webnovel

RION aka Jaguar (Complete)

Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviegjo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing everything to avoid her for many reasons including his traumatic past and secret night job...

Royal_Esbree · Teen
Not enough ratings
67 Chs

Suspicions and Revelations

Moi's POV

Hinubad ko ang suot kong coat at pinaluwagan ang necktie.

Tek! Kasakal! I drummed my fingers on the steering wheel and waited for eternity.....

Woosh! Kaya ayokong magbyahe dito sa Manila, ang bigat ng traffic! Nadagdagan pa na dahil ilang oras na lang ay pasko na kaya maraming tao ang nagmamadaling umuwi o humabol bumili ng ihahanda sa Noche Buena mamaya.

Nilingon ko si Rion na natutulog. "Tsss! Ilang oras na akong nagda-drive Rion boy and you're just sleeping your ass there."

Unfair talaga tong taong 'to. Kainis pa dahil siya din ang nag-utos saking mag coat and tie kami. Ewan kung bakit. Basta nya lang ako binitbit sa lakad na 'to.

Nilingon ko siya sa passenger's seat. Nagmukha naman siyang tao sa suit na suot. Pero di pa din maikakailang... mas gwapo ako, hehehe! (^___~)

Bigla siyang nagmulat at lumingon sa'kin. "What are you looking at?"

Syet! Kung magugulatin siguro 'ko baka napapreno ko bigla.

"Nothing." I just grinned.

Sabagay... mabuti na din siguro na laging parang may PMS si Rion at madilim ang ekspresyon ng mukha at nakakatakot tumingin at isnabero. Because that only makes me more gorgeous than him. Bwahahaha!

"Focus on your driving, Moi, at wag mong ipagkumpara ang kagwapuhan natin." balewala niyang sabi at pumikit ulit.

"Tsss! Ba't alam mo ang ginagawa ko?" Me pagka-mind reader ba 'tong lalakeng 'to o me sa maligno?

"Bakit ka pa ba titingin sa kapwa mo lalake? Unless... nababakla ka."

"F*ck you, Rion. Kung di ako nagda-drive nasuntok na kita."

Nagkibit lang siya ng balikat at bumalik sa pagtulog.

Langya talaga 'tong taong to o. Lang kasense-sense of humor. Ako bakla? Ba't lima ang girlfriends ko? At lahat sila masasaya. Huminto na naman ang nasa unahan naming sasakyan. Traffic na naman.

Nilingon ko ulit si Rion. Hmm... daldalin ko kaya para maistorbo?

"Huy, Rion. Bakit mo nga pala 'ko sinama sa misyon na 'to?"

Walang sagot. Base sa paghinga niya, hindi naman siya tulog, nakapikit lang. May tulog bang naka-crossed arms?

Kukulitin ko pa sana siya pero nagbago isip ko. Ang totooo, nagtataka naman talaga 'ko kung bakit sinama niya pa 'ko sa lakad na 'to. Gaano ba kahirap kumuha ng ebidensya sa isang grupo ng mga sindikato? Bakit dalawa pa kami? At isa pa... talaga bang utos 'to ni Uncle Al? Samantalang hindi 'to sakop ng trabaho namin. We're always ordered to execute the badasses not to... get evidences from them. Weird. At ebidensya pa mula sa mga foreign syndicates? Eh mga lokal na sindikato lang ang sakop ng protocol namin. At ngayon lang lumabas ng Norte ang trabaho namin. Weird.

Pero syempre, si Rion lang ang makakasagot ng tanong ko dahil siya ang nagbitbit sa'kin sa trabahong 'to kahit wala akong balak umalis sa bahay ngayong Pasko. Pwera na lang kung gusto niya lang pala 'kong maging driver.

Huminto ulit ang mga sasakyan. Sinulyapan ko siya. Paano ba manggising ng mga taong gising?

Dahan-dahan kong nilapit ang mga kamay ko sa mukha niya. Mahirap na baka maramdaman nya 'ko eh bigwasan pa 'ko.

Plano ko lang namang pindutin ang ilong niya hanggang hindi siya makahinga at magpupumiglas siya na parang isdang sisinghap-singhap. Hahaha! Ano kayang hitsura nya?

Ilalapat ko na lang ang mga kamay ko nang nagmulat siya. Tsss! May sa maligno nga?!

"Anong ginagawa mo?" He just gave me a bored look at pinitik ang daliri ko palayo.

"He-He-He! Wala lang, gusto ko lang malaman kung may kiliti ka sa ilong."

"Wag mo 'kong galitin, Moi. Just drive, okay? Kanina pa bumubusina ang nasa likod natin."

"Opo, father."

Nagmaneho na nga ako at hinanap ang hotel na sinabi niya. Ayon kanina sa katabi kong maligno, ang host ng party ang isa sa mga miyembro ng grupo. Someone named Alexander Wooster. At ito din ang may-ari ng hotel na pagdadausan ng party mayamaya lang.

Ilang minuto na 'kong nagmamaneho at dahil hindi ko ugaling tumahimik...

"Kailangan ba talagang ngayon natin 'to gawin, Rion? Ngayon kung kelan Pasko? Damn! Limang oras na lang pasko na at na-ikompromiso ko na ang alas dose ko!"

Iyan talaga ang kinakayamot ko kanina pa. May naghihintay sa bahay ko eh!

"Yes. Ngayon lang. Dahil babalik na si Mr. Wooster sa Texas bukas. Don't worry, Cinderella, I'll bring you back home before the clock strikes twelve."

"Tsss! With the span of five hours? Pwera na lang kung kukuha tayo ng ebidensya ng sampung minuto, then four hours and fifty minutes drive back home, yeah, makakauwi nga tayo agad." I said with sarcasm.

I heard him sigh. "We'll travel by air, happy? Don't nag me, Cherub, ang sakit mo sa tenga."

Tumahimik naman ako. Saglit. Hindi ko mapigilang bumulong-bulong ng kung anu-ano lang. Just to anger him. Hindi masaya ang grupo naming tatlo kung wala ang poging katulad ko.

Ayun naman pala, siguraduhin lang niya na makakabalik ako bago mag-alas doce.

Lumiko ako papasok sa basement ng hotel na sinabi niya at pinarada ang sasakyan. Minutes later, we're in front of the event hall in the twelfth floor.

Maraming guests na ang nagdadatingan. I even saw politicians and well-known personalities.

"So...what now, Rion boy? Saan tayo papasok?"

"Idiot, of course sa entrance."

"Mas tanga ka, boy! Eh di pinaghinalaan tayo dyan wala nga tayong invita----"

Di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang tinapat niya sa mukha ko ang isang invitation. Hinablot ko agad 'yon at tiningnan.

"It's not fake, huh." I muttered and frowned. "Teka, pano ka nagkaron neto?"

"Mr.Wooster gave me."

"W-What?"

"Come on."

Hinablot niya ang invitation at nauna nang pumasok.

Sh*t! Anong ibig sabihin niya na binigay mismo ng taong iimbestigahan namin ang invitation na 'yon?

Something's wrong here. Rather... something is wrong with Jaguar.

Nakita ko pa ang pagliko ni Rion pakaliwa kaya kumanan ako. I studied the place. Gaya ng inaasahan ko, hindi basta basta ang party. Food was free-flowing and performers were everywhere. Kung hindi ako anak ng socialite, nalula na siguro ako sa karangyaan ng party na to. But what the heck! Puro plastikan at pasikatan lang naman dito. But if you're looking for some b!tches to hook up with for a night, this is the right place.

Pumwesto ako sa bar counter at tahimik na sumimsim ng alak. Penelope Razon, a struggling sexy teen star, sat beside me and gave me a flirty talk a woman could mustered. But I politely refused.

'La kong balak ngayon. Not when I'm in the middle of a job.

Tiningnan ko siyang umalis sa tabi ko at naglakad palayo, sashaying her hips. I smirked.

Gago talaga tong si Rion, ni hindi man lang ako nabigyan kahit isang picture ng taong pinunta namin dito. Which is unusual. Dati bago kami trumabaho, tinitiyak ng team na malalaman namin kahit kaliit-liitang detalye tungkol sa target. And I spend most of my job working with the research group. Ngayon, pano ba 'ko magsisimula nito. I'm so damn clueless.

Pero isa lang ang napansin ko. The kitchen staffs and waiters were all armed. Sa ilalim ng mga suot ay may mga baril na hindi basta mahahalata kung hindi titingnan mabuti o kung hindi mahuhuli sa mga konting pagkilos.

Marahan kong ginagala ang paningin ko sa mezzanine nang mapatingin ako sa isang sulok.

Damn! Rion, you man-whore!

Tarantadong lalake, may kahalikang babae. And the woman's obviously groping him. Naalala ko si Dollar. Binalitaan pa naman niya 'ko na tungkol sa 'masasayang moments' 'daw' nila ng lalakeng 'to. Damn!

Hindi man niya girlfriend ang bestfriend ko pero...damn it! Nagtataksil siya sa 'pagsintang pururot' ng kaibigan ko!

Bago pa'ko makalapit sa kanila ay nagpaalam na ang babae kay Rion bago mag-iwan ng mapang-akit na ngiti.

"What's that?" I asked him through gritted teeth.

"It is what you see, Moi and it was nothing." sagot niya at sumimsim ng alak at namulsa. "She's related to Mr. Wooster. Sometimes, you just need to be an actor to get what you want. Ikaw? Why don't you enjoy the evening? Mahaba pa ang oras."

"Actor, my ass!" Tiningnan ko siya nang masama at saka huminga nang malalim. Tarantado talaga! "So, care to tell me who, among the people here, is Mr. Wooster?"

Rion motioned a direction with his glass on hand. Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya. "The tall man in the corner there doing some adult business with one of his holes."

Napa-ismid ako sa choice of word ni Rion. Holes? Butas lang ba talaga ang mga babae? Napaisip tuloy ako kung ganito din siya ka-rude magsalita kay Dollar. Damn! Mauupakan ko tong lalakeng 'to.

Pinag-aralan ko na lang ang mukha ng tinuro niyang tao. Napailing ako at hindi inalis ang tingin sa matandang abala sa paghagod ng likod ng babaeng kahalikan. "So the theme of the party is fornication, eh." Inubos ko ang laman ng goblet at hinarap si Rion. "So what's the plan? Pano tayo kukuha ng ebidensya? Hindi ba dapat sa opisina o sa suite niya tayo pumunta kesa dito?"

"You're right. I made a reservation here, Moi. Pumunta ka sa suite ko. Katabi niyon ang kay Mr. Wooster." Initsa niya sa'kin ang card.

"And I'll break in to his place?" Pagkumpirma ko.

"No. Just wait me in my suite."

"What?"

"Follow me, Moi. And give me ten minutes, susunod ako."

Sinalubong ko ang titig nya. I don't know. Parang may mali. Pero umalis na din ako sa party at iniwan siya.

Ilang minuto lang at nasa loob na 'ko ng suite ni Rion. I checked every corner and the glass windows.

Five minute's gone. At nakatunganga lang ako dito. Nasa tapat ako ng kama nang mapansin kong tabingi ang mattress niyon. Aayusin ko sana nang maisipan kong itaob ang buong mattress sa sahig.

And I came face to face the shock of my life. D.A.M.N.

Hind solidong kahoy ang bumubuo sa kama. May kwadradong salaming bubog sa pinakagitna niyon at kitang kita ang koleksyon ng mga baril!

S.H.I.T.

Definetly not a collection of riffles and guns for rookies! But for a well-trained sniper! Hindi basta-basta hawakan at ipaputok ang mga ganitong uri ng baril. At hindi rin basta-basta nakakakita ng ganito. I'm sure they're from the black market. O sa mga international arm dealers!

Damnit! Mabilis kong binuksan ang mga kabinet. At merong mga damit ni Rion at ilang personal na gamit at parang matagal na 'tong inookupa. Hindi lang 'to basta suite para sa mga guests!

Alam kong maraming sikreto si Rion... but I'm not expecting for something so foul like this!

Nag-replay sa utak ko ang mga tanong ko kanina. Ngayon ako sigurado na hindi 'to utos ni Uncle. And his passes to the party. Si Mr. Wooster at si Rion....They were allies!

Gaano na katagal na ginagago ni Rion ang grupo namin? At sa grupo pa na katulad ng mga nilalabanan namin? A team who's operating globally?!

I looked at my wristwatch. Saktong sampung minuto na ang lumilipas nang dumating si Rion.

I kept my cool and stared at him straight in the eyes.

"Explain, Jaguar." I commanded. "Oh, is it still Jaguar? Anong code ang gamit mo sa grupong 'to?"

"Wala. And there is nothing to explain. I know your capabilities, Moi. Nilatag ko na lahat sa'yo ang identity ko, ba't kailangan ko pang magsalita."

"Yeah. Pero gusto kong malaman kung bakit mo 'to ginagawa?"

"Bakit ko to ginawa at ginagawa? Sinong nakakaalam at gano na 'to katagal? That's your assignment, Moi. Hindi ko sasagutin, dahil alam kong gagawa ka ng paraan para malaman. Yes, I deceived you, hindi 'to utos ni Uncle Al at walang ebidensyang kailangang kunin. Itanong mo sa'kin Moi ang pinaka-importanteng tanong na naiisip mo... I'll try to answer."

Naglakad ako malapit sa kanya at nakipagsukatan sa kanya ng tingin. "Why did you introduce yourself to me, Rion?"

Matagal siya bago sumagot. And looking straight into his eyes made me see the real meaning of his code, Jaguar. A very silent creature, secretive, solitary and deadly....

"Because I might need your help some time." he answered with a shrug.

At bago pa 'ko makakilos ay natutukan na nya 'ko ng baril. Ilang segundong nanginig ang buo kong katawan dahil sa kuryente.

And then darkness consumed me....

^^^^^^^^

Moi's POV

Nagising ako sa ingay ng mga paputok. Lumingon ako sa bintana at nakita ko sa ibabaw ng kagubatan ang mga ilaw ng paputok. Gubat?

Saka ko napansin na nasa apartment ko na 'ko, wala sa suite na huli kong natandaan.

Tiningnan ko ang wristwatch ko. It showed 12:30 am. Pasko na.

Pero panong nakabalik kami agad ni Rion. Si Rion... Sh*t!

Tangnang tarantadong 'yun! Ginamitan ako ng stun gun.

Mabilis akong bumangon para tawagan sana si Zilv tungkol sa nalaman ko pero napatigil ako sa babaeng nakatayo sa pinto ng kwarto ko.

Damn....

"M-Merry Christmas, Moises." mahina nyang sabi, ngumiti at saka lumabas.

"Wait!" tawag ko pero narinig ko pa ang pagsara ng pinto ng kwarto niya na katabi ng kwartong inuupahan ko.

Naman! May plano pa 'ko sa'yo Gracy...

Tangna ka talaga Rion, sinira mo pasko ko.

Nagbago na ang isip ko na tawagan si Zilv at sa halip ay binuksan ko ang laptop ko. I have to know everything about Mr. Wooster and his team. At pati na rin kay Jaguar.

Clever move, Rion. Naisahan mo ko... But who are you really? And what side are you on?