webnovel

KABANATA 5

ERCYL'S POV

Kasama ko si Zajid ngayon,

naglalakad kami sa gubat, srsly? may school sa gubat? wala bang sasakyan?

ayan, umandar na naman pagka abnormal ko,napanguso nalang ako.

"uy zajid bakit?"

nagtataka kong sabi ng umupo sya sa harap ko.

pati tuloy si Andrea huminto din.

Remember? si andrea yung babaeng maghuhubad sana ng Damit ko.

"tsk sumakay kana kasi !" at tinulak ako ni andrea dahilan para mapasubsob ako sa likod ni zajid.

pero nginitian lang ako ni zajid .

" sakay na , hindi mo gugustuhing makitang nababagot yang babae nasa likod mo"

sabi ni zajid at tumawa, err.... sige sya na ang weird, no choice at pumasan na ako sa likod nya.

nasa likod naman namin si andrea na parang bored na bored na.

Medyo malayo at tahimik din silang naglakad.

"what?" pagtataray ni andrea ng huminto si Zajid.

"total nag iinarte kana dyan maaari kanang umuna, salamat sa pag-sama paki sabi nalang medyo mahuhuli ako sa klase" at hinarap ni zajid si andrea na naka poker face na ngayon.

tumingin sakin si andrean at ngumisi.

"Bantayan mo ang isang yan"

ewan ko ba kung kikilabutan ako the way na ngisihan ako nung andreang yun.

binaba na ako ni zajid.

hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

"makinig kang mabuti, Walang sinasanto ang mga naririto. Huwag na huwag kang makikipag usap kahit kanino at hindi ka pwedeng umalis ng hindi mo ako kasama maliwanag?"

this time sumang ayon ako sa kanya.

kahit hindi ko alam kung ano bang kapahamakan ang nag iintay sa akin.

safe nga ba ako pag nasa tabi ko ang taong ito?

safe nga ba ako sa lugar na ito?

walang magtatanggol sa akin, anytime pwedeng malagay ako sa peligro. Now I regret na hindi ako pumayag na turuan ng self defense ni kuya. 

I am totally noob.

--

Katabi ko si Zajid habang naglalakad. Natatanaw ko ang isang malawak at napakagandang lugar.

Ano ito? Manila ba to? Kaso ang kaibahan sa gitna nito ay parang isang malawak na matataas na damo. Bale nasa gilid lang ang mga parang bahay at building.

Kaso..... Walang sasakyan. Damn .

Diko namalayang andito na kami. Sobra akong na amaze sa ganda ng lugar.

Napalingon ako kay zajid ng hawakan nya ang kamay ko.

"tandaan mo yung pinag usapan natin" sabi nya at ngumiti.

Inirapan ko nalang sya.

Pumasok kami sa isang pinto. Mukhang office .

"good morning mr.Delton , a new rat or a precious one?"

Ngisi ng babaeng may violet na buhok na nasa swivel chair.

Sya ba ang principal? Bat bata? I mean mga nasa 20's?

" precious gold, madam Stacey" at ngumisi si zajid

Umirap naman yung babae.

"sitdown tch"

Bat ganon? May deperensya ba mata nito? Kanina pa umiirap e.

Si Zajid ang nag fill up ng forms ko may tinatanong lang sya ng konte.

"classmates tayo sa lahat" sabi nya na ikinataka ko.

" you too leave now tch tch. So much late for the class hour" mataray na sabi nito.

Umalis kami dun, Mukhang nabunutan ako ng tinik.

"Zajid...."

Tila nabato ako sa kinatatayuan ko.

Nakakakilabot ang boses na tumawag kay zajid. Tila may otoridad sa boses nito.

"Hi nero! Ano po yun?"

Grr bat ang kalma ng lalaking to?

"lets talk about the consequence" sabi nito at sinulyapan ako ng tingin.

"ah ihahatid ko lang si Ercyl " sabi ni Zajid at umalis na kami dun.

Wala nang estudyanteng pakalat kalat.

Tumapat kami sa kulay puting pinto.

Ito naba yung room?

"mag bihis ka may uniform sa loob , intayin moko ha? Mag uusap lang kami" at pinisil ni zajid ang pisnge ko at tumatawang umalis.

Problema nang isang yun?

Pumasok ako sa loob.

"wow" unang lumabas sa bibig ko.

May mga uniforms shoes books bags dito.

Grabe mayaman ba sya?

Sabagay sya naman nagpapasok sakin dito.

Nagsukat na ako ng uniform ,Gash ang ikli ng palda. Pero ang cute tignan sa akin.

Tinali ko ang straight kong buhok

Napabuntong hininga ako sa salamin.

Bakit parang iba naman yung sinasabi nila zajid at nicholas? E parang peaceful school naman saka walang threat

Lumabas ako ng room. Wala pa si zajid?Umupo nalang ako sa upuan sa labas ng pinto.

"tsk ang tigas talaga ng ulo ng isang yun"

Napalingon ako sa babaeng parang mangangain, Nakakatakot sya.

Tinignan nya ako sa mata pero umiwas ako.

Akala ko lalagpasan nya ako pero huminto sya sa harap ko.

Napayuko ako sa kaba... Shit... Nanginginig kamay ko.

"Aww so ikaw yung babae nya?sagot!" napatayo ako ng tuwid.

"o-oo?" utal kong sabi.

"tsk... Alam mo ba ang kapalit ng pananatili mo dito?HAHAHAHA welcome dear "

Tumawa sya pero alam kong peke.

" nacurious tuloy ako sayo, hmmm... Sama ka sakin?"

At nag smirk sya. iiling pa sana ako ng hilain nya ako.

Sobrang kaba na ang nararamdaman ko.

Pano kung hanapin ako ni Zajid?

"t-teka s-san ba tayo pupunta?"

" sa heaven hahahaha char, sa room syempre mag-aaral duh!" sabi nito .

Tumahimik nalang ako at sumabay sa kanya. Nang makapunta na kami sa room ay lahat ng mata nakatingin sa amin ng babaeng kasama ko.

"oh? pres care to share?" at nag cross arms yung babae at nag taas ng kilay

" sorry not sorry i dont give a CARE and .... I don't wanna Share hahaha by the way, this girl beside me is Zajid's girl so..... Beware" at tumawa ulit itong katabi ko at pinaupo ako kung saan katabi ng upuan nya.

"Prestine Comiso"

Ang nakalagay, sya siguro yun.

"what ever bitch" sabi nung babaeng tumayo kanina

"yeah, love you too" at nag flying kiss pa si prestine.

Hell school? Ito naba yun? o may mas lalala pa?.

Napansin kolang yung parang pakpak na silver sa gilid ng uniform ni prestine.

At red naman dun sa babaeng nakatayo.

"Abby babe! Come here I wanna show you something"

Napalingon ako sa lalaking nakangising aso dun sa tinawag nya.

Yung babaeng nakatayo kanina abby pala name nya?

Nag dirty finger ito kay prestine bago lumabas ng room.

"ahm, prestine Nasaan ang teacher dito?"

Tanong ko.

"huh? Tapos na ang unang subject mamaya maya pa ang next. saka wag ka mag alala kahit bagsak ka mataas parin grade mo!" at tinaasan nya ako ng kilay.

"ano? Paano yun??" curious kong sabi.

"duhh? Dahil isa lang naman si Zajid Sa high throne ng Game of death everynight. Kaya pasado kana kahit dika mag aral. Pero kung matalino at strong ka baka mahigitan mo pa sya o masali ka sa high throne pero sa case mo mukhang utak ipis ka hahahaha"

Tumawa sya.. Umiwas nalang ako ng tingin.

Bakit ba natetense ako? parang may hindi mangyayaring maganda.

Nagulat ang lahat ng may tumakbong lalake papasok. Sobrang energetic nya

Sino pa ba? Edi si Zajid. Paano sya nasali e mukha namang lampa?

" hi mine!"

Bati nya sa akin, Ano daw?

"ha?" tanong ko.

Malay ko ba sino yun.

"aish boba. SA KANYA KA NGA KASI TANGA" diin na sabi ni prestine at inirapan ako.

Napanguso nalang tuloy ako.

Tumabi sakin si zajid. Halos magsuntukan pa nga sila ni Prestine e. Paano gusto ni zajid na sa akin tumabi. Tsk.

----

(Someone pov)

Hinampas ko ang lamesa ko.

"hindi pwede!.. Walang sino man ang makakasira ng plano ko kahit yang Invisble bird pa na yan! Sino ba kasi yang lintik na yan!"

Humanda ka sa akin kapag nakilala kita...

Hinding hindi mo gugustuhing kalabanin ako...

Walang sino man...

---------------

Next chapter