webnovel

Face to Face Talk

Ara's Point Of View

Natapos ang klase at pumunta na ako sa usapan namin ni Sam, hay nako di ko alam kung bakit ako pumunta at pumayag sa kaniya.

Sa likod ng Building, ang ngayon ko lang narealize na kaya pala sa likod ng Building kami nagkikita kasi ikinakahiya niya ang tulad ko.

"Oh ano yung pagu-usapan natin?" Tanong ko kay Sam na naka-talikod pero bakit ganon, parang hindi naman ganyan yung hitsura ng likoran ni Sam ahh, pero baka nag-diet lang.

Unti unti siya'ng humarap at ayun... He's Not Sam, it's Amanda, nag-disguise siya, hay nako sinasabi ko na eh, pinag-handaan ito nila Sam at Amanda para pag-isahan ako.

"Oh, so totoo nga ang sabi ng malandi'ng ikat na kaklase mo'ng gumanda ka na" sabi ni Amanda sa akin.

"First of all, hindi ikat ang mga kaklase ko'ng babae and second, maganda na ako, mas maganda pa sayo!" Sabi ko kay Amanda.

"Hay nako, KAPALaran nga naman umaarangkada sa isipan mo" sabi niya habang iniikutan pa ako.

"Hay nako, nagsalita ang malandi'ng babae na nanggaling pa sa kanal!" Sabi ko.

"Ay, nagsalita ang bibe'ng nang-galing sa putikan" Sabi niya.

"Oo nga, galing ako sa putikan pero eto ngayon, nasa isa'ng ilog at kumikinang na ang mga balahibo" Sabi ko sa kaniya, kasabay nun ay tinarayan ko siya.

"Eh, basta, bakit nga pala ako nandito, bakit nga ba ako nandito, hay nako, sige, alis na ako, ayoko nang makipag-tarayan sa isa'ng tulad mo!!" Sabi niya, baliw, may saltik siguro yun, baliw.

Mga ilang minuto pa at umalis na rin ako sa likod ng building at habang naglalakad ay nakita ko ang favorite place ko dito sa HIU, ang Garden.

At sobra, ay hindi pala sobra, nagulat lang ako kasi nakita ko si Sam dito, oh ano nga pala'ng ginagawa niya dito?

Sige Ara itanong mo sa sarili mo, may sasagot diyan, tatanga tanga ka rin eh noh.

"Oh, Ara!" Sabi niya na akma'ng lalapit sa akin.

"5 meters away" I said.

"Ang tagal kita hinintay dito, saan ka ba galing?" Tanong niya.

"Sa likod ng building, di ba sabi mo?" Sabi ko.

"Di ba sabi mo ayaw mo na sa past at gusto mo na sa present kaya dito sa Garden!" Sabi niya.

"Bakit mo nga pala gusto makipag-usap?" Tanong ko sa kaniya.

"I miss you" sabi niya.

"Hay nako, lasing ka lang kaya mo nasasabi ya'ng mga ganyan, hindi na maibabalik ng "I miss you" abg dati kaya tumigil ka na!" Sabi ko at akma'ng aalis na pero bagsalita ulit siya.

"Kung alam mo lang"

"Hay nako, matagal na'ng line yan dito sa Wattpad, hoy 2018 na, wala ka na sa eBook year!" Sabi ko at umalis na nga.

"At saka bitawab mo na ako, hindi kita kailangan!" Sigaw ko at tumakbo na papunta'ng parking lot.

Pero dun ko nakita si Amanda, naka-sandal pa sa kotse ko, hay nako, isa rin to'ng may saltik eh.

"Hay nako, nakalimutan ko nga pala'ng pipigilan ka'ng pumunta sa usapan niyo ni Sam" sabi niya.

"Problema ko na ba ang katangaha'ng ipinapa-hatid mo?" Mataray na tanong ko.

"Hindi... Pero, ano'ng pinag-usapan ninyo ni Sam?" Tanong niya sa akin.

"Problema ko na rin ba ang hindi mo alam ang pinagusapan namin, itanong mo sa pagong, umalis ka sa kotse ko kung ayaw mo'ng ihampas ko sayo lahat ng puwede'ng maihahampas sayo!" Sabi ko, tsss, aalis rin naman pala, may patanong tanong pa.

Pina-andar ko na yung sasakyan ko na yung sasakyan pero sobra'ng gulat ko nang malama'ng sira ito, nakita ko si Amanda na naka-ngisi sa harapan ng kotse ko.

Lumabas ako pero tumakbo siya, hinabol ko siya kahit naka-high heels pa ako, sh*t, dapat mahal suweldo ko dito eh, ang hirap kaya!

Hanggang sa maka-abot kami sa ground ng HIU at duon ay itinulak ko ang ulo niya kaya napa-subsob siya sa damuhan, hahaha lampa.

"Ayusin mo kotse ko!" Sabi ko sa kaniya.

"Eh kung ayaw ko?" Maangas niya'ng tanong.

"Pwes tignan natin kung ano'ng mangyayari kung ayaw mo!" sabi ko at ngumisi.