webnovel

Ruined Heart

Hindi ginusto ni Maureen ang mahulog sa amo niyang si Zeus, ngunit nangyari pa rin. Ang hindi niya alam, pasakit pala ang aabutin niya sa pagkahumaling sa mayamang katulad nito. Matapos ang ilang taon, may himalang darating sa kanya na makakapagpabago ng buhay niya. Ang akala niya'y maayos na niyang mundo'y guguluhing muli ng unang lalaking minahal. Hahayaan ba niyang makapasok itong muli sa kanyang buhay at pati na sa kanyang puso?

elysha_jane · Teen
Not enough ratings
60 Chs

Kabanata 51

Chapter theme song : Akin Ka Na Lang (cover) by Erik Santos

Kabanata 51

Nagtatagis ang mga bagang ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Naghahalo-halo na kasi ang mga emosyon ko sa loob ko. At hindi ko rin mawari kung ano'ng gagawin; sasampalin ko ba siya o lalayas na lang ako dito? Kasi. . . hindi ko na yata kaya ang sakit.

Sa totoo nga, nararamdaman ko nang tutulo na ang mga luha ko anumang sandali, pero pilit kong pinipigilan. Kailangan kong maging matatag. Hindi ko hahayaang magmukha na naman akong kaawa-awa sa harapan nila.

"K-Kuya..." Mula sa akin ay bumaling si Zeus kay Apollo na nakayuko na noon. "Ano 'to?"

"Zeus, sorry, pero hindi ko na kayang i-tolerate ang kalokohang 'to. Alam mo ang nararamdaman ko para kay Maureen. Sa tingin mo ba, hahayaan ko na lang na ganunin n'yo siya?" mahinahon ngunit may pagkamariing paliwanag sa kanya ni Apollo.

Nang mga sandaling 'yon ay nabigo ako sa pagpigil ng luha ko. Tumulo na ang luha ko sa pisngi ko, pero nang maramdaman ko 'yon, kaagad ko ring pinunasan. Pagkatapos ay humugot ako ng malalim na hininga at saka nagsalita.

"Zeus. . .bakit? Anong kasalanan ko? Bakit ginawa mo sa'kin 'to?" nanlulumong tanong ko sa kanya. Nakikita ko naman sa gilid ng mga mata ko na nakatingin sa akin ang barista ni Apollo. Siguro sa mga oras na 'yon ay awang-awa siya sa kalagayan ko.

Nasapo naman ni Zeus ang noo at saka napailing. Matapos ay tinignan ako nang diretso sa mga mata. Nakikita ko naman sa kanya ang awa, pero hindi rin no'n maiaalis sa akin ang mga narinig ko kanina. Naglamat na ang mga salita niya sa puso ko, e.

"Maureen, wala kang kasalanan, okay? We just. . . Wala lang kaming choice!" giit niya na halatang nahihirapang ipaliwanag sa'kin ang lahat.

"Pero bakit?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong taasan ang boses ko noon. Sadyang 'di ko na makayanan ang galit at inis ko sa kanilang dalawa. Pinaglaruan nila ako!

"Kasi—Kasi 'di ko rin alam ang gagawin! Dahil sa issue na 'yon—yung bwisit na isyung 'yon— nagulo ang lahat!"

Napaawang na lang ang mga labi ko nang tapatan niya ang taas ng boses ko kanina. Na para bang ako pa itong may kasalanan. Pero dahil wala naman akong maisagot, nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Gusto lang naman kasi kitang kausapin no'n kasi sabi ni Kuya—" Napatingin pa siya saglit kay Apollo bago muling tumingin sa'kin at magpatuloy. "Kailangan mo raw malaman ang lahat. At pagkatapos no'n, liligawan ka raw niya 'pag okay ka na."

Sa pagkakataong 'yon ay ako naman ang napasapo ng noo at napailing. Naramdaman ko namang umagos muli ang luha ko, pero wala na akong pakialam. Nawalan na rin ako ng lakas na punasan 'yon. Kahit pa nga ang sipon kong nagbabadya na ring tumulo. Para bang namanhid ang buo kong katawan dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko.

"Kaya nga ginawan ko ng paraan 'yon! Kasi ayoko na sanang ma-involve na naman sa'yo o sa buhay mo!" giit ko sa kanya.

"Can't you see, Maureen? It's not that easy! Siguro ikaw nalusutan mo 'yon, pero kami? Lalo lang dumami ang chismis sa'min at 'di ko naman kayang mabunyag agad ang sikreto ko! Hindi ko pa kaya!" paliwanag pa niya, pero muli lang akong napailing.

"Alam mo, Zeus? Ang selfish n'yong dalawa! Mga duwag! Handa kayong sumira ng buhay ng iba para lang sa sikreto n'yo!" sumbat ko habang dinuduro-duro ko pa sila.

Napasuklay pa ako ng buhok ko at napahagulgol. Ang dami kong gustong sabihin, pero halos hindi na ako makahinga. Nagbabara ang ilong ko dahil sa sipon habang naninikip naman ang dibdib ko. Panay na nga ang singhap ko para lang makalanghap ng hangin.

"Maureen, I'm sorry! I really am! Pero sana intindihin mo rin naman kaming dalawa. . ." pakiusap pa sa'kin ni Zeus. Halata na rin ang pagkagaralgal ng boses niya, pero napailing lang ako habang nakayuko at nakahawak pa rin sa buhok ko.

Ang daya naman nilang dalawa. Pagkatapos nila 'kong gaguhin at saktan, gusto pa nilang intindihin ko sila? Sila ba, inisip nila 'yung nararamdaman ko no'ng pinlano nila ang lahat? Hindi naman, 'di ba? Kaya ano'ng karapatan nila na humingi sa'kin ng pasensya ngayon? Hindi ako papayag! Hindi ko sila mapapatawad.

Nang bahagyang humupa ang luha ko ay napapunas ako ng ilong kong puro sipon na. Pagkatapos ay muli ko silang hinarap.

"Sorry? Wala nang magagawa 'yang sorry n'yo, e! Alam n'yo, hangga't ganyan kayo, hindi kayo magiging masaya. Tsaka pwede ba? 'Wag n'yo sabihin sa'king wala kayong choice! Kasi pinili n'yo ngang saktan ako, e!" nagpupuyos sa galit na sigaw ko sa kanilang dalawa. Pagkatapos masabi ang lahat nang 'yon ay panay ang pagbuga ko ng malalalim na hininga dahil sa sumisikip na naman ang dibdib ko.

"Okay. Fine," saad naman niya. "Hindi naman importante sa'kin kung patatawarin mo 'ko o hindi, e. I've apologized and that's all I could do."

Mahihinang hikbi lang naman ang naisagot ko sa kanya. Nangingibabaw na naman sa'kin ngayon ang galit dahil ang titindi talaga nila. Pa'no nila nagagawang umakto sa'kin nang ganito gayong ang laki ng kasalanan nila sa'kin?

Nanlulumo na lang ako nang panoorin ko kung pa'no niya hawakan ang kamay ni Raymond habang masama ang tingin sa akin.

"Let's go, Babe," sabi pa niya at hinila si Raymond palabas ng bar ni Apollo.

Doon na ako lalong nanghina. Nasapo ko na lamang ang buong mukha ko habang walang tigil ang paghagulgol nang malakas. Nararamdaman ko ring basang-basa na ang pisngi at leeg ko, pero nang mga sandaling 'yon, wala na akong pakialam sa kahit ano. Kahit pa nga alam kong may ilang pares ng mga mata ang nakatanaw sa'kin habang ginagawa ko 'yon.

Mayamaya ay naramdaman kong may mga bisig na kumulong sa akin. Hindi ko na kailangan pang tumingin para malaman kung sino 'yon. Of course, it was Apollo.

"Maureen. . ." Yon lang ang tanging nasabi niya habang yakap-yakap ako. Isang singhot lang naman ang naisagot ko.

"I-Iuwi mo na 'ko. G-Gusto ko nang umuwi. . ." garalgal na pakiusap ko sa kanya.

"M-Maureen—

"Please. . . Please just take me home!" pagpupumilit ko pa.

"But you haven't eaten yet! And you need a rest," giit naman niya. Nang sabihin ang huling pangungusap ay bahagyang huminahon ang boses niya.

"Pwede siyang mag-stay sa hotel," pagsali naman ni Marquita sa usapan namin. "Uh, If you want, ako na rin ang mag-o-order ng dinner."

Napaangat naman ang tingin ko sa kanya dahil doon. Magkatabi pa rin sila ni Clinton at parehas silang nakatingin sa'kin. I suddenly remembered the first time I saw her. Sabi ko no'n mukha siyang anghel, but things happened at naiba ang tingin ko sa kanya.

But this night. . . she has proved me she really was an angel. And all this time, masyado ko lang siyang na-misjudge dahil sa mga nangyari noon. Mukhang hindi lang pala ako ang nagbago.

Napangiti ako nang tipid. Ngayon ay parang hindi ako makaharap sa kanya matapos ang lahat ng pinagsasabi ko kanina.

"M-Marquita, I'm—" Napalunok pa ako. "I'm sorry."

Napangiti naman siya nang marinig 'yon. "I can't blame you. Lahat naman kayo tingin sa'kin mataray. Palaban. Really, hindi na issue sa'kin 'yan. Besides, naiintindihan naman kita."

"Gelly would be so happy if she heard what you said. You're already a grown up lady," pagpuri naman ni Clint sa kanya sabay tawa pa.

Tinaasan niya lang ito ng kilay sabay ngiti. I don't know their relation with each other, pero hindi ito ang tamang oras para alamin ko 'yon.

"Shall we?" tanong naman ni Apollo kaya napatingin ako sa kanya.

Tumangon naman ako. "Yeah. Let's go. Mahaba pa ang byahe."

"No, I mean sa hotel nila Marquita," pagkaklaro naman niya.

"Sige na, Maureen. You need to eat, kahit alam naming lahat na wala kang gana ngayon," segunda pa ni Marquita.

Dahil medyo matamlay na rin naman ako ay 'di na ako nakatanggi pa sa kanila. Tumango-tango na lang ako at hinayaan ko na lamang na akayin ako ni Apollo palabas ng bar niya. Kusang-loob na rin akong pumasok sa kotse niya para maihatid ako sa hotel nila Marquita.

Pagdating doon sa hotel ay alam na kaagad ng mga staff ang gagawin. From what I've heard habang kausap sila ni Apollo, naitawag na sa kanila ni Marquita ang gagawin. Kaya naman kaagad din nilang ibinigay sa amin ang key card ng kwartong ipapahiram sa akin ni Marquita.

Tahimik na lang akong napaupo sa dulo ng kama nang pumasok kami. Si Apollo pa ang nagbukas ng ilaw dahil 'di ko na naisipang buksan 'yon. Umupo naman siya sa upuan na malapit sa akin. Kahit ramdam ko ang tingin niya sa'kin hindi na lang ako nagsalita at patuloy lang na yumuko.

"Sorry. . ." sambit niya.

Kunot-noong napatingin ako sa kanya. "Ba't ka nagso-sorry?"

"Sorry because I let this happen. Sana no'ng pa lang, sinabi ko na sa'yo. Kaso baka hindi ka naman kasi maniwala, e." Pumeke pa siya ng tawa.

Napabuntong-hininga naman ako at sumagot, "Dapat nga mag-thank you pa 'ko sa'yo, e. Kasi kung 'di mo ginawa 'to, baka hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako."

"Kahit sino naman yatang lalaki gagawin 'yon para sa babaeng gusto nila," sagot pa niya.

"Sorry din kasi akala ko kayo pa ni Marquita ang masama."

"Di na ako nagulat do'n. Simula no'ng mangyari 'yung issue na 'yon, halos talikuran na rin kami ni Zeus. Lahat gagawin niya para sa gagong 'yon."

"Gano'n siguro talaga kapag mahal mo 'yung isang tao. Kita mo nga ako. Ang katangahan ko lang, maling tao 'yung minahal ko," may bahid ng pait na sambit ko.

"Hindi mo naman nga kasalanan."

Napailing naman ako. Kasalanan ko rin naman kasi talaga, e. Noon pa man, kasalanan ko na. I should've stopped myself from loving him. Alam ko naman noon na imposibleng maging akin siya, e. Pero sumige pa rin ako, at 'yun nga. My life had been a mess.

Tapos ngayong okay na ulit ang buhay ko, nagpakatanga na naman ako. Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong mahumaling sa kanya. Kaya eto, wasak na naman ako. Ang careless ko kasi, e. Nagtiwala ako kaagad.

"Alam mo natatawa ako sa sarili ko," panimula ko matapos ang mahaba-habang pag-iisip. "Sobrang nagbago na ang buhay ko. In fact, it felt like everything has changed. Pero 'yung puso ko—" Napangiti ako nang mapait kasabay ng pagtulo ng maliit na butil ng luha ko. "Hindi na yata natuto."

Tumayo naman siya sa kinauupuan niya para makalapit sa akin. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa lumuhod siya sa harapan ko. Ang mga mata niya ay nagsusumigaw ng pagmamahal at pag-aaruga—isang bagay na kahit kailan ay hindi ko man lang binigyan ng halaga.

Hinagilap niya ang dalawang kamay ko at masuyong hinawakan, habang nakatingin pa rin sa akin.

"Maureen, don't blame your heart. Loving a person is never wrong. What I considered wrong is hurting other people. Kaya sa sitwasyon na 'to, sila ang mali. Hindi ikaw," sinserong pag-aalo niya sa akin.

Hindi naman na ako nakasagot. Kasabay din kasi noon ang pagtunog ng pinto at ang pagpasok ni Marquita na may dalang pagkain na naka-tupperware pa.

"Oh, sorry! Wrong timing ba 'ko?" tanong niya sa amin, kaya mabilis na humiwalay sa akin si Apollo at sinalubong siya.

"It's fine," sagot ni Apollo sabay kuha ng tupperware sa kanya. "Thank you for these."

"It's okay! Sa'yo ko naman icha-charge 'yan—joke!" Tumawa pa nang bahagya si Marquita.

"Siraulo ka talagang bata ka," komento naman ni Apollo.

Napaismid lang naman si Marquita pagkatapos ay napatingin sa akin. "Uy, a? Alis na 'ko."

Sabay naman kaming napatango ni Apollo.

"Oy, nga pala, sabihin mo sa Kuya Clint mo, siya muna bahala do'n sa bar, a?" pahabol namang bilin ni Apollo.

"Oh sure! Bye!" Yon lang at lumabas na nang tuluyan si Marquita.

Si Apollo naman ay hinila papalapit sa'kin ang mesang naroon. Tsaka niya ilinapag doon ang tupperware na dala ni Marquita kanina.

"Oh, kain ka na," pag-aya niya sa'kin

"E, ikaw?" nag-aalalang tanong ko naman.

Napangiti naman siya sa akin. "Okay lang ako."

"Pwede naman siguro tayong maghati dito sa—" Natigilan ako nang makita ang nasa isang tupperware. "A-Adobong pusit n-na may puso ng saging?"

Natawa siya kaya nagsilabasan ang mapuputi niyang mga ngipin.

"I told you, I'm a fan. Kaya alam kong 'yan ang favorite mo," paliwanag naman niya sa'kin.

Napaawang naman ang mga labi ko dahil sa pagkamangha sa kanya. I didn't know he really knew me that much!

"Hmm? Bakit 'di ka pa kumain?" tanong naman niya.

Napailing na lang ako at sinimulan nang kumain. Sa kalagitnaan naman ng pagkain ko ay bigla na lamang rumehistro sa isip ko si Itay. Kung sinunod ko lang sana siya no'ng bata pa ako, hindi sana nagkaganito ang lahat. Hindi sana 'ko nahulog nang sobra kay Zeus.

Napangiti na lang ako nang mapait. Tay, kung nabubuhay ka pa kaya, magagalit ka dahil sa katangahan ko? Pero siguro, kagaya ni Apollo, dadamayan mo rin ako. Hay. . . Itay, wala nang mas sasarap pa sa adobong pusit mo.

"Sandali lang, a? Bibili muna 'ko ng maiinom mo. Si Marquita talaga," naiiling na sabi ni Apollo. Noon ko lang din na-realize na walang biniling panulak si Marquita.

"Sige lang," sabi ko naman at ngumiti.

Nang lumabas si Apollo ng kwartong 'yon ay napakapa na lang ako sa leeg ko malapit sa dibdib. Nahawakan ko kaagad ang malamig na metal na nandoon. Kaya pala. . . Kaya pala isinuot kong muli ang kwintas na bigay sa'kin noon ni Itay. Kahit papaano, kahit gaano kasakit ang pinagdadaanan ko ngayon, pakiramdam ko'y nakakuha pa rin ako ng lakas.

Kusa namang bumalik sa isipan ko ang alaala namin noon ni Itay bago siya mawala. Kahit papaan, masaya naman ako dahil kahit sa huling sandali ng buhay niya, wala siyang ginawa kung hindi ang iparamdam sa'kin na mahal na mahal niya ako. Siguro nga, wala nang lalaki ang makakapantay pa sa pagmamahal niyang 'yon sa akin.

Ngunit kasabay din ng pagbalik ko sa mga alaalang 'yon ay ang pagsagi rin sa isip ko ng mga nakalipas na sandali sa pagitan namin ni Zeus. Para namang nadudurog ang puso ko nang mapagtanto kong ilusyon lang pala ang lahat nang 'yon. Akala ko pa naman totoong may pagmamahalang namagitan sa'ming dalawa. All these years, palabas lang pala 'yon?

Parang pinilipit ang puso ko habang iniisip 'yon. Ayoko nang balikan pa, pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo sa isip ko. At unti-unti, muli na namang nagpatihulog ang mga luha ko padulas sa pisngi at leeg ko. Panay ang punas ko ng mga 'yon, pero panay din ang pagtulo nila.

"Maureen, oh—Maureen? Umiiyak ka na naman?" gulat na tanong ni Apollo nang madatnan ako sa ganoong kondisyon.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko sa 'di ko na malaman kung pang-ilang pagkakataon.

"S-Sorry," sabi ko na lang sa kanya.

"No, don't be," sabi niya at lumapit pa sa akin para marahang hagurin ang likuran ko. Matapos ay iniabot naman niya sa'kin ang isang bote ng tubig. "Oh, inom ka muna."

Tinanggap ko naman iyon at dali-daling uminom. Sa paghagod ng maligamgam na tubig sa'king lalamunan ay nabawasan kahit papaano ang bigat sa pakiramdam ko. Kahit bahagya ay naginhawaan naman ako, pero may kirot pa rin sa dibdib ko.

"Apollo, k-kailan pa siya naging b-bakla?" pabulong na tanong ko naman habang nakatingin sa kawalan.

"Gusto mo talagang alamin lahat?" mahinang tanong niya na parang tinatapatan pa ang pagbulong ko.

Walang imik na tumango ako.

"Kahit masakit?" tanong pa niya at muli ay marahan akong tumango. Kasunod naman no'n ay nadinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Naghintay naman ako hanggang sa handa na siyang magkwento.

"Sabi sami ni Zeus, noon pa lang, pakiramdam niya may mali na sa kanya. Itinago niya, kasi mataas ang expectations ng mga kamag-anak namin sa aming dalawa," pagsisimula niya ng kwento niya.

"So noon pa pala. . ." matamlay na saad ko. Pagkatapos ay napakunot naman ang noo ko. "P-Pero bakit gano'n? Ano 'yung nangyari sa'min nila Marquita?"

"Yon nga. No'ng umuwi kami dito, naramdaman agad niyang gusto niya si Blake—"

Napahinto siya sa pagkukwento dahil napasinghap ako. Kaagad din akong napalingon sa kanya at napatanong, "S-Si Blake? All this time si Blake?"

Siya naman ang marahang tumango. "You heard it right. Si Blake."

Napaawang naman ang mga labi ko, pagkatapos ay naisarado ko namang muli. Sa pagkagulat ko ay hindi ko na mahagilap kung ano'ng salita ba ang bibigkasin. Napailing pa ako na para bang ayaw kong paniwalaan ang bagay na 'yon.

"T-This is crazy. . ." hindi makapaniwalang sambit ko at muling napatingin sa kawalan.

"And to be able to forget whatever he was feeling, he tried to like Marquita, but he failed to do so. Hanggang sa naloko na nga, kasi gusto rin ni Blake si Marquita. Because of jealousness, nagawa niyang pagmukhaing gusto niya si Marquita. So that hindi mapopormahan ni Blake si Marquita," pagpapatuloy pa niya.

Tahimik lang naman ako at hindi makapaniwala sa mga naririnig.

"Kaso, ayaw sumuko ni Blake. In the end, nainis lang siya kay Marquita. At dahil takot siyang may makaalam no'n ng sikreto niya, ikaw naman ang kasunod na ginamit niya. Naisip na rin niyang maganda 'yon para layuan siya ni Marquita," pagsasalaysay pa niya.

"Bwisit. Ang saya-saya ko pa naman noon kasi. . . Kasi akala ko. . . A-Akala ko. . . " Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin dahil nauunahan ako ng pagpiyok ko at ng mga luha kong nagbabadya na namang tumulo.

Hanggang sa ilag sandali ay dahan-dahan na namang pumatak ulit ang luha ko mula sa kanang mata ko. At ilang segundo pa'y sumunod naman ang kaliwa kong mata. Nakagat ka na lang din ang labi ko para mapigilan ang paghagulgol ko. Panay na rin ang paglunok ko dahil parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko.

Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na palad ni Apollo na lumapat sa pisngi ko, kung kaya't tuluyan akong napapikit at hinayaan siyang punasan ang luha sa ilalim ng mga mata ko.

"Maureen. . ." bulong niya at unti-unting ginalaw ang mukha ko paharap sa kanya. Nang tuluyan akong maiharap sa kanya ay dinalawang-kamay na niya ang paghawak sa mukha ko. Habang ako ay patuloy pa rin sa pag-iyak habang mariing nakapikit.

Nang magsawa ang mga kamay sa pagpunas ng luha ko ay dumausdos ang mga ito patungo sa balikat ko. Dahil malaya naman na ang ulo ko ay napayuko ako at napakagat sa labi ko. May ilang luha na rin tuloy ang pumatak sa pantalon ni Apollo.

"Ang sakit-sakit, Apollo. . . Ang. . . Ang tanga-tanga ko. . ." hagulgol ko pa habang nakayuko.

Imbis na sumagot ay marahan niya akong hinila papalapit sa kanya. At nang sobrang lapit ko na sa kanya ay hinagkan niya ako nang mahigpit sabay haplos sa likuran ng ulo ko. Wala siyang salitang sinasabi, ngunit pakiramdam ko'y pinaparating niya sa'king hindi ako mag-isa. Dahil nandito lang siya para sa akin.

At dahil kinakailangan ko rin naman ng pagdamay sa mga oras na 'yon, hindi na rin ako nagprotesta pa. Bagkus ay hinayaan ko na lamang ang sariling manghina at umiyak sa dibdib niya. At nang sandaling 'yon. . . Noon lang ako ulit nakaramdam ng yakap na punong-puno ng pagmamahal.

Ngunit alam kong hindi sapat ang init ng yakap na 'yon para mapawi ang pagkabigo ng puso ko.

Itutuloy. . .