webnovel

Home Alone

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa isang bus papuntang Cubao. Alas-singko na pero parang alas-siyete na dahil sa dilim ng gabi, di pa rin nawawala ang traffic sa EDSA kahit na gabi na't papunta sa kabilang direksyon mga tao.

Nakasuot pa ako ng t-shirt at shorts na madalas kong suot sa eskwela. Pagdating sa MRT station, bigla siyang nag-text at sinabing hintayin ko lang siya sa convenience store. Ewan ko sa taong 'to kung saang lupalop ng Maynila niya ako dadalhin pero wala akong magagawa, gwapo eh. Mukhang alam ko na plano nito.

Mga ilang araw matapos naming magkita sa Shang, inaya niya ako na isama sa trabaho niya. Wala naman daw siyang klase at maliit lang ang office nila kaya pwede akong tumambay. Ang weird lang na ganitong oras ng gabi pa niya ako pinapapunta't bakit hindi sa Ortigas/Makati/BGC yung location. Di ko rin naman siya natanong kung anong trabaho niya pero nasabi niya dati na may kinalaman iyon sa Math.

"Kanina ka pa ba dito?" Bati niya agad sa akin nung nakita akong nakaupo sa sulok. Mukhang di naman ata nag-oopisina ito sa itsura niya - naka-t-shirt at shorts pa nga. Sa bagay, Biyernes pero ang weird lang talaga.

"Di naman. Saan mo ba 'ko dadalhin?" Diretso't medyo naiinis kong tanong sa kanya. Napangiti lang siya habang inaalalayan ako palabas.

Kaya pala sa MRT niya ako pinababa kasi doon yung sakayan ng jeep na dadaan sa pupuntahan namin. Nakalimutan ko na yung ruta pero sa pagkaka-alala ko, dadaan ng New Manila iyon tapos ang dulo, sa San Juan. Siyempre nalaman ko lang iyon nung nakarating na kami, na inabot ata ng isang oras.

Hindi kami nagkikibuan sa buong biyahe. Di ko namalayang sa dulo ng ruta pala punta namin hanggang sa tumigil yung jeep sa isang madilim na eskinita palabas sa isang malaking kalsada. Wilson ata pangalan nun. Gusto ko nga sanang ayain siya sa malapit na McDonalds kasi kanina pa ko nagugutom kaso nakakahiya naman.

"Gutom ka na ba? Don't worry may pagkain naman doon pagdating." Mukhang nabasa niya utak ko't napa-oo na lang ako. Lakad lang kami ng lakad na parang walang katapusan, pababa sa isang hilera ng mga townhouse. Hanggang doon di kami nagkikibuan man lang. Nag-iimagine pa naman ako na bigla niyang hahawakan kamay ko or anything, kaso hindi. Ang labo ng gagong 'to.

Sa wakas nakarating na rin kami sa destinasyon namin. Isang medyo lumang compound ng mga townhouse, siguro nung late 90s ata 'to tinayo. Mga walo ata iyon na puro may nakatira that's why I wondered bakit sa isang townhouse ako dadalhin nito? Hindi naman siya sa San Juan nakatira kasi naka-dorm siya sa campus, pero ewan.

Yun pala, dito talaga office nila. Parang start-up company sila na outsourcing for budgeting something abroad.

"Manong sa office lang po kami..." At mukhang di siya kinuwestiyon nung guard at pinapasok kami agad. Diretso kami sa second floor nung townhouse gamit ang hagdan na naka-connect dito from below.

"Taga-US yung may-ari nito, pero Pinoy siya. Paminsan-minsan umuuwi siya dito pero at a normal day ilan lang kami sa opisina." Intro niya habang binubuksan ang pinto. Iniwan daw sa kanya yung susi kasi alam na siya lang matitira nung gabi.

Sa loob parang ordinaryo lang ding bahay - may kusina pa nga eh. Sa isang gilid naman yung mga computers na ginagamit nila, siguro mga sampu iyon.

"Ikaw lang ngayon dito?" Kunwaring painosente ko pang tanong sa kanya habang may hinahanda siya sa kusina.

"Ngayon, oo. Minsan nandito rin sila kapag trip nila, pero kapag Fridays usually nagsisiuwian sila sa probinsya. O kaya nagpa-party. Sa bagay, nandun din pala yung boy sa baba."

Sa amoy nung niluluto niya, parang pancit canton ata. Shet, tagal ko nang di nakakakain niyan, isip ko habang abala siyang salain mula sa tubig.

"Di ka lonely dito? I mean, di ka man lang kinuwestiyon?" Tanong ko habang palapit sa kanya para tulungan siya sa sauce.

"Ewan, wala lang. Ganun siguro kapag lahat lalaki dito sa opisina. Kapag may nagpapaiwan dito over the weekend, alam na kung bakit, wala nang tanong-tanong pa kahit sino dalhin mo." Sagot niya habang hawak yung pakete ng toyo. "Di ko alam kung sinong mga dinadala nila dito, pero sure ako mga girlfriend o mga kalandian nila. Di naman nila ako tinanong kung ano sexuality ko eh, pero minsan binibiro nila ako kung kelan ba daw ako magdadala."

"So iyon ang reason kaya mo 'ko dinala dito?" Tawa ko habang hinahalo yung canton sa plato.

"Magamit ko man lang privilege ko, at least once." Sabay labas ng malalaki niyang ngipin sa pag-ngiti niya. Ito gusto ko sa kanya eh, ang cute niya talaga kapag naka-smile.

Sabay nagulat kami nung may umakyat sa loob. Yung boy lang pala.

"Sino iyang kasama mo Tine?" Tanong nung boy. Nanibago ata siya na may dinala si Justine sa townhouse. Sorry ha, pero sa tingin niya parang may signal din 'to. Mga 3G siguro. Kaso di ko trip mga payat unless malasing ako dito right now, baka mapagtripan ko siya for a threesome. Joke.

"Classmate ko sa school." Seriously, ganun ba ako mukhang katanda't kaklase pakilala niya? Bumaba na rin yung boy matapos ibilin na i-lock yung pinto at patayin mga ilaw at appliances 'pag matutulog na kami. Yung mukha niya, para ba siya yung taga-tago ng mga sikreto ng mga empleyado at mga ka-landian nila.

"Huwag kang mag-alala, kinakana niyan yung maid sa kabilang compound kaya may pang-blackmail ako sa kanya." Bulong niya sa akin, na kinatawa ko ng malakas.

Pagdala niya ng softdrinks sa ref saka na kami nagsimulang kumain. Ginagago ata ako nito eh, maanghang na naman binigay sa akin eh alam na niyang ayaw ko ng maanghang.

"Anong flavor niyang hawak mo?" Tanong ko matapos hablutin yung pinakamalapit na baso ng tubig.

"Parehas lang tayo no. Pinaghalo ko lahat ng flavors." Sagot niya.

"Sinabi ko na sa iyo ayoko ng maanghang eh." Inis kong sagot sa kanya.

"Ano bang paborito mong flavor?"

"Kalamansi. O kaya plain." Walang kalatoy-latoy kong sagot.

"Kaya pala walang kabuhay-buhay life mo eh!" Pagbibiro niya. "Kailangang may spice ang life natin kung minsan. Kapag walang spice, boring, monotonous. Yung anghang sa buhay makes it exciting, and that's where we learn."

"Sabihin mo nga, Math ba talaga course mo o Philo?" Reaksyon ko sa kanyang sermon in positivity. "Well kung ganun mo siya iisipin, siguro kaya ko favorite Kalamansi kasi maasim siya, parang buhay ko, puno ng maaasim na eksena. Yung tipong mapapaiyak ka, ganun. But at least it reminds me that life may not be sweet all the time, but you'll enjoy it eventually."

"May maasim na refreshing, like sinigang. O kaya yung sa pineapple juice, masarap."

Anong pinagsasasabi nitong ewang 'to?

Busy lang ako sa pagsubok na ubusin yung canton sa harap ko, walang malay na wala na siya sa mesa. Ang di ko alam, ito na pala simula ng mga kalokohan niya.

"Gusto mo ba ng juice?" Wait, Coke yung nasa mesa ah, sabay...who-who-whoa! Teka, shet umaandar na ata ang loko. Di ko alam na nasa likod na pala siya't tumitiyempong halikan ako.

Halik sa labi. French kiss. Mga 10 seconds, ganun. Pero mukhang di marunong ang gagong 'to. Lakas maka-da moves.

Halos matumba na ata ako sa upuan nang gawin niya iyon sa akin. Buti na lang napakapit ako sa mesa't kung hindi parehas na kaming natumba. Pero iyon naman ata balak niya, or else baka lumuhod na lang 'to maghubad sa harap ko. Shet, di ko 'to kinakaya! Anong nagyari sa awkward at inosenteng Justine na nakilala ko?

Bigla niyang pinulupot ang mga kamay niya sa bewang ko, na parang sinusubukang itayo ako dun sa upuan. Di namin alam paikot-ikot na kami sa kusina, naghahalikan at naghihipuan ng isa't isa. Pero ang mas matindi nung natumba kami - sa lahat ng pwede pa namang tumbahan...

"Tang ina mo, Justine! Waah!" Iyon lang nasabi ko nung natumba kami sa hagdan. Nakapatong siya sa akin, para bang batang sobrang excited sa kanyang buhay at oversized na candy. May suot pa kami noon pero para bang excited na kaming parehong makita ang regalo. Shet, di ko inimagine na dito't magiging ganito kawild ang una naming encounter.