webnovel

SAMUEL [Tagalog]

May anim na magbabarkada ang masayang nagbabakasyon sa isang villa, kung saan may na tatanging ganda kaya sila nagtungo doon. Ngunit sa kanilang pagbabakasyon ay mauuwi lamang sa madilim na karahasan at kalunoslunos na magtatapos sa kanilang buhay. Pano kaya nila matatakasan yung killer? At sino si Samuel?

Rosebelt25 · Horror
Not enough ratings
11 Chs

Chapter Two

LAKING gulat ng magbabarkada nang may magsalita sa bahagi ng counter. Pagbigkas pa lang ng bawat salita nito ay nakakakilabot na at nakakatindig palahibo. Maging ang kanyang ngipin ay manilaw-nilaw na may halong itim sa bahaging gilid ng mga ngipin nito. Maganda ang mukha nito na tila perpekto ang hugis at anggulo nito, matipuno ang pangangatawan at ang kasing kinis ng artista ang balat at pati kulay nito. Sadyang ngipin lang nito ang panget.

"Ano ang aking maipaglilikod mga binibini at ginoo?" Magalang nitong saad. "Huwag kayong mag-aalala hindi ako canival para mangain ng mga tao." Birong sabi pa nito na tumatawa pa.

Nagkatinginan ang magbabarkada sa isa't-isa bago maglakad patungo sa counter na pinangunahan ni Prelim, kasunod si Kailyn, Cassandra, Tisay, Johan at Benjamin.

"Ma-may itatanong lang sana kami.." Utal na sabi ni Prelim nang makalapit na sila. Lumingon pa siya sa mga kasamahan niya na binigyan lang siya ng tango.

"Tawagin niyo akong Samuel," pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay kay Prelim.

Tinanggap naman niyon ni Prelim at pinakilala din ang sarili, matapos niyon dumako ang nakalahad na kamay ni Samuel sa tapat ni Kailyn. Tinignan pa muna iyon ni Kailyn tila nagdududa bago tinanggap at magpakilala. Nakaramdam siya ng kakaibang presensya sa binata nang magshake hands sila, tumaas ang kanyang balahibo at nabalot ng takot ang buong sistema niya, bukod pa roon ay bigla siyang nanlamig kung kaya't agad niyang inalis yung kamay niya.

Nakipagshake hands si Samuel sa mga magbabarkada at matapos niyon ay muling nagsalita siya. "Ano ang maaari kong isagot sa inyong tanong?"

"Gusto namin itanong sa'yo kung saan dito yung ilog?" Wika ni Johan.

"Kanina pa kami nasa byahe ngunit di pa rin kami nakarating sa destinasyon, di kaya naliligaw kami?" Dugtong ni Benjamin.

Ngumiti ng nakakaloko si Samuel tila sa isip-isip niya ang sarap paglaruan ang mga ito. "Hindi kayo naliligaw ng landas," panimula niya. "Kayo ay nasa tamang destinasyon, sadyang malayo nga lang makarating. Sundan niyo lamang ang daan at may makikita kayong arko na ibig-sabihin niyon ay nakarating na kayo" nakangising pahayag ni Samuel.

"Thank you," tanging usal ni Prelim.

"Welcome and be enjoy your outing!" Sabay kindat at hindi parin maalis ang ngiti sa labi ni Samuel. "Kung may kailangan pa kayo nandito lamang ako upang tulungan kayo" pahabol na sabi pa nito.

"Sa-salamat ulit," wika ni Kailyn. Bago sila umalis sa store na 'yon.

Nagsimula na ulit sila bumiyahe patungo sa ibinigay na direskyon ni Samuel. Tahimik lang nila tinahak ang daan hanggang sa may makita nga silang arko na wala naman nakasulat. Laking tuwa nila nang makita nila ang ilog kung kaya't ipinarada na nila ang sasakyan sa tabi nang may isa pang kotse na nakaparada doon.

"SA wakas makakaligo narin!" Masiglang wika ni Tisay nang makababa siya ng sasakyan. Matapos niyon di alintana niya hinubad ang pang-itaas niyang sando, short at sandals na ngayon ay naka bikini na siya. Patakbo siyang nagtungo sa ilog at doon masayang nilublob ang sarili. "Woooaaahh!! Ang sarap ng tubig!" Sambit niya sa kawalan habang ninamnam niya ang katamtaman lamig at init ng tubig.

Sumunod naman nagtungo sa ilog si Johan, ang boyfriend ni Tisay. Nagtanggal narin ito ng damit at ang tanging natira lang ay maigsing short na black. Agad siyang na tilamsikan ng tubig ni Tisay nang lumublob narin siya sa tubig, tuloy hindi siya nakapaghanda.

"Mas gusto ko maligo dito" Usal ni Tisay. Kitang-kita sa mga mata nito ang galak.

"Come here baby," pilyong sabi ni Johan. Umiling lang si Tisay. "Ahh.. Ayaw mo ha! Ako ang lalapit sa'yo!" Sabay langoy ni Johan papalapit kay Tisay. Lumangoy narin si Tisay papalayo kay Johan na ngayon ay hinahabol siya nito habang lumalangoy sila pareho. At mukhang tuwang-tuwa sila sa kanilang ginagawa.

Samantalang sila Kailyn, Cassandra at Prelim ay abala sa pagbaba ng kanilang gamit sa sasakyan. Una muna nila tinayo ang tent pagkatapos yung mga gamit nila, maging sa pagluluto ay inayos din nila. At ang mga baon nilang pagkain ay inihain nila sa lamesa na di-tiklop.

"Ang aga-aga maligo at maglandian ng magjowa oh!" Iritang komento ni Cassandra habang pinapanuod yung magjowa na kanina pa naglalaro sa ilog.

"At ikaw naman ang bitter mo," Natatawang pang-aasar ni Kailyn kay Cassandra. "Tara maligo na rin tayo!" Pag-aya niya kay Cassandra.

"Well, tatanggi pa ba ko?" Taas kilay na tugon ni Cassandra. Sabay hubad nito ng t-shirt, pantalon at shoes pagkatapos pakembot-kembot na naglakad patungo sa ilog.

NATATAWANG pinanuod ni Kailyn si Cassandra na kumekembot habang naglalakad. Hinubad narin niya yung t-shirt, short at shoes niya, handa na sana siya lumublob sa ilog nang tinawag siya ni Prelim kung kaya't takang nilingon niya ito.

"Prelim, bakit?" Tanong niya. Nakita ng dalawang mata niya kung saan napako ang mata nito, kung kaya't napalunok siya at tinignan ang sarili niya nang mapagtanto na nakabikini siya, pagkatapos ay naiilang na umiwas siya ng tingin kay Prelim.

"Ang ganda ng hubog ng katawan mo" Aniya ni Prelim sabay iwas ng tingin sa katawan niya.

"Salamat.." Tugon niya. "Ahm.. Sige maliligo na ko" dugtong niya. Akmang aalis na sana siya nang tinawag ulit siya ni Prelim na mas ikinailang niya.

"Sa susunod huwag ka na magsusuot ng ganyan," seryosong sambit nito na pinagtaka niya. Kumunot noo niya pa nang iwanan siya ni Prelim at nagtungo sa direksyon ni Benjamin na abala tignan yung mga gamit doon sa katabing sasakyan nila.

Huminga siya ng malalim at tinignan muli ang sarili pagkatapos ay nagkibitbalikat siya at nagtungo narin sa ilog.

NAGSISINDI ng sigarilyo si Benjamin nang maramdaman niyang lumapit sa kanya si Prelim. Tinapik pa nito ang likod niya tsaka siya lumingon.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nito sa kanya.

"Naghahanap na pwede nating gamitin" sagot niya. Habang hinahalughog niya yung isang bag.

"Ben hindi tamang makialam ka ng ibang gamit, baka maya dumating yung may-ari!" Sumbat ni Prelim.

Imbis na pansinin niya yung sinabi ni Prelim sa kanya natuon ang mga mata niya sa isang wallet. Kinuha niya iyon at binuksan, tumambad sa kanya ang mga naglalaman ng maraming pera at picture ng apat na magbabarkada. Dalawang babae at dalawang lalaki, nagsalubong ang mga kilay niya nang may maalala siya.

"Ben.." Wika muli sa kanya ni Prelim, kaya't walang salitang nilingon niya ito. "Mukhang may bagong darating" dugtong pa nito. Sabay sinundan niya ng tingin si Prelim kung saan ito ngayon nakatingin.

May dumating kasi na sasakyan at nang makita nila kung sino iyon ay agad nilang nilapitan ang taong iyon. Habang papalapit sila nila Prelim ay lihim niyang tinago ang wallet sa bulsa ng maong short niya.

"Samuel.." Tawag ni Prelim. "May kailangan ka ba?" Dugtong anito.

"Gusto ko lamang i-check na maayos kayo dito" tugon ni Samuel.

"Maayos naman kami dito at maganda yung view," nakangising komento niya. Sabay sindi ng sigarilyo, matapos niya maghithit ay nagpakawala siya ng usok sa harapan ni Samuel na ikinangiwi naman nito. Hindi niya tuloy maiwasan na mapahalakhak dahil sa reaksyon ni Samuel.

"Benjamin!" Suway sa kanya ni Prelim. Nginisian na lang niya tuloy si Samuel. "Pasensya ka na kay Ben," paghingi ng paumanhin ni Prelim kay Samuel. "Ganyan talaga ugali niyan kapag nag sisigarilyo walang manners!"

"Wala yun sa'kin," sagot ni Samuel. Pero bakas sa mukha nito ang pagkaseryoso. "Magenjoy na lang kayo sa outing niyo!" Dagdag anito at umalis na.