webnovel

She's The Wife

Melody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything messed up.Melody knew he cheated and worse is his mistress carrying his baby. Melody decided to leave her husband. She studied again because she's just 18 when she married her husband.She became a journalist, and the unexpected thing happened is they've meet again. Would the destiny let it happened?or it's just a coincidence yet planned?

Scarlet_Purple · Urban
Not enough ratings
21 Chs

Jessie

"Anong ginagawa mo dito?diba dapat nasa trabaho ka?"anya ko kay Andro.

"I told you liligawan kita"ini-abot nya sakin ang isang bouquet ng rosas.

"Lumayo ka sakin Andro, baka may paparazzi ma-issue pa ako sayo"

Kumunot ang kilay nya at naupo sa tabi ni Jessie, napapag-gitnaan namin.

"You're crying again"mahinang tugon nito

"At wala ka na don"

"Nag-aalala lang ako"

"Wala ka ng karapatan"

Nagpapalitan ang tingin samin ni Jessie.

"Nag-aaway po ba kayo?"

"Hindi"sabay naming wika ni Andro.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Hiwalay na po ba kayo?"

"Hindi"

"Oo"

Sabay na naman naming sabi. Napahilot na lang ako sa noo ko.

"Hiwalay na kami"anya ko

"Pero hindi pa legal, asawa ko pa rin sya"banat naman ni Andro.

Hindi ko alam kung nang-iinis ba ang isang 'to.

Lumingon ako kay Andro at tiningnan sya ng masama, tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Kung anu-ano ang sinasabi mo, 'wag ka ngang magsinungaling sa bata"

"Hindi naman ako nagsisinungaling diba Jessie?hindi pa kami annulled kaya asawa ko pa rin sya tama?"

Tumango-tango naman si Andro.

"Jessie!"

Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses. It's woman, she's wearing a doctor dress.

"Mommy"

Agad nitong hinila si Jessie.

"I said stay to our house!why you're here?"

"Mommy...I"

"Whatever just go home!now!"

Tumingin ito sa'min. Her eyes telling something but I can't figure it out.

She look scared?

"Mrs.Chavez...Mr.Chavez"tumango ito sa'min bago umalis.

Nagulat ako, kilala nya kami?

Bago pa ako makapag-salita ay umalis na sya.

"Seems like it's just the two of us, it must be destiny"

I almost puke blood. Did he just say some cheesy words?unbelievable.

"Let's date"

Nailing na ako lang bago tumayo.

"Uuwi na ako"

Bago pa 'ko makaalis ay napigilan nya na ako sa kamay.

"Don't go"

I frowned, what?

"Uuwi na ako"ulit ko

"Pwede bang sumama ka muna sakin?just now please"

Napabuntong hininga ako.

Mukang wala akong laban sa isang 'to.

"Fine"

Lumiwanag ang muka nya at ngumiti.

"Great!let's go"

I follow him without uttering words.

"It's still early I'm afraid to say but it will be a long date"

Umismid na lang ako, as if I can still do anything.

Lumipas ang ilang minuto at namalayan ko na lang na nasa bahay namin—nya kami.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Tuturuan mo akong magluto!"

Napanganga ako sa sinabi nya. Date?tuturuan ko syang magluto?

"Ayaw mo?"

Napasinghap ako at binuksan ang pinto ng kotse nya.

"Andito na tayo, may magagawa pa ba ako?"anya ko bago lumabas at maunang pumasok.

"Daddy!"An 8 years old run towards Andro. The little girl hug her daddy.

"Andrea you're here. Who brought you here?"nag-aalalang tanong ni Andro

"Don't worry daddy, mommy's not here, my nanny brought me here...Tita Melody!"nanlaki ang maya nito nang makita ako, nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Niyakap nya ako, niyakap ako ng anak ni Betina...

"I miss you po!why you're with my daddy?"

I smiled "Your daddy ask me to teach him how to cook"

Her eyes get brighten

"Pwede po ba akong sumali?promise I won't make mess!"

Ngumiti ako at tumango saka ginulo ang buhok nya.

"Sure young lady!"

"Ano ituturo mo sakin?"Anya Andro ng makarating kami sa kusina.

"I'll teach you how to cook adobo, it's just easy so you can learn it today. But in your case I doubt"

"Minamaliit mo ba ako Melody?!"naiinis nitong wika.

Nailing na lang ako habang tumatawa.

"What?you can't even cook a simple egg"

Kumuha ako ng bawang at sibuyas at binato sakanya, nasalo nya naman.

"Wash it"

"Yes madam,I'll prove to you!tomorrow I'll cook it again and let you taste it!huh!"

I frowned

"Wala ng bukas Andro"

Napanganga sya at winisikan ako ng tubig.

"Hey!"

"That's what you get for being stubborn"

"When did I being stubborn?you're the stubborn here!"

"Go get the knife and kill each other"

Namutla si Andro at 'di makapaniwalang napatingin sa anak nya.

"What did you say Andrea?"

Ngumisi ako bago lumapit kay Andrea.

"Aww you're so cute!"

Narinig ko ang pagsinghap ni Andro.

"Asan ang cute don?pinapakuha nya tayo ng kutsilyo para magpatayan–cute ba yun?"

"Daddy I just said it for you to stop, I know how you love each other"

I cough"I don't love your daddy anymore!"

"But that's what I see, how I wish I'm from your womb, not with my mom she's scary"

My expression get softened.

"Even daddy don't love me, she just noticed me when you came Tita"

Tumingin ako kay Andro.

"Andro you should treat her well, she's your only daughter. In fact why don't you just marry her mother who loves you?there's no issue with that, since she have daughter to you"

Naging seryuso ang muka nito bago pinagpatuloy ang paghuhugas ng bawang at sibuyas.

"I don't want to marry her, since we got married I promised already that in the end you will be stay as my wife"

"Yet you find her, and now you have Andrea"

"That's my biggest mistake"

Biglang tumayo si Andrea sa pwesto nya sabay takbo.

Tumingin ako kay Andro.

"Anak mo sya Andro, sana nag-ingat ka sa sinasabi mo. You know that it's wrong yet you still continue, and now you should face the consequence"anya ko bago sinundan si Andrea.

Kahit anak sya ni Betina, wala pa rin syang kasalanan.

Pumunta ako sa may garden, at nakita ko syang nakaupo habang nakatingin sa mga rosas.

"Kuya Andy is it my fault?I wish that I'm the one who died that time, instead you"

Napabuntong hininga ako.

"It's not your fault Andrea, nagkataon lang na naging bunga ka ng kasalanan ng daddy at mommy mo"

Namumula ang mata ni Andrea habang nakatingin sakin.

"Galit ka po ba sakin?"

Nagulat ako sakanya. Galit nga ba ako sakanya?well galit ako sa mommy nya, pero wala syang kasalanan. Naaawa ako sakanya dahil isa sya sa pinaka-naapektuhan sa nangyare samin.

Yes I want my Andy, I want to see him again, to live again but I won't wish for the death of Andrea.

"Hindi mo naman kasalanan Andrea. Tandaan mo, kahit nakagawa ng mali ang mommy mo sakin, I'm not mad at you ok?come here"

Ibinuka ko ang mga kamay ko, lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Thank you po Tita Melody"

"You're welcome, let's go inside we still need to cook ok?"

Tumango sya at nauna pang pumasok sa loob. Tumingin muna ako sa mga rosas bago sumunod.

Nang makapasok ako sa loob ay nagsi-simula ng maghiwa ng sibuyas si Andro. Well not bad atleast may pakinabang sya.

"Hey sorry"anya nang makita ako.

"Kay Andrea mo yan sabihin"

Bumuntong hininga muna ito at iniwan ang ginagawa bago lumapit kay Andrea.

"I'm sorry"hinalikan nya sa noo si Andrea.

"Ok lang po"

Napangiti ako, bago pumalakpak ng isa.

"So let's start!"

Masaya akong tinuruan si Andro sa pagluluto, ngayon lang sya nagpaturo sakin, dahil nong mag-kasama pa kami dati masaya na syang kainin ang luto ko.

"Wow ang galing nyo po talagang magluto tita!"

Ngumuso si Andro.

"Ako kaya ang nagluto, tinulungan lang ako ng Tita mo"

"Daddy si Tita Melody pa rin po ang nagtimpla lahat ng ingredients. Ang dali nga lang po ng ginawa nyo e, nang malagay na ni tita lahat ng ingredients sa karne kayo lang po ang nagsalang"

"Bukas magluluto ako ulit nito!you'll see kabisa ko lahat ng mga ingredients na nilagay ng tita mo, ang dali lang lutuin, dapat yung mahirap ang tinuro nya sakin e"anya habang nakapangalumbaba habang hinihintay kumulo ang adobo.

Lumapit ako kay Andrea at ipinuyod ang buhok nito. Grabe kamuka nya talaga ang kuya nya, ang lakas talaga ni Andro wala man lang minana kay Betina ang bata. Well mabuti yun, mas maiging hindi nya mamana ang napakasamang ugali ng mommy nya.

Well though wala rin saking namana sa muka si Andy atleast nakuha nya naman ang talent ko sa pagkanta. Marunong din naman si Andro, maganda ang boses nya, pero mas magaling ako!

"Tita pwede ko po bang makuha ang number nyo?ok lang po ba kung mag-text ako sa inyo?malulungkot lang po kasi ako kapag nasa bahay na ako ni mommy e. Kapag umuuwi po si mommy laging mainit ang ulo nya"

Hindi ko akalaing pati sa sarili nyang anak magiging masama ang ugali ni Betina, ibang klase talaga sya.

"Hindi ba umuuwi ang daddy mo sa inyo?"

Tumingin ako kay Andro na nakatunganga pa rin sa adobo.

"Simula po nong pinanganak ako, hindi pa tumapak ng bahay ni mommy si daddy, palagi pong kami ang pumupunta kay daddy sa office nya. Pero pinayagan nya po akong pumunta dito maliban kay mommy"

Ngumiti ako kay Andrea at hinaplos ang pisngi nito. Sa murang edad ni Andrea pinagkaitan sya ng pagmamahal ng isang buong pamilya. Akala ko nong umalis ako, nagsama na si Andro at Betina pero hindi pala.

Humahanga ako sa lakas ng loob ng batang 'to, dahil hindi sya galit kay Andro kahit na hindi ito tumatapak sa bahay nila ng mommy nya. Dapat kay Andrea binibigyan ng pansin, hindi dapat sya pinapabayaan dahil mahirap mawalan ng isang anak. Sumakit ang puso ko sa naisip ko. Naalala ko na naman ang pagkawala ni Andy. I miss him so much, if only I can give my life I will do, but no Andy will never back.

"Tita?"

Napapitlag ako sa pagtawag sakin ni Andrea, may hawak itong cellphone.

"Number nyo po?"

Ngumiti ako at masayang binigay sa kanya ang number ko. Kung hindi sya kayang pasayahin ni Betina o ni Andro ako ang gagawa. Kapatid pa rin sya ng anak ko, at wala syang kasalanan.

"Here"

"Thank you po"she gave me a hug

"Kumukulo na haha!"

Natawa ako kay Andro.

No matter how happy I am, I still hate him for what he did. Pero sa ngayon kakalimutan ko munang galit ako sakanya.

"Hintayin muna natin ng ilan pang minuto"

Kumunot ang noo nya.

"Hindi ba luto na yan kapag kumulo na?"

"Well pwedeng matigas pa ang karne ng baboy, kaya hintayin muna natin ng ilang min—

Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla syang lumapit sakin, as in sobrang lapit.

"Bakit?"

Suddenly he hug me.

"Thank you Melody, for coming back"

I frowned "Coming back?where?here or with you?"anya ko bago lumayo sakanya.

"With here. Alam kong ayaw mo nang bumalik dito dahil ang daming mga ala-alang nangyare dito. Mula sa masasaya hanggang sa masasakit. Tungkol sa pagbalik mo sakin, hindi pa pero sisiguraduhin kong maayus ulit tayo"

Lumingon ako kay Andrea bago sakanya.

"Mahirap ng ayusin ang kung ano mang meron tayo dati Andro, your daughter need her parents. You should marry her mother instead me, so why we won't go for annulment?you're just wasting your time on me"

His jaw tightened and clenched his fist.

"No Melody I can't, just give me a chance"

"And if it won't work?"

"I'll let you go"

Parang hinigit ang hininga ko sa sunod nyang sinabi. What Melody?this is what you want right?

Andrea cough "Tita Melody hindi nyo naman po kailangan sabihin na magpakasal si Daddy kay Mommy, he loves you so much and that's fine with me, please give my daddy one last chance"

Nangunot ang noo ko, talaga bang anak sya ni Betina?dapat sa sariling magulang nya sya kakampi, pero bakit kinakampihan nya pa ang daddy nya?

"Sige na po tita?"

I sigh and looked at Andro.

"I'll only give you a chance because your daughter want it. But I won't promise that I'll cooperated"

Anya ko bago lumapit sa stove para patayin ito.

"Let's eat, near lunch na naman so walang masama kung kakain na tayo"

"Ok" he grinned widely

Nagsimula na syang magsandok ng kanin, habang ako naman ay sinasalin ang adobo sa isang lalagyan. Pagkatapos ay ihinain ko na 'to sa mesa ganon din si Andro.

"Ako ng kukuha ng mga plato at kutsara maupo na kayo"

Tumango ako, bago hinigit si Andrea sa may tabi ko. Kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa ulam. Natawa na lang ako.

"Are you hungry?"

"Hindi po pero nong makita ko na ang niluto ninyo ni daddy nagutom akong bigla. Also, I'm happy because you're the one who cooked it, thank you po!"

"Hey!she's not the one who cooked it, tinulungan lang ako ng tita mo"

Umismid si Andrea at hinigit ang isang plato na nilapag ni Andro.

"Whatever daddy, don't make fool yourself, ihinain nyo lang po sa stove ang ginawa ni Tita e, tsaka nyo po hinintay na kumulo"

Tumawa ako, at sinimulang sandukan si Andrea.

"Tama na nga yan, kumain na lang tayo ok?"

"Tita bukas po ba andito ka po ulit?can I come?"

Nilapag ko sa harap nya ang sinandok kong pagkain para sakanya, saka ako sumandok ng para sakin.

"Sorry, may work kasi ako bukas e, maybe I'll text you when I'm free"

"May work din ako bukas"anya Andro nang tumingin sakanya si Andrea.

Bakas sa muka ng bata ang lungkot.

"But I can fetch your Tita after her work, I'll cook this again and prove to you that this is an easy cooking recipe.

If that's fine to her"

Tumingin silang dalawa sakin na parang hinihintay ang sagot ko.

C'mon Andro is this your trap?

"It's not a trap I'm just asking you, if not then ok"

Nagulat ako, how?nasabi ko ba yun ng malakas?

"C'mon it's all written over your face, eat"

Nagsandok na sya ng sarili nyang pagkain at mabilis itong nilantakan.

"I'll go"

Ngumiti ng malaki si Andro ganon rin si Andrea. Why I am thinking that this is a trap?bakit pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako?

"How about me Daddy?"

"I'll fetch you too, pagkatapos ko sa tita mo sunod ikaw. Text ka ni daddy kapag nasa tapat na ako ng bahay nyo. Alam mong hindi ako papasok sa bahay nyo, kaya ikaw na lang lumabas, and pls don't tell about this on your mom, baka kung anong gawin na naman non"

Tumango naman agad si Andrea.

"Opo daddy!promise I won't!ayaw ko rin naman pong saktan ni mommy si Tita Melody"

"Good girl"

Hindi na lang ako nakaimik sa pag-uusap nila. May choice ba ako?planado na e.

Mabilis kaming natapos sa pagkain. Ako na rin ang naghugas ng mga pinggan, samantalang si Andro naman ay sumaglit muna sa kompanya, iniwan nya sakin si Andrea.

Ngayon ay nanunuod kami ni Andrea ng Disney Princess, which is Cinderella. Who cares about my ages?I love this story!

"Tita galit ka pa rin po ba sa Daddy?"

Nagulat ako sa biglang tanong ni Andrea.

"Well hindi na mahirap alisin yun, pero hindi na ako ganon kagalit gaya ng dati. Maybe I just hate him?"

"Bakit po nakikipagkita pa rin kayo kay Daddy kung hate nyo po sya?"

Bakit nga ba?Andrea is right. But I don't know the reason. Do I really hate him?

"Well maybe a little hate?"

"Sana po mawala na po yan ng tuluyan, para kayo na po ang maging mommy ko!ako na po ang magiging masaya sa lahat ng bata sa mundo pag ikaw ang naging mommy ko!"

Ngumiti ako at hinaplos ang buhok nito.

Betina's still her mom, ayaw kong agawan ng karapatan si Betina sa sarili nyang anak. Dahil kapag ginawa ko yun, parang wala na rin akong pinagka-iba sakanya.

"Ayaw mo ba sa mommy mo?even I'm mad on her she's still your real mom"

"Sa totoo lang po, ayaw ko talaga kay mommy, kahit kailan hindi ko po naramdaman na anak nya ako. She will always say that I'm a bad luck, at first she thought that if I'll born, daddy will be hers but no. Daddy still into you and he loves you so much. He's just blind before he realized it, when it's already late"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. I kiss her on her temple. Andrea is so sweet she doesn't deserve that treatment. Looked what you've done Betina, your daughter hate you. Sana hindi mo na lang inahas ang asawa ko kung sa anak mo lang din naman pala ibubunton ang galit mo.

Sa ilang oras na magkasama kami ni Andrea ay mas lalo ko syang nakilala. Ang dami din nyang na-kwento sakin gaya ng mga gusto at ayaw nya.

"I'm home!"

Sabay kaming napatingin sa kararating lang na si Andro.

"Akala ko ba saglit ka lang?"

"Sorry, may meeting e"

Tumango na lang ako.

"Melody iha!"

Nagulat ako sa biglang pumasok. Daddy ni Andro!

"P–papa...Tito Alfonso"

He frowned, "iha hindi pa naman kayo hiwalay ni Andro diba?you don't need to call me Tito, just go back at the old times. Ikaw naman hindi ka na iba sakin!"

"Papa Alfonso" awkward kong sabi, bago humalik sa pisngi nito.

"Kamusta na po kayo?"

"I'm good!still strong!how about you?it's good that you're finally back!I heard that my son is trying to get you back again, i hope that you give him a chance"

Umiwas ako ng tingin.

"Papa Alfonso, I gave him a chance. Pero hindi ko po maipa-pangakong magiging ok ulit kami"

Tumango-tango ito bago umupo sa sofa kung nasan si Andrea at hinalikan ito sa noo.

"Well that's good enough, and you son do your best to win her again!understood?"

"Yes pa, in fact I'll ask you if I can leave Andrea to you, may pupuntahan kasi kami ni Melody"

"Sure!walang problema, tatawagan ko rin ang mama mo para pumunta dito, hindi nyo ba muna sya hihintayin?"

"Hindi na po pa, nagmamadali ako e. Baka kung anong oras na kami makarating don, traffic pa naman"

Nangunot ang noo ko.

"San ba tayo pupunta?malayo ba?"

Umiling-iling sya, "Don't worry makakapasok ka pa rin sa work mo bukas. Tayo lang din don, inarkila ko lahat ng venue kaya hindi mo na kailangan takpan ang muka mo pag nandon na tayo"

Tumango ako. I don't know why, but I'm excited.