webnovel

Priestesses

CLAUDE'S POV

"Rowan, Rome, get the heroes out. Bigyan ng damit at paliguin tapos dalhin nyo dito." Sabi ko habang nagbabasa sa librong tinutukoy ng gabay sakin

"Okey Claude." Sabi nila sabay alis

"Time will come, when the four heroes will appear and will bring greatness in Neo Verona. They have the fire, water, wind and earth element. They will be the four pillars of the land. They will become the armor that the darkness wants to defeat." Mga katagang binasa ko na nakasulat sa libro.

"Kung apat ang tagapagtanggol, bakit tatlo lang sila? Nasaan ang isa?" mahina kong sabi.

"Claude, nandito na sila"

"Salamat, iwan nyo muna kami Rome"

"Pero Claude? Hindi kita pwedeng iwan dito kasama niya!" sabi ni Rowan sabay turo don sa babaeng sumigaw ng pakasalan mo ko kanina. When I think about what the girl says, my mind keeps on laughing inside. Hahaha kasi naman pano ko sya pakakasalan? May sinabi pa syang di na sya virgin ng dahil sa akin, baliw rin.

"Hoy!!! Kung makapagsalita ka dyan parang gagahasain ko yang prinsipe nyo noh, my dignity din kaya ako!!!" sigaw na sabi nong babae na nagpanganga kay Rowan at nagpatawa kay Rome.

"Tama ang sabi niya Rowan, hindi naman sya mukhang rapist sundin nalang natin si Claude, halika na." nakangiting sabi ni Rome, at si Rowan naman ay inis na lumabas ng silid.

"Bat mo kami pinapunta rito?" tanong nung babaeng nakaitim, ang creepy ha? Ngayon ko lang nalaman may itim pala kaming damit.

"Para ipaliwanag sa inyo ang lahat." maikling sagot ko

"Anong ipapaliwanag mo, ipapaliwanag mo ba sa amin ang magiging wedding arrangement nyo ng beshie ko? hihihi" natatawang sabi ng isang babae

"Anong kasal pinagsasabi mo? Baliw ka ba o sadyang may topak lang?" galit kong sabi

"Aish!! Ano Besh? Opakan ko na ba? Wala naman sigurong nabuo diba? Kung meron man tulungan kitang buyahin magulpi ko lang to!" Galit nyang tugon

"Ahahaha! Parehas kayong sira ulo ng kaibigan mo? Pano kayo ikakasal, eh pa-–"

"Tumahimik nga kayo!" Pagputol ko sa babaeng nakaitim

"Ipapaliwanag ko lang naman kung bakit kayo nandito, pwede ba! Ano mga pangalan nyo!?" sabi ko,

"Galit?" sabi ulit nong makulit na babae

"Ren ang pangalan ko, siya si Cheska at sya si Kia. Kuha mo na ba o magpapakilala ulit kami?" sabi ni Ren

"Andyan ka pa pala Besh?"

"Tse! Isa ka nalang sakin Cheska!"

"Hindi na, ikaw si Ren, Kia at Cheska. Wala naman akong memory gap." pag ulit ko sa pangalan nila.

"Makinig na muna kayo sa akin, at wag na wag kayong magtatanong hanggat hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko dahil aya---" dagdag kong sabi ngunit naputol nung magsalita si Cheska

"Ano kasi ginagawa namin dito? Bakit kami nandito at paano kami makakauwi?" makulit na pagtatanong ni Cheska

"Diba sabi ko patapusin mo muna ako bago kayo magtanong!" galit kong sabi

"Ay sorry. Tatahimik na." sabi niya at lihim na napatawa si Ren.

Ikinwento ko sa kanila ang sinabi ng gabay na katulad ng nabasa ko sa libro. Ganun din ang tanong nila, kung apat ang tagapagtanggol, bakit tatlo lang daw silang nandito. At yun ang hindi ko nasagot. Napagtanto din nila kung paano sila napunta dito, dahil iyon sa libro na may pamagat na NEO VERONA kung saan ito ang pangalan ng kaharian ko. Tanong sila ng taong kung ano ang gagawin nila para makabalik sa kanilang mundo, sabi ko na kailangan siguro namin malupig si Dark Lord.

Nitong mga nakaraang mga araw kasi, sinasakop na ni Dark Lord ang ibat-ibang kontenente, mula north to southwest. Tanging ang northeast at east nalang ang hindi pa nila sinasalakay. Ang Neo Verona ay napapabilang sa East Continent, at yun ang ayaw kong mangyari, ang maghari ang kadiliman dito sa nasasakupan ko.

Nakipagkasundo narin ako sa mga karatig palasyo ng northeast at ibang palasyo dito sa east para magtulungan kami, ngunit ang sabi ng gabay, "Tanging ang may kapangyarihan ng apoy, tubig, hangin at lupa lang ang makakapagpigil sa pananakop ng kadiliman" At ito na nga sila sa harap ko, nagtatalo.

"Gusto na namin umuwi Claude, may quiz pa kami bukas" sabi ni Ren. Oo nga pala nagpakilala na ako sa kanila.

"Pasensya na Ren, hindi ko alam paano kayo makakabalik sa mundo nyo. Yun lang ang tanging alam ko, pagmatalo nyo na si Dark Lord, dyan pa kayo makakabalik." Sabi ko at biglang tumayo si Kia

"Okey, parang gusto ko dito, hindi ako outcast. Hahaha ano gagawin namin, paano namin malalaman kung may kapangyarihan kami?" masayang sabi ni Kia na nagpabago ng ekspresyon nina Cheska at Ren

"Siguro nga tama ka dyan friend, dito walang quiz, walang boring na teacher at higit sa lahat, ang gagwapo ng mga tao dito. Kyaaah!!" Malanding pagkasabi ni Cheska kaya binatukan ni Ren

"Aray naman Besh!" sabi ni Cheska na nakahawak sa binatukag parte ni Ren

"Ang landi mo!"

"Eh ikaw rin naman ah! May pasigaw-sigaw kapang PAKASALAN MO KO!!! Oh sino mas malandi ngayon?" at ayon batok uli ang natamo ni Cheska kay Ren kaya tumahimik nalang ito. Lihim nalang akong napapatawa sa kinauupuan ko, ang kukulit nila.

"Para matapos na ang lahat, tulad ng sinabi ni Kia, paano namin malalaman kung may taglay nga kaming kapangyarihan, o kung ano mang taglay naming kapangyarihan?" Sabi ni Ren, agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

Hinawakan ko ang damit niya sa may bandang dibdib at ibababa ko na sana ng kaunti tama lang na makita ang sagot sa tanong niya pero hindi ko namalayan.

PAAAAKKKK