webnovel

Chapter 2: In wonderland

At sa hindi inaasahang pagkakataon, nakarating ako ng Baler na sapilitan. Dapat talaga ay nakinig muna ako sa plano nila bago ako nag plano ng pansarili. Edi sana nakaupo ako ngayon sa harap ng eleven-eleven kumakain o kaya nama'y nasa trabaho o baka nga nagsasaya ako sa bookstore. Edi sana wala ako sa tabi ng driver na si Makee na hindi pa ako kinakausap mula nung umalis kami ng Baguio. Bakas sa mukha naming dalawa ang pagkainis pero malamang magkaiba kami ng dahilan. Alas dos palang ng madaling araw ay binabaybay na namin ang kalsada papunta ng Baler pero buti na lang talaga at maayos kaming nakarating.

Abalang kinakausap nila Marilyn at Nick ang Manager ng resort pati ang Boss Dawn nila na may birthday. Wala sa ano mang parte ng katawan ko ang kalmang hinahanap ko. Naramdaman kong may something ang resort. Inaamin ko, maganda ang resort. Mas maganda kaysa dati. Pero hindi ko maiwas ang isip ko sa pamilyar na pangalan ng Resort. Hindi pa ako ganun katanda para makalimot. Nasa dulo lang talaga ng alaala ko iyon. Ngunit isang kalabit ang nagpagising sa diwa ko.

"Sabihin mo lang kung gusto mo nang bumalik, ihahatid kita."

Nagtatanong ba siya o nang aasar lang? Sa totoo lang hindi ko mabasa sa mukha niya lalo na at pabulong pa ito. Pero, naramdaman kong nabawasan ang pangamba ko kahit papaano. Maikling ngiti at pagiling nalang ang isinagot ko sa kanya.

"Sabihan mo lang ako kapag ayaw mo na talaga."

Seryoso nga siya. Sa tuwing naririnig ko na ang catchphrase niyang iyon pagkatapos niyang mag tanong, tsaka na lang ako naniniwala. Swerte talaga ng boyfriend niya sa kanya.

"Kunsintidor kasi si Isabel, kaya ayan. Ang lakas ng loob na isama pa ako." Bulong ko pabalik. Pabirong paglabas ng inis. Eh wala naman talaga akong magagawa kung si Isabel na ang nagsabi.

Wala kaming ideya ni Makee kung anong pinag uusapan nila dahil nasa likod kami ng parang pila papasok ng entrance. Napansin ko nalang na may dalawang kahon na ibinigay si Franco at Nick sa assistant na lalake ng Boss Dawn. Nagawa pang makipag beso ni Marilyn sa boss niya na nagpapakita kung gaano sila kalapit. Pagkatapos noon ay tsaka lang kami nakapasok.

Dahil hapon na iyon, maganda ang paglubog ng araw. Tila unti-unting naapula ang bolang apoy ng tubig kaya't ang dagat ay nahaluan ng pulang kulay. Marami na ring bisita na sinusulit ang masayang pagkakataong iyon. Sumabay pa ang paghampas ng alon sa masayang musika ng Black Eyed Peas na Pump it. Bagay para sa mga typical party people. And of course, they also have tiki bars. This is wonderland so why can't they, right? Sa sosyal ba naman nitong resort malamang may pupunta ritong magpapakalasing habang nagpapakuha ng picture sa photographer. To capture the memories before they'll go back to their own reality.

Bakas sa mukha ni Marilyn ang saya. Kung hindi ako pinilit-pilit ni Marilyn ay hindi naman talaga ako sasama. Baka kasi maging third wheel pa ako. Ang saya niya, ang saya nila ay nakikita sa mga mukha ng mga Y.O.L.O adolescents. Yung naniniwala sa seven year itch, sa the one ay makikita lang kapag thirty plus na at sa career over love. Nakakabilib talaga sila. Mga typical na millennials. Masaya na din siguro ako para sakanya kahit ako mismo ay naliligaw. Patingin tingin sa paligid dahil umalis bigla si Makee. Ngunit ang natanaw ko lang ay isang kabibe na bahagyang nakabaon sa puting buhangin. Pamilyar na alaala ang pagpulot ko ng kabibe. Malakas talaga ang pakiramdam kong kilala ko ang resort. Nasa dulo lang talaga ng diwa ko.

"Smile for the camera!"

Agad akong napalingon sa aking kanan. Isang lalakeng nakahawak na ng digital camera at nakatayo dalawang metro kalayo sa akin. Nakakahiya naman kung hindi ako ngingiti. Kaya't agad naman akong ngumiti hawak ko pa ang kabibe.

"Thanks!"

Pagbaba pa lang ng camera na hawak niya, agad kong napansin ang arko sa kanyang nakangiting labi.

"Photogenic! Nice! Bewitching…"

Isang foreigner. Halata sa accent niya ang pagka foreigner niya. Sayang lang dahil may bangs siyang tinatago sa ilalim ng kanyang fedora. May hawig pa naman siya sa kaibigan ko noon. "Th-thank you."

Sa di kalayuan mula sa likod ng photographer, natanaw ko na si Makee na may dalang dalawang margarita glass. Iba rin ang tingin niya sa photographer. Kahit blanko pa ang mukha niya ng reaksyon, halata naman iyon sa mga mata niyang may ka singkitan.

"Jerry may dala akong margarita… Ok ka lang ba?"

Sabay pa kami ng photographer na nakatingin kay Makee. Siya naman ay pasimple lang na tumayo sa tabi ko sabay abot ng margarita. Eto na naman siya sa pagiging siya. Akala na naman niya siguro ay nakikipaglandian sa akin yung photographer.

"Hello sir, mind if I take a photo of you and your girlfriend?"

Maamong tanong ng photographer kay Makee na tinitigan siya sandali. Siguro dahil tinawag siyang Sir o baka dahil sa girlfriend thingy. Naisipan kong ngumiti na lang at ikinibin ko ang braso ko sa kanyang braso. Napalingon na naman siya sa akin na nakataas pa ang kilay niya.

"Picture daw, girlfriend" Pagpipilit ko sakanya na pabiro dahil alam kong hindi siya tatangi. Once in a lifetime opportunity.

Wala nga siyang nagawa kundi ngumiti nalang na mukha pang natatawa sa biro ko.

"You can get the pictures at the front desk after 10 minutes."

Ako nalang tumango sa photographer dahil hindi siya gustong lingunin ni Makee na inabala ang sarili sa pag inom ng margarita. Nang maglakad na palayo ang photographer, agad kong kinompronta si Makee. Bahagya kong binunggo ang braso niya na naging dahilan para bahagyang umurong ang laman ng basong hawak niya.

"Anak ng- Jerry!"

"Hoy Ken doll! Ano na naman yun ha?"

"Obviously, gusto ka niya-"

"Then good! Anong problema doon?"

"Gusto ka niyang ibenta sa mga pedophile sa black market. Eh sa liit mong yan, mapagka-kamalan ka talagang bata. Nako smurfette! Sabi ko sayo huwag ka basta-basta nakikipagusap sa hindi mo kilala na unang pakay pa lang eh kuhanin ang identity mo. Lalo na lalake yun na may dala pang camera."

"Ay grabe siya, hiyang hiya naman ako sa height mo, poste ng Beneco. Hindi ko naman kasalanan kung mataas ang karisma ko no!"

Sabay hampas ko ng buhok sa hangin. Parang sa commercial lang ng shampoo. Mahaba at itim na itim na buhok ko, natural lang, hindi tulad ng kay Marilyn na may pagkabrown.

"Kahit kinilig ka pa sa kung ano mang sinabi niya sayo, maniwala ka sakin, scammer yun. Remember,wala ka sa Baguio."

Lumalalim ang boses niya kapag nagseseryoso. Ang bilis niya lang palitan ang persona niya. Parang Lucifer Morningstar lang. Agad siyang tumalikod at naglakad palayo pero agad ko naman siyang sinigawan.

"Hoy Girlfriend! San ka pupunta?"

Ako lang ang natatawa sa joke kong yun dahil ng lumingon siya saakin ay nakataas na ang kaliwa niyang kilay.

"Tigilan mo ko dyan. Puntahan mo nalang ako sa van kapag naniniwala ka na sa akin. I need some rest. I can't drive when I'm sleepless."

Muli na naman niya akong tinalikuran at naglakad palayo. Tahimik ko nalang siyang pinagmasdan maglakad palayo. Alam ko namang hindi magiging sapat yung mga ginagawa ko para kapurihan niya. He'll always find my flaws. He'll always tell it to my face. And I'll always admire it. No matter what.

Para sa ikapapanatag ng loob ni Makee, hindi na nga ako nakihalubilo sa mga bisita. Bagkus ay nanatili na lang ako sa lounge area. Hindi ko rin lang mae-enjoy ang unti-unting paglubog ng araw, ang pag liwanag ng buwan at bituwin, maski ang paglamig ng simoy ng hangin. Sasagi't sasagi parin sa isip ko ang pamilyaridad ko sa lugar. Alam kong may alaala ako dito.

Nangibabaw na ang kantang Alapaap ng Eraserheads sa paligid. Mukhang hindi pa ganoon katanda ang Boss nila Nick at Marilyn. Nagmukha tuloy Boracay ang buong resort dahil samu't saring pakulo ng mga empleyado ng resort. Iba't ibang kulay ng ilaw, iba't ibang inumin, iba't ibang mukha at masayang tugtugin. Nakakarindi sa totoo lang. Kaya't naisip kong maglakad palayo sa kasiyahan. Palapit sa kabilang dulo ng resort.

Alam kong nakapunta nako sa tila gubat na nasa dulo ng resort. Malinaw na sa aking isip ang alaala. Kaya't dali-dali akong tumakbo papasok. Tila nabuhayan ako ng loob. Tila sigurado akong may makikita ako doon. Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan, kahit medyo masukal, kahit ilaw lang ng cellphone ang liwanag na meron ako, malakas ang loob kong may makikita ako.

Sa isang puno ng dapdap, na may butas sa gitna dahil sa abnormal nitong pagtubo, ang naging gabay ko. Ilang taon na ang nakakalipas pero hindi parin ito namamatay. Lalo pa itong sumigla at gumanda dahil sa mapupula nitong dahon. Para bang umaapoy ito ngunit nakatayo parin. Mas lalo pa akong gina-nahan na hukayin ang nakaraan. Agad akong lumuhod sa harap nito at naghukay. Mabilis kong hinukay ang lupa gamit ang biyak na bato. Wala na akong pakialam sa tuyong dahon, sa mga insektong maaaring dumapo sa akin at pati ang dilim.

Sa ilang taon na lumipas, hindi parin natinag ang bakal na kahon na inilibing namin ni Vincennes. Isang sikretong kami lang ang nakakaalam. Napagkasunduan naming hindi bubuksan hangga't magkita ulit kami. Nakalimutan ko na rin kung ano ang code nito. Sa tagal ba naman. Pero mukhang malabo na itong mangyaring mabuksan. Isa siya sa mga taong kinamumuhian ko na ngayon. Malamang ganun din siya. Patas lang kami. Dating magkaibigan, ngayon magkaaway.

Napalingon ako kaagad sa aking likuran nang may narinig akong kaluskos ng pala. Tila ba ay may naghuhukay. Inilibot ko ang mata ko sa paligid para siguraduhin na hindi ako nagha-hallucinate. Malinaw na malinaw ang narinig ko na may naghuhukay nga di kalayuan sa kinaroroonan ko. Marahan akong tumayo at naglakad palapit kung saan nagmumula ang ingay. Hinawi ko ang mga damo at mga kumpulan ng mga bulaklak na matalim ang mga sanga.

Doon bumungad sakin ang lalaking naka sumbrero at balingkinitan ang katawan na nagbabaon ng kung ano sa ilalim ng lupa. Tinatabunan niya na ito ng lupa. Bigla siyang huminto sa pagtatabon ng lupa at tsaka umalis. Dala na siguro ng pagiging mausisa, ay iniimbestigahan ko nga ito. Sinubukan kong hukayin ulit ito ngunit narinig kong may papalapit kaya kahit hindi ko pa masyadong nabungkal ang lupa ay lumayo na ako. Kaso sa dilim at sukal ng paligid, sumabit ang manggas ng bestida ko at nasugatan ang kaliwang braso ko. Mabilis na dumaloy ang taranta sa katawan ko kaya't hindi ko na nagawang buksan ang ilaw ng phone ko. Dahil, madilim nga ang tila gubat na yun ay hindi ko rin na malayang tao at hindi puno ang nabunggo ko.

"F*cking- Argh! sh*t!"

"Aray tang*na!"

Madilim pa rin ang paligid, kaya hindi ko alam kung bakit sobrang sakit na ng sugat ko. Tila na silihan ito at hinampas ng dos por dos na kahoy ng pareho kaming bumagsak sa madamong lupa. Buti nalang at hindi tulad sa romance movie ang nangyari. Kahit nakakahilo na ang sakit ng braso ko, pinilit ko paring tumayo. Agad kong kinapa kapa sa lupa ang cellphone at bakal na kahong hinukay ko. Naaninag ko rin ang lalake na nagkakapa din sa lupa. Namukhaan ko rin ang lalake kahit may kadiliman. Baka naghahanap na pipicturang kuwago ang photographer kaya nasa loob din siya ng tila gubat.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

El_Mabinicreators' thoughts