webnovel

KABANATA 2

Ercyl's point of view.....

Napabangon ako ng magising ako sa bangungot.

gash , ang init! kaya pala e. hindi bukas ang aircon sa kwarto ko.

tumayo ako para buksan ito at nagtungo sa bintana.

napayakap ako sa sarili ko ng sumalubong sa akin ang malamig na hangin.

"wow andaming star"

namamangha kong sabi.

isasarado ko na sana ang bintana ng may Van akong nakita, teka ibang Van yun pero ----ano ba ercyl tigilan mo nga yang pinag iisip mo!.

siguro na trauma lang ako sa nakita kong van, hays oo tama.

sinarado ko na ang bintana at natulog na.

--

Umaga na at nag aalmusal na kami ni kuya,maagang umalis si mama siguro pupunta na naman iyon kina lola .

nilipat ni kuya sa balita ang TV. Nag hahalo ako ng gatas ng mapatulala ako Sa TV.

"Magandang Umaga sa inyo kapamilya,Isang babae ang nawawala magmula kahapon. Walang natirang bakas ng kanyang pagkawala , narito at pinaghahanap na ng mga otoridad. Kung may nalalaman po kayo ay ipagbigay alam sa amin. maraming salamat----"

nilipat na nikuya ang channel ng TV. uminom agad ako ng gatas.

"anak ng senator yun, siguro galit yung kalaban kaya ayun napagtripan ang anak tsk tsk" iling ni kuya.

"late ka na ercyl may activity kayo diba?"

at tumayo si kuya.

"a-ayaw ko pumasok" sabi ko.

"huh? maiiwan ka dito sige ka may white lady dito diba? pumasok ka na nga kaya mababa ang grades mo e!" inis na sabi ni kuya

kung sya nalang kaya mag aral demanding e .

tumayo na ako at iniwan ang pinagkainan ko sa lamesa.

"bahala ka kuya palagi mo nalang ako pinagagalitan! wag moko ihahatid ayoko na sayo!"

nakakainis naman e. pumara ako ng taxi at sumakay papuntang school.

tumakbo ako dahil 5mins nalang bell na. ayoko maging cleaners ng oneweek noh!.

"good morning ercyl!" bungad agad sa akin ni Jethro.

kung hindi lang sya ang president ng room iisipin kong may gusto sya sa akin-lol asa pa ercyl

naupo na ako sa upuan ko at nilabas ang notebook ko .

dumating din naman si maam kaya nakinig nalang ako.

mabilis natapos ang klase at ngayon ay uwian na. Nagulat pa ako ng kalabitin ako ni Jethro kaya nilingon ko sya.

"hmm?"

"ano kasi, napansin mo ba si princess?"

"ha?sino?"

umiling nalang sya at naglakad papunta sa gate pero agad na huminto at nagsalita.

"mag iingat ka ercyl, wala bang susundo sayo?" ang weird naman ni jethro

"ahm si kuya "

"mabuti, sige una na ako"

nakakapagtaka naman, teka may susundo ba sa akin? gaga ka ba ercyl? diba sinabihan mo ang kuya mo na huwag kang sunduin? baliw!.

napabuntong hininga nalang ako. wala nang dumadaang sasakyan dito kapag hapon na bawal kasi. So eto kailangan kong maglakad lakad papuntang kanto.

napatakbo ako ng may makita akong tuta ang cute!.

sinundan ko ito pero nagtago ako sa likod ng puno ng makitang may van at may pinapasok itong dalawang babae.

pamilyar yung dalawang babae!.

napalunok ako ng may matapakan akong kahoy kaya napalingon sa gawi ko yung lalakeng naka uniform na mukhang estudyante .

sobrang nanlamig ako sa takot

tatakbo na sana ako nang may lalakeng humarang at dinikit ako sa puno.

hindi ako makahinga,

sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

"sinong nandyan?!" sigaw nung lalake.

"huwag kang gagalaw kung gusto mo pa mabuhay" y-yung boses nya- sobrang cold.

nakakapanindig balahibo lalo na ng isiksik nya ang ulo nya sa leeg ko. napapikit ako sa kiliti . gago dun ako may kiliti...! napakagat din ako sa labi ko.

"aww sorry Aries naiihi kasi ako hahahaha"

napamulat ako ng dumungaw ang ulo nitong lalake kung saan naroon ang van.

teka aries?kilala nya ang mga lalakeng yun?

"ah, bilisan mo baka magising na ito"

sabi ng boses.

bumalik naman sa akin ang tingin ng lalakeng bipolar.

nakangiti na sya ngayon. ngiting hindi mo alam kung may ibig sabihin o likas lang talaga sa kanya.

"hindi ka na dapat naglalakad ng walang kasama" at hinaplos nya ang mukha ko

sya yung lalakeng nakita ko sa market!

sa pag aalalang iyon yung lalake na nakita ko diko namalayang wala na pala sya sa harap ko.

naninikip ng sobra ang hininga ko.

inaatake na naman ata ako ng hika.

pinakalma ko ang sarili ko,bago lumabas sa puno.

teka naasan na yung tuta?.

napahinto ako ng may I.D akong natapakan sa damuhan .

mukhang matagal na ito dito,teka ID to ng school namin a.!

pinulot ko ito at nangunot ang noo ko.

PRINCESS DEVASTRE COLLINS

pri---hindi kaya SYA ang tinutukoy ni Jethro?..

--

Hindi ako mapakali, nasa kwarto ako ngayon. Sobrang gulo ng utak ko.

una, na trauma ako sa Van na yan diko alam kung tunay ba ang balita na killer sila.

akala ko bata ang hinuhuli?were not young.

were collage for pete sake.

tapos yung ID ni princess na baka sya yung sinasabi ni jethro.

tapos -----I met the guy with the weird smile. Hindi ako makapaniwala. grabe.

sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

napapitlag ako ng may magtext sa akin.

aish! istorbo.

binuksan ko ito at tinignan kung sino ang nag text.

KUYA MAHALKO : Bumaba ka na kakain na tayo. May sasabihin sayo si mama.

Napanguso nalang ako.Hindi ako kinakausap ni kuya,Puro text nalang.

bumaba na ako sa baba syempre

nakakapanibago sila.

kahit naman wala akong tatay o ama si mama at si mama yung andyan at di nagkulang sumubra pa nga ata e .

naupo na ako sa upuan .

samantala dati pinaghihila ako ni kuya ng upuan at pinagsasandok ng kanin at ulam.

"oh ercyl bat di ka pa kumakain?" nagtatakang sabi ni mama.

"wala po." nagsandok na ako.

"oo nga pala , bukas last day mo na sa school mo dun kana sa america mag aaral "

"po?!" nakakagulat ha!

"bakit may problema ba?" sabi ni mama.

"ahm wala ano po bakit?"

"Kumain ka na" napanguso nalang ako.

lagi naman e. nakakainis. na.

matapos kong kumain ay nag fb ako.

to jeth pogi : May sasabihin ako sayo.

ol naman sya kaya ang bilis nyang mag reply-pero di ko sinabi na porke online mabilis lahat mag reply hahaha

jeth pogi : ano yun ?

to jeth pogi : Princess Collins ba name nung sinasabi mo kanina?bakit mo hinahanap?

jeth pogi: am I weird kung nawawala sya 2days from now?pinsan ko sya :(

to jeth pogi: nakita ko ID nya ,dun sa madaming puno malapit sa school may van dun akong nakita mukhang may bagong biktima

jeth pogi : tsk! how are you?? okay ka lang ba?

biglang bumilis ang tibok ng puso ko. concern ba sya? i bit my lower lip.

jeth pogi : pupunta ako ngayon dun.

can you come with me?.

gash.makakasama ko si crush!..

medyo natatakot ako pero kinikilig.

napatingin ako sa wrist watch ko.

7:30 pm tulog na sina mama.

agad akong nagbihis at pumuslit sa bakod , susunduin daw kasi ako ni jeth .

ilang minuto palang ay natanaw ko na si jeth na naka bike.

huminto sya sa harap ko, tulad ko nakajacket din sya.

"angkas na" ngumiti sya.

aaww-- nakakainlaaab.

pabebe paba ako?sakay na!

naka angkas na ako sa likod nya

"jeth bakit di pa tayo umaalis?"

"humawak ka kasi dito ,ayan "

nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi ko ng hawakan nya ang dalawang kamay ko at ipayakap sa kanya.

hindi ako nagsalita at umalis na kami.

"salamat nga pala ercyl ha sinamahan mo ako" sabi nya.

"ah w-wala yun"

wag ka mautal ercyl!

bumaba na ako dahil andito na kami .

tinabi nya ang bike at umupo kami sa upuan.

8:00pm na pala.

"e-ercyl....dito ka lang"

"huh?" nagtaka naman ako.

"wag kang aalis dito. kung di ako makabalik tumawag kana ng pulis--" hinila ko ang damit nya kaya napahinto sya

"bakit hindi na tayo tumawag agad ng pulis?"

"sa tingin mo maniniwala sila kung wala tayong ebedensya?"

umalis na sya , tumakbo sya. nilingon ko ang paligid at sobrang dilim dito. tanging ilaw sa poste lang ang nagbibigay tanglaw at ng maliwanag na kalangitan.

may narinig akong kaluskos kaya tumakbo ako kung saan tumungo si jethro

gash baka aswang yun ayaw kopa machugi!

nagulat ako ng may humila sa akin sisigaw na sana ako .

"sssh. sabi ko huwag kang sumunod!"

tumango nalang ako sa sinabi ni jethro.

"may dala kang cellphone?" sabi nya.

nag oo naman ako at binigay ito sa kanya.

madali ko itong inagaw dahil ang lockscreen nun ay sya, nakatalikod sya dahil kinuhaan ko iyon nung nasa harap ko sya sa room nakaupo nasa unahan kasi sya.

binigay ko naman ng mabuksan na .

sumilip din ako sa van na may lalakeng estudyante at may babae at lalake na namang pinapasok.

*click*

napatakip ako sa bibig ng maalalang

FULL VOLUME YUN AT MAY FLASH PA !

nakita ko din ang gulat na mukha ni jethro.

tumingin sa gawi namin ang mga lalaki

at tumakbo.

hinawakan ako sa kamay ni jethro.

"kahit anong mangyari ibigay mo ito sa mga pulis, tumakas ka na kapag nakuha na nila ako!" at pinaupo nya ako sa makapal na mga damo.

"paano ka?" natatakot kong sabi.

ngumiti lang sya ng matamis ngiti na palagi nya sa aking pinapakita.

lumabas na sya sa puno at napakamot ulong humarap sa mga lalaki.

"tol sorry nag seselfie lang naman ako e" pabirong sabi ni jeth ng magtinginan ang dalawang lalake.

tumalikod na sana si jethro ng may baril na nilabas ang isang lalaki ang tumama ito sa ulo ni jethro.

akala ko baril pero parang wala namang lumbas na bala.

napasigaw ako at tumakbo sa gawi ni jeth na biglang napaluhod.

"jeth!" sigaw ko.

"B-bakit ka lumabas?! t-takbo ercyl...." nanghihinang sabi nya.

unti-unting lumabas ang mga luha ko sa aking mga mata.

"a-ayoko....ayokong iwan ka...."

napalingon ako ng bumaba yung lalaking nakita ko ang lalakeng makangiti wagas

"aries , ako na dyan "

wala akong balak iwan si jethro bahala na pero hinding hindi ko sya iiwan!

"He save you from your stupidly brain"

kinakapos ako ng hininga.

shit ,umaatake na naman ang hika ko.

"tsk. Sige matulog ka,Sana makayanan mo ang pinasok nyo"

huli nyang sabi bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

---

*someone pov*

Hindi ka na dapat pa nagpakita sa amin,

dahil walang magtatanggol sa utak ipis mong taglay.

i smirk at tinitigan sya .

ano pa kayang katangahan ang gagawin nya?.