webnovel

Save the Law

Story of a well known Attorney who is trying to solve a crime scene and prove his client is innocent but the public keeps accusing him which pushed the accused to kill himself by jumping of a building but failed to die and is now in a coma trying to recover on the other side is a Influential Doctor who bumped into the attorney and helped him solve the case by helping him find evidence for the case and try to solve what the other Doctors and nurses are hiding and Chairman of the hospital is hiding and some of the politiciansand well known business man and woman and find out if they are involved in the crime scene too,with the teamwork of the Doctor and Attorney and the help of others will they succeed and prove the accused is innocent?will they save the law with justice or falsely accuse the innocent as guilty to save the politicians and other business tycoons image?

missmin_chinnie · Others
Not enough ratings
2 Chs

Escape Path

its already 10 AM na at nagaayos ako naka square pants nalang ako at plain white croptop kase mag memeet kami ni Wenjz mamaya dahil tutulungan ko talaga siya sa case oh diba parang ang close na namin syempre ako yung nag yaya sakanya kase day off ko naman at gusto ko talaga siya tulungan sa case niya

napagplanuhan naming mag meet sa coffee shop sa isang mall nag taxi nalang ako papunta don para naman magpahatid ako kay Wenjz mamaya diba heheh

nang makarating ako sa coffee shop nandun na si Wenjz naka upo at may binabasang mga papers he's wearing a gray suit at maayos ngayon buhok niya na ikina pogi pa niya lalo para tuloy kami nasa isang Kdrama yung magmemeet sa coffee shop at kulang nalang sa subway kami pupunta eh napa iling nalang ako sa pinag iisip ko

lumapit na ako sa umupan niya at umupo sa harap niya pero di naman ata ako napansin

"you ordered na?" tanong ko naman to start our conversation

napatingin naman siya sakin

"not yet,hinintay lang kita, ano gusto mong inumin?you want to eat?" sagot naman niya at tumingin ulit sa papers na binabasa niya

"coffee nalang at yung french toast nila" sabi ko

binaba niya yung hawak niyang mga papel at nagyaya na siya ng isang waiter para kunin ang order namin

"1 coffee,french toast and Cappuccino" sabi niya sa waiter

ghad bat parang kahit pag order lang ang cool na niya at ang cool pa ng pag bigkas niya nung mga orders

"di ka kakain?" tanong ko naman nginitian lang niya ako as a response

huh anong ibig sabihin nun?

"So about the case" pansimula niya at may mga tinignan ulit siyang mga papel

"oh anong meron?" tanong ko naman at lumapit ng konti at sinilip mga tinitignan niyang papel

tinago naman na niya mga papel at tumingin sakin

"I heard na yung accused at yung victim ay mag girlfriend at boyfriend noon" sabi niya while playing with his hands

"sino ba yung accused?the girl or boy?at anong ginawa niya?" tanong ko at linaro ko narin din kamay ko

"yung boy,nung time ng crime scene ay siya lang nakita nilang kasama nung babae at finger print niya ang nasa kutsilyo at sa door knob"

"kung finger print man niya nasa kutsilyo,what if kaya nandun finger print niya kase tinulungan niya yung babae na matanggal yung kutsilyo?like he's trying to save the girl and diba sa door knob nandun din finger print niya so baka may unang pumasok tapos narinig lang nung boy na mga weird noises sa loob kaya ayun" sabi ko naman

naks buti nalang nanonood ako ng mga movies about mystery at mga may pa suspense

"you have a point naman pero di ko naman masasabi yan sa trial at baka di pa sila maniwala at ang nakakapgtaka pa is ano ginagawa nung lalake sa bahay ng babae tapos ang late pa?" sagot naman niya

"wait ang gulo pag boy,lalake,girl at babae ginagamit nating call sign,ano ba pangalan nila?" i said sounding stressed

"here" sabi naman niya at may inabot na papel sakin

tinignan ko ito at ang I.D nung dalawa

so Kelvin Pangalan nung lalaki pala at Megan naman yung babae at least mas clear ng pagusapan

"ano nakita niyo sa cctv?" tanong ko naman at binalik sakanya yung papel at tinignan siya

"walang cctv sa place ni Megan kaya di makita kung sino lumabas at mga pumasok"

"hmm weird,bat walang cctv?" takang tanong ko naman at tumingin sa labas

"exactly,same question din"

sasagot pa sana ako ng dumating na order namin

"you drink coffee?" tanong niya sakin at tinignan yung order ko

'alangan o orderin ko kaya to kung hindi?'sabi ko naman sa sarili ko

"yeah,palagi ko tong iniinom kahit mainit na panahon at noong high school nga ako nagdadala kami ng mga friends ko ng coffee tapos may bread pa everyday pero 1 week lang namin ginawa yun kase pinagalitan na kami after hahah and every single day paiba iba menu namin" sabi ko naman sakanya while remembering the good old days

"like what?" tanong naman niya

"nung first day lang coffee at pandesal dinala namin,second day na dagdagan na ng eggs at hotdog syempre may naka assign kung ano dadalhin,tapos patuloy tuloy mga spam na,corned beef at rice,and pancake at mac and cheese pa nagdadala na kami may time pa nga nag dala nalang kami ng mga plates namin spoon at fork" sagot ko naman sakanya at natatawa sa sarili ko

"what happened next?" takang tanong niya at uminom naman sa inorder niya

"ayun napagalitan kami,eh kasi naman ang daming nang aagaw ng pandesal tapos yung mga egg at hotdog kaya yun inaway ko yung hingi ng hingi hanggang sa sinapak ko siya nakita ng teacher yun" napa nguso kong sabi at uminon sa coffee

"damn,you solve things with violence?" sagot naman niya with amusement in his voice and eyes

"minsan" sabi ko naman at nginitian nalang niya at kinain nalang yung french toast ko nahalata kong tingin siya ng tingin sakin kaya naiilang naman ako

"you want some?" alok ko sakanya

"huh?" takang tanong niya

"oh here" sabi ko at kumuha ng isang slice ng french toast at linagay sa malapit sa bibig niya kaya parang sinusubuan ko siya,kinagatan naman niya yung french toast at kinuha na sa kamay ko

aww ang cute niya talagang tignan di ko maiwasang mapangiti

"You look cute" sabi ko nalang bigla at nabilaukan naman siya then my eyes widened

"hoy luh?you okay?" napansin kong namumula na tenga niya at mukha

"luh are you sick ba?namumula mukha mo" nag alalang tanong ko

"i'm fine,and mainit lang kaya namumula ako" sabi niya at napakamot sa batok niya

hmm he's acting weird na ha

"huh?mainit?eh ang lakas nga ng aircon eh" takang tanong ko at tinignan naman ang aircon pabalik sakanya

tinignan lang niya ako at parang natulala sa sinabi ko

"uhmm lets go to the crime scene na?and investigate some people medjo malayo yun dito" sabi nalang niya at tumayo na papuntang cash register

inunahan ko na siya at mag babayad na sana ng pigilan niya kamay ko

"ako na magbabayad" alok naman niya

"no,ako na" sagot ko naman at iaabot ulit ang bayad pero pinigilan niya ulit ako

"ako na,ako lalaki dito" sabi niya at kukunin na sana niya wallet niya sa bulsa niya ng pigilan ko kamay neto

"so what?dapat ba pag ikaw lalaki ikaw na magbabayad?" taas kilay kong sinabi sakanya at binitawan na kamay niya

i aabot ko na sana bayad ng hinila niya ulit yung kamay ko

"That's not what I meant,ako nalang magbabayad since this is our first.." sabi niya at di na natuloy at umiwas siya ng tingin sakin

"first what?" tanong ko naman

"first nothing" maglalabas na sana siya ng pera nang kusang gumalaw kamay ko at sampalin yung kamay niya nagulat naman siya eh pati rin ako ah di ko naman iexpect na gagawin ko yun di ko nalang pinahalata gulat ko at umiwas na ako ng tingin sakanya

"ouch,that hurts ha" sabi namang niya at halatang nainis sa ginawa ko at hinihimas yung kamay niyang sinampal ko

"sabing ako magbabayad eh bat ang kulit mo?" sabi ko sakanya na medjo naiinis na

"at sinabi ko rin namang ako magbabayad bat ang kulit mo rin?at bat ka nananampal ng kamay?!"sagot niya sakin

sasagot na naman sana ako ng inunahan ako nung cashier,ano ba yan!kanina pang napuputol mga sinabi ko kanina yung waiter lang tapos ngayong tong cashier na nakakainis na talaga!

"ahm maam?sir?magbabayad po ba kayo?sino magbabayad?andami pang nakapila oh tapos nagtatalo pa kayo kung sino magbabayad" natutuwang sabi nung cashier at tumingin sa likod namin,tumingin rin kami at halatang natutuwa rin sila na inasal namin yung iba naman ang sama ng tingin kaya tinaasan ko nalang sila ng kilay at humarap na sa cashier

"ako magbabayad!hayaan mo na sukli" inis na sabi ko sa cashier at binigyan nalang siya ng 500

tapos naglakad nalang paalis ewan kung bat naiinis ako eh bat kase ganun siya alam ko naman nagpapaka gentleman pero di ako yung tipo nagpapalibre no at nakakahiya kaya

naramdaman ko naman sumunod siya pero naglalakad parin ako at di siya pinapansin aba manigas siya!

nakailang ikot na kami sa mall pero di parin kami nag papansinan,ano ba bat di siya namamansin?!eh ang weird naman kung ako unang pumansin kase ako naman yung parang umiwas sakanya eh pag hindi ko siya kakausapin edi di ko alam kung saan kami pupunta hayst kakausapin ko na sana siya ng inunahan na niya ako

"di mo alam san ka pupunta no?and you're debating on your mind kung papansinin mo ba ako or itutuloy pagkaka toyo mo without any reason?" sabi niya na nakangisi

wait,what?!nababasa ba niya isip ko?how?

"Let's go?,ikaw na mauna" sabi ko naman at di pinansin yung sinabi niya,pina una ko nalang siyang maglakad napa iling naman siya at naglakad na

habang naglalakad kami napatigil nalang ako at may napansin akong isang shop na nag titinda ng stuffed toys aww ang cute nun!I want it ang cute pa ng kulay uwuu

call me weird or childish pero sa edad kong to mahilig parin ako sa mga stuffed toys kahiga ko panga minsan eh at kinakausap ko pa

*Wenjz POV*

"Thank you pala kanina sa coffee shop" sabi ko sakanya pansimula ng awkward conversation namin pero di naman siya sumagot galit ba yun?or tinotoyo?

"so about the case" sabi ko ulit pero di parin siya sumasagot

"parang I need to investigate pa sa tinitirhan ni Megan para may malaman akong infos or evidence" sabi ko naman pero di parin siya sumasagot liningon ko siya at nakitang wala na siya sa likod ko tinignan ko naman sa tabi tabi wala parin at dun ko napansin na nasa harap siya ng isang shop,lumapit ako at napansing sa isang shop na may stuffed toy siya tumigil nakita ko ring parang gusto niya bumili

"You want it?you like stuff toys?" tanong ko naman sakanya

"yeah,and I lovee them madami nga akong ganun noon eh" sagot naman niya na di parin ako tinitignan kase busy siya kakatitig dun sa isang stuff toy

tinignan ko rin ito at isang stuff to na kulang gray at white na aso

pumasok ako dun sa shop

"uhm miss can I buy that?" sabay turo dun sa stuff toy na aso

"sure sir,gusto niyo po with accessories yung aso?like t shirt and collars may extrang 100 pesos if may kasamang t shirt pa and accessories

"Sige,I'll buy that stuff toy and 2 of its accessories" deretso kong sabi at binayaran na agad ito

"para po ba sa girlfriend niya?naku ang swerte naman niya sir" sagot nung babae at inabot sakin yung paper bag kung nasaan yung stuff toy

"no,para sa isang kaibigan lang" sagot ko naman with a smile

"naku ang swerte naman ng kaibigan niyo sir"

nginitian ko nalang siya at lumabas na nakita ko parin si Ashley na nakatitig parin sa stuff toy na naka display

"oh" sabi ko sakanya at binigay yung paper bag

"what's this?" tanong niya

"open it"

tinignan naman niya yung laman at halatang nagulat siya pero di parin maiwasan yung pagka amused ng mata niya

"hoyy!yung stuff toy pero why?"takang tanong niya

"I want to repay you lang" sagot ko naman

"huh?" tanong niya ulit

"yung sa coffee shop kanina" sagot ko at naglakad na papuntang parking lot sumunod naman siya sakin

"pero mas mahal kaya to so parang may utang ako?" sabi naman niya

"600 lang naman yang stuff toy plus 200 sa accessories niya,di naman big deal yun kaya kalimutan mo na" sabi ko at patuloy nang naglalakad

napansin ko namang napatigil siya sa sinabi ko pero naglakad din after

nang nasa parking lot na kami nagtaka ako kung bat di siya sumakay sa passengers seat at pumunta dun sa likod

"bat jan ka?" tanong ko at tinignan siya na nasa likod

"kase parang ang uncomfortable pag jan sa harap ako"

"hoy di mo ko driver no,dito ka sa harap!"

aba magmumukha pa akong driver pag dun siya sa likod sumunod naman siya at umupo na dito sa harap inandar ko na ang kotse at pumunta sa bahay ni Megan habang nasa daan kami

"Thank you" sabi naman niya at napansin ko naka ngiti rin,di nalang ako sumagot

"aba!" sabi niya sabay hampas sa upuan na ikinabigla ko tinignan ko naman siya at ang sama ng tingin sakin aba bipolar ba to?kanina lang nakangiti tapos ngayon biglang magagalit

"ano?" takang tanong ko

"alam mo ba turo sakin ng lola ko noon pag may mag thank you sayo dapat sumagot ka rin!tapos ikaw di ka lang namamansin?!" sabi niya na

dahil dun lang?doctor ba talaga to?bat parang pasyente na baka daig pa nito ang baliw

"ano?" takang tanong ko ulit

"wala!!Wag mo nang pansinin sinabi ko!" galit niyang pasabi natuwa naman ako sa inasal niya i dont know why though pero I think she's cute and ang comfortable niyang kausap at kasama

"You're Welcome" sabi ko habang naka ngiti at tinignan siya

siya naman ngayon yung di sumagot ang sama talaga ng ugali napailing nalang ako sa inasal niya

tinignan ko ulit siya at naglabas siya ng headset at nakinig nalang sa music syempre ano pa gagawin niya dun sa headset kung di naman talaga makikinig ng music

nag focus nalang ako sa daan at mas binilisan pa pag maneho

nang nakarating na kami sa bahay nina megan in observe namin yung paligid may mga puno sa likod ng bahay niya at wala namang cctv dito sa harap ng bahay niya hm weird bat kaya wala?

"hey Wenjz?punta tayo sa likod" sabi naman ni Ashley at pumunta naman kami mahirap na baka magalit naman to

napansin ko lumapit siya sa may mga puno tapos parang may tinitignan kaya tumingin nalang ako sa glass door ng bahay at makikita dito ang kwarto ni megan kung saan siya sinaksak

"wenjz tignan mo oh,halika" sabi naman ni Ashley kaya lumapit ako sakanya

"Tignan mo dito sa mga puno dun sa other side parang may light?"

sabi niya at naglakad sa mga puno sinundan ko naman ito at bago ko ito sundan triny ko i time yung pag lakad namin

after 5 minutes naka rating kami sa tabi lang ng subdivision so walang gate dito parang yung mga puno yung harang,tinignan ko paligid at may cctv naman sa isang poste at naka tutok pa dito sa direksyon nang likod ng bahay ni megan,bingo!evidence pwedeng dito dumaan yung killer ito ginamit niyang way para walang makakita sakanya na dumaan sa harap

"baka dito dumaan yung killer kase deretso sa bahay nila megan to" sabi naman ni Ashley tinignan ko nalang siya parehas lang pala kami ng iniisip

pero pano niya nalaman mga to?di kaya?hindi naman siguro

"iniisip mo ba kung pano ko nalaman?sa mga napapanood kong Kdrama" simpleng sagot naman niya

nang matapos na namin obserbahan paligid napantantuhan kong bumalik na kami

"balik na tayo" sabi ko naman at nauna nang maglakad

napag desisyonan namin na pumunta nalang sa school nina megan at baka may mahanap pa kaming information dun

*Ashley POV*

hayst nakaka pagod mag lakad nasa kotse kami ngayon ni wenjz at napag desisyonan naming pumunta sa pinag aaralan nina megan at tanungin ang mga close friends niya tungkol sakanya at si Kelvin

habang nasa daan pa kami na bobored na ako kaya makikinig nalang ulit ako ng music i plaplay ko na sana yung music ng mag salita si wenjz

"ano pinapakinggan mo?" tanong naman niya

"music" maikling sagot ko dito

"what kind of music?" tanong ulit niya

"Talk"

"Talk?" ulit niya sa sinabi ko

"Talk by Why dont we" sabi ko naman sakanya

"ohh okay" sabi na niya at wala nang nag salita samin kaya nakinig nalang ako sa music

nang nagsawa na ako makinig sa music tinanggal ko na headset ko at tumingin nalang sa labas

habang nasa daan pa kami nakaramdam naman ako ng antok pero pinipigilan ko lang nakakahiya na kung makatulog pa ako sa kotse ni Wenjz

"ihatid nalang kita sa bahay niya,address mo?"sabi naman ni Wenjz

"huh?why?akala ko ba pupunta pa tayo sa school nila?" takang tanong ko naman sakanya

"you look tired and baka may duty ka pa bukas kelangan mo mag pahinga" sabi niya ng di ako tinignan

"day off ko rin bukas so its okay,punta nalang tayo sa school" sabi ko naman

"you sure?mukhang pagod kana eh,kaya ko naman na kakausapin ko lang mga students at tapos na" sabi niya sakin

"yeah,di pa naman ako ganun ka pagod kaya samahan nalang kita" sagot ko lamang at nginitian siya tinanguan nalang niya ako

"pwede ka munang matulog since medjo malayo pa naman yung school nila" sabi ni Wenjz pero di ko nalang sinagot at natulog nalang haystt nakakapagod talaga

"ashley?" nararamdaman kong may tumawag sa pangalan ko pero diko parin yun pinansin bat parang familiar nung boses?

"Aahley?wake up!" rinig ko ulit pero di ko parin minulat mata ko

"hey?wake up,were here na" rinig ko ulit kaya nagising na ako nakita ko namang nasa isang parking lot ako,huh?nakatulog ako sa kotse ko?pero nasaan ako?

tinignan ko paligid at dun ko lang napansin na nasa isa School pala ako pero pano ako naka rating dito?

tinignan ko naman sa tabi ko si Wenjz na nakatitig rin sakin kaya napatalon ako sa gulat,oh fudge oo nga pala nakatulog akoo,nakakahiya!!umiwas nalang ako sakanya ng tingin

"here,water" sabi niya at may inabot siya water bottle sakin kaya ininom ko naman agad ito

" lets go na?" sabi naman niya at lumabas na sa kotse

aba di man lang hinintay sagot ko lumabas narin ako sa kotse at tinignan paligid merong mga studyante na naglalaro sa field at meron naman mga nag prapractice sa stage habang tinitignan ko mga yun di ko maiwasang maalala nung nag aaral pa ako hayy nakakamiss talaga maging bata

sinundan ko na si Wenjz at deretso siyang pumunta sa principals office kumatok muna to bago pumasok

" come in" sabi naman ng isang boses sa loob

"Goodafternoon sir" formal na sabi ni Wenjz at nag bow pa

ay wow may ganun dito?parang sa korea ko lang nakikita mga nag bobow pag nag gregreet ah

tinignan naman ako nung principal at hinihintay sigurong batiin ko rin

"Hello sir" simpleng sabi ko naman since medjo na a awkward'n na ako sa titig niya

"what brings you here?" tanong ng principal

"Attorney.Wenjz Markus Valestro,I'm here to talk to some students" pakilala naman ni Wenjz sa sarili niya

ipapakilala ko rin kaya sarili ko?eh nakikisali lang naman ako dito sa case eh tinignan naman ako ni wenjz at parang sinasabi niyang ipakilala ko rin sarili ko tinignan ko lang siya na naka kunot noo na parang sinasabi na "kelangan pa ba?" naintindihan naman niya siguro kaya tinanguhan niya lang ako

ang galing no nag kakaintindihan kami gamit mata namin

"And I'm Doctor Ashley Kim Marquez,and i'm helping him lang hehe"sabi ko at nahihiyang nginitian siya

"and why do you need to talk to them?" sabi nung principal at may halong pagka awtoridad boses niya

"baka po kase they know something about the victim at yung accused and we need to ask some extra informations lang" sagot naman ni Wenjz

"What if I wont allow you?" sabi nung Principal na halong nang iinis

aba!nang iinis ba to

"Why wont you allow us?may tinatago ka ba kaya ayaw mo?" tanong ko at nginisian siya

napatigil siya sa sinabi ko tapos ngumiti din afterwards tapos tinignan niya ako

"Hindi naman sa ayaw ko,what if na trauma yung students?knowing na may killer silang classmate at muntik nang pinatay yung isa sakanila" sabi naman niya

"and what if hindi?" sagot ko naman pabalik tapos sinimangutan nalang siya

nakakainis ha!kung pwede lang talagang patayin to papatayin ko na pero ayoko maging murderer no,ano to pinatay ko lang dahil nainis ako sa mga sinabi niya eh parang hindi valid reason ko dun

"She's right,what if hindi sila na traumatize?dumaan kami kanina sa classroom nila and I saw na nagtatawanan pa sila at nag e enjoy" sabi naman ni Wenjz

"Bakit?dapat ba umiyak sila?" tanong naman ng principal

I just scoffed at him at mas lalong sinimangutan nakakainis na to ha

"Let me interview them,konting questions lang naman" sabi nalang ni wenjz at di pinansin yung sagot nung principal

"Give me a valid reason kung bakit ko kayo papayagan interviewhin sila" sabi naman nung principal at halatang nangiinis

"ipapatumba ko tong Skwelahan niyo pag di mo kami pinayagan" nananakot na sabi ni Wenjz ang seryoso pa ng mukha

nagulat naman yung principal at napatawa sa sinabi ni Wenjz

"As if kaya mo naman yun Attorney" naka ngising sagot ni Principal

"Kung mananalo ako dito sa case then madadamay pangalan ng school niyo at makilala bilang isang skwelahan na nag tatago ng mga evidence" now si Wenjz naman yung ngumisi

nawala naman yung ngiti ng principal at napasimangot nalang tinignan niya si Wenjz at nung tignan na sana niya ako ay binelatan ko nalang and made a mocking face

blehh ito kase ayaw pang pa interview'hin mga stidyante at pa hard to get pa,kelangan pa talagang takutin na masisira imahe ng school

"okay,i'll let you interview them"simpleng sagot lang nung Principal

buti na at pumayag pa kung hindi masasapak ko talaga to

"Thank you" sabi naman ni Wenjz at nag bow ulit

tinignan lang ni Principal si Wenjz at di na pinansin tapos tumingin na ulit sakin na nakatayo lang malapit kay Wenjz

kanina pa tong tingin ng tingin sakin ina akala ko tuloy na nagagandahan siya sakin hehe jk

tinaasan ko nalang siya ng kilay at umiwas na ng tingin