webnovel

Scattered Flower #1 [TAGALOG]

Jennica is secretly in love with her bestfriend Lourdes. She hid it for five years but by accident her bestfriend found out . Lourdes can't accept that Jennica has feelings for her so she avoids her friend. Until one day she just found out that Lourdes has a boyfriend, there is really no hope for the person she loves. The rose she was holding began to scatter and be blown away by the wind like a flying petals she will also leave to forget all the pain she received.

Binibining6IX · Others
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 3

Napatingin ako sa tatlong masayang kumakain sa aming hapagkainan.

Mabilis akong natapos sa pagkain, sinadya ko talagang na bilisan dahil wala kong balak na makasama sila ng matagal sa hapag-kainan 'mabuti kung kami lang tatlo ni Mama at Lourdes ang kaso ay nakisama pa tong Paul. Tsk.

" Putangina." bulong ko pagkadaan ko sa living area, kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan.

Sila na nga nakikain ako pa naghugas,

Kakapalan naman talaga ng mukha.

Napatingin pa sakin si Lourdes kaya agad ko na siyang tinalikuran at umakyat na sa aking kwarto.

Pag-nagtagal pa ako dun ay baka hindi na kayanin ng aking heart ang nakikita kong mga eksena. Binuklat ko nalang yung diary ko at nagsulat duon ng kung anek-anek.

" Nak aalis na sila Des!." sigaw ni Mama na nasa labas ng kwarto ko.

" Ge. Pakisabi Ingat!." sigaw ko kay Mama habang nagsusulat sa diary ko

" Okey nak." muling sigaw ni Mama.

Napatingin akonsa bintana ng marinig ko ang pags-start ng kotse 'nakita kong nasa labas na si Lourdes at Paul pinagbuksan pa siya nito ng pinto.

Nahatak ang aking labi pababa dahil sa aking nakita. Talagang bagay silang dalawa 'maganda si Lourdes at gwapo naman si Paul idagdag pa na pareho silang matalino. Like napakatanga ko na isipin na magkakagusto din sakin ang kaibigan ko oras na umamin ako sakanya.

Mabuti nalang at hindi ko iyon ginawa siguradong masisira lang ang pag-kakaibigan namin.

Dumating ang panibagong araw,  napakatahimik ng paligid nasa tamabayan kami at nakakapagtaka na walang nagsasalita sa aming apat.

" Pag-usapan nga natin to." pagbasag ni Alli sa katahimikan " Alam ko-natin na hindi kayo bati kaya ayusin niyo na yan. Ngayon na." inis na sabi nito saming dalawa.

" Oo nga hindi ako sanay na nag-aaway kayo." sabi rin ni Sam.

Tumingin naman ako sa kanila at ngiting ngumiwi.

" Wala naman problema." ngiti ko " Diba? " tanong ko pa kay Lourdes.

Bahagyang napabuka ang labi nito  at napatingin sakin.

" Oo? Wala naman." ngiti sagot ni Lourdes sa tanong ko sakanya.

" Sure kayo?." paninigurado ni Alli.

Tumango naman ako,  wala din naman magandang idudulot tong hindi namin pag-kakaintindihan lung papalalain ko pa. Aminadong medyo inis ako kay Lourdes hanggang sa ngayon pero si-net aside ko muna.  

Hays kung hanggang kaibigan hanggang kaibigan lang. 

Bumalik ang atmosphere namin, Masaya na kaming nag-uusap usap  sa park 'edi chikahan to the maxs. Na-open rin ni Lourdes kung gaano siya ka inlove ngayon kay Paul. 

Dinadala pa mga daw siya ni Paul sa Church at sabay silang nag-simba. 

Nagseselos ako pero at the sametime natutuwa dahil siguro tingin ko nasa tamang lalake si Lourdes.. Siguro ayos na iyon para sakin.

Ayos nga ba? Bahala na.

" Inlababooo." ngiting asar ni Sam kay Lourdes.

Napatingin kami sa babaeng nahihiyang lumapit sa amin. Halatang galing sa Nursing Course to dahil sa puting uniporme niya.

" Hi.. po.." nahihiyang sambit nito sa amin.

" Bakit?" tanong agad ni Alli sa babae.

 

" Ahh.  kasi... ahmm Ms. Tokio." napataas ang parehong kilay ko dahil sinabi niya ang apelyido ko.

" Oh bakit? may kailangan ka ba?." ngiting tanong ko sakanya.

Nahihiyang naman itong nilahad ang isang sobre sa aking harapan.

" Ahh.. ka..sii. ano? Para sayo pala!." nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

Confession letter? Teka.

" Ako pala si Rin." nahihiya pero nakangiting pag-papakilala niya sa akin.

Hindi pa rin ako nakakabawi sa gulat dahil sa ginawa niya, nanatiling nakatingin lang ang mata ko sa sobreng inabot niya sa akin.

" Uy uy uy." Sam

" Naks." hirit ni Alli.

Nawala ang pagkagulat ko dahil sa dalawa magpapasalamat na sana ko kay Rin ng biglang kunin ni Lourdes ang sobre na hawak ko.

"I'm sorry pero straight si Jenica..." may pagkapataray na sabi ni Lourdes  kay Rin atsaka inabot ito muli.

" Take this madaming lalaki dyan sa campus. Huwag kang mainlove sa kapwa mo babae." supladang sabi pa ni Lourdes.

Halatang natakot si Rin dahil sa sinabi ni Lourdes,  buti nalang mabait itong si Alli.

" Halika miss." hinatak niya si Rin papalayo samin dahil hindi na nito magawang kumilos sa kina tatayuan niya.

" Anong ginawa mo?." kunot noo kong tanong kay Lourdes.

" And why? papatulan mo?." tanong niya Lourdes sa akin na kinatigil ko.

" Ang babae ay para lalake at hindi sa kapwa babae rin tandaan mo yan." bumalik na siya sa pagbabasa sa pagbabasa ng libro pagkasabi niya sa akin ng mga salita na yon.

" Parang ano naman to si Lou. Ano hihiyaan mo nalang maging single si Jennica. Oy, first time lang may nag confess sakanya oh! babae pa." saad ni Sam kay Lourdes.

Yes! Sam pagtanggol mo ko!.

" May sinasabi ka ba Sam?." seryosong  tanong ni Des kay Sam. 

" Sabi ko nga wala." sagot ni Sam, napabuntong hininga ako wala talagang makakatalo sa sagutan sakanya.

" Hindi ko siya pagbabawalan basta hindi mali, kung may mag-confess sa kanya na lalaki. Edi go! susuportahan ko siya " pagpapaliwanag pa ni Lourdes kung bakit hindi siya payag.

Napabuntong hininga ako ulit.

" Oh may problema.?" tanong ni Lourdes sa akin.

" Wala." inirapan ko siya at tumingin sa librong hawak ko. 

Wala talagang magandang maidudulot kung makikipag-talo pa ako sakanya. Mapepeste kalang.

" Babe." napatingin ako sa lumapit sa amin may hawak pa itong bouquet.

Speaking of peste, Joke lang. Nandito si Paul Stevan. Gwapong-gwapo ang pormahan niya.

" For you pala." ngiting sabi ni Paul kay Lourdes kita ko sa mukha niya ang pinaghalong saya at kilig masyado siyang transparent para hindi ko mahalata. 

" Ohhh~." reaksyon ni Sam dahil sa ginawa ni Paul, siniko ko naman siya sa kanyang braso para tumigil.

" Salamat Paul." ngiting pasasalamat ni Lourdes kay Paul.

Haisss.  Inlababo na talaga si Lourdes sakanya mag 2 months na rin yun ligawan portion nila.  Matagal-tagal na rin-kaya ito ako hanggang tingin nalang sakanya.

Habang nag-uusap sila sa malayo ay nakatanaw lang ako sa kanila.

" Oy baka matunaw yung dalawa." sita sa akin ni Sam.

Napaiktad naman ako ng upo sa gulat sa isang to, basta nalang na sumusulpot sa gilid ko.

" Ano ba! Hays. Bagay kasi sila ano?." pilit akong napangiti habang tinitignan sila Lourdes na masayang nag-uusap.

" Oo sinabi mo pa. 21 na si Paul samanatalang 20 na si Lou diba bagay na bagay." sagot ni Sam sa akin.

" Mag 20 na ko next year." ngiting sabi ko.

Hindi nalalayo naman ang edad naming dalawa ni Lourdes. Edi bagay rin kami?

Kahit ano talaga pilit ko yung puso ko patuloy parin na umaasa. Saklaf!

Napataas ang gilid ng labi ni Sam.

" Oo  mag-20 kana kaya humanap kana ng jojowain mo ah!" dinuro duro niya pa ko kaya pinitik ko yung daliri niya.

Pagkatapos ng isa pa naming klase ay sabay sabay kaming umuwi, lagi nalang kaming hinahatid ni Paul sa mga bahay namin palibhasa may kotse at richkid to katulad nila. 

Ako naman? sakto lang. May kotse kami kaso si Mama ang gumagamit. Nagtra-trabaho bilang auditor si Mama sa house of the senates 'may kataasan din naman ang sahod niya kaya siguro medyo may kaya kami.

" Oh anak may nag hihintay sayo sa taas " salubong sa akin ni Mama

Napatingin naman ako kay Mama at binaba ko agad ang bag ko sa sofa, napatingala ako at napatingin sa direksyon ng kwarto ko.

" Sino?." nagtatakang tanong ko

dahil malabo naman si Lourdes, Sam o Alli to kasi nakita ko sila na bumaba sa kotse ni Paul.

" Ah si Russel, kakarating niya lang galing China pinatulog ko muna siya sa kwarto mo dahil medyo inaantok siya." sagot ni Mama sa akin.

Shit!!.

Agad akong kumaripas ng takbo papa-akyat sa kwarto ko, pagkabukas ko ng pinto ay bumunfad sa akin ang isang babae.

" Hi friend." naka-dikwatro pa ito habang nakaupo sa gilid ng kama ko.

" Bakit hindi ka man lang nag-text bago pumunta dito!." inis na saad ko at sinarado ang pinto.

" Di mo ba ako namiss bessy? Ayan talaga ang bungad mo sa akin galit agad?" ngiting sabi niya sakin at yayakapin na sana ko nang itulak ko siya.

" Aish! Anong masamang hangin at napadalaw ka?." tanong ko sakanya.

" Ohhh. Wala lang, gusto ko lang bisitahin ang childhood friend ko. Masama ba?." ngiting tanong niya sa akin.

Kunot noong napatingin ako sakanya. Hindi ako naniniwala may masamang balak ang isang to. 

" Kamusta kana.?" tanong ni Russel sa akin.

" Okay lang." sagot ko sakanya, pero mukhang hindi siya naniniwala.

Tama naman eh wala naman problema.

" Wehh! wala kang girlfriend?." tanong ni Russel sakin habang nakangiti.

Muntikan pa ko matisod sa paglalakad dahil sa tanong niya sakin, binuksan ko ang aparador at masamang tumingin sa kanya.

" Wala syempre. Ano ba namang tanong yan?." inis na sagot ko saknya

" Well malay natin diba nagladlad ka na diba" tawa niya sakin.

Hais! Russel Iver, childhood friend ko siya kaklase ko hanggang high school. 

well may hindi kami pag kakaintindihan dahil may nangyare, nailaglag ko kasi siya sa gusto niyang tao.

She's a Lipstick Lesbian, hindi mo mahahalata dahil babaeng babae ang get away ng loka loka na to. 

" Eh ikaw?." tanong ko habang namimili ng damit na susuotin ko.

" Ito okay na madaming chixx!" humiga siya sa kama " Kamusta kayo ni Lourdes?." napatingin ako saknya.

Kilala niya nga pala si Lourdes dahil alam niyang bestfriend ko to ngayon.

" Okay lang,  may.." napahinto ako at napatingin sa bintana " May suitor na siya." pilit akong ngumiti sakanya.

Mabilis si Russel na tumayo sa aking kama.

" Ang sad naman pala bes. " nag-inat inat siya ng onti " Getwell! bes ingatan mo yang puso mong sugatan." ngiti niyang sabi sakin bago naglakad papalabas ng kwarto.

Ano daw?? Puso ko sugatan??.

Agad akong nag panic at binuksan ang safety vault ko nandun ang diary ko padin at nakalock. 

" Haa... kala ko ba naman." napailing nalang ako at napahiga sa kama ko.

Panibagong alalahanin na naman dahil nandirito na si Russel 'hindi ko alam ang binabalak niyang gawin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at nagpagulong-gulong sa kama.

Kailangan kong mag-ingat dahil ayaw kong mawala sa akin si Lourdes.