webnovel

Chapter 1: Meeting my boss

Nagmamadali ako ngayon ay pagsusuot ng mga naihanda kong damit para sa unang araw ko sa trabaho. Naiimbyerna ako ngayon dahil late ako nagising at unang araw ko pa. Akalain mo yun, sino ba namang hindi kag aalala na baka mapahiya sa unang araw ng trabaho niya.

But I have to do my best in this job because this is the only way I know to help my parents financially. Lalo na ngayon na na kailangan ni papa mag dialysis dahil sa kidney stone niya na namuo na at mahirap nang alisin.

I quickly went out of my apartment, pumara ng jeep at sumakay papunta sa X building na pinag tatrabahuhan ko. Buti na nga lang at malapit lang iyon sa apartment ko, hindi na ako mahihirapan masyado sa byahe byahe.

"manong para po" sigaw ko sa driver. Tumigil naman agad ang jeep at muntik pa ako maisubsob sa katabi ko sa sobrang pagmamadali.

"naku sorry po kuya, sorry po talag" paumanhin ko bago bumaba ng jeep. Dali dali akong tumakbo palapit sa building.

"good morning po" naka ngiting bati ko sa tatlong guard sa entrance.

"good morning din ma'am" bati nila pa balik. Tumakbo nako papunta sa receiving area at nag log in. Ganyan sila ka sosyal dito kaya wag kayong ano.

Agad kong sinulat ang oras ng lagpasok ko at pumirma dito. Halos takbuhin ko na ang elevator para lang maka abot sa eksaktong oras ko. Isang minuto nalang ay mailalate nako. Sayang din ang kaltas sa sweldo pag nagka taon.

"excuse po, excuse. Excuse me padaan naman po" sabi ko sa mga katabi sa elevator. Siksikan na kami dito at buti nalang umabot pa ko. Pagdating sa 16th floor ay tinakbo ko na nga ang daanan papunta sa department namin.

"hays thank God" nakahinga ako ng maliwag ng makarating na ako sa assigned desk ko at tamang tama lang ang oras ng pagdating ko.

"oh buti naman nandito ka na baks, dumaan dito ang HR kanina pinaalalahanan kami na 5 minutes nalang ay dadating na ang boss." sabi ni Freya habang inaayos ko ang table ko. Nilingon ko naman siya

"oo nga pala, ipapakilala na agad ang boss ngayon ano. Shet buti nalang talaga at di ako late" napasapo pa ako sa noo ko matapos maalala ang bagay na iyon.

"true girl, balita ko gwapo daw. Masarap hahahaha" tatawa tawang bulong niya sakin. Si Freya ang best friend ko na kasabay ko din nag apply, pasalamat nga lang ako at natanggap din siya at sa parehong department pa. Pareho kaming nagtatrabaho para sa pamilya namin. Madami na din kaming racket na sinalihan para lang magka pera. Ito palang ang pinaka matino naming napasukang trabaho.

Malaki ang pasasalamat namin sa diyos dahil dito.

Natawa lang ako sa sinabi niya. "nako ikaw bakla ka umayks ka ha unang araw natin to, mahirap nang mapag initan. Mamaya may makarinig sayo isumbong pa tayong mga chismosa" pabirong paalala ko.

"nako baks don't worry, sila pa nga mismo ang nag chiamis sakin niyan eh hahaha pag nagkataon damay damay na to" natawa lang kami parehas matapos niyang sabihin yon.

Bale 31 kami lahat sa opisinang ito. Finance department kami kaya puro mga financial statements at iba pang tungkol sa pera ang naka assign samin. Lahat din kami ay mga bago kayo sasadyain daw kami mismo ng boss para paalalahanan sa mga dapat at di dapat gawin. Hindi na daw kami maittour ng staffs sa loob ng kumpanyang ito dahil sobrang busy ng mga tao ngayon.

Maya maya pa ay may narinig kaming palakpak sa may pintuan.

"everyone. Everyone, look here and listen carefully" sabi ng HR na kakapasok lang ng pinto.

"nandyan na ang boss at kakausapin kayo. Please lang umayos kayo kundi pare parehas tayong mapapa hiya dito. Understood?" sabi nito.

"yes ma'am" sabay sabay naming sabi.

"okay line up now, kailangang salubungin ang pagpasok ng boss. You have to bow 90 degrees pagpasok niya palang okay. Don't be nervous, be calm and relax para hindi kayo aanga anga mamaya" dagdag pa nito.

"clear ma'am" sabay sabay nanaman naming sagot. Maya maya pa ay narinig na namin ang langit ngit ng pagikot ng door knob. Napahawak ako ng mahigpit sabpalda ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ako sanay sanmga ganitong tagpo dahil raket raket lang naman kami ni Freya eh. Hindi kami na expose sa ganitong mga pangyayari.

Pinag pawisan ako ng malamig ng unti unting bumukas ang pinto. Nakayuko lang ako dahil sa kaba. Sapatos palang nito ang unang lumulusot ay sumisigaw na sa kayamanan.

Sabay sabay kaming yumuko ng tuluyan nga itong makapasok.

"good morning boss" sabay sabay din naming bati.

"good morning" tipid na bati nito at senyales na din ng pagtayo namin ng maayos. Pag angat ko ng ulo ko ay namangha ako sa itsura ng boss ko.

Damn those tantalizing blue eyes. Pointed noise and red thin sexy lips. Well built body and amazing height. Fair skin and formal attire. Naka pamulsa itong naka tingin sakin na mas ikinagulat ko.

Mas lalo pa tuloy akong kinabahan dahil dito. Hindi rin nagtagal ay inalis niya din ang paningin niya sakin. Pumunta siya sa harapan at sumunod naman ang isang babaeng nakasalamin sa kanya. Mukhang personal assistant niya.

"I welcome all of you in this company. All of you have purpose and great responsibilities in this business. You have to do great and exert extra effort in your work. I don't want late and absences. I don't tolerate arrogant people here. I don't need those for success. I expect much from you. I believe you are already oriented about the rules in this company. Dapat masunod lahat ng rules and regulations dito kung hindi ay latatalsikin ko kayo agad agad. Your obedience will make your stay longer so your choice kung susunod kayo o hindi." mahabang paliwanag nito. Mataman lang kaming nakikinig sa kanya. Walang nag sasalita at kahit konting ingay ay wala.

" By the way my name is Sean Wallace Xenon. You can call mi sir, boss or whatever you are comfortable with. Are we clear with all that have been discussed?" tanong ni boss.

"yes boss" sabay sabay nanaman naming sabi.

"okay good, have a good day everyone" sabi niya bagk nagsimula ulit maglakad paalis. Pero bago pa siya maka lampas sakin ay tinignan niya nanaman ako. Nahigit ko tuloy ang hininga ko dahil dun.

Paglabas ni boss ay hinarap kami ng babaeng HR.

"okay that's it for today, aalis na din ako. You have your respective desks here. Na orient na din kayo sa mga gagawin niyo. You have all necessities needed in here kaya you're good. Again have a good day, I have to go" paalam niya din samin. Sabay sabay nanaman kamimg nag bow at nag thank you sa kanya.

Pagkatapos ng tagpong yon ay bumalik na kami sa sari sarili naming desks.

"grabe girl bat mikhang masungit naman si boss" sabi ni Sheila. Isa sa mga mabait na work mate ko.

"gaga oks lang yun gwapo naman siya eh hahaha" natatawang sagot naman ni Freya.

"haynako ikaw lumalandi ka nanaman ha" sagot ni Sheila sa kanya.

"ano ka ba, libreng tingin na ngalang yon eh kokontra ka pa" sagot naman ni Freya sa kanya habang inaayos ang mga papeles sa table niya.

"alam niyo kayong dalawa, ayusin niyo nalang yang mga dapat niyong ayusin dyan. Usap kayo ng usap di pa kayo nagsisimula mag ayos" sermon ko sa kanilang dalawa habang inaayos ang mga gamit ko sa table. Naglagay ako mg picture frame na picture namin nina mama at papa. Nag lagay din ako ng maliit na paso na may plastik na halaman.

"naku naku palibhasa sayo dika marunong lumandi eh" natatawang sabi ni Freya sakin.

"aba, talagang hindi ako marunong niyan dahil sa trabaho lang naman ako naka concentration. Kailangan namin ng pera at wala akong oras para sa mga ganyan" sabi ko naman sa kanya.

"alam ko na yan girl pero kahit manlang sana konting oras ay mabigyan mo ng oras yang sarili mo no" sabi ulit ni Freya sakin.

"oo nga baks, buti nga at hindi ka na lolosyang sa kaka stress mo sa sarili mo no." bwelta ni Sheila

"natural na kasi ganda ko kaya kahit anong magpa pangit pa sakin, di uubra yan" pagbibiro ko.

"ay taray te bumanat ng ganon" si Freya

"well maganda ka naman talaga baks, dika lang marunong mag ayos" dagdag ni Sheila

Natawa nalang ako. "diko naman na kailangan yan eh hahaha" sagot ko habang inaayos naman ang mga papel na kailangang ayusin.

"oo na baks grabe paulit ulit. Maganda ka na jusko mag ayos ka nalang dyan" pagbibiro naman ni Freya. Natawa lang kami ni Sheila dahil don at pinagpatuloy na ang mga gawain namin.

Unang araw namin to at kailangang maayos ang trabaho. Mahirap na mapahiya mamaya matanggalan pa ng trabaho. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho dahil kailangang kailangan namin ng pera.

Pagbubutihin ko ang trabahon to dahil alam kong dito lang ako makakahugot ng pangangailangan namin. Opportunity na nga to kaya hindi ko na pakakawalan pa.