webnovel

CHAPTER 04:

"Wala ka na bang natira na gamit?" Tanong nito ngayong araw na kasi kami lilipat sa sarili naming bahay.

"Wala na, nalagay ko na lahat" Sagot ko sabay tapik sa dalawang malita ko.

"Let's go" Sabi nito sabay bitbit sa mga gamit ko. I still can't believe dati pangarap ko lang ito but now unti-unti ng natutupad.

Habang na sa byahe ay huminto muna kami saglit para maggrocery wala kasing stock na pagkain duon since ngayon pa lang kami lilipat, pagkatapos namin maggrocery ay pumunta kami sa katabing restaurant medyo nagugutom na Rin kasi ako.

Bandang hapon na ng makarating kami nandito ako ngayon sa kwarto namin inaayos yung mga gamit ko habang siya ay na sa kusina inaayos yung pinamili namin, Ang sarap pala sa pakiramdam yung tipong meron ka ng bahay na mauuwian yung matatawag mo na talaga na 'Home' yung tipong nasasabik ka umuwi agad kasi alam mong may naghihintay sayo sana palageng ganito, yung tipong masaya palage. Pagkatapos kong maiayos ang lahat ng gamit ay bumaba na rin ako, pagkababa ko ay nakahanda na ang meryenda.

" Magmeryenda ka na muna misis" Sabi nito sabay abot ng meryenda na hinanda niya.

"Misis ka diyan, salamat" Sabi ko rito saka kinuha yung inabot niyang pagkaon.

"Bakit ayaw mo ba" Sabi nito saka tinalian ang buhok ko.

"Syempre gusto" Nakangiting tugon ko rito sabay sinubuan.

" Baby na lang ang kulang para maging isang ganap na pamilya na talaga tayo pero bago yun papakasalan muna kita, sa ngayon ikaw muna ang baby ko habang di pa nabubuo Yung magiging baby natin" Malambing na sabi nito habang hinihimas ang tiyan ko hindi ko naman maiwasan mapangiti sa sinabi nito. Minsan makikita mo ang magandang bagay sa hindi inaasahan na pangyayari.

" Pasensya na talaga kayo ha wala na kasi kaming ibang mapagiwanan sa anak namin busy rin kasi si Anna" Sabi ni Shana nakiusap kasi itong bantayan muna namin yung anak nila may importante raw kasi silang lakad mag-asawa.

"Ano ka ba ayos lang naman iyon tsaka wala rin naman kaming ibang gagawin at di naman iba sa akin tong inaanak ko" Sabi ko rito habang nilalaro ang maliit na kamay ni baby Miles.

"Salamat talaga, ohh sya aalis na kami ito pala ang mga gamit niya" Sabi nito sabay abot ng mga gamit ni baby Miles kinuha ko naman ito.

"Magiingat kayo" Sabi ko rito saka ito nagpaalam.Hindi naman problema sa akin ang mag-alaga ng bata dahil may karahasan rin naman ako sa pagaalaga ng bata.

"Hon pwede bang pakihawak muna saglit si baby Miles may kukunin lang ako sa taas" Sabi ko rito kinuha niya naman ito saka ako pumahit pataas. Mayamaya lang ay narinig ko ang pag-iyak ni baby Miles kaya agad akong bumaba.

"I try to stop her but she continue to cry" Sabi nito sa akin pagkababa ko.

" Gutom na siguro" Saad ko sabay kuha kay Miles at pinadede ito good thing dahil may nakahanda na na milk bottle.

"She stop crying now" Sabi nito ng makitang tumigil ito sa pag-iyak.

"Nagugutom na kasi siya kaya umiyak siya kanina" Paliwanag ko rito.

"Ikaw ba misis nagugutom ka na ba?" Tanong nito sa akin at tanging tango lang ang naging tugon ko nagugutom na rin kasi ako.

"Sige, ipagluluto muna kita" Sabi nito at tatayo na sana.

" Ako na ang magluluto, buhatin mo muna si baby" Sabi ko rito kinuha niya naman ito mula sa akin saka ako pumanhik papunta sa kusina para magluto ng pagkain namin.

Pagkatapos kong magluto ay hinanda ko na ito saka pumunta sa sala para yayain ang boyfriend ko ngunit isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi dahil sa nakita ko, nakahiga si Michaell sa malapad na sofa habang nakapatong si baby Miles sa tiyan niya at kapwa silang natutulog seeing this kind of scenery it melts my heart I know he be a good father to our children in the future at sa isipin palang na magkakaroon kami ng anak ay hindi ko na maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko if ever that will happened I'll be the lucky wife and mother to have them.

"Sa tingin mo Hon magiging mabuti kaya akong ama sa magiging anak natin in the future" Sabi nito. Nakahiga kami ngayon sa kwarto habang yakap ang isa't-isa. Sinundo na nila Shana si baby miles kanina.

"Bakit mo naman na sabi?" Tanong ko rito.

" Hindi ko lang maiwasan isipin na baka Hindi ko sila maalagaan ng maayos, baka di ko magawa ng maayos yung responsibilidad ko bilang ama nila" Saad nito hinaplos ko naman ang pisngi nito saka ngumiti.

" I know you will be a good father to our children and I'm here magkasama natin silang aalagaan at palakihin kaya wag kang magalala ok" Sabi ko rito at tanging ngiti lang ang naging tugon nito.

"I love you" Sambit nito habang hinahaplos ang buhok ko.

"I love you too" Nakangiting tugon ko rito.

"But I love you more" Saad nito. Nakatitig lang kami sa isa't-isa ng dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa akin at sa isang iglap lang ay magkadikit na ang aming mga labi, he kiss me gently hanggang sa naging mapusok ito at ang mga kamay nito ay nagsimulang maglikot until it reach my right breast, he massage it gently saka pinaglalaruan ang n*pple ko pareha naming dinama ang mainit na tagpo dulot ng pagmamahal.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa akin ngunit paglingon ko sa tabi ko ay wala na si Michaell kaya bumangon na ako saka pumunta sa cr upang maghilamos pagkatapos ay bumaba na ako, pagkababa ko ay narinig kong may kausap sa phone si Michaell.

"Good morning beautiful" Bati nito pagkakita sa akin katatapos lang nito makipagusap sa ka call niya.

" Good morning, sino yung kausap mo?" Bati at tanong ko rito.

"Ahh, she's just a friend" Sagot nito saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa nuo.

" She, so babae, bakit raw?" Takang tanong ko rito.

"Uuwi raw kasi siya rito sa susunod na araw at nakiusap siyang sundoin ko siya" Paliwanag nito dahilan ng pagtaas ng kilay ko dahil sa sinabi nito.

" Bakit ikaw ang magsusundo wala bang ibang taong pwedeng magsundo sa kaniya?" Tanong ko rito.

"Wala, wala kasi siyang ibang kilala rito bukod sa akin" Sagot nito palihim naman akong napairap.

"Kung ganun bakit pa siya pupunta rito" Saad ko ewan ko ba pero bigla akong na wala sa mood.

" Hey nagseselos ka ba? Don't be jealous she's just a friend tsaka pwede ka namang sumamang sundoin siya" Sabi nito napabuntong hininga na lang ako ewan ko ba pero pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.