webnovel

Sad Ending Stories

This is Short Sad Random Stories. Tagalog languange/ Taglish it depends on the story.

AsteriaLuns · Fantasy
Not enough ratings
25 Chs

1890's AKING IROG

1890's AKING IROG

Genre: Sad Story

Publish Date: July 04 2020

Ang pangalan ko ay Lexus Cliofford, Anim napung taon. Ako ay taga Makati City. Nakakatanggap ako ng maraming liham galing kay Kwiin Moon, Siya ang aking unang iniibig na binibini, malayo kami sa isa't isa kaya nagsusulatan na lamang kaming dalawa.

Noong 1890 ay nakilala ko ang binibining ito, kakilala ng aking pinsan dahil sakaniya ay nagkakilala kaming dalawa. Iniibig ko ang babaeng iyon, madalang lang kaming pumunta sa Cavite para magbakasyon ruon. Naging malapit kami sa isa't isa, may pagkakataon na sana akong umamin sakaniya kung ano ang aking nadarama para rito ngunit hindi ko naamin dahil biglaan kaming umalis ng aking pamilya. Hindi ko man alam ang nangyare ngunit hindi na kami bumalik pa ruon sa Cavite, tanong ako ng tanong saaking mga magulang ngunit hindi sumasagot saaking katanungan. Hindi na muli kaming babalik ruon.

Binuklat ko ang isang papel na naglalaman ng kasulatan ni Kwiin Moon, ang aking iniibig.

Para kay Lexus Cliofford...

          Magandang umaga o gabi riyan Lex, musta ka na riyan? miss na kita. ilang taon ka ng hindi na umuuwi rito sa Cavite. Sana ay makadalaw kayo rito kahit saglit man lang. Hindi ko alam kung ito na ba ang huling sulat na maibibigay ko saiyo, dahil ayaw na akong pagamitin ni ama ng panulat para magpadala saiyo. Hindi ko alam kung bakit, kaya patago akong gumagawa ng liham para saiyo. Gusto ko sanang sabihin sayo ang aking nadarama ngunit satingin ko ay huli na dahil hindi ko alam kung makakagawa uli ako ng liham para saiyo. Iniibig kita aking Ginoong Lexus.

     Sana ay mayroon ka din nadarama para saakin. Sana magkita pa tayong muli... 

                            Ako'y ito ang umiibig saiyo -Kwiin Moon.

Nakakabigla ang kaniyang liham para saakin hindi ko inaasahan sakaniya mismo manggagaling ang pagtatapat nito. Hindi man harapan niyang sinabi buti na lang kahit sa liham man lang. Napag isipan kong magsulat at ibigay ang liham na para sakaniya.

Para kay Kwiin Moon...

            Iniibig rin kita aking binibini, nais sana kitang makita ngunit papaano? hindi ko alam kung saan ako hahanap ng salapi para makapunta riyan ngunit hahanap ako ng paraan para makapag kita tayong dalawa.

                         Iniibig rin kita aking binibining Kwiin Moon- Lexus Cliofford...

Ilang buwan ang dumating ngunit wala pa din akong natatanggap na sulat rito, naga alala na ko para rito ano na kaya ang nangyare sakaniya. Naghanap ako ng trabaho para makapag ipon at pumunta kung san siya naroroon. Gusto ko ng makita ang kaniyang mukha.

Binuklat ko ang isang liham na galing saaking iniibig, sa wakas nakapag padala na uli ito ng panibagong liham saakin.

Para kay Lexus Clioffors...

             Aking iniibig, sa wakas ay nakasulat uli ako para saiyo. Mithiin kong makita ang iyong mukha at mayakap. sana ay makapunta ka rito, hinahanap hanap ka ng aking paningin.

                               Iyong iniibig na si Kwiin Moon...

"anong meron aking anak?" tanong ng aking ina.

"wala naman ho" sabi ko

"eh bakit ka naka ngiti? mayroon bang magandang nangyare saiyong araw?"

"meron ho pero sekreto na lang ho iyon. siya nga pala ina, aalis ako bukas at may pupuntahan" pagpapaalam ko

"at saan naman? bakit naman, ngunit delikado sa labas. baka maligaw ka kung saan man ang patutunguhan mo"

alam kong naga alala ang aking ina ngunit gusto ko talagang pumunta para masilayan ang magandang mukha ng aking iniibig na si Kwiin.

"gusto ko ho sanang pumuntang cavite para makilala ang aking unang iniibig na si Kwiin, alam kong kilala mo siya ina. sana ay sang ayon ho kayo saakin, batid ko lamang siyang mayakap saglit at makita. sana ay payagan mo ko ina" sabi ko rito na nakangiti, biglang nag iba ang mukha ng aking ina. naging iba ang timpla ng mukha nito

"sigurado ka na ba anak kong Lexus? wala kang kasama at baka maligaw ka, ang iyong ama ay--"

"gusto ko ho talaga ina. sana po ay pagtakpan niyo na lamang ako kay ama, ayokong magalit at malaman niya na pupunta ako ruon. pagka punta ho ruon ay uuwi na kaagad ako pangako ho ina" sabi ko. Sa ilang minutong pag uusap namin ni ina ay pumayag rin ito. napapayag ko siya.

"aalis na ho ako ina" sabi ko at sabay yakap at halik sakaniyang pisnge.

"magi ingat ka ang aking anak" sabi nito.

Nang makarating sa cavite ay agad kong hinanap ang lugar kung saan sila nakatira. Naligaw ako pero hindi pa din ako sumuko gusto ko pa ding hanapin kung saan siya naroroon. Maya maya ay nakarating na ko sa isang lumang bahay, hindi na inaayos halatang marupok na ang mga kahoy na gamit rito sa pagpapatayo. Kumatok ako ng ilang beses at may lumabas na isang babae.

"Tiya Hara! batid ko ho sanang makita si Kwiin Moon, nariyaan po ba siya?" katanungan ko rito kaagad. Biglang lumungkot ang mukha nito.

"pasok ka iho, batid kong malayo ang iyong byahe." sabi nito at pinapasok ako sa loob ng kanilang bahay.

"musta na ho? at nasaan si Kwiin?" tanong ko, naging malungkot ang mukha nito. kinakabahan ako kung anong meroon.

"bakit ho?" sabi ko.

"hindi ko inaasahang pupunta ka uli rito iho, labis ko sanang sabihin ang totoo noon pero ngayon, ngayon ko lang sasabihin saiyo na-" umiyak ito hindi ko alam kung bakit.

"tahan na ho Tiya, ano po bang meron?" sabi ko

"wala na siya, Lexus. Patay na ang pamangkin kong si Kwiin. Noong nakaraang taon lang siya namatay sa sakit sa dugo. Hindi naagapan kaya nagluksa kami. Hindi ko inaasahan na pupunta ka para sakaniya" sabi niya sakin, natahimik ako sa sinabi ni Tiya Hara hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Hindi ko ho alam ang sasabihin ngunit ito ho, bagong bigay na liham niya ito saakin. imposibleng wala na siya, sino naman ho ang gagamit ng kaniyang pangalan? sino ang gumawa ng liham na ito?" naguguluhang pagkakasabi ko, tinignan niya ang sulat at binasa.

"hindi ko alam, sa pagkakaalam ko ay matagal ng patay ang aking pamangkin. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling iho, wala akong kinalaman riyan." sabi nito.

Nagpaalam din ako kaagad kay Tiya Hara, hindi na ko nagtagal ruon dahil hindi ko kinaya ang sakit. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tiya na wala na si Kwiin. Ilang oras akong nasa byahe ay nakauwi na rin ako kaagad, kumatok ako ng umiiyak ng hindi ko mapigilan ang aking mga luha na patak ng patak.

"anong nangyare iho? bakit ka umiiyak aking anak?" tanong ng aking ina, pinapasok niya ako sa loob at dumeretso kami saaking silid.

Sinabi ko ang lahat ng nalalaman ko, nagulat si Ina sa mga pinagsasabi ko. Kahit ako rin ay hindi ko alam ang nangyare bakit biglaan? noon pang patay na si Kwiin, hindi ko alam na nangyare pala iyon sakaniya. Wala na ang aking irog. Minahal ko ito, nakakapagtaka na may nagpapadala ng liham saakin ngunit patay na ang nagpapadala ngiham ng mga iyon hindi ko alam kung sino. Ayoko na muling umibig pa, Ang Aking Irog na lamang ang gusto ko.

Binibining Kwiin Moon, ang aking irog. Sana ay masaya ka kung san ka mab naroroon, bakit ngayon lang napadala lahat ng sulat mo? bakit? hindi ko malaman kung kanino nanggaling iyon. Ngunit hindi ko matanggap na wala ka na, gusto ko sanang ika'y mahagkan man lang kahit sandali. Labis kitang minahal. Hindi ka man lang nagpaalam saakin. Bakit ganito? Aking Irog, iniibig kita noon pa at mapag-hanggang ngayon.

KATAPUSAN NG KWENTO