webnovel

She's The Wife

Melody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything messed up.Melody knew he cheated and worse is his mistress carrying his baby. Melody decided to leave her husband. She studied again because she's just 18 when she married her husband.She became a journalist, and the unexpected thing happened is they've meet again. Would the destiny let it happened?or it's just a coincidence yet planned?

Scarlet_Purple · Urban
Not enough ratings
21 Chs

Friend

3:24 nang umalis kami ni Andro sa bahay nya, at tama nga sya traffic. Masakit na ang pwet ko, dahil mahigit 2 hours na kaming stock dito. Malapit ng mag-alasais ng gabi.

"Malayo pa Andro?"tanong ko ng hindi na ako makatiis.

"Don't worry malapit na tayo, malapit lang din yun sa bahay mo kaya ihahatid na kita don pagkatapos"

Tumango na lang, well that's great!at least matutulog na lang ako pagdating ko sa bahay. No need to eat.

Mga ilang minuto pa at umusad na din kami sa wakas.

"We're here"

Napanganga ako nang makita kung nasan kami. Park?seryuso ba sya?

Well malapit nga lang naman 'to sa novaliches, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang dito?walang ilaw dito sa park, mga ilang poste lang ang meron kaya paborito itong puntahan ng mga kabataan para mag date. Himala dahil wala akong makita ni isang nagdi-date ngayon.

"Dito mo talaga ako dinala?"Anya ko nang makababa na kaming pareho.

"hhmm do you still remember this place?dito tayo laging nagdi-date noon"

Nababaliw na ba ang kasama ko?of course I know this place!

"Andro, hindi na tayo teenager para pumunta pa dito, you see wala man lang katao-tao dito oh?ihatid mo na lang ako sa bahay An—

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang lumiwanag ang pathway na kinati-tindigan namin, hanggang sa lahat ay magkaron ng ilaw. Punong-puno ng Christmas light ang buong park!kapansin-pansin rin ang mga ilaw sa mga puno na nagmistulang mga alitaptap!one word!breathtaking!

"You...you did this?"

"hhmm"

Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon, para akong teenager na kinikilig. Bakit?bakit kailangan kong maramdaman ulit ito?bakit hindi ko sya matiis hanggang ngayon?alam kong ulit-ulit na ako sa kakatanong ng puro bakit, but who cares?damn!this is so freaking awesome!

"Inarkila ko ang buong park, pinasarado ko 'to ngayong gabi"

"Kailan mo 'to ginawa?tsaka bakit dito?may mas malapit pa namang park sa may bahay ko diba?bakit hindi na lang don?"

Tiningnan nya ako ng malalim, para akong natutunaw sa mga titig nya.

"Marami tayong ala-ala dito Melody, this place is so special lalo na at dito ko nalaman ang tungkol kay Andy"

Bumagsak ang mga luha ko sa mga mata, bakit ba ang rupok ko?

"Are you ok?"nag-aalalang tanong nya.

Tumango-tango naman ako.

"Yes, I just miss our Andy"

Lumapit sya sakin at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"I know Melody, that's why I bring you here"

Pumunta sya sa compartment ng kotse nya. May nilabas syang tatlong basket na puro pagkain at picnic blanket.

Kinuha ko ang isang picnic blanket at isang basket.

"Talagang planado 'to?"

"hhmm, nong umalis ako, hindi totoong pumunta ako ng kompanya, hinanda ko talaga 'tong lahat para ngayon. Tsaka ko sinama si papa para pabantayan si Andrea"

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

'Wag muna Melody!'wag kang maging masyadong marupok!pa'no kung saktan ka lang ulit nyan sa huli?

"Let's go"

Nauna syang maglakad at sumunod ako. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang ganda dito, ito ang unang beses na ginawa nya 'to.

"Dito na lang"

Napanganga ako. Huminto kami sa may gitnang bermuda na may pa-heart shape na Christmas light. Nasa mismong loob kami ng hugis puso. Akala ko noon sobrang cheesy na ni Andro, who would thought na may ikaka-cheesy pa pala sya!

Ako na ang nag-ayus ng picnic blanket. Inayos naming pareho ang mga pagkain na dala nya. May pizza, may tinapay at strawberry jam. May mga chips, softdrink, can beer. Actually wala syang dalang lutong pagkain na lutong bahay. Pero ayus na rin 'to para mabusong ako.

"Naalala mo jan sa may puno na yan nahulog ka!"tumawa ako ng malakas nang maalala ang pagkakabagsak nya non.

"hhmm umakyat ako kasi naaawa ka don sa kuting na 'di makababa kaya ako ang pina-akyat mo at imbes na tulungan ako, pinagtawanan mo pa ako non"

Mas lalo akong natawa sa sinabi nya. Tama sya, galit na galit sya nong pinagtawanan ko sya at tinakot akong ibabalik nya ulit sa puno ang pusa kapag hindi ako tumigil sa kakatawa. Ang tagal na non, pero naaalala nya pa pala, akala ko kasi ako lang ang nakaka-alala.

"Melody I'm so sorry"

Bigla akong natahimik. May kirot pa rin sa puso, syempre hindi yun basta-bastang maalis. Malalim ang ginawang sugat ni Andro sa puso ko, dagdagan pa ng pagkawala ni Andy. Ok na e, masaya naman kami, kung siguro hindi yun nangyare kay Andy, at hindi nagluko si Andro, siguro hanggang ngayon masaya pa rin kaming tatlo. Siguro nasundan na rin namin si Andy, nakakatawa ang dami kong siguro pero wala e, nangyare na ang lahat.

"Hanggang ngayon Andro, sa totoo lang nahihirapan pa rin akong mapatawad ka, kaya pasensya ka na kung hindi pa kita lubusang mapatawad, ang hirap lang kasi talaga. Ang dami ng nangyare Andro, kung iisipin nating mabuti parang ang hirap ng ibalik ang kung anong meron tayo"

Kumuha ako ng isang can beer at binuksan ito, saka uminom.

"hhmm alam ko, kaya maghihintay ako Melody...hindi ko naman minamadali. Kaya kong maghintay. Tsaka hindi ko hinihingi na bumalik tayo sa dati dahil gusto kong magsimula ulit tayo, at hihintayin ko rin yun"

Tumango na lang ako dahil wala akong masabi. Naka-ilang can beer ako, halos ako nga ata ang nakaubos. Ubos na rin ang pizza, ngayon chips naman ang nilalantakan ko.

Habang tumatagal ay nakaramdam na ako ng hilo, mabilis akong malasing dahil mahina ang alcohol tolerance ko.

"Ayus ka lang ba Melody?I think we should go home, ihahatid na kita"

Umiling ako, at tinuro ko sya.

Hindi ko alam pero ang sakit-sakit ng puso ko ngayon.

"Melody?are you crying?"

Mahina akong humikbi. Wala e, hindi pa rin tapos ang mga luha ko. Meron at meron pa ring lumalabas. Hindi ko pa rin kayang maging malakas. Ang rupok ko pa rin, lalo na at nandito sa tabi ko ang lalakeng dahilan ng pagluha ko. I'm tired!

"M—melody"

"Just l—let me...cry please, let me"hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulhol na ako ng tuluyan.

Naramdaman ko ang paghagod nya sa likod, at niyakap ako.

NANG magising ako ay nasa kwarto na ako. Agad akong tumingin sa orasan, ala-sais pa lang ng umaga. Alas-otso ang pasok ko ngayon sa trabaho.

Bumangon na ako at dumiretso sa kusina, naagaw ang atensyon ko ng lamesa kung saan, may baunan. Nang buksan ko ito ay may laman itong soup.

Mainit pa. Dito ba natulog si Andro?

Nangunot ang noo ko nang may makita akong maliit na papel sa ilalim nito–nakaipit.

Kinuha ko 'to at binasa.

Hey!goodmorning, don't worry I didn't made that soup, I buy that in a restaurant, near in your house. I also sleep at sofa, when you read this maybe I'm already at the company. I also buy you some fruits. Call me when you wake up.

Napatingin ako sa mga prutas na nasa may medyo gilid ng lamesa. Ayus.

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang number nya sa contact list ko. At least I should be thankful to him.

"You're awake?"agad nyang bungad sakin.

"Yep, makakatawag ba ako kung hindi?"

He chuckled "Oo nga naman, 'wag mong kakalimutan mamaya ok?susunduin kita pagkatapos ng trabaho mo"

Tumango-tango ako kahit hindi nya ako nakikita.

"Sige"

Pagkatapos naming mag-usap ay nag-almusal na ako, saka naghanda para pumunta sa trabaho. Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa kung anong idadahilan ko sa boss ko. Bakit ba naman kasi kailangan kong hanapin ang asawa ni Andro, syempre hindi ako magpapahuli. Magkukunware na lang akong hinahanap ko ang sarili ko.

Nang matapos ako sa lahat ng ginagawa ko ay pumunta na akong trabaho, agad akong sinalubong ni boss.

"Kamusta Melody?may lead ka na ba tungkol sa asawa ni Andro?"

Nice, kadarating ko lang at tinatanong na ako ng boss ko.

"Boss mahirap po ang pinapa-gawa nyo lalo na at wala man lang tayong lead tungkol sa asawa nya"pagda-dahilan ko na lang.

"Naku Melody, ano ka ba naman malapit ka ng umalis dito o, ilang araw na lang at lilipat ka na ng TWS news channel, balita ko kay Zeke nakapasok daw kayo nong na-interview kayo"

Napabuntong hininga ako, 2 days na lang at lilipat na ako sa TWS channel. Pasensya na kayo boss, pero hindi ko pwedeng ibigay ang lead tungkol sa'kin.

"Miss Melody!"

Sabay kaming napatingin kay Zeke ni boss. Hinihingal ito habang papalapit sa'min.

"Bakit?"

"Si Ethan!"

Nangunot ang noo ko, Ethan?

"Sinong Ethan?"Anya ko.

"Si Ethan Buenavista nasa baba!hinahanap ka nya!"

Hindi pa rin nagpa-process sa utak ko kung sino bang Ethan, hanggang sa tinapik ako ni boss sa balikat.

"Yung artista!yung sinabi mong hinatid ka lang sa bahay mo!sinasabi ko na nga ba at may tinatago ka!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Anong ginagawa ng lalakeng yun dito?

"Bumaba ka na bilis!"

"Boss hindi ko naman po kilala yun!bakit ako bababa?!"naguguluhang tanong ko.

"Sigurado ka bang hindi mo sya kilala?bakit andito sya?naku Melody 'wag ka ng mahiya umamin ka na kasi!"

Napakurap ako ng ilang beses. Anong kailangan kong aminin?e wala naman akong dapat aminin.

"Boss naman, hindi ko talaga sya kilala!Zeke baka nagkamali ka lang, baka naman hindi ako ang hinahanap?"

Umiling-iling ito"Miss Melody, ikaw po talaga ang hinahanap nya. Pangalan mo ang binanggit nya, kaya hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw lang naman ang Melody dito"

"Boss"anya ko

Tiningnan ko si boss na parang humingi ng tulong.

"Sige na Melody, bumaba ka na!"

"Si Ms.Melody daw po?sabi kasi ni Ethan, payag na raw sya sa interview basta raw po si Ms.Melody ang mag-i-interview sakanya"

Nanlaki ang mata ni boss at tuwang-tuwang hinawakan ako sa kamay.

"Naku Melody, yun lang pala!sige na pumayag ka na!"

"Pa'no ako papayag, e diba tungkol sa issue namin yung mga itatanong don?"

"Wala namang problema, basta kasama kita sa pagsagot"

Nagulat kami sa nagsalita, at nang nakita namin ang pinanggalingan ng boses nito ay malalakas na tili galing kay boss, at sa ibang ka-trabaho ko ang narinig ko.

Bakit ba naman kasi kailangan pang pumunta ng lalakeng 'to dito?

"Tahimik!"

Agad tumahimik nang sumigaw si boss, pero nang tumahimik na ay sya naman ang nagtitili.

"Naku napaka-gwapo naman ng batang 'to!sure!pumapayag si Melody!"

"Kailan ako pumayag?"

Agad akong tiningnan ng masama ni boss, napalunok na lang ako at tumango.

Tumingin ako kay Ethan, at nagpasyang hilahin sya. Tinawag ako nila boss pero hindi ako lumingon. Nang masigurong wala ng ibang makakarinig at makakakita ay agad ko syang tiningnan ng masama.

"May asawa na ako Mr.Ethan!"

"Andro Chavez?"

Agad akong sinakluban ng kaba nang banggitin nya ang buong pangalan ni Andro.

"Isang business man, may anak noon pero namatay, at hiwalay sa asawa. May girlfriend at may anak dito. Asawa mo ba talaga sya o hiwalay na kayo?"

I took a deep breath and sigh heavily.

"Mr.Ethan tama ang lahat ng sinabi mo, at asawa ko pa rin sya. Tungkol sa sinasabi mong girlfriend matagal na silang hiwalay mula ng ipanganak ang anak nila. Inaayos nya na ang relasyon namin"

"Your husband cheated on you, but why your giving him a chance?"

I clenched my fist.

"Mr.Ethan kung ano man ang problema naming mag-asawa wala ka na ron, tungkol sa interview sige gawin natin. Sasabihin natin ang totoo, hindi naman talaga kita kilala"

Ngumisi ito at tumango-tango.

"Papayag lang akong sabihin ang totoo kapag pumayag kang maging girlfriend ko"

"Ano?!"gulat kong tanong.

"Are you crazy?may asawa akong tao Mr.Ethan lubayan mo ako!"

"Kahit kaibigan lang, yun lang ang pagpipiliin. Take it or leave it. If you take it, I'll tell the truth, if you leave it then I will lie. Deal"

Napasinghap ako, ibang klase!

"Sige, deal!"

Naging malaki ang ngisi nito at nilabas ang cellphone.

Sige, deal!

Nagulat ako nang marinig ko ang sarili kong boses.

"Ayan ni-record ko huh?para sigurado"

Napailing na lang.

"Whatever"

ANG boss namin ang nasa harap namin ngayon. Sya ang magtatanong samin, si Zeke naman ang camera man as usual.

"Goodmorning Ethan Buenavista and Melody Sotto, so how are you guys?"

Plastic akong ngumiti sa harap ng camera, samantalang si Ethan naman ay ngiting-ngiti.

"We're good"anya Ethan

Nagulat ako pero hindi ko na lang pinahalata at tiningnan sya.

"So Mr.Ethan hindi na ako magpapaligoy pa, nitong nakaraan ay nakita kayong magkasama ni Melody, si Melody ay isa sa pinaka-magaling na tauhan ko dito at nagulat ako ng makitang magkasama kayo sa pictures na kumalat sa internet at hanggang ngayon ay viral pa rin, anong masasabi nyo tungkol dito?"

Tumawa ako na parang natutuwa. Hindi naman ako na-inform na pwede pala akong maging artista akala ko kasi hanggang journalist lang e, kagigil!

"Actually po nong nangyare yun ay yun yung araw na nag-celebrated po tayo sa isang bar at nagkataon na nong lasing na lasing ako ay si Ethan ang nakakita sakin, hinatid nya lang po talaga ako non. Talagang mabait lang sya"deretso kong sabi.

Nagulat yata si boss sa sagot ko, pero tumawa na lang sya.

"Totoo ba yun Mr.Ethan?"

"Yes po, it's true. Kilala ko po si Melody kaya hinatid ko po sya sa bahay nila"

"So wala kayong relasyon?"

"Meron po"

Pareho kaming nagulat ni boss sa sagot ni Ethan. Nang tumingin ako sa kanya ay bigla nya akong inakbayan at ngumisi.

"Matagal na po kaming magkaibigan ni Melody, sa totoo lang po ay parang kapatid na ang turing ko sakanya"

Napa-kurap ako ng ilang beses. Habang si boss naman ay nakanganga, ok naman si Zeke maliban sa pinagpapawisan sya kahit naka-aircon.

"Haha, who would thought na kaibigan mo pala si Melody!ang rumors ay girlfriend mo sya, kaibigan naman pala!pero may pag-asa bang maging kayo?"

"Wala po!Haha talagang magkaibigan lang kami, diba Ethan?"

Mabuti naman at tumango ito, dahil kung hindi, mabibigyan ko talaga sya ng isang sapok.

"Ok, yun lang naman. Salamat sa pagpapa-unlak ninyo samin"

Nang mapatay ang pag-record ng camera ay agad kong inalis ang pagkaka-akbay sakin ni Ethan.

"Ikaw naman Melody, kaibigan mo pala ang batang 'to. Sabi mo kanina hindi mo kilala"

"Naku, binibiro lang po kayo ni Melody. Iniingatan nya lang po ang image ko lalo na at artista ako. Tsaka ayaw nya po talagang ma-issue ako sakanya, kaya nga patago po kaming nagkikita minsan"

Ang galing pala talagang umarte ng lalakeng 'to. Pwede ng mabigyan ng oscar award!

"Mauna na po akong umalis, bye Melo"

Melo?tinawag nya akong Melo?!huh!grabe ibang level!to the max feeling close!

USAP-USAPAN sa social media ang nangyareng interview kanina. Nawala na ang mga nang-ba-bash sakin. Pero may ilan pa rin. Ayus lang ang mahalaga tapos na ang issue na 'to.

Inaayos ko na ang mga gamit ko ngayon dahil tapos na ang trabaho. Nang mag-ring ang cellphone ko ay agad ko itong sinagot.

"Andito na ako sa parking lot, hintayin kita"anya Andro

"Sige"

Nang matapos ako sa pag-aayus ay agad akong pumunta ng parking lot. Kulay puti ang kotseng dala ni Andro ngayon at walang ibang puting kotse dito kaya madali kong nahanap.

Nang nakasakay na ako ay agad nya itong pinaandar. Wala syang imik habang nagma-maneho. Hindi ko na lang pinansin dahil siguro pagod sya.

"Matagal ng kaibigan?"

Nagulat ako nang bigla syang umimik. Nangunot ang noo ko, si Ethan ba ang tinutukoy nya?

"Hindi ko rin alam kung bakit ganon ang sinabi nya. Alam nya rin ang tungkol satin"

Bakit ba ako nag-i-explain?pake ko naman?

Humina ang pagma-maneho nya hanggang sa itigil nya 'to sa may tabi.

"Bakit?anong nang—

Hindi pa ako tapos sa pagsasalita ay biglang dumampi ang labi nya sakin.

Napanganga ako at kinuha nya 'tong pagkakataon para ipasok ang dila sa bibig ko. Napalunok ako ng ilang beses, at hindi gumanti dahil nagpa-process pa rin sa utak ko kung ano ba talagang nangyayare.

Napahalinghing ako nang kagatin nya ang ibabang labi ko. I can't help it!isinukbit ko ang mga kamay ko sa leeg nya at gumanti ng halik.

His hands caresses my body. He get closer but the seatbelt stop him, so he stop. He groan.

"Damn!"

Napakurap ako ng ilang beses. What happen?

"That's your punishment"

Napanganga ako, at umayos ng upo.

"Anong ginawa ko?"

"Nagpa-akbay ka sakanya"

"Nagse-selos ka?"

"hhmm, who cares?"

Napabuntong hininga na lang ako.

"Alam mo naman Andro diba?may posibilidad na magkaron din ako ng ibang boyfriend, dapat wala ka ng pake don. I told you, I won't cooperate"

His eyebrow frowned, and tightened his hand on wheel.

"So he's your boyfriend?"

"Friend not boyfriend"

Suminghap ito.

"He's not your friend, don't fool me Melo"

Sumikip ang dibdib ko nang marinig ko sakanya ang tawag nya sakin noon.

"Well t—that the exchange for telling the truth, why you care?"

His expression showed pain.

"Melody, alam kong malaki ang kasalanan ko at sinabi mo ngang hindi ka makiki-cooperate, pero sana naman kahit konti magkaron ka ng pake sa nararamdaman ko"

My face darkened, kapal ng muka. Lakas ng loob mag demand e sya nga ang naunang nanakit samin. So ano kasalanan ko pa?

"Sana naisip mo yan dati Andro, ikaw ba nagkaron ka ba ng pake sa nararamdaman ko dati?baka nakakalimutan mo kung anong ginawa mo sakin noon. Yang nararamdaman mong sakit ngayon?wala pa yan sa naramdaman ko noon at sa nararamdaman ko hanggang ngayon"

Nag-preno sya bigla at lumiko sa ibang daan. Nauntog ako kaya tiningnan ko sya ng masama.

Nang mapansin ko na papunta 'to sa may novaliches ay nangunot ang noo ko. Papunta 'to sa bahay ko, anong ginagawa namin dito?akala ko ba...

Umiling na lang ako at di na lang umimik. Bahala sya sa buhay nya.