webnovel

ROSE'S THORN PHR

Sabi ng iba, life is like a rose daw, full of thorns. Kaya ba ganoon ang peg ng buhay ni Rose Sagrado, isang simpleng dalaga na nagkamaling makadaupang-palad si Thorn Contreras—ang living “tinik” ng buhay niya? Unang pagkikita pa lang nila ng aroganteng binata ay nagdeklara na sila ng World War sa isa’t isa. Kahit ano ang pilit nilang pag-iwas ay laging nagtatagpo ang mga landas nila. Pero parang nagpa-power trip ang tadhana sa kanila dahil isang araw ay bigla na lang tumibok ang puso nila para sa isa’t isa. Kaso, kung kailan naman nagsisimula na silang kilalanin ang isa’t isa at amining nagkakagustuhan na ay saka pa nila nalaman ang masalimuot na nakaraan ng kanilang lolo at lola. Isang nakaraang sisira sa papausbong nilang pag-iibigan. Bigla tuloy naisip ni Rose na sana nga, “life is full of thorns” na lang. Para hindi man maging sila ni Thorn, may iba pa siyang makilalang “tinik” sa buhay niya. Kaso, ang lakas talagang mang-bad trip ng tadhana. Dahil iisang thorn lang pala ang kayang kilalanin ng puso niya… “I don’t know anything about love but I am willing to discover the meaning of love with you. Kung anoman ang maaaring kahinatnan ng gagawin natin ay handa ko iyong tanggapin, makasama lang kita.” All Rights Reserved to Precious Pages Corp.

EX_DE_CALIBRE · Urban
Not enough ratings
24 Chs

CHAPTER TWO

NABABALIW KA NA!"

Paulit ulit na sinasambit ng utak ni Rose ang mga katagang iyon habang nagmamadaling lumabas ng restaurant. The moment she'd slapped him hard on his face, her brain went back to working normal again. Narealize niya kaagad ang kagagahang nagawa niya. Halos hindi makapaniwalang napatitig siya sa kanyang kamay. Talaga bang nasampal niya ito?

Namumula pa ang kamay niya kaya natitiyak niyang hindi ilusyon ang nagawa niyang pananampal kanina. Oo at madalas siyang mambatok ng mga kapatid niya kapag tatamad-tamad ang mga ito sa tuwing inuutusan niya ngunit ni minsan ay hindi pa siya nakakapanakit ng ibang tao—lalo na ng isang taong hindi man lang niya kilala.

"And where do you think you are going?"

Napigil niya ang kanyang paghinga nang marinig ang pagdagundong ng pamilyar na boses na iyon. Tahimik siyang napamura sa sarili habang mas lalong pinag-iigting ang pag-arteng kunwari ay hindi niya narinig ang nagbabantang boses mula sa kanyang likuran.

She hurriedly searched for her mini-truck's keys from her body bag and silently prayed that she was just hallucinating, na hindi talaga siya nito hinabol at wala talaga siya sa lugar na iyon. Si Nicanor ang inutusan niyang magdeliver at hindi siya. Everything was just a nightmare!

"You think I'd let you go away just like that?"

Mas lalo niyang binilisan ang paghahanap ng susi sa napakagulong bag niya. Leche! Bakit kung kailan kailangang-kailangan niyang makaalis agad ay tsaka naman ayaw magpakita ng badtrip na susing iyon sa kanya? Ayaw niyang lumingon, ayaw niyang isipin na papalapit na ito sa kanya at mas lalong ayaw niyang pansinin ang panginginig ng buong katawan niya.

"Ano ba kasing katangahan ang nagawa mo, Rosing? Anak ng tokwa kang babae ka naman kasi eh, pinapairal ang init ng ulo! Kapag ikaw pinilipit ang kamay mamaya, magdusa ka! Magdurusa ka talaga!" natatarantang sikmat ng utak niya.

Halos takbuhin na niya ang mini-truck niya. Napa-super saiyan four na siya sa pagtakas pero mukhang nag-teleport naman si Thorn sa paghabol sa kanya.

"The brave rose warrior, suddenly got cold feet?" nang-uuyam na anang lalaki.

Nang tuluyang bumagsak sa sementadong sahig ng parking lot ang susing kanina pa niya hinahanap ay nanggagalaiti siyang napaharap sa lalaki. Upang mapasinghap lamang pala dahil nalaman niyang sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya. Napalunok tuloy siya ng `di oras.

"S-sino'ng naduduwag?" kunwa'y asik niya.

"Malamang ikaw, alangan namang ako?" bruskong sagot nito. "Sino ba ang bigla na lang tumakbo matapos manampal ng taong kasing-gwapo ko?" he said through narrowed eyes.

Unti-unting nawawala ang kaba niya. Nahalinhinan iyon ng galit dahil sa nag-uumapaw na kayabangan ng lalaking nasa harapan niya. And for crying out loud, he was literally looking down at her! Hanggang dibdib lang nito ang mukha niya kaya nakatingala siya rito.

"Libro ka ba? Ang kapal mo kasi eh," ganting-asik niya. "Ilang pages ka ba, ha?"

"Hindi mo ba ako kilala?"

Mas lalong nananalim ang kanina pa nananalim na mga mata nito. His eyes almost formed a thin line. His hindi-mo-ba-ako-kilala-line made her anger boil a notch higher. Isa sa pinaka-ayaw niyang tao ay iyong mga mayayabang. And she so hated that line.

Linya kasi iyon nga mga mayayabang na taong may mataas na katungkulan o mataas na estado sa buhay na hobby ang mangmaliit ng kapwa nila.She clenched her fists. Nagawa na rin naman niyang pasukin ang gusot na iyon ay ito-todo na niya.

"Hindi ko kasi kinikilala ang mga taong wala namang kwenta," she smiled haughtily.

"Alam mo ba'ng wala pang nakakapagsalita ng ganyan sa `kin sa buong buhay ko? Not even a single soul tried because they know who Thorn is. And nobody messes with Thorn!" he hissed, halatang napikon na. His flawless face flushed with anger.

"Wooo. I'm scared," nakakalokong asar niya. Dahil sa pagkapikon nito ay lalong nawala ang takot niya rito. Her spirit grew alive. "Bagay sa `yo ang pangalan mo. Thorn kamo? Mukha ngang matitinik sa `yo ang mga tao dahil napakatalas mong magsalita!"

"You witch!" sa isang iglap ay nagawa siya nitong itulak pasandal sa gilid ng mini-truck niya at naikulong sa mga bisig nitong napasandal din doon. "Talaga bang inaasar mo ako?"

"Bakit, naaasar ka na?" Matapang niyang sinalubong ang nag-aapoy nitong tingin.

Kahit na sa loob loob niya ay halos mapatalon siya sa gulat dahil sa ginawa nito. Naidalangin niyang sana'y magkaroon ng ipu-ipo at biglang tangayin ang mayabang na lalaki para makaalis na siya. Hindi niya kaya ang lakas ng epekto nito sa kanya.

Parang nagwawalang asong ulol ang puso niya dahil sa pagkakalapit nilang iyon. Hindi ba nito alam na virgin pa siya? Laging may imaginary meter stick na nakapagitan sa kanya at sa kung sinumang lalaking nagtatakang makalapit sa kanya. Tapos ito, kung makalapit parang tuko!

"Talaga bang matapang ka?" angil nito. The way his eyes dilated when he glared at her, natitiyak niyang mas lalo nitong ikinainis ang pagpalag niya.

��Lola ko si Gabriela Silang at nagmana ako sa kanya," sarkastikong angil niya. Nagawa niya pang ngumisi ng nakakaloko nang lalo itong pamulahan ng mukha dahil sa inis.

"Pwes, Lolo ko si Hitler at ako ang reincarnation niya!"

"So? Hindi close ang lola ko sa lolo mo."

"Inuubos mo ang pasensya ko!" he hissed, halos pumutok na ang mga ugat nito sa leeg sa sobrang inis sa mga banat niya.

"Ang tagal ngang maubos eh. Bakit mo ba ako hinabol? Gusto mo pa ng sampal?" nakakalokong singhal niya. Kung nauubusan na ito ng pasensya, pwes, gano'n din siya rito!

"I'm gonna make you pay for making me look so stupid back there!"

"Paano mo ako gagantihan, aber?"

Lihim niyang kinastigo ang sarili nang biglang nanulas sa mga labi niya ang nakakatakot na katanungang iyon. Paano kung ipasalvage siya nito? Mukha pa naman itong villain sa mga pelikula, iyong tipo ng taong kayang magpapatay ng kapwa. Nangikig siya sa takot.

"Paano mo ba gusto?" nakakaliyong tanong nito.

"H-hindi mo naman ako dapat gantihan eh. Ikaw ang naunang nagkasala, gumanti lang ako." She shivered. Hindi na niya napigilan ang sariling mapasinghap nang lantaran nitong padapuin ang nagbabagang tingin nito sa mga labi niya. Dagli siyang pinamulahan ng mukha.

"I see, kapareho ka rin pala ng mga normal na babaeng mahilig umasa na ang laging parusa ng mga lalaki kapag nagkasala kayo ay halik," iling nito, obviously disgusted.

"H-ha? H-hindi ah! Ang kapal naman ng mukha mo!" natatarantang iling niya.

"Hindi ba't ganon naman iyon? Akala ninyo ay walang lalaking pumapatol sa mga babaeng kagaya mo?" naghahamong tanong nito.

Uh-oh. Parang mas gusto niya yatang magpahalik na lang rito kesa ang matikman ang bangis ng kamao nito sakali mang maisipan nitong saktan siya para lang makaganti sa kanya. Isa pa, look at the brighter side na lang. Mukha namang mabango ang hininga nito.

Tapos ay mukha ring malambot ang mga labi nito. Ngunit niyang nakinita ang nakakalokong ngisi nito. Natitiyak niyang katakut-takot na pang-aasar ang aabutin nito kapag nagtagumpay itong halikan siya. Mabilis niyang ikiniling ang kanyang ulo. Tsaka hindi niya pwedeng ibigay rito ang first kiss niya dahil si Bailey lang ang may karapatang kumuha niyon! Ano ito, sinuswerte? Virgin pa kaya ang lips niya!

"I see, hindi ka takot sakali mang pilipitin ko ang leeg mo ngayon pero natatakot kang bigla na lang kitang halikan ngayon?" iritableng angil nito. "Iniinsulto mo ba ako?" he growled.

Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang paghapit nito sa katawan niya. Napasinghap siya nang may maramdaman siyang kakaiba malapit sa tiyan niya. Awtomatiko siyang napatingin doon. Then she realized that it was his…her jaw dropped.

"Hindi lang ako ang galit, pati iyong alaga ko, ginalit mo rin," ngisi nito.

Pakiramdam niya ay sinilaban ang buong mukha niya nang marinig niya ang tinuran nito. Pinagtatawanan ba siya nito? Lalo niyang ikinainis ang kakaibang reaksyon ng katawan niya sa panunudyo nito. Inis na itinulak niya ito palayo. Ngunit ni hindi man lang ito natinag.

"L-lumayas ka nga sa harapan ko!" she hissed. "Ano, ba? Lumayo ka sabi sa akin eh!" pilit siyang pumiksi kahit pa wala naman siya halos magawa dahil tila bakal ang katawan nitong nakaharang sa katawan niya. "Kapag hindi ka pa rin umalis, sisigaw ako!" banta niya.

"Baka nakalilimutan mong bihira ang napapagawi rito sa parking lot dahil may valet namang naghahatid ng sasakyan ng mga guest dito? Isa pa, gabi na," nakakalokong dagdag nito.

Nanayo ang mga balahibo niya sa batok. "Kahit na! S-sisigaw talaga ako!" banta niya.

"Then, I will kiss you to shut you up. Iyon ang gusto mong mangyari hindi ba?"

Napaawang ang mga labi niya. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa napakayabang nitong mukha. Ang sarap nitong tadyakan! "Ang kapal mo talaga!" she shrieked.

"Your flushed face says it all, lady. You can't deny the excitement that is written all over your face." He slowly lowered his face down to hers. "You like this?" he whispered huskily. Marahan nitong pinaglandas ang isang kamay nito sa kanyang mukha.

Nanuyo ang lalamunan niya dahil sa ginawa nito. And when his thumb stopped right at her throat and massaged her there, pakiramdam niya ay hinigop ng haplos nito ang lahat ng lakas ng tuhod niya. She trembled and almost fell down. Napalunok siya ng ilang beses.

Amoy na amoy niya ang pinaghalong minty scent na marahil ay nagmula sa ginamit nitong toothpaste o mouthwash kanina at ang matapang na amoy ng ininom nitong alak. Napatitig siya sa namumula nitong mga labi.

Waah! Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya? Parang may mga halimaw na nagha-harlem shake sa loob ng dibdib niya! What's happening to her?

"Y-you can't kiss me," bulong niya.

"Why not?" he stopped, just an inch away from her lips. Hinuli nito ang mga mata niya at tsaka tinitigan siya ng matiim. His hot breath fanned right exactly at her parted lips. Torture!

Dammit! Malapit na siyang bumigay sa panunukso nito. Oh hindi! Kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi nito makuha ang first kiss niya. Para kay Baileys lang iyon.

"D-dahil…" aniya habang nag-iisip ng palusot.

"Hmmm?" ngisi nito.

Napapikit siya. "Dahil, tatlong linggo na akong hindi nagtu-toothbrush. Puro bukbok din ang ngipin ko. Amoy durian ang bunganga ko at nangangagat ako ng dila!" bulalas niya.

May ilang segundo rin itong natigilan at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya—particular na sa kanyang nanginginig na mga labi. She nervously bit her lower lip.

"We'll see about that." His left hand snaked around her nape, while the other held her small waist firmly. "Sige nga, kagatin mo ang dila ko."

And in an insant, sakop na ng mga labi nito ang nangangatal niyang mga labi.