webnovel

Prologue

"Anakan mo ako."

"Tang*na, anong pinagsasabi mo?"

"Gusto ko ng anak. I-i want to have a child with you."

"Nagbibiro ka yata."

"I'm afraid that I'm not. Seryoso ako, Erik. Gusto kong magkaanak tayo. I want to have a child na ikaw ang ama."

"Angeline, may girlfriend ako!"

" I don't care. Wala akong pake kung may girlfriend ka. Just give me a child, Erik. That's all I want."

"You're crazy."

"I am."

Mistakes, Lies, Betrayal, Pain.

Lahat yan ay bahagi ng buhay kapag nagmamahal ka.

Kung pag-uusapan lang ang pagkakamali, siguro quota na ang guardian angel ko sa pagbibilang kung ilang beses akong nakagawa ng pagkakamali sa buhay ko.

May pagkakamali na malaki.

May pagkakamali din na kahit na mali ay pakiramdam ko ay tama.

Sino ba naman kasing may pakialam sa pagkakamali kung ito rin ang dahilan kung bakit ka masaya?

Pero sabi nga nila, kung ang kasiyahan ay dulot ng isang kamalian kahit kailan ay hindi ito magiging tama.

Maari bang itama ng isang pagkakamali ang dati pang pagkakamali?

Magiging tama ba ang isang pagkakamali kung ang dahilan mo ay pagmamahal?

Hindi ko rin alam.

Hindi ko alam ang sagot.

Pero anuman ang mangyari, handa akong magkamali at magkasala nang paulit-ulit kapalit ng mga sandaling maaari ko siyang makasama.

Mga sandaling nakaw lang para sa aming dalawa.