Chast's POV
It's been a week. And It's monday.
Literal na simula na ng klase. Walang ibang nangyari sa mga nakaraang araw. Orrient lang ng Orrient at wala akong naintindihan ni Isa.
I'm currently Here at our library. Oras dapat ng klase namin pero maaga kami dinismiss ni Ms. Julia para makapag aral para sa Recitation namin mamaya.
Our Prof in our 2nd Subject was out to do some important matters. At sa kamalas malasan nga, si Ms. Julia ang mag tetake over.
With that? Nagsabi lang ito na mag kaka-first graded recitation kami. then.. DISMISSED.
Wala itong sinabi na Coverage ng Recitation. Kulang na lang ay mag angat ako ng kilay sa harap mismo nito. But I stopped myself. Sino ba naman kasi ang 'di maiinis sa ganon?
Tch, I really need to focus on reviewing. Because base on my schedule. Science is my next subject.
And I Suck In Science. Lalo na sa Chemistry at Physics.
Napairap na lang ako at tumingin aa wrist watch ko. Isa't kalahating oras. 1hour and 30 minutes na lang bago ang next subject namin.
I'm hungry as Fuck pero bababa pa ako para bumili sa Cafeteria kaya wag na lang.The Library was located on the 2nd Floor at ang Cafeteria ay nasa baba pa kaya 'wag na! Ayoko bumaba!
Isasaulo ko na lang itong nirereview ko. Kahit pakiramdam ko ay wala akong maintindihan sa binabasa. Lutang na ata ako.
Si Akira? Nowhere to be Found.
Tinext ko na lang ito kanina na may graded recitation kami sa 2nd subject. Ewan ko kung late lang ba 'yon o absent. Wala naman itong nababanggit sa'kin.
Napalingon ako sa katabi ko ng mahulog nito ang isang libro na nakapatong sa lamesa.
Hindi ko na lang ito pinansin at itinuon na ang pansin sa librong binabasa.
"Aww.." Napalingon nanaman ako rito ng muntik na ito mahulog sa kanyang kinauupuan. Napairap ako at binalik ang tingin sa libro.
Maya maya lang ay Muli nanaman akong napalingon kay Blue nang iikot nito ang upuan na kinauupuan nito. Sinarado ko ang librong binabasa at pabalyang humarap kay Blue.
"Blue! Pwede ba? 'Wag kang malikot. 'Di ako makapagfocus sa binabasa ko!" Impit kong sigaw rito. Kung wala lang kami ngayon sa library, kanina ko pa ito nasigawan ng sobrang lakas dahil sa kalikutan nito.
"Ayy hehehe sorry" sambit nito at alanganing ngumiti habang hinihimas ang batok nito.
Nang hindi na ito gaano kalikot ay hindi ko na lang ulit ito pinansin at bumalik na sa pagbabasa. Bakit ba hindi din mag review si Blue para mamaya?
I mentally shook my head. Bahala na nga si Blue. Basta ako mag a-advance reading na rin para makasigurado.
When i say "reading" it means Literal na babasahin lang. Ewan ko kung masaulo ko ito. Ang importante nabasa ko.
= Room =
Napatingin ako kay Ms. Julia na kararating lang ng Classroom habang may bitbit na isang libro at isang Notebook.
"Good morning class, I already gave you enough time to study, like i said earlier we will have a graded recitation" Lihim akong napairap. Wala pa ngang lesson may Recitation na agad. Great.
"Anyone that can answer all of my question will have a early dismissal for this class, understand?" Sabi ni Miss Julia kaya't nagsigawan naman lahat ng kaklase ko.
Nanliwanag ang mukha ko sa narinig. Early Dismissal? I'd love that! I hope na madali lang ang mga tanong ni Prof.
"Good let's start from you" Seryosong sambit ni Prof at tinuro ang isang babae mula sa likod.
Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha ang ginawa kong reviewer. Bahala kayo d'yan! Basta ako mag rereview parin!
*Review*
*Review*
*Revie-----
"Ms. Andrada" Napabalikwas ako sa kinauupuan ng bigla akong tawagin ni Prof. Ako na agad?! Ba't ang bilis?! Parang kabubukas ko palang ng reviewer ko ah?
Napatingin ako sa katabi kong si Blue, kung tutuusin ito ang mauunang sumagot kaysa sa'kin. Tinignan ko ito na parang nagsasabing tapos-ka-na-ba?
He just mouthed "I'm done"
Napasimangot ako. Sayang naman at hindi naka perfect si Blue. I just tsked and face my oh-so-great-professor.
"Ahh. Yes Prof?"
"It's already your turn, and it looks like you're not listening huh" sabi pa ni Ms. Julia at nginisian ako.
"So your question is...." Paintense pang sambit nito.
Lihim nanaman akong napairap. 'Di na lang sabihin eh, pinapakaba pa ako. Tuwing kinakabahan ako automatic na ma-me-mental Block ang buong sistema ko. And i hate that.
"What is Science?" Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ang tanong na 'yon.
"Ahh..Science is both a body of knowledge and a process. Uhmm.. Science is also a way of discovering what's in the universe and how those things work today, how they worked in the past, and how they are likely to work in the future. " My Prof looked amused with my answer. Good start.
"Hmmm... I'm impressed, next..." Sambit ni Prof at muling tumingin sa notebook niyang hawak. Tss.. 'di naman siya mukhang Impressed.
Muling nagtanong si Ms. Julia at nasagot ko naman ito ng maayos. She looked shocked after i answered her question. Mali ba ang nasagot ko?
Ngunit Biglang Napangiti si Prof. And I Don't like that smile, That Smile is kinda different! 'Yan ang ngiti na may masamang binabalak.
"Very well Ms. Chast" nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ulit ni Prof.
"For your third and last question.." There she go again sa mga paintense nito. I mentally rolled my eyes.
Ngumiti muna si Prof ng makahulugan at muling nagpatuloy sa pagsasalita. Okay? Should i say goodbye to my early dismissal?
"What is The difference between Evaporation and Vaporization?"
Nanlumo ako sa Narinig. Ano daw Vapotration? 'Yun ba yon? Ay hindi Vaporization ata yon. Evaporation alam ko pa eh. Pero Ano nga ba 'yong Vaporization na 'yan?
Maya maya lang ay biglang nagingay ang mga kaklase ko.
"Luh si Ms. Julia parang ewan"
"Ayaw niya talaga ng may maka-perfect noh"
"Napaka Bias talaga netong prof natin na toh, nakakainis"
"Hala ano daw? Out of the topic na yan ah?"
"Oo nga eh! Out of the topic na yan ah! Madaya!"
Sa huling narinig ko, out of the topic na daw ang tanong ni Prof, wait.. I need to recall.
"Class quiet!!" Sigaw ni Prof sa maingay kong kaklase na mga nagsisibulungan.
Recall. Recall. Recall.
Nagadvance reading ako kanina 'diba? So ano nga 'yon?
"Ms. Chast are you going to answer my question?" Atat na tanong ni Prof. Hindi ko na lang ito pinansin at nag focus na lang sa pag rerecall ng binasa ko.
"Ahh..The difference between the two are..uhmmm" may keyword kasi ako do'n sa Vaporization eh, kasi yung Evaporation alam ko na. Ano nga ba ulit yung keyword ko?
"Earth to you Miss Chast? The time is running just tell me if you can't answer my question"
Yumuko ako at hindi pa rin pinapansin si Prof. Nasa dulo na ng dila ko eh. Hindi ko lang matandaan.
"Ahhh.. uhmm..." Think Chast, Think!
Natigilan ako at napa angat ang tingin kay Prof na nakangisi na sa'kin. Nginitian ko lang ito bago sagutin ang kanyang tanong.
"Prof, Vaporization is a transitional phase of an element or compound from a solid phase or liquid phase to a gas phase" huminga muna ako ng malalim bago muling mag patuloy. Playing dirty are we huh Prof Julia?
"While Evaporation is a type of vaporization wherein the transition from a liquid phase to a gas phase takes place below the boiling temperature at a given pressure, and it occurs on the surface."
"Hmmm... Are you sure about your answer?" Tanong pa ni Prof.
"Of course Prof" Nakangiti kong sabi sakanya. Napatango lang ito.
"Okay. You may leave" Lalong lumapad ang ngiti ko sa narinig.
"Why are you still standing there? Don't you want to leave?" Nabalik ako sa ulirat ng magsalita ulit si Prof. May galit ata sa'kin si Ms. Julia.
Kinuha ko na lang ang bag ko at pasimpleng kumaway kay Blue at lumabas na ng room. May napala din pala ang pag babasa ko kanina!
Nang makalayo sa Classroom ay napainat ako ng katawan.
"Hayss! Saan ba maganda matulog??" Bulong ko sa sarili.
Library? Nah, bawal matulog do'n. Ma-detention pa ako.
Sa Garden kaya? For sure walang tao dun kasi oras ng klase 'diba?
Napangiti ako, Garden is a great option! Malapit na din ito sa Cafeteria. I'll just wait for them to Finish their Classes. Matutulog muna ako.
But Before i totally doze to sleep. There's this thought who keeps running in my Mind.
Where the fuck is Akira?