webnovel

Chapter 4

The next day

Pumasok ako na mugto ang mata ko at nakita ko agad siya masaya natawa pa nga ehh ang tanga ko diba? ako umiiyak tas siya tumatawa

"Azurie!!!" - Dina

"bakit?" - ako

"hayaan mo na yun magsisisi siya na pinakawalan ka niya" - Dina hayss kung ganun lang talagang kadaling hayaan na lang siya edi sana nagawa ko na agad

"hoy!! tanga wag kang magdrama hindi bagay sayo! " - selina

"mukha kang yokai ehh!" - karina

"mahal mo ba talaga? " - Dina hayyysss siya lang talaga ang matino sa kanilang tatlo

"ewan ko siguro umiyak ako ehh" - ako with sarcastic voice hindi ko alam bat sobrang sakit sakit niya ehh nagmahal ka lang naman tas nasaktan

tas ayun umiyak na naman ako sino ba namang hindi iiyak  ehh yung taong nanakit sayo ayun ang saya saya nakikipagtawanan sa mga kaklase mo hayysss siguro nga hindi ako kamahal mahal kaya hanggang rebound lang niya talaga ako

natapos ang unang subject ng wala namang nangyayare maliban sa laging natingin sakin si darren at ayun lang ng matapos ang recess ay bumalik na kame agad sa classroom dahil baka andun na yung masungit namin english teacher

..

english time:

kakatapos lang ng recess kaya bumalik agad kami nina summer sa room at naupo pero ako umubob na din agad kaya ayun nakatulog ako maya maya naman ginising agad ako ni Dina dahil nga nandiyan na daw ang teacher namin

"bal gising andiyan na si ma'am" - Sabay yugyog sakin ni Dina

kaya gumising agad ako at pagtingin ko sa tabi ko nakita ko siya si darren na nakaupo sa tabi ng upuan ko kase naman yung table namin ay isang mahabang mesa tas monoblock yung upuan bale parang desk namin yung lamesa kaya naman ginawa ko ay tumalikod ako sakanya kase nga ayoko siyang makita nasasaktan ako kung makikita ko siya masakit pa kase ehh

Maya maya ay naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko alam ko siya yun kase siya ang nasa likod ko tas ayun kumanta siya pero sapat lang na maririnig ko

playing: sorry na by: parokya ni edgar

"sorry na talaga kung ako'y medyo tanga tanggap ko ng mali ako wag sanang magtampo sorry na" - siya

ewan ko ba naiiyak ako bakit kase nakanta siya eh sintunado siya? ang sakit sa tenga but i find it sweet !! Pero sinaktan niya ko kaya mali na kiligin ako sakanya tama na yung katangahan ko siya na ang may sabi na hindi niya ko mahal diba nga? pero ayaw sumunod ng puso ko sa utak ko kinikilig pa din ako kahit alam kong mali

pagkatapos niyang kumanta kinulbit niya ko

"peram ng notebook mo" - sabi niya tas nilahad ang kamay niya para ibigay ko ang notebook ko

"bakit?" - ako tsk! kinantahan pako ehh manghihiram lang naman pala ng notebook ang utak eh makitid talaga  ̄へ ̄

"meron kang sarili ahh bat kapa nanghihiram? may toyo ka din ehh no?" - sabay irap ko sakanya

"tsk ! basta gusto ko notebook mo eh magagawa mo? " - siya edi binigay ko na alangan naman makipagtalo pako ehh no? nasa unahan lang ang teacher baka palabasin kame

"ohhh!!" - siya tas binigay sakin yung notebook KO pag kabigay niya nag sulat agad ako syempre may pinapasulat yung teacher namin haysss may lakdaw na tuloy ako ayoko pa naman ng ganun kase minsan nakukulangan yung space ko minsan naman sobra edi ang panget na diba kaya ginawaga ko pagka uwi ko ay inuulit ko dagdag oras pa

maya maya may kumulbit sakin

"basahin mo na yung sinulat ko" - utos niya tsk

"ge lang toyo! " - inirapan ko na naman siya nakakainis eh utos ng utos

kaya ayun binasa ko na

"mahal sorry kung nasaktan kita! sorry kung iniwan kita agad, alam ko nasaktan kita kaya sorry ! kung tinatanong moko kung mahal kita oo mahal na mahal kita, ikaw na yung mahal ko hindi na siya kaya sana bumalik kana sakin, sana mahalin mo na ulit ako kase nasasaktan din ako tuwing nakikita kitang nasasaktan ehhh sorry mahal akin kana lang ulit hah....." - ayun yung nakasulat hindi ko alam pero napangiti ako pero hindi ko pinahalata yun sakanya tsaka Mali lahat ng yun kailan lang sinabi niya na hindi niya ko mahal tas ngayon mahal na ulit niya ko nagloloko lang ata siya pero bakit ganun hindi ko pa din maiwasang kiligin, bakit napapangiti niya pa din ako kahit na nasaktan na niya ko? Ganto ba pag nagmamahal? kahit na may nagawa siyang mali , kahit na nasaktan ka niya handa ka pa din magpatawad handa mo pa ding patawarin siya agad, konting salita niya lang napapangiti kana kaagad ! Siguro nga mahal ko na tong taong to!

"hoy toyo! ang corny mo tsk!" - ako binato ko siya ng papel hindi ako nakatiis kaya napangiti nako

"pinapatawad mo na ako?" - siya na nag aabang ng sagot ko na malawak din ang ngiti niya

"satingin mo?" -  tanong ko sakanya

"ewan ko ano ba sagot mo?" - tanong niya din ano ba yang tanungan lang ang peg? hahaha

"oo na pinapatawad na kita ! " - ako tas ayun hinug niya ko wala ehh hindi ko siya matitiis mahal ko talaga siya sobra kaya kahit nasaktan niya ko handa akong patawarin siya yun lang ang nasa isip ko ng mga oras na to ang tanggapin at mahalin siya yun lang at wala ng iba

"promise hindi na kita iiwan , mamahalin na kita ng sobra, basta mahal mo lang din ako wag moko iiwan hah... i love you,  ilove you,  ilove you promise I won't let you go anymore" - siya

sa mga oras na yun sige hahayaan ko na ang puso ko para sayo Darren ikaw na sana bahala kung paano mo ihahandle yung puso ko kung aalis ka hahayaan kitang mag isip ulit hanggang sa bumalik ka ulit sakin pero kung wala na talaga hahayaan na kitang makalaya sa pag ibig ko hindi ako magaaksaya ng oras na hayaan ka kung alam kong hindi kana masaya pa sa piling ko pero ngayon susulitin ko muna ang mga araw at oras na masaya tayo sa isa't isa, susulitin ko muna ang pag mamahal na binibigay mo sakin at ipapakita ko din yung pag mamahal ko sayo kase pag gusto mo ng makipag hiwalay hahayaan na kitang makalaya sakin hindi ako kakapit sa mga bagay na makakapag palungkot sayo kase mahal kita lahat gagawin ko para lang sa ikakasaya mo kahit na ang kapalit nun ang kalungkutan ko