webnovel

Chapter 1: Meet the Characters

[Agent Z's POV]

Today is the day that I will disguise as a nerd, a typical nerd. May malaking eyeglass, gelled hair, maraming books, at mahina. Ang hirap pala nito.

Sumakay na ako sa kotseng ipinadala ni gov. para ihatid ako sa kanilang bahay. Yes, doon din pala ako titira bwisit talagang boss yon hindi pa kinumpleto ang detalye. Hanep, may isang maletang gamit na pala akong pinahanda niya.

-----------

Delvalle's Mansion

[Haley's Pov]

Hello, Im Haley Sia Delvalle, the daughter of gov. Arnolfo Delvalle.

Sabi ni Dad kahapon may papatirahin daw siya ditong anak ng kumpadre niya at lagi ko daw siyang isasama kahit saan.Ano siya bata? Eh magkasing edad lang naman kami. Pero dad said na mahiyain daw ito and a subject of bullying. Hindi nga niya ako binigyan ng body guard pero parang ako pa ang ginawa niyang body guard.

*ding...dong..(Dantes?) ding... dong.(Abansado?)..*

"ya, paki bukas nga po ng pinto baka nandiyan na ang anak ng kumpadre ko." utos ni dad sa isang katulong. Nandito kasi kami ngayon sa hapag kainan eating our breakfast.

"Yes sir" sagot naman ni yaya fe.

Ilang sandali lang dumating na si yaya Fe at may dala-dalang maleta. Then isang Nerd guy.

"Good morning po" nakayuko nitong bati.

"Good morning din Symon , hali ka sumabay ka na sa amin" yaya ni dad.

Umupo naman siya sa kaharap kong upuan. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Symon, this is Haley my daughter" pakilala ni Dad sa akin.

"Hi" bati niya naman.

"Hello" bati ko pabalik.

---------------

Malapit na talaga akong matawa sa sarili ko. Yuko na lang ako ng yoko para hindi halata na hindi ako sanay sa disguise na to.

Pagkatapos kumain, sumabay na ako kay Haley papunta sa Lavender University. Sunod lang ako ng sunod sa kanya papunta sa ABM building. Ang sarap nga tusukin ang mga estudyanteng tingin ng tingin. Pero hindi ko naman sila masisisi Nerd ba naman ang kasama ng magandang anak ng Governor.

Nang malapit na sana kami sa room kaso hinarang kami ng mukhang bangag na 3 lalaki.

"Hey, Haley" ngising bati ng leader ata nila. ang sarap tirisin akala mo kung sinong maangas.

"Anong kailangan mo?" malditang tanong ni Sia na lang para hindi mahaba. Kawawa naman si Ms. Author.

"Ikaw" sagot naman ng lalaki.

"Ilang ulit ko bang sabihing hindi kita gusto, Kaya umalis na kayo sa harapan ko" matigas na litanya ni Sia. Ang tapang ng babaeng to.

"Sa Ayaw at gusto mo magiging akin ka din Sia" tugon pa nito.

"it will never happen, Dream on Lance" nakataas kilay pang tugon ni Sia, Lance pala pangalan ng leader ng bangag group nato well wala sila sa kalingkingan ng team ko. Woah kaya pala ayaw niya ng Bodyguard dahil kaya niya naman ang sarili niya.

"Let see" huling sabi ni Lance. Bago kami nilampasan, masama ang kutob ko sa lalaking yon.

Dumiretso na kami sa room namin. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat sa loob. May nagchichikahan, may nakaubob lang, may nagbabasa,may nakahawak sa cellphone at may mga nagpapaganda.

Lumapit si Sia sa dalawang babae sa likod kaya sumunod din ako.

"Hi girls" bati ng huli sa dalawa.

"Hi, haley" bati ng babaeng may blonde ang buhok na hanggang balikat.

"Yo" maiksing tugon naman ng isang babaeng tahimik na hanggang leeg ang haba ng buhok.

"Girls, this is Symon anak na kumpadre ni Dad" turo niya sa akin.

"I'm Belle, Mr. Nerd" nakasmile na sabi ng may blonde ang buhok.

"Angelique" maiksing sabi naman ng isa.

"hello" maiksi kong sabi.

------

Umupo  ako sa gilid ni Sia, anim kasi ang upuan by line.

Pagkalipas ng ilang sandali ay dumating na ang Adviser nami.

"Good morning" Bati nito.

"Good morning Miss Go" bati naman ng mga kaklase ko.

"May tatlong transferee pala tayo, I think isa palang ang andito. Mr at the back kindly introduce your name in front" litanya pa ng guro sabay patayo sa akin. 

"hi, Im Symon Sandoval, 19" maiksi kong pakilala.

"uso pa pala ang nerd na lalaki ngayon" bulong ng isang babae.

"cute sana kaso nerd" ani naman ng isa.

"hahahah"tawanan ng grupo nong Lance.

"Shut up" Sigaw ni Miss Go kaya tumahimik na sila. Mga isip bata . Tss.

*knock..knock knock*

At may dalawang lalaking pumasok.

"Hi maam sorry we're late" Ani ng isa. Napanganga ako ng namukhaan ko ang dalawang ka team ko.

"Okay, Introduce yourselves" ani ni maam.

"Hey I'm Dylan So, 19 single" pakilala ni Yohan sa sarili.

"I'm Cyril Lee, 19" maikling tugon naman ni Xander. Ang gaganda ng pangalan ng dalawa. Tapos ang daya hindi sila naka disguise.

[Yohan/Y/Dylan's PoV]

Tinawagan kami ni Agent head/ kapatid ni Z na magtransfer daw kami sa pinapasukan ni Z kaya nagmadali kaming dalawa. Na late tuloy kami pero mabuti na lang at hindi kami pinagalitan. Pagtingin ko sa pwesto ni Z sa likod at halata pa sa mukha na nagtataka siya. Cute Nerd pala siya haha. Nakakatawa pa ang pangalan niya parang pang matanda buti pa ang akin. "Dylan So".

Pagkatapos naming magpakilala at doon namin napiling umupo sa dalawang bakanteng upuuan sa tabi niya.

Mainis nga..

"Hi Symon" bulong ko sa kanya.

"Shut your mouth, And what are you doing here diba standby lang kayo?" he said. MAinitin talaga ang ulo nito. Hindi ako umimik sa kanya. Pfft sabi niya shut up daw eh. Humarap siya sa akin at sinamaan ako ng tingin dahil hindi ko siya sinagot.

"Hindi ka talga mabiro SYMON" enemphasize ko pa ang pangalan niya.

Sinamaan niya ulit ako ng tingin.

"Fine,, head told us to be here" Sagot ko at humarap na sa guro namin dahil nagsisimula na siyang magturo.