webnovel

Chapter 23: Lesson learned

××× OOO ×××

Mabilis na nasagap ng buong campus ang nangyari sa kupal na iyon. Bumaha ng simpatya ang website ng school para lang sa gag*ng yun. Nakakainis lang dahil kinaaawaan siya ng lahat.

Nagising ako sa pagmumuni dahil sa pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Je, mauuna nako. Maaga ang klase ko ngayon." narinig ko ang boses ni Marilyn sa kabilang banda ng pinto

Tinignan ko ang orasan sa telepono ko at 7:30 na pala. "9 am ang pasok ko

ngayon."

"Ah Je, si Sir Cua pala, sa tingin mo nandun pa kaya sa hospital?" Sa tono ng

boses niya ay mukhang nag aalala siya.

"Gusto sana naming dalawin siya-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Baka oo, baka hindi." Mabilis kong sagot sa kanya na walang kagana-gana

"Je, sinabi ni Papa yung planong pag uwi natin. Gusto ka niyang makausap." mahinahong

sabi niya

"Ako nalang ang tatawag sa kanya." mabilis ko ulit na sagot.

"Je. . ." Napahinto siya ng saglit. "aalis nako." Matamlay na lalo ang tono

niya. Narinig ko ang bawat yapak niya palayo sa pintuan ng kwarto ko.

Binuksan ko ang phone ko para i-play ang musikang Magasin ng Eraserheads para mabasag ang katahimikan ng paligid.

Naisip kong puntahan si Makee apartment nila kaso naisip kong baka wala na siya

dun. Sa mga oras na iyon, ay nagtatalo na talaga ang puso at isip ko. Alam kong kailangan ko nang gawin ang trabaho pero gusto kong personal nalang siyang makausap. Alam kong maunawaan niya ako kapag ipinaliwanag ko lahat. Mas mabuting diretso nalang sa kanya para hindi ganun kasakit. Mas mabuting alam niya ang nangyari kagabi na ako ang dahilan kung bakit nasa hospital si Rick.

Tinignan ko ang orasan ng relo ko at ay may konting oras nalang ako para

puntahan siya. Pero hindi ko na inaksaya pa ang oras na iyon at agad akong pumara ng jeep papunta roon. Kaso mukhang hindi talaga ako pinapayagan ng tadhanang makita ulit siya. Traffic ang kalsadang papunta roon. At sumakto pang mahaba ang traffic.

Mga 30 minutes or mahigit pa ang ginugol ko sa traffic bago ako nakarating doon. Alam kong late nako pero wala naman talaga akong balak pumasok ngayon. Nagsinungaling ako kay Marilyn dahil gusto kong siyang puntahan. Gusto kong makita siyang nasa maayos nang kalagayan.

"Excuse me po?" pagtatanong ko agad sa dalagang nagtatapon ng basura sa harap ng gate ng apartment ni Makee. "Yes po? Ano pong kailangan nila?" tanong niya pabalik sa akin.

"Nandyan po ba si Makee? Makee David." May kaba pa rin sa puso ko kahit nangyari na iyon kahapon

"Ay ma'am, kagagaling niya lang kanina. May sasakyan na sumundo."

Parang pinilipit ang tiyan ko. Ang sakit, sobra. Napatingin ako sa relo ko. Lagpas alas nuebe na. Kaya siguro traffic ay para hindi na kami magkita ulit. Bakit ganun, kung kailan gusto ko na talagang maniwala sa kanya ng tuluyan ay siya namang unti unti niyang paglayo sa sakin.

Napagdesisyunan ko nalang na

pumasok, baka sakali magkabungguan kami sa hall ng campus o sa cafe kami magkita

o kaya naman inaantay niya ako sa library para pagalitan. Bago ako pumasok ay

dumaan muna ako ng faculty para mag sorry sa first subject teacher ko.

Hindi rin ako pumasok ng trabaho dahil nagsabi ang isa kong katrabaho na siya nalang ang ako ng shift ko dahil sa mga absences niya. Bilang kapalit, pinaantay ko sa kanya kung papasok si Makee o hindi. Inaasahan kong sagot niya ay wala pero mas higit pa roon ang sagot niya.

"Sis, nag resign na siya. Hindi mo alam? Two days ago pa.

"Ah oo pala. Nakalimutan ko. Ha,ha,ha."

Two days ago. Iyon ang araw na nagkasagutan kami. Ang araw na hindi ko alam kung kaibigan parin niya ako.

Kaya pagkatapos ng klase, sa children's playground sa SM ang tknungo ko. Nadatnan ko si Hannibal na sayang-saya na binibidyuhan si winwin habang nakikipaglaro sa ibang bata.

"Aba, ang saya natin ah. Ganda ng ngiti. Sana all."

Ngumiti lang siya at nakipag-fist bomb.

"O anong ganap sa atin. Natapos mo ba yung request? Nagtatanong na ng update ung jowa."

"Actually gagawin ko mamaya. Binalak ko nga na personal na lang na kausapin si Makee kaso hindi ko na abutan. Mukhang nagkita pa nga yung dalawa."

Natatawang umiling si Hannibal.

"Hindi nalang kasi sila maghiwalay ng maayos o kaya ay magabroad sila tas doon sila magkita."

Habang inalala ko ang pagpunta ko sa bahay ni Makee, hindi ko maiwasang hilutin ang pasa ng posas.

"Nagawan mo na ba ng paraan ung footage ka gabi?"

"Parang? Kasi may nauna na saakin. Sinira yung CCTV sa anggulong natutok sa banda niya."

"Sabi ko na nga ba at planado yun."

Napatingin sa aakin si Hannibal na tila nagsususpetsa. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Sigurado ka bang hindi mo gusto si Makee at ganun na lang ang pagsasalba mo sa kanya?"

Ang tanong niyang iyon ay nagdulot ng pagtayo ng mga buhok ko sa batok. Uminit ang tenga ko at muling nagiba ang ikot ng tyan ko.

"Oo. Bakit parang hindi ka naniniwala?"

Inalis niya ang tingin niya sakin at ngumiti kay Winwin. Kumaway siya rito bago nagsalita ulit sa akin.

"Ganyan ka rin kay Peter noon. Kulang na lang at ikaw ang pumalit sa kanya noon eh."

"Iba si Peter, iba si Makee. Magkaibang-magkaiba."

"Siguraduhin mo lang na natuto kana sa pagkakamali mo noon. Mahirap nang sumabit ulit ngayon... Tara kain tayo ng turon. Ako bahala sayo."

Sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Minsan sa isang buwan lang kami magkita ng personal kaya sinusulit ko na. Mas marami siyang kayang sabihin saakin. Mas marami siyang nalalamang mabuting gawin.