lang pagkatapos ng iyakan namin kanina gumaan ng sobra ang nararamdaman ko. Parang nabawasan ng tinik, kahit na meron pang sakit, at least nabawasan.
"Andro"
"Yes?"
"Pagbutihan mo ang panunuyo mo, dahil kapag hindi mo hinusayan bahala ka na sa buhay mo. Tuloy ang annulment"
Nanlaki ang mata nya.
"Ibig sabihin bukal na sa loob mong ligawan kita?binibigyan mo na talaga ako ng chance?"
"Oo"
"Yes!"Anya sabay yakap ulit sakin
"Manunuyo ka lang naman Andro, hindi ko pa sinabing tayo na ulit"
"Ok lang, asawa naman kita"
Sana 'wag nyang sirain ang tiwala ko sakanya.
"Ibig sabihin 'di mo na ako pagtutulakan nyan?"tanong nya.
"Yes"
"Ede malaki ang chance na maging ayus ulit tayo?"
"Yes"
"Bakit mo pa pinapatagal kung ganon?!"
Humiwalay ako sa kanya at umayos ng upo.
"Nagre-reklamo ka?"
"Hindi!"
Palihim na lang akong napangiti. Nang bigla akong may maalala.
"Pa'no pala si Betina at ang anak mo?"
Nawala naman ang ngiti nya sa labi.
"Si Betina, wala na kami matagal na. Si Andrea naman ok lang sakanya na magka-ayus tayo"
"Pa'no kung tumutol si Betina?"
"Hindi ko hahayaan yun. Di ako papayag na gumawa ulit ng mali, dahil natuto na ako sa nangyare satin"
Tumango ako, tingnan natin kung hindi nya kakainin lahat ng sinabi nya. Dahil sa oras na saktan nya ulit ako, hinding-hindi na sya makakabalik. Wala na syang babalikan.
"Tara na"anya ko
"Yes my madam, your seatbelt first"
"Ok, tara na!"