webnovel

SAYO PARIN

Will they be able to rekindle the romance they lost when they were children?

Jeraldgarlostories · Teen
Not enough ratings
6 Chs

CHAPTER FIVE

ANGEL'S POV

Muling pumasok sa aking isipan ang pagtulak ko sa kanya, Tiningnan ko ang pinto kong saan kami naroon naisip ko na doon nakaderetso si Liam pagka-tulak ko sa kanya kaya nasarhan ito.

" Anong problema parang natulala ka ata? " Tanong ni Liam.

Tumingin siya kay Liam, " Totoo ba na sira ang pinto nang room na to? Sabi kasi ni Freya sakin sa oras na maiposas na kita dito kita dalhin mag ingat lang daw akong hindi maisara ang pinto dahil sa oras na masara ito malolock tayo. " Wika naman niya.

Pumunta si Liam sa pinto para tingnan kong talaga nga bang hindi na ito mabubuksan, mala-demonyo siyang tumingin kay angel " So totoo pala yong sabi sakin noon ni Dad na may nagmumulto dito. "

" Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan Luffy natatakot na nga yong tao e, sampalin kita diya-" Napasigaw na lamang si Angel nang biglang magsipatayan ang ilaw nang silid kong saan sila naroon.

Puro itim na lang ang kanyang nakikita, maging si Liam ay hindi niya na maaninag. Sa puntong yon tila tumahimik ang lahat maging ang sound system ay hindi na niya naririnig doon niya nasigurado na brown out at hindi naman siya pinagti-tripan ni Liam,

Napaatras siya dahil sa nakita niyang puting bultong dumaan sa labas, natanaw niya ito mula sa bintana.

Habang nangangapa siya sa dilim tila may mahaba at madulas siyang nahawakan, inatras-abante niya ang kanyang kamay nang tatlong ulit para kilatisin kong ano ito,

Ramdam niya ang mainit na hanging dumampi sa kanyang leeg parang hininga ito nang tao. Nilingon niya ito at sakto naman na bumalik na ang kuryente at muling lumiwanag ang paligid niya.

Nandilat ang kanyang singkit na mata " L-liam? " Utal na wika niya.

Agad siyang tumingin sa babang parte nang katawan ni Liam,

Napabuntong hininga na lang siya nang makita ang hawak na baseball bat ni Liam. " Kaya naman pala mahaba at madulas. "

LIAM'S POV

Mahaba at madulas? Tf, anong sinasabi niya ang weird naman...

napatawa nalang nalang malakas si Liam nang marealize ang winika ni Angel.

" Akala niya siguro yong ano ko yong nahawakan niya " wika ni Liam sa isip niya.

ANGEL'S POV

Nabaliw na ata ang yawa, nakakabaliw pala ang brown out.

" Hoy saan mo ba nakuha iyang baseball bat na yan ha? Saan kaba nag susu-suot? "

Ibinigay ni Liam ang baseball bat sa kanya " sa gilid malapit sa pinto, akala ko kasi kaya nawala ang ilaw dahil sa mga siga dito sa campus. Naisip ko na baka pinagti-tripan nila tayo gusto lang kita protektahan.

Kinikilig na tumingin si Angel sa baseball bat " Gusto mong ihampas ko sa ulo mo itong baseball bat? Marami kang kasalanan sakin nong mga bata pa tayo kaya humanda kang Monkey D. Luffy ka, pagmumukhaing unggoy talaga kita.

LIAM'S POV

Nakakatakot pero nakakamiss yong kasigaan niya.

" Hindi parin talaga nagbabago yong asawa ko. " Kilig na wika ni Liam.

FREYA'S POV

Nakakamiss pagmasdan ang dalawa, mabuti nalang talaga naging successful ang plano namin ni Liam.

" Hoy bakla ka susian muna nga ang pinto para makalabas na sila at maikasal na. " Pabulong na wika ni Freya kay Kris habang nakadungaw sa bintana.

Agad namang sinusian ni Kris ang pinto at nabuksan ito. " Ayieeeee sabi ko na nga ba. Ang dahilan kaya iniligtas ka ni Liam kay Ron ay dahil mahal ka niya. "