webnovel

Seduced By A Lesbian (Filipino/Tagalog)

Samantha was in a nine year relationship with her boyfriend, Janus. She gave up everything just for him. Her life, her family, her finances, and even her virginity. Kasal na nga lang ang kulang sa kanila. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Janus left him with no idea. Ibinigay naman niya ang lahat ng meron siya, ngunit iniwan pa rin siya. At sa huli ay nalaman niya pang sa iba na pala ito ikakasal at engage na pala si Janus for almost a year! Pakiramdam niya tuloy ay pinagsakluban siya ng langit at lupa nang malaman niya iyong masamang balita. Until she met Allison, a dominant lesbian. And also her neighbor who was secretly obsessed with Samantha for five fucking years! When Samantha offers herself to be a submissive of Allison, She didn't waste her time to claimed Samantha's body. Ginawa iyon ni Samantha dahil feeling niya, ay iyon lamang ang tanging paraan para makalimutan ang ex-boyfriend niyang nang gago at nanloko sa kanya. But what if Samantha finds out who's the reason of their broke up? Will she continue to be a submissive for Allison whom she gradually loves? *** Note: BDSM MATURED CONTENT GxG

EmilySuperb · LGBT+
Not enough ratings
26 Chs

Chapter 2

Napabalikwas ako nang mapansing wala ako sa kwarto ko, puting pader at puting kisame ang nakikita ko. Ito na yata ang pinaka mahaba kong tulog mula noong iniwan ako ni Janus.

"Bakla ka!!!" Humahangos na napatakbo palapit sa akin si Cheska na galing sa labas ng kwartong ito. Inilibot ko pa ang paningin ko at napansing nasa hospital ako.

"Anong ginagawa ko rito?" May sakit ba ako? Mamamatay na ba ako?

"Langong lango ka sa alak. Ni hindi ka gumigising kaya isinugod na kita dito. Buti nalang tinulungan ako ng kapitbahay mo na buhatin ka! Ano na bang nangyayari sayo?" Ito na naman ang bibig nyang tila hindi napapagod na sermon na naman ang bumungad sakin, nakakarindi. Pero bakas sa kanyang mukha ang pag aaalala sa kalagayan ko.

"Wala akong matandaan." Prente akong sumandal sa head board ng hospital bed. Akala ko naman may nakamamatay na akong sakit kung makapag alala naman itong si Cheska. Binatukan nya ako, kahit na alam nyang may hang over pa ako. Well, ang naaalala ko lang naman ay tinungga ko yung natirang Black Label sa ref ko. Nagtataka nga ako dahil parang humina na ang alcohol tolerance ko.

"Ano bang balak mo sa sarili mo? Magising ka nga! Hindi lang si Janus ang lalaki sa mundo!" Daig pa nya si mommy kung makapag sermon. Niyakap ko nalang ang beywang nya at nagpa cute sa kanya para matigil na sya sa pagkuda. "Huwag mo akong idaan dyan sa pagpapacute mo!"

"Ow, sorry if I disturbed you two. I just drop by to bought food for you." Mula sa labas ng hospital room ay sumulpot ang isang matangkad, morena at gupit lalaking lesbian. Kung hindi lang sya nagsalita ay baka mapagkamalan ko syang totoong lalaki.

"Uy, thank you Ali!" Agad namang bumitaw si Cheska sa yakapan naming dalawa at dun sya sa tinawag nyang Ali nag pacute. Ngumiti lang ito at inilapag na ang binili nyang pagkain.

"I'm leaving, I might be late for work. I'm glad I met you, Cheska." Kinamayan sya nung Ali at kinikilig kilig pa nga ang gagang si Cheska. Sinilip ako nung Ali at kumaway sa akin "And for my neighbor, get well soon." Matamis itong ngumiti at umalis na. Mataman ko namang tinignan ang malanding si Cheska na parang hinihintay pa yatang bumalik yung lesbian.

"Anong kalandian yan Cheska?" Sa tagal naming pagiging magkaibigan ngayon ko lang sya nakitang kilig na kilig tapos sa lesbian pa.

"Hoy! Aminin mo mas gwapo yun kay Janus!" Napailing na lang ako. Mas guwapo pa rin si Janus no, at isa pa may six pack abs pa yun kahit na malakas syang kumain.

"Sino ba yun?" Medyo nacurious lang naman ako, dahil hindi naman sya pamilyar sa akin.

"Allison daw pangalan nya e. Saka sya yung kapitbahay mo na bumuhat sayo!" Pinamulahan naman ako sa sinabi ni Cheska. Wala pang ibang nakakabuhat sa akin kundi si Janus palang. Ni ayaw ko nga madidikit ang balat ko sa iba dahil pakiramdam ko ay niloloko ko na agad si Janus. "Girl, pwede ba akong lumipat sa condo mo?" Pataas taas pa sya ng kilay na parang may binabalak syang masama dun sa Allison na 'yon.

"Pwede ba Cheska, itigil mo yang kalandian mo. Straight ka di ba? Paanong papatol ka sa lesbian?" Padabog syang naupo sa paanan ko habang nilalantakan na ang pagkaing binili ni Allison.

"Bakit, hindi ba pwede? Sabi kaya ng mga friends ko masarap daw magmahal ang mga lesbians." Dahan dahan syang lumapit sakin at bumulong sa tainga ko. "At magaling pa sa, alam mo na!" Kinindatan pa ako ni Cheska. Alam ko na ang ibig nyang sabihin, pag sex talaga buhay na buhay ang pagkatao ng babaeng 'to e.

"Kadiri ka!" Kinuha ko na rin ang pagkain na para sa akin. Matagal tagal na ring hindi ako nagkakakain. Mukha na kong kalansay sa itsura ko, baka kapag nakita ako ni Janus ulit ay matakot lang yun sakin at di na ko tuluyang balikan.

"Hey! Look!" Mabubulunan pang iniabot sa akin ni Cheska yung cellphone niya. Marahas ko naman yung kinuha nang makita kong muli ang picture ni Janus kasama ang mga kaibigan nya. Pinapagitnaan pa sya ng dalawang babae na hindi ko kilala. "Tignan mo! Sinasabi ko na nga ba may babae na naman yan e!"

Nakaramdam ako ng pananakit ng puso ko, paano kaya nagagawa ni Janus na magpakasaya kung alam nyang lugmok na lugmok ako nung iniwan nya? Hindi man lang ba sya nakokonsensya?

"Baka kaibigan nya lang." Malungkot kong pagtatanggol kay Janus habang sinu-zoom ang litratong iyon. Halos dikit na dikit pa ang katawan nya sa dalawang babae habang nakaakbay pa.

"Samantha! Baka gusto mong magising sa katotohanan?" Matamlay kong ibinalik sa kanya ang cellphone nya. Nakaramdam ako ng panghihina ng katawan. Yung mga ngiti ni Janus, para syang nakawala sa hawla na ikinulong ng mahabang panahon. Para bang ang saya saya nya pa na wala na ako sa tabi nya.

"Ano bang ginagawa mo?" Inis kong saad ng makitang nag seselfie si Cheska na kasama ako. Wala man lang akong kaayos ayos. Baka makita pa ni Janus na sobrang miserable ko at ang pangit ko na, unlike his friends na parang binanat ang pagmumukha.

"Upload ko 'to para makita ni Janus." Akto namang bubuksan nya na ulit yung Instagram account nya. "Malay mo, maawa sya sayo tapos balikan ka nya."

Babalikan nya ako para sa awa? Nakakalungkot namang isipin yun. Gusto ko balikan ako ni Janus dahil mahal pa nya ako.

"Ms. Samantha, pwede ka ng lumabas." Nakangiting balita sa amin ng doctor matapos ang ilang oras kong pananatili sa hospital. "Make sure na mag aaya ka ng kainuman sa susunod." Sabay sabay kaming natawa sa loob ng opisina ng doctor.

Napatigil ako sa pagtawa. As if I missed laughing. Hindi ko na maalala kung kailan ba ako huling naging masaya. Basta ang alam ko ay si Janus lang ang kaligayahan ko.

Ali's Photography

Nakita ko ang isang calling card na nasa passenger's seat.

"Teka nga lang muna!" Hinarang ko si Cheska na pasakay na sa sasakyan. Pinag awayan pa muna namin kung sino ang magdadrive, pero wala akong nagawa kasi mapilit sya. Baka daw kung mapano ako. "Pinasakay mo ba dito sa kotse ko yung Allison na 'yon?"

"Aba syempre! Alangan naman lakarin namin mula sa condo mo hanggang dito?" Inis nyang saad.

"Alam mong hindi pwede! Alam mong magagalit si Ja--" Natigilan ako ng putulin nya ang pagsasalita ko.

"Janus na naman? Wala na si Janus hindi na sya babalik." Nasanay lang naman ako na palagi akong sinesermunan ni Janus kapag nalalaman nyang may iba akong isinasakay sa kotse. Maging si Cheska nga ay halos ngayon lang din nakasakay sa kotse ko.

"Oh!" Iniabot ko kay Cheska yung calling card ni Allison sa kanya at kilig na kilig naman ang gaga. Hindi ko na sinira ang kaligayahan nya, baka kailangan nya na din talagang mag jowa. Simula kasi nung nag work sya sa coffee shop ko bilang manager, halos lahat ng manliligaw nya binasted nya. Priority daw nya kasi ang Mugs Coffee, at sobrang thankful naman ako sa pagiging loyal nya.

Ibinaba ko sya sa Mugs Coffee dahil may mga reports pa daw syang aasikasuhin habang ako naman ay nagdrive na pauwi sa condo. Wala naman kasi akong ibang pupuntahan pa, wala pa akong gana mag liwaliw sa ngayon. Hindi katulad noon na kahit saan ako magpunta basta kasama ko si Janus.

"J-Janus?" Nabigla ako nang makitang prenteng nakaupo si Janus sa sofa habang kandong si Chloe. Makailang beses ko na ring kinusot ang mga mata ko para paniwalain ang sariling si Janus nga ang nakikita ko. Masaya nyang nilalaro si Chloe na halatang namiss ito. Nakatabi rin sa kanya ang maletang ginamit nya noong umalis sya rito sa condo. Babalik na ba sya?

Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya at masaya syang niyakap. Ngunit hindi yata sya masayang nakita ako, dahil sa mahinang pagtulak nya sa akin.

"Ahh." Napakamot sya sa ulo nya, parang naguilty sa ginawa nyang pagtulak sa akin. Pero hindi pa rin ako tumigil at siniksik pa ang sarili sa kanya. "Dumiretsyo ako rito galing airport. Balita ko ay nahospital ka?" Natuwa naman ang puso ko sa sinabi nyang 'yon, nag aalala pa rin ba sya sakin? Naiimagine ko tuloy ang pagmamadali nya para lang makita ako. Kailangan ko yatang pasalamatan si Cheska sa pagpost nya ng picture namin kahit na ang pangit ko pa dun!

"Babalik ka na ba?" Para akong baliw na nakangiti habang pilit na idinidikit ang mukha ko sa mukha nya. Gusto ko syang halikan! Miss na miss ko na ang mga halik nya. Pero pilit nyang inilalayo ang sarili na para bang nandidiri sya sa akin.

"Bumalik lang ako dito para kunin si Chloe." Ang kaninang pinipigilan ko pang luha ay nagsimula ng tumulo lalo pa ng tumayo sya at aktong muling bubuhatin si Chloe. Tumayo na rin ako at niyakap sya.

"Ja, bumalik ka na. Dito ka nalang ulit." Pagmamakaawa ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko upang hindi na sya mawala pa. Ayoko. Ayoko ng mawala pa sya ulit sa akin. Gustong gusto ko sya ipagdamot sa mundo, kasi akin sya e. Akin lang sya.

Naramdaman ko ang marahan nyang paghimas sa pisngi ko. Nakaramdam ako ng pagkirot sa puso ko. Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Bakit nasasaktan pa rin ako gayung, ito na nga oh, nasa harapan ko na ulit yung pinakamamahal ko. 

Tiningala ko sya upang titigan ang kanyang mukha. Ngunit ang kanina ko pang gustong paghalik sa kanya ay sya na mismo ang gumawa. Sinakop na nya ang labi ko. Muling namang tumulo ang mga luha ko sa hindi ko malaman na dahilan. Sumidhi ang pagkasabik ko sa mga halik nya ng ipasok nya ang dila nya sa bibig ko. Mukhang mali ako ng iniisip sa kanya, hindi naman sya magiging ganito kasabik sa akin kung meron syang ibang babae.

Iglap lang ay nakakandong na ako sa kanya matapos ko syang itulak paupo ng sofa. Ipinuwesto ko ang sarili sa matigas na nakaumbok sa pantalon nya. Baka kailangan kong galingan, baka kailangan kong maging wild para hindi na sya umalis, para hindi na nya ko muling iwan.

Mas lalo kong ikiniskis ang sarili sa kanyang umbok na ramdam kong mas lumalaki at tumitigas. Parehas kaming napaungol sa ginagawa ko nang iindayog ko ang aking balakang. Kita ko sa mga mata ni Janus ang sarap kaya mas lalo ko pang iginiling ang balakang ko.

Kinuha ko ang kamay nya at inilagay ko sa malusog kong dibdib na mariin naman nyang nilakumos. Hindi na marahil sya nakapag pigil ng hubarin nya ang damit ko at tanggalin ang nakaharang kong bra. Wala na rin syang sinayang na oras at agad na sinakop ng kanyang bibig ang nipples ko. Napaliyad ako sa sarap na dulot ng pagdila at pagsipsip nya roon na naging dahilan para mapasabunot ako sa buhok nya.

Marahas nya akong itinulak pahiga sa sofa nang hindi na nya mapigilan pa ang sidhi ng nararamdaman nya. Nakita nya ang malungkot kong mata na patuloy pa rin sa pagtulo ang luha.

"Please don't cry." Pinunasan nya ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki bago muling sinakop ang mga labi ko. Muling bumaba ang mga halik nya sa dibdib ko, sa tyan ko, pati na rin sa puson ko. Napapaliyad na lamang ako sa sarap ng halik na pinaparamdam nya at hindi ko na alam pa kung saan ibabaling ang ulo ko.

Tumingin sya sakin habang nakatitig sa malungkot kong mga mata. Tila humihingi sya ng permiso sa susunod nyang gagawin, tanging tango lamang ang naisagot ko at binigyan nya ng magaang halik ang mapuputi kong hita.

"I love you." Sambit ko. Ngunit hindi sya sumagot. Sa halip ay ibinababa nya ang short ko kasama ang manipis kong undies at ibinuka ang mga hita ko. Nanginginig akong napakagat labi, pakiramdam ko ay ito ang una naming pagkakataon na mag sex sa tagal ng panahon na hindi namin ito nagawa.

"Ahhh!!" Isang mahabang ungol ang nakawala sa bibig ko ng maramdaman ko ang mainit na dilang dumikit sa kaselanan ko. Hindi ko na alam pa kung saan ako kakapit dahil sa sarap ng dulot ng pagdila ni Janus. Halos mabaliw ako nang maramdaman ko ang kamay ni Janus na nilalaro ang aking kaselanan. Hawak rin nya ang binti ko na tila pinipigilan ang panginginig dahil sa sarap na nararamdaman ko.

"Ohh!!" My lips literally formed an O when I felt Janus' teeth on my clit. Parang gusto ko ng mahimatay when Janus suck it gently. Ayoko na! Ayoko ng matapos 'to! Ang kaninang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ay napalitan ng luha dahil sa sarap.

Naputol ang pag ungol ko ng makita ko syang binabaklas na ang kanyang sinturon at ibinaba na ang kanyang pantalon. Maging ang tshirt nya ay hinubad na rin nya, tila handang handa na para sa gyera. Ipinusisyon nya ang sarili sa kaselanan ko, I know it won't be hard for him since I'm already wet down there.

"Ahhh! Janus!"

I screamed when I felt Janus moved inside me. Para akong muling navirginan dahil sa sakit na naramdaman ko. Ngunit sa kabila ng sakit ay ramdam ko ang sarap na pinagsasaluhan namin. Para akong mababaliw sa sarap na ipinaparanas sakin ni Janus.

Isang mariin at mabilis na pag ulos ang nagpasigaw sa amin ni Janus nang parehas naming maabot ang sukdulan. Hindi ako makapaniwalang sabik na sabik sa akin si Janus na ngayon ay nakadapa na sa ibabaw ko. Tahimik syang nakapikit at dinig na dinig ko ang pag hingal nya. Maging ako ay napapikit na rin dahil sa pinagsamang antok at pagod.

***

"Janus?" Nagising ako mula sa himbing na pagkakatulog. Wala na si Janus na kanina lang ay nakatulog sa ibabaw ko. Napangiwi ako sa pagbangon ko ng maramdaman ang sakit sa maselan kong parte. Balot rin ako ng kumot na paniguradong si Janus ang may gawa. Hindi ako makapaniwalang muli syang bumalik sa piling ko.

"Janus?" Patuloy kong tawag sa kanya ngunit walang sumasagot. Inilibot ko ang sarili sa kabuuan ng condo ngunit hindi ko sya natagpuan. Muli na naman akong binalot ng kalungkutan. Hanggang sa natagpuan ko ang isang pirasong papel na nakapatong sa coffee table.

"I'm sorry." At muli na namang tumulo ang mga luha ko. I even shouted in pain dahil hindi ko na alam kung paano ko pa mailalabas ang sakit na nararamdaman ko. Itinapon ko ang mga bagay na nasa paligid ko, mag mula sa frames, flower vase, itinaob ko rin ang coffee table na nasa harap ko.

"Tangina!" Napahagulgol na lamang akong makita ang sarili sa isang basag na salamin. Malalim ang eyebags. Namumugto ang mga mata at lubog na ang panga.

Nakakaawa ka Sam.

Nakakaawa.

Kinuha ko ang kapirasong basag na salamin at marahas na itinapat sa pulso ko. Mas mabuti nalang siguro na mamatay na ako, tutal naman wala na yung taong dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay. Desidido na akong tapusin na 'tong buhay ko.

"Hey!" Nanlalabo ang paningin kong nilingon ang pinto. Hindi ko sya masyadong maaninag dahil sa labo ng mata kong nahaharangan ng mga luha ko. Naramdaman ko na rin ang hapdi na dumampi sa pulso ko ng dumikit na doon ang salamin na hawak ko.

"Ano ba!" Basag ang tinig kong napasigaw ng agawin ng taong ito ang basag na salamin.

"Huwag mong balakin na sayangin ang buhay mo!" Sya na ang nagpunas sa mga luha ko kaya naging klaro na ang paningin ko. "I'm sorry kung pumasok ako, narinig ko kasi na may nababasag dito." Si Allison ang nasa harap ko. Tama nga si Cheska, gwapo nga sya sa malapitan. Aakalain talaga na lalaki sya dahil sa gupit nya at sa pananamit nya.

"Kanina pa ako kumakatok kaso walang nagbubukas." Hikbi lang ang naisagot ko. Ano ba 'tong naglalaro sa isip ko? Bakit ba ako nakatitig sa lesbian na ito? "Hindi naman nakalock yung pinto, kaya pumasok na ako."

Natauhan ako ng maalalang wala nga pala akong suot na damit at tanging kumot lang ang bumabalot sa nakahubad kong katawan.

"Don't worry, wala akong nakita." Saad nito na iniiwas ang tingin sakin.

"Pwede ka ng lumabas." Mahina kong sambit. Para akong nawalan ng lakas sa pagwawalang ginawa ko. Ngayon ko lang narealize na mas gumulo ang itsura ng condo ko.

"No I can't, baka kung ano pang mangyari sayo."

"I don't need you! I want to be alone!" Napasinghap sya. This attitude came from pain, I wasn't always like this. Ni hindi ko kayang magsungit noon dahil naguguilty ako.

Marahan syang tumayo nang hindi ko tinitignan.

"If you need something, katok ka lang sa kabila. By the way I'm Allison. You can call me Ali." Relax nyang sambit at tuluyan na syang nagpaalam.

Ang kaninang hawak ko na salamin ay tuluyan ko ng tinapon sa kung saan. Maybe that lesbian Allison, saved me from my loneliness. Bigla na lang syang lumitaw at inilayo ako sa pagpapakamatay.

I think I should thank her.