webnovel

Semi Permanent

Si Percy ay isang alien na binigyan ng misyon dito sa mundo para mag manman sa darating nilang pagsalakay. Siya ay nakatagpo ng isang babae na hindi niya inakalang makapagpapabago sa katangian niya. Napakaraming sekreto ang natuklasan nila sa isa't isa.. Maraming pagsubok ang kanilang hinarap ng sabay. Ngunit sa lahat ng pagsubok na yun ay may isang nagpabago sa kanilang dalawa... At kinailangan ng bumalik ni Percy sa kaniyang planeta

Hamoyej · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs

Prologue

Note: An alien is an extraterrestrial life is hypothetical life which may occur outside of Earth and which did not originate on Earth.

Jean's POV

Isang gabi habang ako ay natutulog ay bigla nalang akong naalimpungatan nang may marinig ako na isang parang may malakas na pagbagsak sa labas ng aming bakuran, pero binalewala ko nalang yun kasi akala ko ay pusa lan yun.

Ngunit noong marinig ko na ang isang putok ay agad akong bumangon at tumingin.

At laking gulat ang bumalot sa aking katawan nang wala akong makitang kahit na anong bagay na posibleng paggalingan ng ingay sa labas

At agad nalang akong umupo sa isang salumpwet at nakatutok sa mga bituin na kumikislap mula sa kalawakan

At nag iisip at inaalala ang mga pangarap ko sa buhay, tulad nalang ng pag a-astronaut

Bata palang talaga ako ay gusto ko nang maging astronaut ngunit tutol doon ang aking mama dahil ayaw niyang maranasan muli ang mawalay sa pamilya,

Dahil ang papa ko ay isang taxi driver noon matapos daw siyang matanggal sa trabaho niya, ngunit dahil sa isang aksidente ay yun ang naging dahilan ng ikinamatay niya,

Siya ay nabangga ng isang truck at hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanagutan ng driver ng truck ang kanyang ginawa sa aking Papa.

At yan ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin matanggap na wala na si Papa kahit dalawang taon na ang nakakalipas,

At hanggang ngayon din ay hinding hindi ko mapapatawad ang may gawa nun sa aking ama kahit anong mangyari.

Habang ako ay nakatunganga sa binata ay hindi ko na namalayan ang oras o kung ilang oras na ako na naka upo doon at dahil may pasok pa ako bukas ay minabuti ko nalang na matulog na dahil baka ma late pa ako.

***

Nag madali na akong maligo at kumain dahil mali late na ako sa klase ko

Dahil sa pag mamadali ko ay lumabas ako sa bahay ng walang paalam kay Mama

Habang ako ay naglalakad dahil hindi naman kalayuan saamin ang skwelahan namin,

wala ako sa sarili ko dahil rami ng bumabagab sa isip ko,

At hindi ko na namalayan na nandodoon na pala ako sa tapat ng aming paaralan,

agad akong pumasok sa gate matapos icheck ng guard ang bag ko.

Nang makarating na ako sa klase namin ay umupo ako sa upuan ko dahil nagkasalubong lang din kami ng professor namin

Nag umpisa na siyang mag discuss.

Wala sa sarili akong nakikinig sa kanya dahil inaantok pa ako dahil sa nangyari kagabi at lalo na, na ayaw ko sa statistics na subject

So ano ang topic ng ating tinatalakay ngayong Miss Dela Vega?

Agad akong napabulikwat sa kinauupuan ko dahil sa gulat na nasa harap ko na pala ngayon si Miss Alvarez na nakataas pa ang kangyang kaliwang kilay

Tumayo ako at nag alinlangang sumagot kasi kahit ang topic ng aming lesson ngayon ay hindi ko alam

Ah, eh, uhm kasi Ma'am

At bigla nalang akong nakarinig ng isang mahinang boses, at kahit hindi ko masyadong naintindihan ang sagot na nanggaling sa aking kaklaseng lalaki ay agad ko namang sinabi ito kay Miss Alvarez

Ok good Miss Dela Vega, makinig ka na ha, okay?

Agad na itong tumalikod papalayo sa akin,

Sino kaya ang nagbigay sa akin ng sagot at para mapasalamatan ko man lang siya,

Lumingon lingon ako sa paligid

At nang nakita ko si Reuel na nakangiti sa akin ay agad akong nagka roon ng idea,

Alam ko na kung sino ang nag bigay ng sagot na yun, walang iba kundi si Reuel

Nagpasalamat ako sa kanya dahil hindi ko inakala na siya ang makakaligtas sa kalbaryong iyun

He's like a knight in shining armor of mine,

Hays kinilig ako bigla sa kanya....

For your information lang guys si Reuel Francisco ang class president namin sa school at ang top 1 sa klase, kaya nga crush na crush ko siya eh

Kahit titigan niya lang ako ay parang nalulusaw na ang katawan ko at parang tumatalon ako sa tuwa.

Natapos nalang ang klase at wala ako ni isang nalaman sa tinalakay namin sa statistics pwera lang ang pamagat na tinuro pa sa akin.

Lumabas na ako sa University at naglakad na naman pauwi sa bahay..