webnovel

Scattered Flower #1 [TAGALOG]

Jennica is secretly in love with her bestfriend Lourdes. She hid it for five years but by accident her bestfriend found out . Lourdes can't accept that Jennica has feelings for her so she avoids her friend. Until one day she just found out that Lourdes has a boyfriend, there is really no hope for the person she loves. The rose she was holding began to scatter and be blown away by the wind like a flying petals she will also leave to forget all the pain she received.

Binibining6IX · Others
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 8

" Miss..  Tokio." napatingin naman ako sa aming professor ng tawagin niya ang apelyido ko.

Ano naman kaya ang kailangan nito sa akin, tumayo ako at lumapit sakanya.

" Ano po?." tanong ko kay Mrs. Arevalos professor namin sa taxation class.

" You've got 24 straight correct answer, Bakit walang sagot ang ibang question?." takang tanong sakin ni Mrs. Arevalos.

Napatingin naman ako sa papel ko na hawak hawak niya.

" Ah-kasi." napatingin ako kay Lourdes na nakatingin lang sa lamesa niya.

Ngumiti ako sa professor ko.

" Hindi ko po alam ang sagot." ngiting sagot ko sakanya.

Napakunot naman ang noo ng guro namin dahil sa sinabi ko.

" Impossible your lying." ngiwing sabi niya sa akin " Take the exam again." sabi niya at may kinuha na panibagong papel sa lamesa.

" Huwag na po, Okay lang po." sagot ko kay Mrs. Arevalo.

" Pero..  ang baba ng marka mo, Makakaapekto ito sa final grades mo kung hindi mo aayusin." nanghihinayang na sabi ni Mrs. Arevalo sa akin.

" Okay lang po Ma'am kung ayan po tapala yung score ko tanggapin kuna lang." ngiti kong saad sakna

Tumango naman ito sa akin nang matapos ang klase ay kinulit ako nila Sam at Alli.

" Ano bang pinaggagawa mo haaa!." sigaw sa akin ni Sam.

" Hindi ko alam sagot eh." ngiti ko kay Sam, napatingin naman ako kay Lourdes ng lumabas ito sa classroom.

" Walang pinagbago." Alli.

" Sundan niyo na siya." sabi ko sa kanilang dalawa.

" Eh paano ka." nakataas ang kilay ni Alli habang nakatingin sa akin.

Paano ako? Nagpapatawa ba tong si Allison.

" Higit sakin mas magandang unahin niyo si Des kaya kuna ang sarili ko." ngumiti ako ng pilit " Umalis na kayo nandidilim paningin ko sainyo." tawa saad ko sakanila.

Napailing naman si Sam at Alli sa akin at alangan na sinundan si Lourdes sa pupuntahan niya. Napabuntong hininga naman ako napag-isipan kong mag isang mag-gala sa university.

Wala kong balak matulog sa storage room kaya ito lakad lakad lang hanggang may nakita akong silid sakto nakabukas ang pinto nun kaya nakita ko ang isang pigura ng piano na natatakpan mg puting tela.

Hinala ko ang tela at bumungas sa akin ang makinis na itim na kulay nito.

" Astigggg!." hinipan ko pa ang konting alikabok marahil dahil sa kwarto medyo maalikabok at marumi na kasi sa luob.

Panandalian muna ko na lumabas at kumuha ng upuan sa kabilang room, ibabalik ko rin naman. Humarap ako sa piano at tinaas ang takip nito 'agad ko na pinasadahan ng daliri ang mga tiles.

C Minor

C Flat

" Ahh maayos naman pala." nag-inat inat ako ng mga daliri ko saka pinwesto ang aking kamay, ang paa ko naman ay pumwesto sa adjusment.

I played the song titled Marlboro. Medyo kabisado ko pa ang malboro na isa pa sa tinuro sa akin ni Papa ng maliit pa ako kaya medyo na excite yung mga daliri ko sa pag tipa ng mga tiles.

Napapasama ang katawan at ulo ko sa kamay ko sa paglipat ng mga chords. Medyo mahirap kasi gamit na gamit 60 keys ng piano sa kanta na ito.

Nang matapos ako ay yumuko ako sa piano at natukod ko ang braso ko sa tiles kaya lumikha ito ng baritonong ingay. Hindi ko maiwasan ma-miss ang Papa ko, lagi niyang tinutugtog to para sa amin ni Mama.

Nakarinig ako ng palakpak sa may pintuan kaya't napabangon ako at napatingin sa lalaking hindi pamilyar

na nakatayo ruon. Hindi ko kasi masyado aninag ang mukha niya.

" Napakagaling." naglakad siya ng papalapit sa akin kaya namukhaan kuna siya.

" Gov!." ngiting sabi ko at tumayo sa aking kinatatayuan " Bakit po kayo nandito?." tanong ko.

" Binisita ko yung anak ko actually regalo ko yan sakanya.  Ikaw pala ang unang nakagamit." natatawang sabi ng matanda.

" Hala. Sorry po Gov.!" sabi ko.

Nakakahiya naman regalo niya pala to kay Evee pero pinakielaman ko lang.

" Nako! Tito Eric nalang tawag mo sakin,  Okay lang naman magaling ka din pala sa piano tulad ng ama mo

." puri sa akin ni Governor slash Tito Eric.

" Ah! Opo siya po nag turo sakin." nahihiyang sagot ko kay Tito Eric.

Enebeyen.

" Eh bakit hindi ka kumuha ng Music related na course?." kunot noo pero nakangiting tanong nito sa akin.

Napaisip din ako, Bakit nga bahindi ako nakakuha ng music related course? Agad na pumasok sa isip ko si Lourdes, nung senior high school kasi kami ay hinikayat niya na ko mag-law kaya wala na kong choice na palitan ang kursong napili ko. 

" Ito na po kasi hindi ma mababago, bawal rin naman po kasing magshift kasi hindi related. Baka mag-back to first year lang ako." sagot ko.

" Ganun ba?." napaisip siya at napahawak sa baba " Pero kung gusto mo mag-palit ng course at need mo ng tulong ay tawagan mo lang ako."

binigyan niya ko ng business card.

" Dapat sinusunod mo yung gusto ng puso mo Iha. Baka mag-sisi ka niyan, passion mo ang music pero law ang kinuha mo." Tito Eric.

Tama nga naman siya.

Oo tama siya at mali ang ginawa ko.

Napangiti ako sakanya at tumango

" Salamat po tito." ngiting pasasalamat ko kay Tito Eric.

" Oh siya, mauna na din ako." kumindat pa to sakin bago umalis.

Hay nako kasing edadan niya lang ata si Papa kung nabubuhay pa nasa 41 ganun, si mama naman ay 39 na ngayon, maaga kasing nag asawa si Mama sa edad na bente ay nabuo na ko pero okay lang blessing narin na maaga akong dumating dahil naabutan ko pa si Papa namatay siya nang 7 years old ako acute leukemia ang dahilan.

Kaya ayon hindi na nag asawa si Mama kahit kelan. True love never dies para sakanya walang papalit kay papa sa puso niya.

Sana all, pero mawala na din tong nararamdaman ko kay Lourdes.

+++

Tahimik akong nakaupo sa tambayan namin, wala yung tatlo marahil may inaasikaso pambato kasi sila para sa Intrams. 

" Hi." napatingin ako sa lalaking umupo sa harapan ng upuan ko.

Si Paul swabeng swabe ang buhok nito nakabrush up, bumagay sakanya ang white v-neck na tinernuhan ng blue jean. 

Bakit ko ba ini-scan ang katawan ng lalaking to? nababading naba ko?

Nakurap ako ng magsalita siya ulit. 

" Alam ko kasing ikaw yung pinakaclose ni Lourdes kaya Jenica pwede bang tulungan mo ko binabalak ko kasing mag propose sakanya." pakiusap sa akin ni Paul sa akin.

" Eh.. parang ang aga naman ng proposal na yan? kasal agad?." takang tanong ko sakanya.

Tumawa naman siya, kahit tawa niya ang gwapo parin. Hindi ko masisi si Lourdes kung bakit ma-iinlove siya sa taong to. 

" Girlfiend proposal lang, kaya please tulungan mo ko." ngiting saad niya sakin.

Napabuntong hinga naman ako at inismidan siya. Talagang ako ang nilapitan niya mukhang wala pa siyang alam sa issue namin ni Lourdes.

" Sige ano bang gusto mong gawin ko?." takang tanong ko sakanya.

Inilabas naman niya ang maliit na libro na kinuha niya pa sa likuran na bulsa niya. May mga nakita akong nakasulat ruon na tanong.

Ang effort naman niya.

" Anong tingin mo? Mag-propose ako ng madamin tao o ako lang?." tanong niya sa akin kaya napaisip ako.

" Konting tao lang siguro mga bente okay na yon." ngiting sagot ko sakanya , sinundan naman niya ito ng iba pang mga tanong.

" Dapat pa ako gumamit ng mga placards or what?." tanong niya sa akin.

" Yeah thats nice at siguraduhin mong ikaw ang may gawa. Des like efforts." pilit akong tumingin sa kanya.

" Okay. I think she not like red roses nabanggit niya sa akin ng binigyan ko siya ng rosas. Alam mo ba kung anong favorite rose niya?." mungkahi ni Paul sa akin.

" Hindi nga? Ang alam ko red rose ang favorite niya maliban nalang." napahinto ako at napaisip " Give her a  Blue rose, that rose is unique baka umorder ka pa sa ibang bansa kung sakali." saad ko sakanya.

Hindi ako sure pero alam kong nagustuhan niya ang blue rose na nakatanim sa garden namin dati.

" Noted Sige ayun na lahat, baka pwede ka rin ma-invite sa araw ng proposal ko may naisip kasi akong gagawin." saad niya pa sa akin.

Ano sa tingin niya sa akin artista?

Mukhang napansin niya nahindi ako papayag kaya inalok na ako nito.

" Okay i'll pay you for helping me. Please pumayag kana." hinawakan nito ang kamay ko at nagpaawa effect.

Ngiwi ako at binawi ang kamay ko.

" 20k deal." umiwas ako sakanya at tumingin sa ibang direksyon.

Mani lang sakanya ang pera na iyon, hindi ko naman kailangan ng pera 'mapatigil ko lang talaga si Paul sa pag-kulit sa akin.