1 PROLOGUE

"Isa... 

dalawa.....

tatlo.....

MAGTAGO KA NA HANGGANG KAYA MO!"

"Kuya pwede mag tanong?" 

sagot ng isang inosenteng babae. 

"Anong ginagawa mo dito?paano ka napunta dito?Hindi mo ba alam kung anong pinasok mo?" may diin sa pananalita ng lalaki.

nangilabot naman ang inosenteng babae ng tanggalin ng lalake ang Mask nito. 

may lapnos ng apoy ang kaliwang mukha. 

"s-sorry po wala kasi akong m-matandaan...." nanginginig na sagot ng dalaga. 

nakaramdam naman ng awa ang lalake kung  kaya ay hinila nya ito sa isang lugar kung saan medyo ligtas sa baliw na nagsasalita sa speaker.

----- 

"Kuya , g-gusto ko na pong umuwi" natatakot na sabi ng dalaga. 

napasabunot sa ulo ang binata. 

talagang pinaglalaruan sila ng kung sino man. 

Matagal na ang lalake dito, Kung kaya alam nya ang naghihintay na kapahamakan sa dalagitang inosenteng nasa kanyang harapan. 

pinakalma ng lalake ang babae bago ito masinsinang kinausap. 

"makinig ka.. Walang daan palabas, matagal na ako dito at patuloy ko itong hinahanap hanggang ngayon. Kailangan lang nating magtago hanggang kaya natin at hanggang maaari huwag kang magpapakita ng kahinaan dahil ang takot mo ang magdadala sa iyo sa kamatayan."

sabi ng lalake. Tuluyang natulala ang babae at pinipilit unawain ang lahat. 

Nasaan sila?

paano sila napunta sa lugar na iyon?

Makakabalik paba sila?

anong klaseng lugar ang pinuntahan nila?

avataravatar
Next chapter