webnovel

Chapter 4 : Flagpole

Umalis na ako sa labas ng silid-aralan at tinahak papuntang baba. Matinding gutom ang napala ko sa sobrang pagod. Siya ang dahilan nitong pagod na nararanasan ko. Kahit kailan hindi ko mapapatawad ang lahat ng pinagagawa n'ya. Kahit kailan! Hinding-hindi.

Patuloy padin ako sa paglakad at hinanap kung saan ang canteen. Sa paghahanap ay bigla nalang may sumitsit sa akin. Sana hindi siya. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya.

Nanlumo ako nang makitang muli siya at ang kaniyang barkada. Pati ba naman dito? Sinusundan niya ba ako?

Agad akong umalis ngunit bigla siyang nagsalita. "Saan mo balak pumunta? Iniiwasan mo ba ako?" Napatigil ako at unti-unti kong inilaan ang paningin ko sa kaniya.

"Hin---hindi!" Napayukom nalang ako bigla sa aking kamao. Pinipigilan ang kaba na muli na namang namamayani sa akin. Kakaiba siyang babae. Siya pa ang nagpasindak sa akin ng gan'to. Pero dapat hindi ako magpapatinag.

"Talaga?" Nginitian niya ako. "Eh sa'n ka pupunta kung hindi mo nga ako iniiwasan?" Humugot muna ako ng lakas bago magsalita. "Sa canteen, hinanap ko."

"Sa canteen? Eh hindi riyan yung daanan papuntang canteen." Hindi ako nakalusot. Nais ko talaga siyang iwasan. Ayaw kong may mamumuo na namang gulo.

"Hin--Hindi ko kasi alam kung asan patungo. Ah sige. Diyan na kayo at hahanapin ko na uli." Tumalikod ako kaagad at lumakad.

"Sandali!" Napatigil na naman ako uli. Please naman Aynne oh! Tigilan mo na ako. "Gusto mo talagang malaman kung nasaan ang canteen?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot at 'di manlang siya tinanguan. Nanatili lang akong nakatayo. Para akong pinako rito. Bakit hindi manlang ako kumilos muli? Ano ba tinatayo-tayo ko rito? Naghihintay na saktan niya uli ako?

"Sasamahan kana lang namin Davidd. Dun naman din kami papunta. Di'ba boys?" Tumango kaagad ang kaniyang mga barkada. Alam kong may mali na naman silang binabalak. Nararamdaman ko sapagkat kakaiba ang mga titig nila.

"Huwag na, kaya ko na. Salamat nalang." Aalis na sana ako ng inakbayan niya ako kaagad. Napatingin ako sa braso niyang nakaakbay sa'kin. "Kung hindi mo nga ako iniiwasan, hayaan mong samahan ka namin. Pasensya narin pala sa mga pinag-aasta ko kanina. Masama lang talaga umaga ko kaya ganon. Inaamin kong kasalanan ko." Tiningnan ko s'ya sa mata. Totoo ba itong narinig ko o palabas lamang?

Wala akong nagawa kaya hinayaan ko nalang sila. Patuloy kami sa pagtahak pero may isa akong namalayan. Bakit wala pa kami sa canteen? Kanina pa kami naglalakad.

"Malayo paba ang canteen dito Aynne?" Hindi na ako mapakali pa. May kakaiba talaga silang gagawin sa akin.

"Malapit na hintay lang. Napakaexcited mo naman." Humagalpak silang lahat sa kakatawa. Nakakitaan ko ng kakaiba ang mga kinikilos nila.

"Napakalayo na ng nilakad natin pero walang canteen akong nakikita," sambit kong muli.

"Actually, hindi talaga tayo sa canteen magsnasnacks...kundi sa flagpole." Nataranta ako sa sinabi niya kaya walang pag-alinlangan akong tumakbo ngunit blinock niya ako sa paa at malakas na hampas ang siyang tumama sa aking mukha sa lupa.

"Hilahin niyo siya mga dre! Papunta sa flagpole." Hindi ako makapaniwalang nangyari ito lahat sa akin, ngayong araw.

"Handa kana bang kumanta tayo ng Lupang Hinirang Davidd?" Humahalakhak uli sila ng tawa. "Gusto ko lang na iinform sa'yo na. Ako ang magkukumpas, sila naman ang kakanta at gagalang sa watawat. At alam mo ba kung ano ang magsisilbing watawat?" Sinimulan akong hilahin nila sa flagpole. "Ay teka, hindi pala ano, kundi sino, ikaw Davidd, ang watawat." Tumawa sila ng malakas na malakas.

"Hindi manlang kayo nagbigay ng galang sa watawat ng bansa. Hindi ka tal---," hindi ko natapos sasabihin ko ng pinigilan niya ako. "Kaya nga kakantahan ka nila, gagalangin ka namin. Hays Davidd, nakakastress ka!"

Tinali nila ako ng mahigpit sa flagpole. Sigaw ako ng sigaw para humingi ng tulong kahit malabong may makatulong sa akin. Ang tahimik kasi rito.

"Tumahimik ka nga! Ang ingay ng bunganga mo!" Nilagyan nila ng tape ang bibig ko para hindi na makagawa ng ingay.

Mas nagulat ako sa sunod na nangyari. Inutusan niya ang kaniyang barkada na kumuha ng marker at bondpaper. Namilog ang mga mata ko sa inilagay. 'HINAHANAP KO ANG CANTEEN.'

Idinikit nila ito sa harapan at likuran ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa natamo ko mula sa mga kamay ng isang babae. Ito ba ang rason kung ba't ako andito? Ang saktan ako?

Sobrang init ng panahon. Bawat init na nanggagaling sa araw ay masakit na dumampi sa aking balat. Nagsimula ng pumatak ang aking mga pawis.

"Oh siya Davidd! Aalis na kami. Gutom na kami e!" Iiwan nila ako rito?

Biglang kusang nangilid nalang ang aking mga luha. "Enjoy!" pahabol nila.

Ngayon lang ako kusang umiyak sa babae.

Next chapter