webnovel

Chapter 1

Pasiuna lang guyzz! Ang storyang ito ay hindi perpek! Kaya pls lang, wag kayong ano ha? Charot!!

Vote! Comment! And Follow!

***

Zavier Yutsuko

"Anak! Anak! Wake up!" nakabibinging sigaw ni mom. Nagtalukbong agad ako ng comforter at tinabunan ng pillow ang ulo ko. Ang ingay! Katok nang katok! May natutulog oh! "Mom! 5 minutes!" siyempre sigaw din ako.

Hindi ako pahuhuli. And bakit ba? Sarap sarap ng tulog ko! "Dios ko anak, first day of classes malelate ka!"sigaw na naman niya. Just this time? Please? Mas lalong isiniksik ko ang aking ulo sa aking unan, at naglagay pa ng isa sa ulo.

Ayaw na ayaw ko pa naman na sinostorbo pag natutulog, ang sarap lang manapak. Alam mo 'yung mga time na, ang sarap talagang humilata sa kama niyo dahil sobrang sarap sa pakiramdam na feeling mo henehele ka ng kama.

Nagmumuni-muni ako hanggang sa may pumitik sa ulo ko. Haaay ba---- teka lang pasukan na pala ngayon? Ba't 'di ako na inform? "What?" pasigaw na tanong ko. I checked my cellphone, binabaliktad ko pa sa sobrang taranta.

Seriously? Nagyon na talaga? As in ngayon na ngayon? I sighed, wala na. Pasukan na! May nakalagay sa reminder ko na, 'Today is your First Day of Classes' Sa totoo lang, hindi ko talaga gustong mag-aral. Minsan napapaisip ako.

Mapapakain ba ako ng mga subjects na 'yan?! Makakain ko ba 'yan?! Mabubusog ba ako kakasulat at kakikinig diyan?! Hindi diba?! Mas lalo lang akong napapagod, pero wala akong choice baka tuluyan na akong itakwil ng pamilya.

Kamot ulong pumasok ako sa banyo, at dali daling naligo. Bahala na, mukhang magiging late yata ako sa unang araw ng klase. Parang tatlong tabo lang ata ang nagamit ko o apat pag inipon ang tubig sa shower na ginamit ko gusto ko nang bumaba eh.

Binuksan ko ang pinto ng walk in closet ko at bumungad sa akin ang mga damit kong malinis na nakasampay sa bawat rack, may sapatos rin, kwintas at kung ano ano pa. Kahit ano lang ang sinuot ko, kung ano ang nahila ng kamay ko ay 'yun na! Wala naman akong pakialam. At least may damit diba?

Matapos ang limang minuto ay huli kong sinuot ang aking relo. Marahan akong napangiti, nang makita ko ang aking repleksyon sa full body mirror ko. Bagay na bagay talaga sa 'kin ang isang white plain t-shirt, black ripped jeans at white vans.

Actually, sa dami ng damit ko hindi ko na naisusuot ang lahat. Karamihan bagong bili at wala pa talagang gasgas, napapagod na kasi akong lumibot pa sa buong closet at mamili. Nakakatamad, grabe.

Pinagpagan ko ang aking magkabilang balikat, at pumunta sa lalagyan ng mga pabango. Kumuha ako at inamoy ang mga ito, hanggang sa may nagustuhan ako ay inamoy ko ulit ito, nag-spray ako ng ilang beses sa aking katawan.

Marami akong pabango, kasi mahilig rin ako sa mga ganto eh. Gusto ko kasi, na mabango palagi ang maaamoy sa akin ng mga tao, pagkadaan na pagkadaan ko. Yung tipong sasaksak sa ilong nila yung amoy ko at dudugo!

Nagpabango na rin ako, kasi para naman mabanguhan ang prof ko kahit late ako diba? At least may panlaban akong bango! Yung tipong, papagpagan ko sa misming mukha niya ang balikat ko at maamoy niya ang bango ko.

Mahina kong sinapak ang ulo ko. Tsk. Zavier, kung anong pumapasok diyan sa kukote mo.  Maghinay hinay naman, mag reserve ka para mamaya! May iba ka pang kalokohan na gagawin, kaya easy easy lang.

Inilibot ko muna ang aking paningin sa aking kwarto. Hindi talaga nakakasawang tignan, nakakakalma. Mix of skyblue, lavender at gray ang theme ng kwarto. Mula kama hanggang sa CR, mga ganyan lang ang kulay. Sinuklay ko ng konti ang aking buhok, kinuha ko ang ID ko at inilagay sa breast pocket ng T-shirt ko.

Tumakbo na ako palabas ng kwarto, at halos magkandapa-dapa na ako sa hagdanan dahil sa pagmamadali. Medyo malaki ang bahay namin, o mansion na ata? 'Yon ang sabi ni Jiro eh, minsan nga ay para siyang batang aliw na aliw pag pumupunta siya dito.

Hindi naman sila mayaman katulad namin, pero alam mo 'yung middle class? Hindi mayaman hindi rin mahirap? 'Yon! Bahala na kayo mag imagine ng middle class, malaki na kayo kaya niyo na 'yan!

"Oh? Nandyan ka na pala wachie," sabi ni Daichie. 'Di ko man lang namalayan na nakababa na pala ako obviously, he's my Kuya. Ang sobrang sarap kong kuya, sarap, sobrang sarap! Sarap patayin!

At ganyan ang tawag sa akin ng Kuya ko. Si Kuya lang naman ang isa sa mga hinahaang gago sa C.A. or Cantrell Academy. Ang meaning ng wachie ay watashi no akachan, pina-baby lang niya. It means my baby.

"Yeah. Daichie." and daichie naman ay galing sa salitang kyodai na ang ibig sabihin ay brother. Si Dwayne Zachary Yutsuko.

Ang SISS kong Kuya, sobrang impressed sa sarili, nagiging anghel naman siya palagi pero minsan may sayad din. Alam mo 'yung manlalaki na lang ang mata mo at mapapahawak sa batok mo, dahil may nambatok sa 'yo? Tapos sasabihin niya, "Wala lang, trip ko lang." ang sarap talagang tanggalan ng buhok sa ilong!

Kilala siya ng mga estudyante sa skwelahan na 'yon, o sabihin na nating kilala ng mga tao sa lugar namin ang salitang 'playboy' mga lalaking walang ginawa kung 'di ang maglaro ng puso ng mga babaeng marupok kahit hindi nila alam na para na nilang pinapalo ang sariling ulo at pinupokpok sa dingding dahil sa katangahan.

Pero ayon sa sinasabi ng utak ko, wala naman akong nababalitaan na madaming ka fling si Daichie. O sadyang malinis na ang mga galaw niya at magaling lang siyang maglinis ng kalat. Pero that's normal to boys right?

Pumunta na ako sa dining table, at umupo.

"Ohh anak, kain na," yaya ni Mom habang linalagyan ng foods ang plate ko. Hays, bini-baby pa rin ako ng Mommy. Minsan, umaabot na sa point na nakakahiya na. AS IN! With gigil!

"Una nang umalis ang Kuya mo. Hindi niya daw gusto ma- late." Huminto na si Mom kakalagay ng pagkain nang sumenyas ako na tama na. Sobra sobra na ang nilagay niya sa plato ko, plano atang patabain ang dalaga niya.

Ang bilis naman atang nakaalis ng kuya? Ano Flash lang? Baka kung saan saan lang yung nagsususuot. 'Lam niyo na, mga makukulit hilig magtago ayan laging nagkakabukol. Uy mga makukulit umamin kayoo!

Nagsimula na akong sumubo. Inuna ko ang dessert na nasa gilid ng plate ko. Strawberry pancakes siyempre! 'Di dapat mawala 'yan. Nang matikman ko 'yon ay napapikit ako sa sarap. Paborito ko talaga 'to! Lumunok muna ako bago magsalita.

"Sus! Eh gusto lang niya maka-sagap sa radar niya ng bagong chicks. Wahahaha!" tawa ko na halos maluha-luha pa. Nakisabay na rin si Mom and Dad. May padabog naman na nag-close ng cr malapit sa dining table, nakita ko si Daichie duon na nakanguso ang labi at may bahid ng inis ang mukha.

Kala ko umalis na siya? Ba't pa 'yan nandito? Teka Dad? Napalingon ako sa lugar na narinig ko ang tawa ni Dad at nanlaki ang aking mga mata! Kailan siya dumating? Tinignan ko ang pintuan namin. At tama nga nandoon si Daddy!

"Daddy!" sigaw ko tapos niyakap ko siya ng napaka higpit. Pinaliguan ko siya ng halik sa mukha. Halos hindi matanggal tanggal sa aking mukha ang ngiti nang makita ang Dad ko.

Matagal kasi siya kung makauwi, lab na lab ata ang Japan at hindi maiwan iwan. Mabibilang lang sa mga daliri ko ang mga araw na binisita niya kami dahil sa trabaho, iniintindi naman namin. May choice pa ba kami? Bumitaw na ako.

"Dad ba't di niyo sinabi na uuwi kayo?" taka kong tanong, sana nasabi man lang siya para nakapaghanda kami—lalong lako na ako pag nalaman niya ang mga karakas ko.

Nag mano ako sa kaniya at tinulungan siya sa mga bagahe niya. Umiling naman siya at hinawakan ang balikat ko at natawa ng mahina. Hindi ko na lang pinansin ang mapangutyang tawa niya, normal na yan.

"Kasi anak uso ngayon surprise eh hahahaha!" tawa pa siya nang tawa akala mo wala ng bukas. Yan talaga ang isa sa mga gustong kong traits ni Dad. Kung makatawa, akala mo wala ng bukas at ang lakas mang trip kahit waley minsan.

Pero pag may trabaho at seryosong bagay, naku. Nakakanginig tuhod ang mga tingin niyan at manlalamig ka talaga sa kinatatayuan mo pag nagkataon, lalo na paggalit. Fudge, tago ka na lang.

"Hey Dad," bati ni Kuya nang lumapit siya kay Dad tapos nag-fist bump sila. Pa-angas lang ganun. "Asan ang pasalubong ko?" nakangisi niyang tanong habang nagtaas-baba ang kilay niya at nakalahad ang kanang kamay. Tsk, mukhang abno.

"Daichie? I thought you've gone to school? What happened in your pea size brain and you decided to stay?" maloko kong tanong na nakangisi rin. Tignan nating kung hanggang saan ang pasensya mo,my dear brother.

Sinamaan niya ako ng tingin at tinaasan ng kilay. Sometimes my mind says that Daichie is a freaking gay! Wala siyang girlfriend! As in! Pero may flirts ata? Or I don't know! Malay ko ba, it's not my hobby to meddle with someone else's life.

"My friend told me that he saw Dad in the airport kaya nalaman ko na uuwi siya," he said with a matter of fact tone. Sarap talagang ibalibag kung hindi ko lang to kapatid, malamang, matagal na ton bugbog sarado.

Bumaling siya kay Dad. Sure ako, sipsip na naman to. "So where's my pasalubong?" at nilahad niya ang kamay niya kay Dad. Sana wala! Para naman may pang tukso ako sayo, letche ka! Pero imposible yun, paborito siya ni Dad eh.

"Anak, siyempre meron ka!" siguradong sabi ni Dad. Malamang, paborito nga diba? Tapos kinuha ni Dad ang isa sa maletang dala niya at binuksan ito, may kinuha siya mula roon, at nang makita ko kung ano ito ay automatikong nanlaki ang mga mata ko.

Ang astig naman! Katana? Galing Japan?! Gusto ko rin niyan! Naghintay ako ng para sa'kin na pasalubong ngunit wala man lang inabot si Dad sa akin, napapout ako. Ano ba yan! Walang akin?!

"Ih~ Kumusta naman ang aking akachan?" tanong ni Dad na halos ikaikot ng mata ko, pwe Akachan? Ewan ko ba, bakit ang kukulit ng mga kapamilya ko. Hindi naman ako makulit ah? He spread his arms acting that he wants me to hug him. Gustong gusto ko ng yakap, yakap na punong puno ng pagmamahal at pagtanggap.

"Come and hug your handsome daddy!" nakangiti niyang saad lumapit naman ako sa kanya at ibinukas ang aking mga braso at siyay niyakap. Kailan ko ba matatanggap ang yakap na walang halong pagpapanggap?

Bumitiw na ako sa aming yakapan at tumalim ang mga mata ko sa kanya. Wala man lang ba talaga akong pasalubong?! "Dad? Asan ang akin?" tanong ko, nag-baby doll eyes ako at nakalahad sa harapan niya ang dalawa kong palad.

No one can resist my baby doll eyes, that's what Dad says. Yung tipong lalaki ang mga mata ko at liliit ang manipis at mapula pula kong labi. Na hindi ka talaga mapapahindi dahil makokonsensya ka na lang.

"Siyempre hindi makakalimutan nang Daddy ang kaniyang baby!" gusto kong umiyak sa tuwa nang marinig ang salitang 'aking baby' pero tila namanhid ang buo kong pagkatao at pinilit na lang na maging natural sa harap nila.

Tumalikod siya sa akin at itinuro turo pa niya ang kaniyang kanang hintuturo na tila iniisp kung anong maleta ang kukunin para sa pasalubong ko. Kinuha niya ang isang maroon na maleta na hindi gaanong kalakihan, medium lang.

Akala ko, may kukunin siya sa maleta, pero ang buong maleta ang ibinigay niya sakin! Ano 'yan? Ang dami naman ata? Tinignan ko siya na nagtataka. Ano ba ang laman nito at mabigat bigat pa? Shabu?

"See for yourself," sabi niya na may pamuwestra pa ng kamay na sinasabing buksan ko. Tama nga naman, bubuksan ko naman dapat diba? Tumango ako at binuksan ang zipper nito. May pass code pa ang walanghiya.

Nang mabuksan ito ay napaawang ang aking bibig at nanlaki ang aking mga mata. Fudge! Is this for real?! Nanlalaking mga mata at naka-bilog na bibig lang ang aking nagawa dahil sa pagka-mangha, hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ko kay Dad. Fudge! Ka-excite gamitin ng mga to!

Ang nilalaman ng maroon na maleta ay isang double blade sword, skateboard, mga damit, at kulay silver na bow and arrow! What the fudge? This is so cool! "Waaa~! Ang cool~!" nakangiting saad ko habang pinadaan ang kamay ko sa mga ito. Ang ganda talaga! Nagpasalamat naman ako kay Dad.

Pero muntik ko ng makalimutan ang mga nangyari noon. Pagpapanggap lang lahat, kailan kaya ako makakatanggap ng pasalubong na buong pusong binigay sa akin ni Dad at hindi dahil obligasyon niya akong bigyan?

Matagal na akong umaasa pero nauuwi lang sa wala ang lahat, lagi kong nararamdaman na parang bagong salta lang ako sa bahay namin at para akong walang karapatan na tumira doon.

"Oh buti nagustuhan mo! Tsaka ba't hindi pa kayo pumapasok?" nakataas kilay na tanong niya. Oh fudge. Fudge! Oo nga pala! First day ng hellish year

—este school year ko pala.

"Ah eh." nag iisip pa ako nang sagot. Kahit ganyan 'yan, ayaw na ayaw niya na pinapabayaan namin ang pag-aaral namin. Gusto niyang makapagtapos kami, then para kami ang mag-manage ng mga company, soon.

But I don't need that tho. I just need to wait and wolla! Millions of money is already in my hands, without a single sweat shredded. "Ih~ oh~ uh~? Ano?" sarkastikong tugon niya sa sagot ko. Patay naiinis na si Dad!

Kahit may kinikimkim ako, marunong pa rin naman akong matakot sa magulang ko. They are still my parents you know, and ayun sa isa sa mga utos ng Diyos, mahalin mo ang iyong ama't ina.

"Dad, papasok na sana kami nang dumating ka kaya ayun!" kamot ulong tugon ko at napatawa pa ng bahagya. "Dad? Pwede gamitin 'tong skateboard? Papasok na ako eh? Please~," pakiusap ko tapos balik ulit sa baby doll eyes.

Ang isa sa mga secret weapons ko, ewan ko lang kung secret pa ba to o ano. Sabi nila, nakaka irita na raw minsan ang baby doll eyes ko. Kasi pag hindi raw nila ako napagbibigyan, sobrang nakaka konsensya raw.

"Okay! Okay!" sabi niya sabay taas ng kamay na tila ba'y sumusuko sa pulis. Gotcha,Dad! "Wala talagang makaka-resist diyan sa baby doll eyes mong bata ka!" kunwaring naiinis na anas niya tapos ginulo niya ang buhok ko. Tae, ginulo talaga. Napatawa na lamang ako.

"Oh sige Sayonara everyone!" paalam ko tapos kinuha ko ang skateboard mula sa maleta. Halos hindi ko mapigilan ang pagngisi, cool kaya. Habang papalabas nang bahay ay pinagmamasdan ko ang skate board ko.

Ang ganda, white ang color ng base niya, tapos ang design niya ay Sakura na may kulay pink at black. Ang swak ng color! Tapos may naka engrave sa likos na Z.A.V.I.E.R. My precious name. Hinaplos ko ito at marahang ngumiti.

Alam talaga ni Dad kung ano ang gusto ko. Malamang tatay nga diba? Ang naka engrave ay ang pangalan ko. Pero hindi lahat alam niya o nino man ng pamilya ko. Itong puso ko? Tignan lang natin kung mawawasak pa ba to.

Kasi wasak na wasak na ako noon pa, lahat ng pinakita ko? Pang Oscars diba? It's easy to fake something than explaining something. Mas mainam ng magtago kaysa magpabaya at sumiwalat.

Nilapag ko ito at pinatakbo, pupunta na akong school. Late pa naman ako. Lagot talaga! Baka madagdagan pa ang history ko! Dean's lister ako! Oo! Laging nasa listahan ni Dean na pasaway! Pero hindi naman ako matanggal tanggal sa star section at mapa kick out sa school dahil

Una.. maangas ako..

Pangalawa.. maganda ako..

Pangatlo.. matalino ako..

Pang-apat.. mayaman ako..

Pang-lima.. maangas talaga ako..

Takot kasi silang mawalan ng cool at maangas ang skwelahan kaya hindi ako mabitaw-bitawan. Mawawalan na ng taong tumatakbo sa corridor at magpapasawaysa mga teachers pag nawala ako. Edi mamimiss nila ako diba?

I'm Zavier Yutsuko. Mukhang panlalaki diba? Pero mga initials ko lang 'yan. It means, Zerika Annaisha Vauxx Iestyn Ezumi Ruri Yutsuko. Haba kasi ehh! Kaya pina liit ko. 17 years of existing, studying at National Silvestre's Learning Institute.

Mabait naman ako, pag mabait kaharap ko. Pag demonyo naman ang humarap sakin, mas mapanganib pa sa demonyo ang ihaharap sa kaniya. Mapagpanggap ako, lalong lalo na sa pamilya ko.

Pero,may dahilan ang lahat. Ang lahat ay may dahilan. Gusto niyo bang malaman?

Ready to read my journey?

***

Note: (~) this sign means prolonging. Or parang mahabang pagkasabi ng words. Like cooooooooolllllllll! Pero mukhang madumi siya tignan, kaya nilagyan ko ng ~ so yeah.

And please, support my other stories too!

▪Willford Zixcelle University