webnovel

Self Healing Magic

Gusto ni Yman magkaroon ng mahika na makapag pagaling ng may sakit. Para mapagaling ang ina na may karamdaman. Kaya sobrang saya niya dahil ang naka display sa status Job niya ay Healer. Ngunit ang nakalagay sa skill section na magic spell, ay lowest D rank Healing Magic or Self Healing Magic? Unang araw ng mission ng grupo ni Yman sa loob ng itim na butas, kasama ang pinakamagandang transfer student na si Maena. Hanggang saan si Yman dalhin ng kanyang self healing magic? Ano ang naghihintay sa kanila sa loob ng itim na butas? Magtagumpay kaya sila sa kanilang misyon? O di kaya.....

Fhrutz_D_Hollow · Sci-fi
Not enough ratings
98 Chs

Mock Battle

Pag-alis ni Ms. Pai sa classroom, sinilip ni Yman ang relo sa kaliwang braso.

11:45am na pala. Saan kaya matagpuan ang cafeteria dito? Nakakailang naman mag tanong sa ibang estudyante baka malait ulit ako. Search ko nalang sa Interface sana may map sila sa buong building na'to.

"Interface" Bulong ni Yman sabay guhit ng baliktad na '3' sa eri. Nakailang swipe siya bago niya nakita ang word na.....

Buti nalang may 'Map Section'!

Masayang napasigaw sa isip si Yman. Dali-dali niya itong pinindot.

Click!...[Accessing Sitona City Map]

...[Access Denied]! [This map is invalid at your current location] [Please Update Your Map] Mga pop up na lumalabas after niya pindutin ang Map Section.

Whaaat?!

No choice ha, hmn! Ok hahanapin ko nalang.

Growl!

Kulog na nagmula sa kaniyang tiyan.

Lagot nagugutom na ako.

Makalipas ang 30mins...

Medyo nanlalabo na paningin ko. Saan ba kasi...saan kana cafeteria? Na-naligaw na ata ako. Sobrang lawak naman ng lugar na'to.

Bagsak balikat si Yman habang matamlay na naglakad-lakad. Pag liko niya sa eskinita...

"Yun! May pinto baka nandito" Excited na bulong ni Yman.

Dali-dali niya binuksan ang pinto.

Creeeeek!

Boom!

Eh?!

Nagulat si Yman sa kanyang nakita pagbukas ng pinto sa isang silid. Dalawang lalaki ang nakaharap sa isa't isa. Ang isa ay naka suot ng black fitted traning suit, ang isa naman ay blue fitted training suit.

Mga upperclassmen?

Isang kidlat na hugis bola na ibinato ng naka black sa naka blue na lalaki.

Ngunit gamit ang kumikinang na kamay ng naka blue na lalaki ay sinalo niya lamang ang bola ng kidlad.

Ito ang eksina na nadatnan ni Yman pagpasok sa silid.

I-isa ba itong training room?

Sambit sa isip ni Yman. Ang silid na ito ay may halos 250metro pataas at halos 150metro pahaba.

"Hahaha ano kaya mo pa?" Tanong ng naka blue na lalaki.

"Ka-kaya pa senior!.....

....T-tikman mo to!!!!!"

Sumigaw ang naka itim na lalaki habang tumalon ng mataas sa eri. Itinutok nito ang kanyang kanang palad sa kalaban habang ang kaliwa ay nakahawak sa braso ng kanyang kanan at sumigaw ng...

Thunder Clap!

Isang nakakasilaw na kidlat na hugis palad na may isang metro ang taas at lapad ang humulma. Mabilis itong patungo sa naka blue na lalaki.

"rank A magic, Hehe! Pwedi na" Sabi ng lalaking naka blue sabay ngiti.

Bago pa man tumama ang nakakasilaw na kidlat ay mabilis na itinaas ng lalaki ang kaniyang dalawang kamay at itinutok sa paparating na kidlat na hugis palad. Ibinuka niya ang kanyang palad. Isang nakakasilaw na enerhiya ang biglang lumitaw sa kaniyang katawan. Sabay bigkas ng.....

Elemental Shield!

Isang parang maliit na doma ang pumalibot sa naka blue. Para itong manipis na transparent na salamin.

Sa isang iglap lang ay kinuyog ng malakas na kidlat na hugis palad ang shield na manipis na hugis doma.

Isang masakit sa tenga'ng tunog dahil sa friction ng dalawang pwersa ang pumasok sa tenga ni Yman. Nagulat siya sa nangyayari.

Ha?! Nakayanan ng manipis na shield na harangan ang napakalakas na kidlat?

"Mi-Mi-Minamaliit mo ba ang Thunder Clap ko senior?!" Galit na sigaw ng lalaking naka itim.

Heyaaaaaah!!!

Klang!

Isang tunog na tila salaming nabasag ang pumasok sa kanilang tenga.

Klang!

Tatlong sigundo lang itinagal ng manipis na shield at bumigay din ito dahil sa lakas na dala ng kidlat.

"Not bad..." Sabi ng naka blue na lalaki sabay ngiti.

Ngumisi rin ang naka itim na lalaki.

Ilang saglit lang ay tatama na sa naka blue ang kidlat.

"But....." Mahinang sambit ng naka blue.

Biglang kuminang ang kamay nito. Isang Rank B na Hardening spell. Gamit ito ay sinalo ang Rank A na Thunder Clap spell. At bigla naglaho ang Thunder Clap na parang usok sa eri.

*****

Sa pinakataas na palapag ng freshman school building(5th floor). Sampung upuan ang nakapalibot sa bilog na malaking lamesa na nasa gitna ng silid. Walong mga kabataan ang kasalukuyang nakaupo. At may dalawang bakante. Dahil madilim sa silid ay halos hindi maaninag ang mga mukha nito.

"Hehe! Night Slayer nabalitaan namin isa nanamang mahinang magician ang muntik mong patayin" Sabi ng isang boses na lalaki(1).

"Heh!Tinuruan ko lang ng leksyon ang mga insekto sa ibaba" Malamig na pagkasabi ng boses ng isang babae(1).

"Hahaha! Cold-hearted ka talaga kahit kailan hahaha!" Malakas na tawa ng boses lalaki(1).

"Kuku! Wag mong pansinin si Undying, Night Slayer. Gusto ka lang tuksuhin niyan" Sabi ng isa pang boses babae(2).

"Eh? Magkakilala kayo ni Undying, Lady Curse?" Tanong ng isa pang tinig lalaki(2).

"Hindi kami magkakilala ng babaeng yan!" Mabilis na pagtatanggi ni Undying.

"Kuku" Tawa ni Lady Curse.

"Anong balita sa pag recruit mo sa tigre mong kapatid Wolf King?" Tanong ng isa pang boses lalaki(3)

"Hah! Nagmamatigas parin" Sagot ni Wolf King.

"Haha ganun ba. Sayang naman talent niya kung mananatili lang siya sa ibaba" Sabi ng lalaki(3)

"Haha! Ipakita mo lang sa kapatid mo na sa paaralang ito tayong mga nasa itaas ang nasusunod. Tayo ang mga hari at ang nasa baba ay mga alipin lang, na dapat sinusunod kung ano ang ating kagustuhan" Sabi ng isa pang boses lalaki(4)

"Haha! Wag ka masyadong mag mataas Necro Kid" Sabi ng boses lalaki(3)

"Heh~! Sinong sinasabihan mo ng Necro Kid?, Holy Child? este! Holy maiden? Ay! Holy King pala! Hahaha!"

"Ikaw pinaka mahina sa circle na ito Necro kid wag ka magyabang" Sabi ni Holy King.

"Eh?! Talaga ba? Gusto mo duel pa tayo para magkaalaman."

Pang!

Bago mag kainitan ang dalawa ay isang malakas na tunog sa pag palo ng lamesa.

"Tigil na Holy King at Necromancer." Isang mahinahong tunog mula sa isa pang boses lalaki(5)

Tsk!

"Pasalamat ka kay Golden Leon, Holy King" Mainit na sabi ni Necromancer.

"Tumahimik na kayo parating na si Prophet at Black Princess" Mahinahong sabi ni Golden Leon sa mga kasama.

Isang sandali ay bumukas ang pinto.

CreAk! Ennnnnnnng!

*****

Pagkatapos ng laban ng mga upperclassmen. Dahan-dahan umalis si Yman sa training room. Ilang minuto naglakad si Yman para hanapin ang cafeteria. Sa wakas nakita narin niya!

Um'order siya sa counter ng kanin, spaghetti at kare kare. Pagkatapos um'order pumuwisto siya sa bakanteng table. Kunti nalang costumer ng mga oras na iyon dahil medyo late na rin. Kaya maraming bakanteng table. Pumuwesto siya sa tabi ng bintana na may salamin ang nakaharang. Maganda sa puwesto na ito, makikita ang iba ibang klase na bulaklak sa labas. Bigla ay pumasok sa kaniyang isipan ang nangyaring laban.

"Kaya natalo ang rank A spell na Thunder Clap sa rank B na Hardening Spell, ay dahil sa manipis na shield na yun. Pinahina ng Elemental Shield ang effectiveness ng elemental thunder ng kalahati. At dahil sa friction pinahina din ng kalahati ang penetrating force nito. Kaya kahit rank A spell ito, bago ito tumama sa hardening spell na rank B ay naging rank B nalang ito. Kaso nabawasan pa ang bilis nito ng kalahati kaya noong tumama ito sa rank B na Hardening, ay rank -B nalang ang total na lakas nito" Pagpapaliwanag sa isip ni Yman.

Bago matapos kumain si Yman. May mga bagong estudyante na costumer na pumuwisto sa harap ng table ni Yman. Malakas ang mga boses nito na nagku'kwentuhan.

"Congrats friend naglevel 2 breakthrough kana. Sigurado may bago ka na namang spell na natutunan." Sabi ng isang estudyante sa kausap niya.

"Hindi lang bagong skill na'promote pa old skill ko"

"Talaga?"

"Oo! Friend"

"Kailan ulit kayo magapapalevel?"

"Hindi ko pa alam, depende sa mga ka'grupo ko. May nabalitaan kasi leader namin na may bagong itim na butas ang lumitaw sa malapit dito. Mas malaki daw exp na bigay ng mga halimaw doon. At may mga rare drops na items pa ang makukuha."

"Ganun ba?"

"Oo"

"Baka pwedi um'extra sa grupo niyo. Need niyo ba support?"

"Ha? Uhmm, hindi ko alam try ko nalang tanungin leader namin."

Dinig na dinig ni Yman ang pinag-uusapan ng mga ito.

So kahit dito may itim na butas din pala lumalabas?

Mukhang kailangan ko magpalevel din. Kung totoong may bagong skill every level at may promotion pa sa dating kong spell, baka magkaroon ako ng bagong spell na kayang e-heal ang iba at hindi lang Self Healing Magic?! Hehehehe! At hindi lang yun, kung makakuha ako ng mga rare drops na item pwedi ko ito ibinta sa iba sa magandang presyo?

Mukhang wala akong ibang choice kundi gawin ito. Pero ang tanong, paano ako makapagpalevel kung walang gustong magpasali sa akin sa group nila? Medyo malabo ata rule ko sa team. Self Healing Magic? Kailangan ko pag isipan ang lahat ng ito.

Hehe! Mukhang hindi lang dapat ako mag'fucos sa pagiging healer. Kailangan ko din magpalakas. Kung gusto kong pagalingin ang mahal kong ina.... at makasama siya... in future.

Pero bago ang lahat mock battle muna. Sawa na ako maging mahina. Kailangan ko ng maraming koneksyon sa mundo dito at doon.

Matapos kumain ni Yman. Hinanap niya ang room kung saan siya titira habang narito sa mundong ito. Pagpasok sa loob agad siyang nagbihis at umupo sa malambot na sofa. Pinikit niya ang kanyang mga mata at unti unting naglakbay ang kanyang isip sa kadiliman.