webnovel

Chapter 35: HMM (Hey Marry Me)

THE  true meaning of HMM is Hey Marry Me. So kapag nagsabi ka ng hmm sa isang tao, actually gusto mong pakasalan ka niya o 'di ba ang swerte mo sa part na ang crush mo ang sinabihan mo ng hmm

"Hi Niko!" Tawag ko sa super gwapong schoolmate namin sa school

Tiningnan lang ako ni Niko at inirapan. Suplado talaga itong si crush ko, kahit tingnan lang niya ako ng padaplis okay na 'yun sa'kin

"Ikaw Nory ah, panay ang papansin mo diyan kay Niko. Kung ako sa'yo maghanap ka na lang ng iba hindi ka naman papansinin niyan tsaka may girlfriend na 'yan!" Siko sa'kin ni Maila katabi ko

Tiningnan ko naman siya na puno ng kumpiyansa

"Like duh! I don't care kung may girlfriend na si Niko. I'm one hundred percent sure na mas maganda pa ako do'n!" Sabay flip hair sa mukha niya

"Ano ba 'yan Nory! Gusto mo bang ipakain sa akin iyang buhok mo ha? Buti sana kung edible 'yan." Palatak ni Maila at pinunasan ang mukhang ngayon ay namumula na

May allergy kasi siya sa buhok kaya nga hanggang leeg ang buhok niya tapos tinatali niya pa.

May girlfriend na pala ang isang 'yun? Hindi ko kasi nabalitaan, hindi naman kasi siya showy—

"Iyan ba 'yung girlfriend ni Niko Suarez? Grabe ang ganda niya!" Rinig kong sabi ng isang babae na ahead sa'kin

Tiningnan ko naman ang sinasabi niyang girlfriend daw ni my loves Niko. Hindi ko maiwasang hagodin siya ng tingin

Matangkad siya, maganda, slim, maputi—pero mas maganda pa din ako kesa sa kanya

"Oh, 'di ba? Sinabi ko na sa'yo na taken na iyang kinababaliwan mo. Tingnan mo oh? Malamodel ang katawan tapos ang mukha parang manika! In short para siyang living Barbie doll" Dugtong naman ni Maila

Tiningnan ko naman siya at tinaasan ng kilay

"Eh, ano naman ngayon kung maganda siya ha?! Hindi ako naiinsecure sa ganda niya. Remember—beauty fades!" Tatak ko sa utak niya

Ako ang kaibigan niya tapos doon siya kumampi sa parang mannequin na girlfriend daw ni Niko?

"Hindi ko siya kinakampihan, I was stating the fact. You know?" Pagpapaintindi nito sa'kin

"Stating. The. Fact. Bahala ka na nga diyan, doon ka sa mannequin na 'yun at h'wag mo na din akong lalapitan ah." At tinalikuran siya

Naiinis talaga ako kay Maila kasi mas cinompliment niya ang babaetang 'yun. Akala mo naman kung sinong maganda mukha namang bakla!

"Ay sorry po Kuya—" Wika ko habang hawak hawak ang aking nuo

Tumigil naman sa paglalakad ang nasabing lalaki na nakabangga ko sa aking harapan

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. At h'wag mo 'kong tawaging Kuya, hindi kita kapatid." Simpleng sagot naman nito at namulsa sa harapan ko

Nanlaki ang aking mga mata na nag-angat ako ng tingin. Nakatungo kasi ako at tanging ang itim na sapatos lang ang nakikita ko sa kanya

At hindi ko inaasahang si Niko ang nakabangga ko, oh my God. Am I dreaming?

"N-niko?"

Ngumisi naman siya sa akin at binigyang distansiya ang aming kinatatayuan

"Tingin tingin din sa dinadaan, Ms HMM" Tugon nito at nilagpasan ako

Sinundan ko naman siya ng tingin habang ang aking bibig ay nakaawang pa. Palagi kong hinihiling na sana ay magtagpo kami ni Niko o di kaya ay makabangga ko lang siya at heto na nga dininig na ni Papa Jesus ang hiling ko!

"Hi babe!" Nawala lang ang imahinasyon ko ng makita ko na naman ang mannequin na bakla na sumalubong kay Niko

At naturang nagusot ang mukha ko ng halikan ng baklang mannequin si Niko sa pisngi

"Hi babe!" Panggagaya ko sa boses nito

"Ang OA! Masyadong pabebe akala mo naman kung sinong diyosa na napadpad sa lupa—" Opinyon ko at nagpairap irap pa sa hangin

"May sama ka ba ng loob sa dalawang 'yan?" Tanong sa'kin ni Dave kaibigan kong lalaki

"Ano ba sa tingin mo!" Masungit ko namang sagot at ibinalik ang tingin sa dalawang taong nagsusubuan ng pasta

"Hay naku Nory, tigil-tigilan mo na iyang si Niko. Infantuation lang naman ang feelings mo towards him" Salita nito

Tiningnan ko naman siya

"Paki-alam mo ba Dave! Hayaan mo nga ako sa kung anong gusto ko!" Bulyaw ko sa kanya

Nagkibit balikat lang si Dave at ibinalik ang atensiyon sa kinakaing cake

At ako naman ay tinitingnan pa din ang super duper sweet love birds na ngayon ay nagtatawanan habang si mannequin the bakla girl ay nakayakap sa bewang ni Niko my loves

Ang sarap lang batuhin ng kaldero eh 'no? Kung ako talaga hindi makapagpigil naku lagot sa'kin 'yang mannequin na 'yan.

"Selos ka?" Singit na naman ni Dave

"Ang sarap mo ding iuntog sa pader 'no? Kanina ka pa eh! Pwede bang iyang pagkain mo na lang ang kausapin mo kesa sa ako?" Pagtataray ko dito at tumayo sa pagkakaupo

Nakakainis din itong si Dave eh, nakikiupo na nga lang nambubuwesit pa

At sa dakilang matapang at makapal ang mukha ko sinadya kong dumaan sa harap nila ni Niko at ang luko hindi man lang ako tiningnan

"Nakakainis!" Bulalas ko at padaskol na naglakad paalis

Alangan namang bumalik pa ulit ako do'n at dumaan ulit sa harapan nila baka mapansin pa ng mannequin na 'yun na umaaligid aligid ako sa boyfriend niya

"Excuse me—" Napaangat ako ng tingin sa salamin na nasa aking harapan at tiningnan ang babaeng pumukaw sa aking atensiyon

"Yes?" Sagot ko naman at tinaasan siya ng dalawang kilay

"Pwedeng paki-abot ng tissue?" Utos nito sa'kin

At dahil sa hindi ako madaling paki-usapan ay binigyan ko siya ng daan para makakuha ng tissue paper na gusto niya. Like duh, pwede naman siyang kumuha kahit hindi pa siya mag excuse 'no!

"Pwede ka ng kumuha ng tissue," Nakangiti kong turan at iminuwestra pa ang basang kamay sa isang tissue na hindi pa nababawasan

Nakita kung inirapan ako ni mannequin bakla at padaskol na kumuha ng tissue paper pagkatapos ay binangga pa ang balikat ko pagkalabas na pagkalabas niya

Inismiran ko naman siya at hindi nagpatalo sa uri ng tinginan

Akala mo matatakot ako sa'yo? Ibalandra ko kaya 'yang mukha mo sa inidoro

Akala niya kung sino siya ha, sipain ko kaya 'yang paa niya...

Bad mood akong lumabas ng CR at dumeritso kaagad sa aming silid at napahinto na naman ako ng makita kung nakaharang si Niko sa pintuan habang may kinakalikot sa kanyang cellphone

Inayos ko muna ang aking sarili at dahan-dahang lumapit sa kanya

"Excuse me," Walang ka emosyong emosyon kong usal at tumayo ng tuwid

Napaangat naman siya ng tingin at nginisihan ako

"Ikaw pala 'yan Ms Hmm—" Tukso nito sa'kin

Kahit naiinis ako sa kanya ay pinanatili kong nakapoker ang aking mukha

"Umalis ka."

"Ba't naman ako aalis Ms Hmm?" Sagot naman nito at pinamewangan ako

"Hinaharang mo ang dinadaanan ko—" Tugon ko naman

At iyon na nga umalis naman siya sa pwesto niya

Naramdaman kong nakasunod si Niko sa'kin at hinayaan ko na lang siya, alangan namang sabihan ko siya na ba't siya sunod ng sunod sa'kin

"Excuse me." Napaayos ako ng upo ng maramdaman kong umupo si Niko sa upuan na nasa likuran ko

Kaklase ko siya at hindi kami magka row at nagtaka ako ng bakit siya umabot dito. Siguro nakikiupo lang

"Pwede palit na lang tayo ng seat? Mas okay naman doon sa upuan ko, hindi ka mahihirapang magkopya dahil malapit ka lang naman sa pisara—" Rinig ko pang sabi ni Niko

So nandito siya para pakipagpalit ng upuan. Bakit?

"Okay?" Sagot naman ng kaklase kong babae at dumaan sa gilid ko dala dala ang kanyang bag

Napapikit na lang ako ng mariin ng maramdaman kong parang nakatingin siya sa'kin at hindi ako komportableng kumilos dahil sa nandiyan lang siya sa aking likuran

"Nory Dapar, 'yun pala ang name mo?" Basa nito sa pangalan kong nakadikit sa likod ng aking upuan

Tiningnan ko naman siya at inirapan

"Bakit may angal ka? Pwede bang tumahimik ka, nakakainis ka talaga sobra." Masungit ko na namang wika

I bet, lumipat lang talaga ito para asarin ako ng HMM. Iyan kasi ang ginagamit ko kapag naiinis o nagagalit ako sa isang tao at sabi pa nila ang cute ko daw kapag sinasabi 'yun

"Oh? Anong nangyari sa pa HMM mo?" Pigil na pigil na tawa ni Niko

Napapikit na lang ako at nagbilang ng sampung segundo. Isa pa kung hindi ito titigil tatamaan na ito sa'kin

"Hayy naku—aray!" Igik nito ng hilahin ko ang medyo may kahabaang buhok niya

"Pwede ba tumahimik ka! Nakakainis ka na talaga Suarez!" Sigaw ko sa kanya at hinila pa ng hinila ang buhok niya

Napatigil lang ako sa aking ginagawa ng mapansin kong parang may nakatingin sa'min

At nakita kung masama ang tingin ni mannequin bakla sa'kin na parang papatayin niya ako ng buhay. Nagseselos siguro ang isang 'to

Hinawakan naman ni Niko ang aking kamay na nakahawak pa din sa buhok niya at mahigpit itong hinawakan

"Grabe ka naman Nory, ang sakit naman ng ginawa mo—" Pagpapacute ni Niko sa'kin

"Hmm!" Sabay irap sa kanya

"Nory!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakumpirma kung si Maila iyon. Kinawayan niya ako na para bang ang tagal naming hindi nagkita at oo nga naman matagal tagal nga 'yun

Nag excuse siya dahil namatay daw ang Lola niya sa probinsiya at kailangan niyang umuwi sa kanila, hindi man lang ako nakapagsabi ng condolence

Nilapitan ko nga siya pero nilampasan ko naman. Nakaharang kasi siya sa daan eh

"Oy, Nory." Pamamansin na naman nito sa'kin

Hindi ko siya inimikan akala siguro niya nakalimutan ko ang pagkampi niya sa bruhang 'yun?!

"Sorry na, oo na hindi ko na siya kakampihan." Sabi nito na ikinahinto ko

"Inamin mo rin?" Sagot ko naman at tiningnan siya

"Akala ko ba hindi mo siya kinampihan?" Balik tanong ko kay Maila

Masanay na kayo sa'kin dahil ganito talaga ako.

"Hindi nga, nagsasabi lang naman ako ng totoo" Pangangatuwiran nito

Napabuntong hininga naman ako at tiningnan siya ng matiim

"Maganda nga siya, maldita naman. Saan ang ganda do'n? Ang panlabas lang? Kung maganda ka sa panlabas dapat ganoon din sa panloob, naiintindihan mo ba ako Maila?" Parang nanay kong sinabihan ko siya

Totoo naman eh, maldita siya. Walang silbi ang ganda kung pangit naman ang ugali—

"Okay naiintindihan ko, kaya sorry na" Pagsosorry nito sa'kin

"Apology accepted—" Sagot ko naman at naglakad na

Naramdaman ko naman na sumunod siya sa'kin at alam na alam ko na mangungumusta na naman ito about do'n sa mga activities na namiss niya no'ng nag excuse siya

"May projects ba tayo? Nag quiz ba kayo? Ilan ang items? May assignment ba?" Sunod sunod na tanong nito

"Pwede bang maghinay hinay ka lang? Masasagot ko naman ang lahat ng tanong mo eh.." Masungit ko na namang usal

"First, wala tayong projects okay? Second, nag quiz kami mga twenty items lang naman. And third! Wala tayong assignment okay?" Sagot ko

Napabuntong hininga naman siya sa narinig

"Thanks God! Akala ko ay marami na kayong nagawa n'ong nakaraang buwan—" Palatak pa nito

Naramdaman kong bahagya akong siniko ni Maila at nilingon ko naman siya sabay pinandilatan ng mga mata

"Ano?" Mahina kung usal

Nakita kong ngumuso siya sa harapan namin. At ako naman ay salubong ang kilay na tumingin sa kung saan siya nakanguso

At nakita ko si Niko na nakangisi na naman papalapit sa'min

"Hi Nory," Bati nito at nilampasan ako

Sinundan ko naman siya ng tingin ganoon din si Maila

"Gosh!! Nory, pinansin ka ba niya? My God! Kinikilig ako!" Tili ni Maila at tinulak pa ako

"Tumigil ka nga! Parang 'yun lang kikiligin ka na?" Sagot ko

Tumigil naman sa kakatili si Maila at tiningnan ako na nakakunot ang nuo

"Anong nangyari sa Nory na baliw baliw kay Niko. Sinapian ka ba ng espirito?" Nagtatakang tanong nito

Nakakainis din itong si Maila eh, ang daming tanong...

"Hindi ko na siya gusto Maila, nakakainis na siya alam mo ba 'yun. At isa pa 'yung jowa niyang mannequin na mukhang bakla, ang sarap lang iflash sa inidoro.." Napapailing na saad ko

Ewan ko pero parang naramdaman ko na lang bigla na nagsasawa na ako kakahabol kay Niko. What now? Kung ngayon ay wala na akong feelings sa kanya ngayon lang siya lumalapit.

"Sinong may sabi ikaw?" Wika ni Maila

"Alam mo, isa ka pa. Magtanong ka pa itutulak na talaga kita sa gitna ng kalsada para masagasaan ka—"

Uwian na at naglakad ako sa hallway papuntang gate napatigil ako ng may narinig ako na boses na pamilyar na pamilyar sa'kin

"Ano ka ba naman Charlie!" Tumatawang reaksiyon ng babae

At ako naman dahil sa nakukyoryus ako ay sumilip ako sa kung saan ko narinig ang boses

At nakita ko ang girlfriend ni Niko may kasama siyang lalaki na parang first year college

"Gago ka ba? Paano 'yun?" Sagot naman ng girlfriend ni Niko

Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila, basta ang masasabi ko lang ay nagloko si mannequin bakla girl kay Niko

Napasinghap na lang ako ng makita ko na humalik pa sa pisnge ang lalaki sa kaklase kong malandi pala at hindi pa nakuntento kay Niko

"Ang walang hiya—" Asik ko at nagmamadaling umalis sa kinatatayuan

"Niko!" Tawag ko kay Niko ng makita ko itong papalabas na ng gate

Huminto naman siya sa paglalakad at tiningnan ako na parang inaaninag na ako ba talaga ang tumawag sa kanya

Nang makalapit ako sa kanya ay napahawak pa ako sa aking dalawang tuhod habang habol ang aking hininga

"K-kanina pa kita hinahanap, m-mabuti na lang talaga at nakita kita—" Humahangos na bulalas ko

Nakakunot ang nuong tinanong naman niya ako

"Bakit? Anong kailangan mo sa'kin, siguro makikisabay ka sa'kin 'no?" Tudyo nito sa'kin

Sinamaan ko naman siya ng tingin

"Asa ka pa! May sasabihin lang naman ako sa'yo. H'wag ka ngang mag-assume diyan—'di bagay sa'yo!" Ungot ko

"Binobola lang naman kita nagagalit ka na agad? Meron ka ba ngayon?" Tukso nito

Ang sarap din iuntog itong si Suarez sa pader, kita mo na ngang seryoso ako nagawa pang magbiro...

"Alam mo na bang nagloko iyang jowa mo na mukhang bakla ha? Tapos nagawa mo pang tumawa ng tumawa, tell me manhid ka ba o sadyang tanga ka lang talaga?" Diretso kung sabi

Ang kaninang nakangising Niko ay unti unting naging seryoso ang mukha

"Wala na kami—" Mahinang pagkakasabi niya na ikinasabi ko ng ha

"Ha? Ano? Bakit?" Sunod sunod kong tanong

Tumalikod naman si Niko sa akin at kinibitan ako ng balikat

"I don't know, ang sabi niya lang naman sa'kin ay nagsasawa na daw siya—hindi niya na daw ako gusto." Malungkot na sumbong sa'kin ni Niko

Parang lumambot ako ng wala sa oras, akalain mo 'yun ang mapang-asar at nakakainis na si Niko Suarez ay may pinagdadaanan pala

"Kailan pa?" Tanong ko na naman at sinabayan siya sa paglalakad

"About a week ago. Bigla na lang siyang nanlamig sa'kin na parang hindi niya ako boyfriend, akala ko may mabigat lang siyang problema na hindi niya kayang masabi sabi sa'kin pero hindi pala—she's busy flirting to that college boy." Parang batang pagkukwento ni Niko sa'kin

"Kaya pala hindi ko na kayo nakikitang magkasabay." Dugtong ko naman at napahawak pa sa aking baba

"Ano'ng sa tingin mo Nory, am I not enough? Am I not worth it? Hindi ba ako perfect boyfriend?" Bakas sa mukha niya ang kalungkutan at naawa ako sa kanya

"Wala namang perpekto sa mundo, normal lang naman na magsawa ang isang tao. At tsaka para sa'kin sapat ka na naman ah? Deserve mong mahalin iyon 'yun." Pampalakas ko ng loob sa kanya

"Siguro ay hindi lang talaga siya ang babaeng para sa'yo Niko, aral ka muna malay mo nandiyan lang pala sa tabi tabi ang para sa'yo—"

Napabuntong hininga naman siya at diretso ang tingin sa kalsada

Hindi siya sumagot sa opinyon ko at alam kong may iniisip siya. Bakit kaya siya niloko ng girlfriend niya samantalang ang gwapo ng nakuha niya, gwapo naman si Niko eh—parang half? Maputi kasi siya at singkit ang mga mata tapos matangos ang ilong

"Hanggang dito na lang Nory, so paano 'yan? Kita na lang tayo bukas." Pagpapaalam nito at tinalikuran na ako

Napangiti naman ako sa kanyang tinuran, mabuti naman at ngayon ay hindi na niya ako inaasar

"Nandito ka na pala?" Nakangiting saad ni Niko habang nakaupo siya sa bago niyang upuan

"Kanina pa kayo ako nandito, hindi mo lang ako napansin kasi abala ka sa paglalaro ng kung ano mang nasa cellphone mo.." Napapailing na sagot ko naman

Tumawa naman ng mahina si Niko at ibinalik ang atensiyon sa cellphone. Mabuti naman at hindi na ako iniinis ng isang 'to

"Good morning class—" Bungad sa'min ng aming guro habang may dala dalang index cards at attendance

"Good morning ma'am." Sagot naman naming lahat

"Anong gagawin natin?" Kalabit sa'kin ni Niko ng makita niyang umupo na ang guro namin at abala sa pagtingin ng mga index cards na may mga pangalan namin

"Ewan ko, siguro oral recitation?" Kibit balikat ko namang sagot

"Niko Suarez?" Tawag ng guro namin kay Niko

"Yes ma'am?" Sagot naman niya at tumayo sa pagkakaupo

"How to know if the statement is explicit?" Tanong nito kay Niko

Tiningnan ko naman siya at nakita kung nagkamot siya sa kanyang batok patungong ulo

"I forgot ma'am—" Kimi niyang sagot at nginitian ang aming guro ng nakakailang

Umayos naman ng upo ang aming guro at pinagsiklop ang mga daliri

"Bakit? Nasaan ka ng panahong dinidiscuss ko ang topic na 'to?" Tanong ulit ng guro namin sa kanya

"Absent po ako no'n kasi nagkasakit ang Mommy ko—walang mag-aalaga sa kanya" Katuwiran niya

Totoo naman talagang absent siya no'ng isang araw, pero I'm not sure kung inaalagan niya ba talaga ang Mommy niya

"Ganoon ba, sige umupo ka na." Pagpapa-upo nito kay Suarez

"Ms Avendula?" Naturang napalingon ako kay mannequin bakla ng tawagin ng guro namin ang surname niya

I'm one hundred percent sure na hindi na naman makakasagot ang isang 'to

"What's the difference between explicit and implicit?" Pag-iiba na naman nito

Hindi sumagot si Avendula sa tanong ni ma'am sa halip ay nanatili lang siyang nakatayo

"Ms Avendula?"

"Ma-ma'am?" Agarang sagot nito sa aming guro

"Again, what's the difference between explicit and implicit?"

Napalunok siya ng ulitin ng aming guro ang tanong. Kung hindi siya makasagot sa simpleng tanong na ibinato sa kanya edi wow! Tayo hanggang sa matapos ang klase—

"Ay ah, ahm." Sagot nito at tumingin tingin pa sa buong silid

"Make it fast Ms Avendula, we're running out of time."

Parang napressure yata ang bakla dahil sa nanginginig na ang mga kamay nitong pasekreto niyang itinago sa kanyang likuran

"Ma'am kasi ano—"

"Kasi ano Ms Avendula? Hindi ka nakapag scan sa notebook mo, or sadyang palusot mo lang ang mga sinasabi mo sa harap ko. Ms Avendula—mag-aral ka naman? Hindi puro landi at paganda lang ang alam mo. May boyfriend kang gwapo, matalino, tapos kilala pa ang pangalan sa paaralan na ito tapos ikaw. Walang laman ang utak? H'wag mong ipahiya ang sarili mo Ms Avendula—" Pang tatrash talk ng aming guro

Napayuko na lamang si Avendula sa sinabi ng teacher namin. Pahiya ka ghorl?

"Ms Dapar. Same question as hers—"

"Explicit means—"

"Face Ms Avendula, Ms Dapar."

Sinunod ko naman ang utos ng aming guro at hinarap si Avendula at pinakatitigan mata sa mata

"Ms Avendula, listen carefully. Explicit means stated clearly and in detail, leaving for no room for confusion or doubt. Just like, the closing words of a text, manuscript, early printed book, or chanted liturgical text."

"While implicit is implied though not plainly expressed. With no qualification or question; absolute." Pagpapaliwanag ko sa kanya

"For instance?" Dagdag pa ni ma'am

"Comments seen as implicit criticism of policies—" Dagdag ko naman

"Very good Ms Dapar, you may now seat down." Pagpapa-upo sa akin ng aming guro

Nakita kung uupo din sana si Daley Avendula ng makita ito ni ma'am

"And as for you Ms Avendula, I didn't told you to seat down—remain standing."

Hanggang sa natapos na nga ang klase namin still nakatayo pa din siya. May mga times pa nga na inaapak niya ang magkabilang paa sa kanyang upuan dahil sa nangangalay na ang mga ito

"Wala ka pala Daley eh. Akala ko beauty and brain ka hanggang ganda ka lang pala—" Rinig kong pambubully ng aming kaklase sa kanya

"Oo nga. Kapag nalaman 'to ng mga nakararami for sure mapapahiya iyang boyfriend mo. Paturo ka kaya sa kanya ng iilang tricks para naman hindi ka na mahihirapan sa susunod na oral." Komento naman ng isa pa

"Bakit, kayo ba nakakasagot din ba kayo? Hindi naman 'di ba? Pare-pareho lang tayong mga bobo dito!?" Sagot naman niya

"We're not stupid Daley—you are." Prangkang bulalas naman ng isa pa

Kung ako ang sasabihan ng mga ganoong salita paniguradong iiyak na ako. Pero mukhang matigas naman itong si Avendula eh nanatiling maldita pa din

"Woy ang ex mo inaaway ng kaklase natin. Tulungan mo kaya—" Sulsol ko kay Niko

Umismid naman si Suarez at ihinilig ang likod sa upuan

"Hayaan mo siya—labas na naman ako diyan eh." Palatak nito

"Okay sabi mo eh,"

"Group yourselves into five—" Utos sa'min ng aming guro ng matapos ang  pagdidiscuss sa huling topic sa second semester

"Ma'am pwede ikaw na lang ang mag-ano sa'min, kasi kapag kami ang bubuo ng sarili naming grupo hindi magiging fair." Suhestiyon ng isa naming kaklase

"Oo nga ma'am!" Segunda naman ng iilan

Sumang-ayon naman si ma'am sa sinabi ng first honor sa aming silid at nagsimulang hatiin ang bente singkong estudyante sa limang grupo

"As for the group one? Here are the members:

Dapar, Nory

Dansworth, Niña

Elegino, Jean

Topaz, Barbie and—

Arellano, Noela

Leader: Ms Nory Dapar

Nandito ba lahat ang mga ito?" Anunsiyo ng aming guro

"Opo—" Sagot naman namin

"Group two, members:

Avendula, Daley Marie

Suarez, Niko

Liu, Dakota

Garcia, Kristen

Johnson, Fairy—"

Umarko pataas ang aking kilay ng marinig kong magkagrupo ang dalawa

H'wag mong sabihing gumalaw na naman ang tadhana para pagtagpuin ang dalawa?

Hanggang sa natapos nga ang paghati sa grupo ay nakatuon pa din ang atensiyon ko kay Niko at Daley. Magkatabi sila habang nagpapalitan ng mga ideya

"Hoy Nory! Ano na? Wala ka bang maiaambag diyan?" Si Niña habang hawak hawak ang cartolinang puti at felt tip pen

"Ha?" Parang wala sa sariling naiusal ko at tiningnan siya

"Ang sabi ko wala ka bang maiaambag diyan? We're already done sharing our ideas here ikaw na lang ang wala—" Bulalas ni Niña

Napaayos naman ako ng upo at inayos ang sarili

"Sige, ganito ilagay mo diyan ano— writer's block." Utos ko kay Niña na ikinakunot ng nuo niya

"Anong writer's block? Wala naman 'yan sa topic na diniscuss ni ma'am eh." Koreksiyon niya sa'kin

"Oh, t-talaga? Sige isulat niyo na lang kung anong napag-usapan niyo tapos ako na lang ang magrereport sa harap okay ba 'yun?" Pagboboluntaryo ko alam ko naman na sa huli ay magtutulakan lang naman sila

Umaliwalas naman ang mga mukha ng aking kagrupo at sabay sabay pa silang napapalatak

"Talaga?!" The four of them answered in chorus

"Bilisan niyo mauubusan na tayo ng oras kakachicka dito. Oy Niña gandahan mo iyang penmanship mo ah baka mamaya hindi ko 'yan mabasa kapag tinanong ako ni ma'am"

"Aye aye Captain!" At sumaludo pa

Napapailing na ibinalik ko ang tingin sa dalawa na ngayon ay nagtatawanan at nagkukurutan

Mga mahaharot talaga! Parang hindi mag ex 'no?

"Anong klaseng pag-uulat ang ipaparinig mo sa'kin Ms Dapar?" Tanong ng aming guro na nakaupo sa upuan habang naka crossed legs

Huminga muna ako ng malalim at tiningnan ang kagrupo ni Niko na ngayon ay tutok na tutok naman sa'kin

"Ang napili po naming ipepresenta sa inyo ng kagrupo ko ay Impromptu Speech." Taas nuo kung sagot sa tanong ni ma'am

Nakita kong nagsitawanan ang group four at five na parang may mali sa sinabi ko

"Again Ms Dapar?" Paninigurado ni ma'am at naniningkit ang mga matang tiningnan ako

"Impromptu Speech ma'am." Sagot ko ulit

I heard everyone's chuckling except Niko

"Hoy Nory! Anong Impromptu Speech. Outline and Visual ang topic natin hindi 'yan!" Agaw atensiyon sa'kin ni Niña

Tiningnan ko naman ang cartolina na nakadikit sa black board at binasa ang naka all caps na tatlong salita

OUTLINE and VISUAL—

"Ay sorry po, Outline and Visual pala" At nginitian ang guro namin na parang nanliliit

Shit, nakakahiya 'yun...

"You may now start." Tugon nito

And as usual bago magsimula ang reporting stage ko panimulang bati muna sa mga nakararami

"Good morning ma'am, good morning classmates. I am Nory Dapar from the group one and I'm here in front of you to explain this two." Turo ko sa Outline at Visual na nakasilid sa Venn Diagram

"Outline, a general description or plan giving the essential features of something but not the detail. Visual, of or relating to seeing or insights" Tipid kong sagot na binasa lang ang nakasulat sa cartolinang nakadikit sa pisara

"Excuse me Ms Dapar. Kindly give us your own understanding about the outline and visual, don't read it. It's just a brief description of those—I need your own explanation." Pagpapahinto sa'kin ng aming guro

At dahil sa magaling akong mangalap ng rason hinahayaan ko na lang kong anong lumalabas sa aking bibig.

"Ms Dapar kindly cite some examples of outline?" Nakangising tugon sa'kin ni Daley

Isa pa 'to eh kahit nakakaintindi sinasadya talagang magtanong ng magtanong itulak ko kaya 'to sa labas

"Sentence or things that is related to your question?" Pambabara ko naman—akala mo ah

"I preferred sentence."

"Fill in the outlines with color—" Sagot ko bahala na siya kung sumakit ang ulo niya kakaisip about sa mga report namin

Nakita kung sumilip si ma'am sa kanyang wristwatch at tumingin din sa wall clock namin

"I guess it's time, goodbye class." Paalam ni ma'am at tumayo na sabay hakot ng kanyang mga gamit

Agad namang nagsitalunan ang aking mga kaklase sa narinig

Takot lang tumayo sa harap 'no? They're lucky today because I saved their filthy asses

"Mabuti pa kayo tapos na—" Rinig kong komento ni Niko sa likuran ko

"Like duh! Ang dali lang naman eh," React ko naman

"Madali lang para sa'yo kasi matalino ka. Kami? Ang bo—bobo hindi maintindihan ang topic" Napapailing na saad nito

Napatawa na lang ako sa kanyang sinabi. Malas lang niya kasi parang siya lang ang mas gifted sa kagrupo nila

"Kaya mo na 'yan—wala ka bang tiwala sa sarili mo? Matalino ka din naman eh" Pang cheer up ko sa kanya

"Matalino sa paningin mo—"

"Hmm," Hunog ko sa isang kanta

"Gusto mong pakasalan kita?"

"Ha?" Nabibinging usal ko at tinanggal ang earphones na nakasaksak sa aking tenga

"Ang sabi ko gusto mo bang pakasalan kita?" Pag-uulit ni Suarez

"Nababaliw ka na Niko." Sagot ko naman at pumili ulit ng bagong kanta

"Hmm, means hey marry me. Hindi mo ba alam ang definition no'n?" Parang wala lang na sagot nito

"Talaga ba?" Naaamazed ko namang palatak kasi naman palagi akong nagsasabi ng hmm sa isang tao

So kapag may batas na nagpagawa about dito na kung sinong magsasabi ng hmm sa isang tao ay pakakasalan ka niya. Ang dami ko na palang asawa kung ganoon

"Do you want me to marry you?" Seryosong tanong nito sa'kin

Tinitigan ko naman siya na sigurado ka ba? look

And in the end tinawanan ko lang siya at pabirong itinulak ang kaliwang braso niya

"Hay naku, Niko! Hindi ko maisip na may pagka joker ka pala? Good job, napakilig mo ako sa mga salita mo—" Tugon ko at ibinalik ang atensiyon sa aking cellphone

"I didn't kid, Nory. I'm serious" Usal nito na ikinahinto ko sa pagscoscroll sa aking cellphone

"Ano?" Tanong ko sa kanya sa mahinang boses

"I want you to be my girlfriend, please say yes." Huling sabi nito at dumukwang sabay halik sa'king pisnge

"Sagutin mo na kaya ako, dalawang linggo na akong nangliligaw oh?!" Bulalas ni Niko at nagkamot sa kanyang ulo habang hawak hawak ang isang bouquet of flowers

Napabuntong hininga naman ibinaba ko ang aking smartphone at pigil pigil ang tawang tiningnan siya

"Kulang pa 'yan 'no! Dapat nga sagutin kita kapag lampas isang buwan na—" Kibit balikat kong saad at ibinalik ang paningin sa gadget

Alam kong nainis siya sa sagot ko dahil kitang kita ko sa gilid ng aking mata na padaskol niyang inilagay ang bulaklak sa bench at walang kabuhay buhay na umupo

Malayo ang kanyang tingin at parang ayaw na akong kausapin o pansinin

"Hoy, Niko. Pansinin mo naman ako oh!" Kalabit ko sa kanya at kinuha ang bulaklak

Pero still, hindi pa din niya ako pinansin—sa halip ay mas tinalikuran pa niya ako

Napairap na lang ako sa hangin at tiningnan ng masama ang kanyang likuran. Kung makapagtampo parang babae

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero nagulat na lang ako ng bigla ko siyang niyakap sa likuran na ikinapitlag niya sa gulat

"Niko—sorry na. Gusto lang naman kitang makilala ng lubusan eh, sinusubukan ko lang naman na hanggang saan ka aabot" Malumanay kong usal at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya

"Nory, matagal tagal na din sa'kin ang dalawang linggong pangliligaw. Nakakapagod din kaya ang magpunta sa inyo gabi gabi para bisitahin ka pati na din ang mga magulang mo—" Sagot naman nito

Parang naguilty ako sa isiping napapagod na siyang pabalik balik sa bahay namin para lang makita ako, sagutin ko na kaya siya? Pero parang may pumipigil talaga sa'kin na huwag ko muna siyang sagutin

"It's a yes." Walang pag-aalinlangang sagot ko

"Ano?" Tanong sa'kin ni Niko at hinarap ako

"Ang sabi ko, it's a yes—oo Niko. Sinasagot na kita" Pasiya ko at nginitian siya

Ilang segundo din akong tinitigan ni Niko at dahan-dahan din siyang ngumiti

"T-totoo? Sinasagot muna ako, ibig sabihin—tayo na?" Hindi mapuknat puknat ang ngiti sa kanyang labi

Tumango naman ako bilang sagot

"Yes!!" Sigaw nito na ikinalingon ng iilang mga tao sa kalsada

"Sinagot na niya ako! Kami na!" Anunsiyo nito at sumuntok pa sa hangin

"Hoy Niko! Ano ba, nakakahiya!" Pagpapatigil ko sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig

Ibinaba naman ni Niko ang aking kamay at niyakap ako ng sobrang higpit

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya Nory. Salamat."

Ilang araw din ang nagdaan ay okay naman ang takbo ng relasyon namin ni Niko, masaya siya at masaya din ako. Kapwa kaming masaya sa isa't-isa at hindi ako gumawa ng kahit na ano na ikagagalit niya sa'kin maski siya

"Oy Maila, kumusta ka na?" Bungad ko kay Maila ng makita ko siyang tumakbo papunta sa'kin

"No-nory, may kailangan kang malaman tungkol kay Niko." Humahangos na usal nito at hinawakan ang aking balikat

Salubong ang kilay na tinanong ko siya

"Huh? What about him?" Wala sa sariling bulalas ko

"Sumama ka sa'kin, malalaman mo din ang kasagutan." Sabay hila nito sa'kin papuntang locker ng mga varsity player

Grade eleven akong naging classmate si Niko at ngayong first year college na kami ay nagpaenroll kami sa iisang paaralan. Sad to say ay hindi kami magkaklase nasa isang building siya at nasa kabila naman ako pareho kami ng kinuhang course na engineering pero sadyang pagdating sa pag-aaral ay inilalayo talaga kami sa isa't-isa ng tadhana

"Hoy Maila, ano bang ginagawa natin dito. Bawal tayo dito—" Napatigil lang ako sa pagsasalita ng makita kong may kasamang ibang babae si Niko ang boyfriend ko

Tumigil sa paulit-ulit ng paghalik ang babae kay Niko at tiningnan ako na ikinatingin din ni Niko sa'kin

"N-nory? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Niko sa'kin at kumawala sa pagkakayakap ng babae

"H'wag kang lumapit sa'kin." Usal ko at umatras ng akmang lalapit siya

"I can explain—"

"You don't have to, I already saw it." At pinahid ang luhang kumawala sa aking mata

Hindi siya sumagot at ginamit ko iyon para makawala sa mga tingin niyang parang pinipigilan ako sa pag-alis

"Nory!" Tawag sa'kin ni Niko ng maabutan niya ako sa silid namin na nagsisilid ng mga notebook at libro sa bag

"Nory—" Pigil sa'kin ni Niko at hinawakan ang aking kamay na nakahawak sa zipper ng aking bag

Piniksi ko ang kamay niya

"Ba't mo ako sinundan ha?! Doon ka na sa bago mo, iwan mo na ako dito." Pagtataboy ko sa kanya

"Nory, magpapaliwanag ako."

"Magpapaliwanag? H'wag na, sinasayang mo lang ang laway mo sa mga kasinungalingang paulit-ulit na lumalabas sa bibig mo, ilang ulit mo na bang nagawa 'yun Niko?" Tanong ko sa kanya at isinukbit ang aking bag sa likuran

Hindi siya sumagot sa aking tanong at doon na ako nagbreak down

Sinasabi ko na nga ba. Akala ko nagbago na siya, hindi pala I caught him many times—he's cheating on me. At lahat ng 'yun ay pinalampas ko kasi mahal ko siya

Paulit-ulit ko siyang binigyan ng pagkakataon para magbago pero sinayang niya.

"Isang tanong isang sagot Niko, minahal mo ba talaga ako o hindi?" Napapahikbing tanong ko

Hindi na naman siya sumagot

"Niko!"

"I did love you! Oo, mahal kita!" Sigaw ni Niko sa'kin

"K-kung mahal mo ako, why are you cheating on me? Girlfriend mo ako Niko, girlfriend!" Paulit-ulit na turo ko sa'king sarili

Alam ko kung bakit nagtaksil siya behind my back. Hindi kasi niya nakukuha ang kanyang mga gusto gaya ng paghalik.

Gusto niya akong halikan pero hindi ko siya pinagbigyan, ayokong mapunta kami sa pagkakamali dahil hindi pa 'yun ang sapat na panahon para gawin namin

"Let's end this, ayoko na sa'yo napapagod na ako sa paulit-ulit na ginagawa mo sa'kin." Huling sabi ko at iniwan siya

Bahala na siya kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya, basta ako nakawala na sa mga pangloloko niya

I used to sneered him in the first place and answer him 'hmm' actually alam ko kung ano ang reason at true meaning no'n. Gustong gusto ko siya at tanging siya lang ang nakabihag sa aking puso. I don't know why kung anong meron sa kanya na kung bakit ako nagpapaka tanga na mahalin siya kahit may girlfriend siya no'ng mga panahon na 'yun

He's a drug to me and I'm addicted to him

Akala ko siya na talaga dahil sa ilang years ko na siyang nakasama pero hindi pala, may hangganan din pala ang forever

They say forever does exist but for me it wasn't—feeling ko hindi na ako makakahanap pa ng iba dahil napamahal na ako sa kanya, kinuha niya ang puso ko at hindi niya na maibabalik pa.....