webnovel

Self Healing Magic

Gusto ni Yman magkaroon ng mahika na makapag pagaling ng may sakit. Para mapagaling ang ina na may karamdaman. Kaya sobrang saya niya dahil ang naka display sa status Job niya ay Healer. Ngunit ang nakalagay sa skill section na magic spell, ay lowest D rank Healing Magic or Self Healing Magic? Unang araw ng mission ng grupo ni Yman sa loob ng itim na butas, kasama ang pinakamagandang transfer student na si Maena. Hanggang saan si Yman dalhin ng kanyang self healing magic? Ano ang naghihintay sa kanila sa loob ng itim na butas? Magtagumpay kaya sila sa kanilang misyon? O di kaya.....

Fhrutz_D_Hollow · Sci-fi
Not enough ratings
98 Chs

Jacky, Cross, and Stoff...

Teleport Station Express: Ang lugar kung saan pwede makapagtravel patawid sa ibang mundo.

Sa loob ng lobby, dalawang nagpupugiang mga binata at isang magandang dilag na may hanggang balikat na kulay brown na buhok na may milky white highlight sa may bandang bangs. Nakasuot ang dilag ng kulay asul at itim na dress na above knee length. Ito ay uniporme mula sa West Middle Region Magic High School. May magandang bilugin na mga mga mata at brownish na mga pupils.

Ang dalawang binata ay nakasuot din ng unipormeng may kulay asul at itim gaya ng sa dilag. Ang longsleeve dress na kanilang suot ay pinaresan ng kulay itim na pantalon. Makikita naman ang logo ng kanilang school sa may bandang kaliwang bahagi ng kanilang dibdib. Nanlilisik na mga matang kulay dilaw at matutulis na kuko ang nakadungaw sa taas ng bilog na may bilog din sa gitna.

Ang isang binata ay may wavy na medium length na kulay asul na buhok. At sa kanyang mga mata may malinaw na salamin ang nakasabit. May tangkad itong 5'7 na talampakan.

Ang isa namang binata ay may medyo maikling buhok na kulay kape gatas. Kanyang deep set na almond eyes ay lalong nagpadagdag sa kanyang kapugian. May tangkad itong 5'8 na talampakan.

Parehong may makikinis na balat ang tatlong kabataan.

Nakaupo sila sa upuan ng lobby, kung saan katabi ng dilag sa kanyang kaliwa ang lalaking may maikling kape gatas na buhok, at sa kaliwa naman ng lalaki ay ang lalaking may salamin. Sa kanang bahagi ng babae ay may isang bakanteng upuan. Medyo maraming tao nakaupo sa lobby at tanging ang upuan lang iyon ang bakante.

Kahit na may makikitang ibang tao na nakatayo, ay wala manlang naglakas loob na umupo sa upuang iyon. Siguro naiilang sila sa ganda ng babae. O naiilang sila sa mga kasama niyang nagpupugian. Hindi lang yun, mararamdaman din na hindi basta basta ang mga kabataang ito.

Base sa ekspresyon ng kanilang mga mukha, ay mukhang may hinihintay sila rito.

"Wala parin bang mail mula kay Lily, Babe?" Tanong ng lalaking may maikling buhok na katabing babae.

"Wala parin, babe." Sagot naman ng dilag na kanyang katabi.

"Huwag kang mag-alala Cross, siguradong parating nadin yun. Alam mo naman si Pres. Lily. Siguradong may dahilan kaya na late siya ng dating," sabi ng lalaking nakasalamin sa lalaking katabi niya.

"Hm...balita ko umaatake na naman kasi ang mga halimaw sa bandang kanluran ng siyudad natin. Siguro tumulong pa yun para lipulin ang mga halimaw. Alam niyo naman na lagi nalang huli sa pagdating ang mga sundalong magician. Kaya nga kay Pres. Lily parati inaasa ang depensa sa siyudad natin." Sabi ng babae habang pinipindot ang holographic screen na makikita sa ere na nasa kanyang harapan.

Ang holographic screen na ito ay may 6 inches lamang ang taas at 3 inches na lapad. Ito ang bagong update ng System Interface. Pwede na i-adjust ang laki, base kung saan mas komportable ang gumagamit. Pwede rin itong naka-hide kung saan ikaw lang ang makakakita. O di kaya naka-show para makita din ng iba.

"Sabagay, kahit naman hindi makasali si Pres. Lily sa praktis match natin bukas sa taga East ay wala namang problema."

Sabi ng lalaking may maikling kulay kape gatas na buhok. Ang kanyang pangalan ay Cross.

"Haha, oo, at feeling ko mananalo parin tayo kahit wala si Pres, Lily." Nakangising sabi ng lalaking naka salamin.

"Mm...hindi tayo sure diyan, balita ko malakas ang mga estudyante sa taga East ngayon. At narinig ko rin na napakaganda ng kanilang leader." Pagbara ng babae sa kanyang kasama na nakasalamin.

"Ah si Miss Almina Amulet ba ang tinutukoy mo, Babe?" Tanong ni Cross sa katabing babae. Base tawag nito, mukhang magsyota ang dalawang ito.

"Oo, babe, pano mo nalaman ang pangalan niya? Don't tell me, ex mo siya? O baka naman tino-two-time mona kami," medyo nagdududang tanong ng dilag sa kanyang nobyo.

"Ahaha, imposible yun babe. Para sa akin mas maganda kapa rin dun." Paninigurado naman ni Cross para hindi magselos ang nobya.

"Eh, pano mo nalaman ang pangalan niya?" Nagdududa paring tanong ng nobya.

"Ah, minsan na kasi kaming dumalo sa birthday party ng family niya. Kami ng parents ko. Magkaibigan kasi ang dad ko at dad niya." Pagpapaliwanag ni Cross sa nobya.

"Hmm..."

"Huwag kang mag-alala Jack, akong bahala kay Miss Almina. Bukas pagnatalo natin sila yayain ko yung makipag-date sa akin." Biglang singit ng lalaking may salamin.

"Hmph, umandar na naman pagka-chikboy mo, Stoff." Inirapan ng dilag na tinatawag na Jack ang lalaking nakasalamin. Pero ang totoo niyang pangalan ay Jacky. At ang lalaki naman na nakasalamin ay si Stoff. Isang half-chinese.

"Hahaha..." tumawa si Cross dahil sa sinabi ng nobya sa kaibigan. Kaalaman na ng lahat sa WMRMHS ang pagiging babaero ni Stoff. Kaya ganun nalang kung irapan siya ni Jacky.

"Pufft! Hindi ko naman kasalanan na maraming nagkakagusto sa akin. Sa pogi ko ba namang ito. Siguradong isang kindat ko lang mapapa-yes sa akin agad ang Almina'ng yun." Bilib sa sariling sabi ni Stoff.

Hindi na nakasagot pa si Jacky nang maramdaman na may biglang umupo sa bakanteng upuan na nasa kanyang kanan. Nasagid ng umupo ang kanyang braso na nakapatong sa armchair nito. Dahil dito ay nagkadikit ang kanilang mga braso.

Nakasuot ng puting t-shirt na pinaresan ng itim na jeans ang lalaking umupo.

Sa kanyang balikat ay may nakapatong na itim na jacket. Naka-brush up naman ang kanyang halatang bagong gupit na buhok. Habang may nakasabit na itim na sunglasses sa kanyang mga mata. Pumasok sa kanyang ilong ang pabangong gamit nito. Na lalong nag padagdag sa kanyang sex-appeal. Biglang na mesmerize ng saglit si Jacky. Kung hindi lang dahil sa sadyang paghagod ng lalamunan ni Cross ay baka hindi agad siya matauhan. Kung titingnan ng maayos, ay kapansin pansin na magkasingtangkad sila ni Cross.

Lumingon ng bahagya ang lalaki at nagsorry kay Jacky dahil sa pagka-dampi ng kanilang mga balat. Agad din nitong binawi ang nakapatong na braso sa armchair ni Jacky. Bilis naman na sumagot siya ng okay lang.

Napakunot ng noo si Cross at Stoff sa lalaki. Hindi nila nagustuhan ang ginawa nitong pagpatong ng braso sa armchair ni Jacky.

Pero hindi ito binigyang pansin ng lalaki. Napatitig ito ng saglit sa kanilang direksyon. Mukhang tiningnan ang kanilang unipormeng suot. Pagkatapos ay diretso na ang mukha nito sa harapan at hindi na lumingon pa.

Dahil sa pagdating ng lalaking ito ay naputol ang kanilang topic. At natahimik ng ilang minuto. Hindi nila alam kung may hinintay din ba ang lalaking ito or kung ano man. Pero hindi ito nagsasalita at nakapukos lang ang mukha sa harapan. Siguro umiidlip ito habang may hinihintay.

Ilang sandali ay nakahanap ng paraan si Cross para mabasag ang awkward na katahimikan: "Anong oras ang praktis match natin bukas, babe?" Tanong niya sa kasintahan.

Biglang napaisip si Jacky at inaalala kung anong oras ngaba: "Ang sabi ni Principal Noy ay mga 4 am alis natin para makakarating tayo sa EMRMHS ng mga 8 am. Magkakaroon pa tayo ng dalawang oras na pahinga bago mag-umpisa ang praktis match."

Pagkatapos magpaliwanag ni Jacky sa nobyo ay napansin nila na nakalingon sa kanila ng bahagya ang lalaki sa tabi.