KABANATA 9: Fearing darkness
IT'S getting dark. The rain stopped, but another level is yet to pour and it did. It was noisy but the moment between us was silent, he was just watching me drink a hot milk. He didn't even bother to take a sip nor gaze at his hot choco. He seemed confused of what he's doing, even I. I truly couldn't understand him, he's illegible, a very hard person to read. Most of the time, he would throw a bullet on me, yet sometimes he would took care of me.
Ngunit kung gaano ako nalilito sa mga inaasal niya, nasisiguro kong doble ang pagkalitong kanyang nararamdaman.
"Feeling better?"
Tumango ako sa kaniyang tanong at inamoy ang gatas. He brought drinks. Hindi lang sandamakmak na napkin ang kaniyang binili dahil hindi niya alam kung anong brand ang gamit ko, nag grocery na rin siya ng mga pagkain at inumin. He even bought another pair of white dress and undies, ang hindi niya lang talaga alam na kailangan ko'y cycling. I'm still not comfortable of not having one tho, hindi ako malayang gumalaw.
"Do have any idea of what I do?" His jaw clenched while asking me. Sandali akong nahinto sa pag inom ay tumitig sa kanya. What if I nod, would he kill me? Well, even if I lie I know he'll still kill me so I would rather tell him the truth.
I nodded, "Y-you kill people,"
He smirked, "Of course, you witnessed one of our missions."
Nangunot ang aking noo, muli ko na namang naalala ang karumaldumal na sinapit ng aking pamilya at lahat ng naroon nang gabing iyon. Mukhang wala talaga siyang konsensya, sa huli'y isa parin siyang masamang tao kahit ano pang kabutihan ang gawin niya. He's still a bad person for me, he killed my family, he destroyed me.
Hindi lang siya nag-iisa, marami sila. He's probably a member of a killing gang, at ang lalaking nakasalamuha ko ng gabing iyon ay hindi niya boss kundi isa ring tauhan na tulad niya. They're under the power of someone. Mas lalo tuloy lumalala ang udyok ng paghihiganti sa aking puso. I am in the midst of planning my revenge, giving justice to my fallen family and dispatching these kinds of people. I will find the person behind the massacre, he'll pay for everything.
"Alam mo na ba kung ilan ang napatay ko, huh, Seventeen?"
"My name is Belle Damsel," giit ko.
Naningkit ang kaniyang mga mata, "Kapag tinawag kita niyon, para ko na ring kinumpirma ako nga ang halimaw ng buhay mo."
Umusbong ang galit sa aking puso, "Bakit? Hindi ba?"
Moron, from the moment you entered my room, I knew you were trouble, hindi ko lang inakalang isa kang halimaw!
He chuckled, "Oh, ganito ba kapag dinadatnan? Tumatapang? Nagsusungit? Natututong sumagot ng pabalang?"
Sumama ang paningin ko, hindi iyon pabalang. I was rebutting him his deeds.
"Somehow, you're right."
I bit my lip, muli kong pinigilan ang sarili kong umiyak. Now he's being that damn bad stranger again. Napakabilis ng kaniyang mood, he's a fucking psycho.
"You killed everyone, damn you!"
He raised his eyebrow, "Nah, you're wrong about that. I only killed 3 persons that night, well, maybe another died at the explosion, I don't know." Tila walang pakielam niyang sagot.
Mas lalo akong nagpuyos sa galit. He's so damn heartless.
"Your family were shot by a sniper, kid."
Napaluha ako, "Stop calling me kid!"
"Seventeen,"
"My name is Belle Damsel!"
"I'll never call you that!" He sipped his hot choco, "Oh, fine, I'll call you by your name, kapag papatayin na kita." Aniya na para bang ang dali lamang niyong gawin.
"Bakit pinapatagal mo pa? Patayin mo na ako ngayon! Wala naman na akong silbe!"
He smirked and stared at me, iyon na naman ang nakakapaso niyang tingin na hindi ko masalubong. Umiwas dahil nakakapaso iyon, "May silbe ka pa, hindi kita kukunin kung wala."
Tila dinurog ang puso ko ng sabihin iyon, narinig ko na ang gusto kong marinig. I heard it, the answer came from him. He's keeping me alive because he needs me for something, maybe the one they're searching for in our mansion. Siguro'y iniisip niyang ako ang susi upang makuha kung anuman iyon. Damn, he's witty. Ang galing talaga ang pisteng ito!
"Alam mo na ba kung ilan na ang napatay ko?"
Masama akong tumingin sa kanya. Why is he even asking me such thing?
"Damn you."
He chuckled, enjoying how I cringe with his question, "They are numbers. More than a dozen. Kaunti pa lang naman, siguro nasa 500, tapos pang 501 ka."
Sa sobrang pagkaasar ko'y itinapon ko sa kanya ang gatas na iniinom ko. Nahinto siya sa pagtawa at gulat akong nilingon, inirapan ko lamang siya atsaka tumalikod dahil ayaw ko nang makita pa ng kaniyang pagmumukha. Ganito umiinit ang ulo ko kapag dinadatnan ako, wala akong pakialam kung sino ang kaharap ko, hindi ko makontrol ang ekspresyon ko. Kaya kahit gaano pa kahalimaw ang lalaking nasa harapan ko'y tila nakalimutan ko iyon dahil sa pagkapikon.
"Hey, your manners. Watch your manners!" Usal niya, pagka kuwan ay naramdaman ko ang kaniyang pagtayo, tila pinunasan ang kalat ko. "Rich girl, poor manners."
"How old are you?" Bigla ay tanong ko. Gusto kong tampalin ang sarili dahil sa biglaang tanong. Pakiramdam ko'y nabaliktad ang mga laman loob ko dahil sa pangambang baka barilin niya ako bigla. Hindi siya magdadalawang isip na gawin iyon, he's a beast after all.
Akala ko'y hindi na siya sasagot pa, ngunit nagulat ako sa kaniyang usal, "21. I'm 21." Pagkasabi niyon ay mabilis na nawala ang presensya niya sa aking silid.
Naiwan akong tulala, napaisip kung gaano siya ka bata para maging isang propesyonal na killer. Iyon ang bagay na hindi ko naisip, how did he started, how old was he back then, what happened, who the fuck is he?
At the age of 21, he has killed many people. Tingin ko'y hindi niya rin naman iyon ginusto, nasa ilalim lang siya ng masamang kamay kaya ganoon ang kaniyang ginagawa. Ngunit kahit ano pa man ang isipin ko, hindi niyon mababago ang katotohanang isa siyang masamang tao at masama ang kaniyang pamumuhay.
He's young, very young. Kaunti lamang ang agwat ng aming edad, malapit na akong mag 18, ngunit tila wala pang muwang sa buhay. At his young age, he was triggered by anger, he lived in it and still living in it. He was trapped by madness, so doesn't had the chance to experience love. If only this person experience the power of love, will he allow himself to travel the color of this world?
"No, it's raining hard. I can't go now!"
Napabangon ako ng marinig ang kaniyang tinig. It's already dark, huminto kanina ang ulan ngunit bumalik na naman ngayon at dumoble ang lakas. Mabilis akong tumayo at tinungo ang sala, nakita ko siyang pabalik balik na naglalakad habang may kausap sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng takot na baka umalis siya.
"I fucking can't report now, my car was stuck in the middle of somewhere! It's raining hard! What?"
I watched him immediately walked inside his room, pagbalik niya ay may dala na siyang bag. Tila aalis talaga siya.
"Fine, fine. I'll be there." He frustratedly combed his hair using his fingers, "Damn, fine! I'll be there in a minute!" He yelled and ended the call.
Lumabas ako sa aking pinagtataguan at tumayo malapit sa kaniya, nahinto s'ya at kunot-noong napalingon sa akin.
He sighed, "Stay here."
Umiling-iling ako.
"What the heck is wrong with you?"
Napaatras ako ng tumayo siya, "I-it's raining hard, it's dark, b-baka mawalan ng kuryente," utal kong usal.
He stepped towards me, "So what?"
"Y-you stay here,"
Ganoon na lamang ang muli kong panginginig. Tumitig ako sa kanya, nakikiusap na huwag siyang aalis. Hindi ko alam kung anong takot ang aking nararamdaman ngunit ang alam ko lang ay ayoko siyang umalis dahil natatakot ako.
"Tsk,"
Mabilis niyang isinaklay ang kaniyang bag at dinukot ang baril mula roon, napaatras ako at napasinghap, "You stay here." Madiing aniya at humakbang palabas.
"No, please, don't go!"
I screamed hard when the lights turned off, ito na nga ba ang kinakatakot ko. Mabilis akong tumakbo sa kaniya ngunit malakas niyang naisara ang pinto. Namuo ang takot sa aking sistema, nangatog ang mga tuhod ko at nanginig ng bongga ang aking mga kamay.
I shrilled and knocked the door, "Please! Please! Isama mo ako, huwag mo akong iiwan dito! Please, I won't do anything stupid, I wanna go with you!"
Paulit-ulit akong sumigaw, nagmakaawa habang sinisipa at sinusuntok ng malakas ang pinto ngunit hindi ko na narinig pa ang kaniyang tinig. I almost forgot, he broke the door. Nabuksan ko iyon, ngunit muli na naman akong nabaliw sa katatawag ng kanyang pangalan dahil sarado ang gate ng pintuan. It was locked, he only broke the door, not the lock of the gate.
I kept on calling his name, hoping that he would come back and get me but I failed. Napaos na ako kakasigaw ngunit hindi siya bumalik.
Sumisinok akong lumingon sa aking likuran, sinubukang ikalma ang sarili. Ngunit hindi ganoon kadaling labanan ang nyctophobia, isang lingon lamang ang ginawa ko sa madilim na loob at natagpuan ko ang aking sariling sinisira ang lock ng gate habang pilit na lumalabas.