webnovel

CHAPTER 4

"IKAW!!" Gulantang na naisatinag nya ng mamukhaan ang lalaking kaninang umaga lang ay namerwisyo sa kanya na syang tuluyang sumira sa sobrang gandang mood nya. Halatang nabigla rin ito ng makita sya.

"Oh, Hi Lady horse!" Bati nito nang makabawi.  Nanlaki ang mga mata nya sa ibinansag nito. Ngumisi ito ng Hindi sya makapagsalita. "Mukhang sinundan mo pa ako rito, ah!" May naglalarong ngisi sa mga mapupulang labi nito. Napalunok sya at na pataas kilay din.

"You Crude! Ang gaspang talaga ng mukha mo para pagsabihan ako ng ganyan! " Hindi makapaniwalang sigaw nya. Lady horse? The fuck!

"At sinundan?! Sino ikaw?! Susundan ko!! In your dreams!!" Pulang pula ang mukhang giit nya.

"Galit ka ba?" Tanong nito na Hindi ba obvious! Taenah talagang kausap ang hambog na lalaking ito. "Eh Bakit namumula ka yata! lady horse?" Nakangising lumapit pa ito na syang Hindi nya inaasahan.

Mas lalo tuloy nanlaki ang kanyang mga mata. Nagtangis rin ang mga bagang nya. Napaatras sya at napatingin sa paligid. Ang mga mata ng mga customer ay nasa kanilang dalawa na nakatuon. Mabilis syang pinanindigan ng balahibo dahil sa hiyang naramdaman.

"Hindi ba si, Xandrina Sandoval iyan? ang lady boss ng SIGC! Woah! Ang Ganda ganda nya talaga sa personal kaya nga hinahangaan ko yan!" Dinig nyang pagmamalaki ng isang babae na syang ikinalunok nya.

"Kyahhhh! Ako rin! Pero Bakit nya sinisigawan si kuyang waiter---my ghad besh ang GWAPO!!" Tili ng isang teenager ng humarap sa mga ito ang lalaking sobrang gaspang ng paguugali! Na syang kaharap nya sa oras na iyon.

"Mukhang pinagsasabihan nya besh! Pero Hindi maitatanging Sobrang gwapo ni kuyang waiter! my ghad! " The other girl giggled. Now the center of attention is goes to, the both of them. Sa puntong iyon ay nababalisa na sya. Bakit ba nya nakalimutang nasa public restaurant sya at sa tulad nyang kilala ng halos karamihan ay malaking disappointment iyon para sa mga tao lalo na kung ang isang gaya nya ay sinisigawan ang isang waiter na sobrang hambog at kapal ng pagmumukha...pero gwapo naman.

Naginit ang mukha nya. "Center of attention ka ngayon lady horse oh?" Pang aasar nito. Ngumiti pa ito sa kanya ng nakakaloko. Bakit ba kasi ang gwapo ng tukmol na 'to. Bullshit!

She needs to stop first. Kahit labag sa pride nya pikit mata na lang nyang gagawin kaysa naman malulung sya sa kahihiyan.

"Kalma, Xandrina." Bulong nya sa sarili at napapikit ng mariin. "Ano bang kailangan mo?" Pilit pinapalumay ang boses na tanong nya rito. Nagmulat sya at nakitang matamang nakatitig ito sa

Kanya.

"What?" Todo pigil na pakitang tao nya. Na napapasulyap sa mga nanonood. "Ah hehehe." Pilit na tawa nya saka binalingan ang taong nasa harapan nya. Kita nya ang pagiling iling nito.

"Ano pa bang tinitingin tingin mo? Asan yung order ko?" Pagliligaw nya. Sumeryoso ito at pinakatitigan syang maigi. Bumaba ang tingin nito sa gilid nya.

Napatingin sya ron at nakitang hawak pa pala nya ang menu. Sa lahat ng kahihiyang nararamdaman nya ngayon ay wala nang mas hihigit pa sa kahihiyang kumakain sa kanya sa puntong iyon. Napakagat labing Kaagad nyang ibinigay ang menu.

"K-kanina mo pa sana sinabi." Utas nya at pabagsak na naupong muli.

Bago ito umalis ay dinig nya ba ang pag "Tss." Nito. Nangangalaiti sya magmula pa kanina. Kating kati ang mga kamay nya at Gustong gusto nya ng manakal.

Malalim syang nagbuntong hininga at binaling na lang ang atensyon sa labas para maligaw sa utak nya ang panggigigil nya sa estranghero pero ubod naman ng gwapong waiter na iyon. Actually, Hindi sya mukhang employee lang dito, parang mas dinaig nya pa ang manager ng restaurant na 'to.

Lumipas ang ilang minuto ay natanawan na naman nya ang pagmumukha nito. Papalapit ito sa table nya dala ang mga in-order nya. Nang makalapit ay inilapag nito ang mga 'yon sa harap nya.

"Here's your order ma'am. Enjoy." Casual nitong saad na kinatitig nya sa pagmumukha nito. Kung makapagsalita ay parang walang nangyaring sagutan sa pagitan nila. Hindi sya makapaniwala habang pinagmamasdan ito, ang katotohanang ang isang tulad nito ang nakakapatama sa kanya ay Hindi nya lubos matanggap.

Lalong lalo na, na isang waiter LANG ito. He's so low compared to her. Damn.

"Tutunganga na lang ba kayo, ma'am?." Sarkastiko nitong tanong. Nagiwas Kaagad sya ng tingin.

"Ano sa tingin mo? Nagorder ba ako, para tumunganga lang!" Inis nyang sagot.

"Pwede rin naman." Saad nito.

"Bullshit!" Mura nya. Nanlilisik ang mga matang tiningala nya ito. "Pwede bang umalis ka na lang sa HARAPAN ko dahil pinagiinit mo lang talaga ang Ulo ko." Mariing asik nya. "Kanina pa ako Nagpipigil kaya Huwag mo na akong sagarin pa dahil Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa yo!" Gigil na banta nya. Natawa lang ito.

Mukhang sayang saya na nakikita syang halos manggigil  na makanakal ng tao.

"Na ano?" Hamon nito. "Sisipain mo ba ulit ako sa tuhod tulad ng ginawa mo sa akin sa daan, miss lady horse?" At pinagdiinan pa ang huling mga salita nya.

"Hindi." Maikling sambit nya. "Dahil Talagang sa Sentro mo na lalanding ang sipa ko." Nanggigigil na itinusok nya ang hawak na tinidor sa meat fry na nakaibabaw sa pastang nasa harapan nya. "Sinisiguro ko yan." Saka

isinubo ang meat fry na nakatusok na sa hawak nyang tinidor.

Nakita nya ang Unti unting pagkawala ng mapanglarong ngisi nito. Bakas din sa mukha nito ang pagkasindak.

Got it. She smiled...fakely. Showing her fAKE sweetest smile.

"Hmm. Masarap." Komento nya sa nginunguya nyang meat fry. Kumindat sya saka inirapan ito. Nang tuluyan na itong makaalis ay Pinagpatuloy nya ang pagkain. Nangingiti dahil nakabawi.

Ano natameme ka! Tss. Tignan natin. Hahahahahaha.

Lady horse pala huh?! Sige!

________

A/N: Don't forget to vote and comment.☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀☀😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘😘☀☀☀☀☀☀