webnovel

Safe to Love

Are you willing to open your heart again? Or are you letting the past to take over your future?

GorgeousJourney · Realistic
Not enough ratings
5 Chs

Chapter 1 - How We've Met

Exactly two years ago nang dumating ang pinakahihintay niyang moment. Ang ikasal kay Drake.

And exactly two years now nang bumalik ang ala - ala niya sa lalaking tumulong sa kanya.

How did they met nga ba?

"Hi... Let me help you with that." Sabi ng lalaki nang makita siya nitong nakaupo sa sofa ng lobby ng hotel na pagdarausan ng reception nila with her beige pumps na halos masira na dahil sa pagtakbo niya.

Ikakasal na dapat siya 2 years ago sa lalaking pinangakuan siya ng forever. But it was all a lie. Hindi pa man siya nakakatango ay lumapit na ang lalaking nakasuit.

Inayos nito ang strap ng stilettos niya. Wala na siyang nagawa at hindi na rin siya nakatanggi. Kahit ibuka ang bibig niya para tumanggi o sumang ayon ay hindi na niya nagawa pa.

"There you go." Sabi ng lalaki sabay abot ng puting panyo sa kanya.

Without looking at her and waiting for her to respond the guy left. But the scent of that guy left to her nose.

Parang nakasiksik na sa loob ng ilong niya ang amoy ng pabango nito. Animo'y panandalian siyang dinala nito sa tabi ng dagat.

Halos mapuno ng luha ang kanyang mga mata. Kaya yata niyang punuin ang isang drum sa luhang inilalabas ng kanyang mga mata.

"That bastard!" She whispered to herself angrily referring to the guy she supposed to marry.

"Hey, Trish! Tulala ka na naman. Are you crying?" Sabi ni Sophia sabay tapik sa balikat ni Trish.

Kanina pa ito tulala reminiscing the heartache kaya hindi niya napansin ang presensiya ng kaibigan.

"No. Why should I?" She plainly said while browsing all the paperworks at her table.

"Wag nga ako ang lokohin mo. I know when you're telling the truth and I know when you're lying." Habang nakapatong ang dalawang kamay nito sa harap ng table niya at nakatitig sa mga mata nito.

"Oo na. Oo na. Yes, I'm crying!" Sigaw nito at tuluyan ng namasang muli ang mga mata nitong mugto na sa kakaiyak.

At lalong lumakas pa ang kanina pa niya itinatagong hikbi. Bumakas ang awa niya kay Trish. Ilan taon na nga ba silang magkaibigan. Since college.

Alam nito kapag nagsisinungaling siya o nagsasabi ng totoo. Saksi din ito sa matamis nilang pag iibigan ni Drake. Pero huli na ang lahat nang matuklasan nila ang itinatago ni Drake.

"Please, Trish. Dalawang taon na ang nakalilipas. Hindi ka pa ba nagsasawang isipin ang past? Give yourself a break." Sabi pa niya dito habang hinahaplos ang likod ni Trish.

Hindi na nga niya napansin na nasa tabi na niya si Sophia. Ano nga bang napapala niya kakaiyak? Puro sama lang ng loob.

"Siya nga pala. May letter na dumating kanina. Galing yata sa banko." Sabay turo sa envelop na nasa center table ng opisina niya.

"Thanks, Sop." Sabi niya.

"Sa wakas ngumiti ka rin. But, please lang... Wag mo namang paiksiin pa ang name ko. Sophie will do kung ayaw mong buuin na Sophia. Para namang censored ng "SOP" eh." Pagbibiro pa nito. Tuluyan na niyang napangiti si Trish sa sinabi niya.

"Puro ka talaga kalokohan." Sabi pa nitong nakangiti.

Inihatid niya ng kanyang mga mata ang kaibigan. Lumabas na ito matapos na i-comfort si Trish. Pagkalabas ni Sophia ay agad niyang kinuha ang envelop.

Tama nga si Sophia. Galing itong banko. Excited na kinakabahan niyang binuksan ang letter. Bumalik muna siya sa kanyang itim na swivel chair niya saka tuluyang binuklat ang sulat at binasa.

"We regret to inform you that your application for the loan is not approved." Napakunot ang noo niya sa nabasa.

"Not approved?" Inis na nanlalaki ang mga matang ulit niya sa 'not approved' part.

"Why the hell it is not approved?" Inis na inis na sambit niya sa sarili.

"This can't be. Maganda ang standing ko sa banko na yun and I never failed to pay my credit cards. I even have big savings in my account." Sa inis niya ay padabog niyang itiniklop ang sulat at muling isinilid sa sobre.

Agad niyang ipinasok sa bag niya ang sobre at kinuha ang car key sa drawer. Nagmamadali siyang lumabas ng office.

"Candy, kapag may naghanap sa 'kin pakireschedule na lang. Aalis lang ako saglit." Sabi niya sa assistant niya.

Pagkatango nito ay agad na siyang nagpunta sa parking lot. Pinaharurot niya ang kanyang puting sasakyan papunta sa banko.

Ilang kanto lang ang layo mula sa opisina niya. Pagkarating ay agad siyang kumuha ng numero. Eksakto namang ang numerong iyon na ang susunod sa queue.

"Hello! Good morning Ma'am! How may I help you?" Sabi sa kanya ng abot taingang ngiti na empleyado ng banko.

"Yes, I received this letter." Mahinahon niyang sabi sabay abot sa employee ng letter.

Agad naman nitong in-extend ang braso para abutin ang envelop. Agad nitong sinilip ang letter at binasa.

"How can I help you po with this letter?" Magalang na tanong ng empleyado muli na hindi pa rin nawawala ang ngiti.

"You might have incorrectly put my name on it. It's impossible that I will not be approved for my loan." Malumanay pero firm na sabi niya sa empleyado.

"Ma'am, I'm so sorry to hear po na hindi approved ang loan niyo pero I would like to let you know po na lahat po ng letter na sinisend po namin sa mga customers ay auto-generated po and ang name ay base po sa account ng customer mismo." Sabi nito na sumeryoso ng mukha na parang nagsasabi na 'Problem, here it comes'.

"Once again, I don't think this is right. I would like to request for you to have my data reviewed. It's not possible." Sabi niyang muli na may kataasan na ang tono. Pakiramdam niya ay naiinsulto na siya sa sinasabi ng empleyado ng banko.

"I'm sorry, Ma'am. Impossible po na magkamali ang system namin." Nakangiti pa rin na muling sabi nito pero bakas ang pag aalangan sa mukha nito kung tama pa bang ngumiti siya dito.

"Are you insulting me? How dare you smile back at me while I ask you to do your work. I ask you to double check my records and not give me lame excuses!" Hindi na napigilan ni Trish na tumaas ang boses dahil sa sinabi ng empleyado.

"Please wait po. We will check your records po." Sabi nito na tila natakot na sa pagsigaw ni Trish.

"Good!" Sabi nito at saka pumasok ang empleyado sa loob ng opisina na dala ang letter.

Mga ilang minuto pa ay lumabas nang muli ang empleyado ng banko. Pero paglabas nito ay may kasama na itong lalaki.

Hindi naman siya mapakali nang makita ang kasama nito dahil pamilyar ang amoy na yun sa kanya. Ang amoy na nanunuot sa kasulok sulukan ng ilong niya.

"Well... Anyone can buy those scent anyway." Bulong pa niya sa sarili niya. Hindi pa man nagsasalita ang lalaki ay napatingin siya sa mukha nito. Pakiramdam niya ay kanina pa siya tinitingnan ng lalaki.

"Ms. Trisha Barameda?" Tanong ng lalaki. Napaawang ang bibig niya nang makita ang mukha nito. Pati na ang boses nito na hindi niya maalala kung saan ba niya narinig.

"Parang familiar siya... San ko ba siya nakita?" Tanong niya sa isip niya.

"Ms. Barameda?" Tanong muli ng lalaki na tumikhim pa bago kausapin ang tila lumilipad ang isip na babaeng kaharap.

Agad naman siyang natauhan nang mapansing kanina pa siya tinatawag ng lalaki.

Naiinis naman siyang tingnan ang mukha ng empleyado na parang kinikilig at abot tainga ang ngiti sa katabing lalaki.

"Ms. Barameda, I'm-" Akmang kakamay sana ang lalaki pero hindi niya ito pinansin at saka siya nagsalita.

"So, have you reviewed my records? Am I right? You incorrectly send me the letter. Right?" Sunod sunod na sambit niya sa lalaking hindi na nakapagsalita sa kadaldalan niya. Lumunok muna ang lalaki bago ito nagsalita ulit.

"Ms. Barameda. I can guarantee and assure you that our records are perfectly fine and our system is working well. I can see that you are not eligible to be approved for the loan. We are really sorry for that." Seryoso ang mukha ng lalaki na nagsalita.

"No! I can't accept this. I have been with you all since I started my own company. I have never been delinquent and I have good records. I won't allow you to show that I am having a bad record here. I want you to review your data and get back to me as soon as possible." Halos pasigaw na niyang sabi.

Hindi siya papayag na magmukha siyang tanga sa bankong yun at sabihan nila na hindi siya approved.

Sa inis niya ay hinablot niya ang envelop sa kamay ng lalaki at naglakad papalabas ng banko. Hindi na niya hinayaan pa na maibuka nito ang bibig nito bago siya umalis.